Chapter 15

ZACHARY'S POV

Hindi lahat ng bagay nakukuha natin agad. Minsan kailangan muna natin itong paghirapan bago natin makuha ito. Katulad ng taong gusto mo kailangan mo munang paghirapang ligawan bago mo makuha ang matamis niyang "Oo". Wala naman akong pakielam kung mahirapan man ako sa panliligaw na gagawin ko sa kanya basta ang alam ko matagal ko na siyang gusto at ngayon ko sisimulan ang panliligaw ko.

" Ang lalim ng iniisip natin ah? May problema ka ba tol? " Biglang sulpot ni Zander sa tabi ko. Kahit may pagka loko itong si Zander alam ko na pagdating sa seryosong usapan mas seryoso pa ito sa akin pero hindi lang halata.

" I want to court her! " Inaasahan ko ng aasarin niya ako pero lumipas lang ang ilang minuto wala akong narinig na pang aasar mula sa kanya. Narinig ko ang pag buntong hininga niya na para bang ang lalim ng pinag hugutan niya 'nun.

" Ligawan mo siya kung mahal mo na talaga pero kung hindi mo pa nararamdaman 'yun ay h'wag muna. Mahal mo na ba siya? " Tanong niya sa akin. Napaisip ako sa tanong niyang 'yun. Mahal ko na nga ba siya? Ang alam ko lang kasi masaya ako kapag nakikita ko siya. Kapag nasa malapit siya nagwawala ang puso ko na para bang gusto nitong lumundag ng lumundag. Ang baduy man pero 'yan ang nararamdaman ko e.

" Paano mo ba masasabi na mahal mo na ang isang babae? 'Coz honestly speaking, hindi ko pa naramdaman 'yun at alam mo yan Zander. "

" Malalaman mo nalang na mahal mo na siya kung hindi mo alam ang rason kung bakit nararamdaman mo yan sakanya. Basta ang alam mo lang na mahal mo na siya. Simple as that! " Tumayo na siya at nag patiuna ng lumabas ng Gforce building. Naiwan akong napapaisip sa mga binitawan niyang salita.

***

" Hi Skye, do you mind if i join you here? " Nakangiti kong tanong sa kanya. Tumingin lang siya sa akin pero hindi niya sinagot ang tanong ko kaya naman umupo nalang ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Hindi naman niya ako sinita pero hindi din naman niya ako pinapansin. Awkward! Yan ang pakiramdam ko ngayon. Parang nalunok ko ang dila ko sa mga oras na'to. Pero hindi ako tatayo dito na hindi ko man lang siya nakakausap.

" Gusto mo ba ng food? " Napatingin naman siya sa akin pero hindi parin siya nag sasalita. " Libre kita ng food if okay lang sa'yo. " Mali yata ang nasabi ko dahil bigla niya akong tinaasan ng kilay niya.

" I can buy my own food! Hindi ako pulubi para magpa libre sa'yo. Excuse me! " Agad siyang tumayo at binitbit ang bag niya paalis dun. Wrong moved! May biglang umupo sa upuan na binakante ni Skye. Parang pamilyar ang mukha niya sa akin pero hindi ko matandaan kung magkakilala na ba kami nito dati.

" Hi, i'm Alexa! Payong kaibigan lang, ayaw ni Skye na nililibre siya. Mataas ang pride niya kaya kung gusto mong makuha ang atensyon niya do something different. Mabait naman yan pag nakuha mo ang loob niya. " Alexa? Parang narinig ko na dati ang pangalan niya eh. Wait, siya yung kasamang nerd ni Skye dati nung nagpapanggap pa siyang nerd.

" Ikaw ba yung nerd dati na kasama ni Skye nung nagpapanggap pa siya dati? " Tumango naman si Alexa bilang sagot. Pero ang laki ng pinagbago niya kasi dati sobrang mahiyain siya at halos ayaw nga magsalita nito. Iba talaga ang impact ni Skye sa buhay niya. Nagkaroon narin siya ng self confidence at natuto narin siyang mag-ayos ng sarili niya. Balita ko nga kasama na siya sa Ace Goddesses.

" May gusto ka kay Skye! " Biglang sabi niya.

" What? Paano mo nalaman? " Mang huhula ba siya? Takang tanong ko sa kanya.

" Obvious naman sa mga galaw mo. Kahit dati pa na tinatarayan ka ni Skye patuloy mo parin siyang nilalapitan. Court her if you really love her. Ikaw din, baka maunahan kapa ng iba. Sige, i have to go na. May klase pa ako! Nice meeting you Zach! " Nakaalis na si Alexa pero hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi niya. Ngayon alam ko na kung ano ang dapat kong gawin. I will court her!

Pag dating ko sa classroom namin nandun na sila Zander at Zandro. As usual nakikipag harutan nanaman sa mga classmates naming mga babae. Napadako ang tingin ko kay Skye na kasalukuyang hawak-hawak ang phone niya na tila may tinitingnan dun. Umupo nalang ako sa upuan ko pero di ko parin maalis ang tingin ko kay Skye.

" Baka matunaw na yan dude. " Bulong ni Zandro sa akin. Kanina ko pa kasi di maalis ang tingin ko kay Skye. Sakto naman na tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti ako sa kanya. Biglang nagbawi siya ng tingin nung nginitian ko siya. Napailing na lang ako sa reaksyon niya dahil alam ko naman na dati pa siyang mataray sa akin.

" Ligawan mo na kasi para matapos na yan. Don't tell me natotorpe ka kay Skye? " Siniko ko si Zandro dahil sa sinabi niya.

" Ako? Torpe? Ulol! Humahanap lang ako ng tamang tiyempo. Liligawan ko din siya makikita mo. "

" Wag ng patumpik tumpik baka maunahan ka ng iba, ikaw rin?! " Saka umupo na ng maayos si Zandro dahil dumating na ang prof namin.

" Good morning class, may transferee tayo kaya be nice to them. " Agad namang pumasok ang dalawang estudyante. Isang babae at isang lalake na kung titingnan mo parang mag jowa sila dahil sa kapit ng babae sa lalake.

" Introduce yourselves to the class.. " Pumunta naman sa gitna yung babae at inilibot niya ang paningin niya sa buong klase namin at tumigil ito kay Skye. Ngumiti siya kay Skye pero hindi naman ngumingiti ang isa. Parang ang sama-sama pa nga tingin ni Skye sa kanya.

" Hi everyone, I'm Martina Zaragosa. Be nice to me, i'm friendly. " Ngumiti siya at tinungo ang bakanteng upuan sa likuran ni Skye.

" I'm Nathaniel Elizalde. " Pakilala ng isang lalake pero ang tingin niya nasa kay Skye. Nakatingin naman sa bintana si Skye at di alintana kung may nakatingin sa kanya.

SKYE'S POV

Ito na yata ang pinaka malas na araw para sa akin. Lunes na Lunes pero mukhang Biyernes santo ang mukha ko. Nananadya ba talaga ang tadhana sa akin? Of all schools, bakit dito pa napiling lumipat ng mga asungot na yun?

" Anong nangyari sa'yo? Bakit nakasimangot ka? " Umupo sa tabi ko si Abbie at nilapag ang dala-dala niyang tray na may laman ng pagkain niya.

" Guess what? "

" What? "

" Nandito sa Branston sila Nathan at Martina. Classmate ko pa talaga. "

" Ayun, kaya naman pala para kang papatay ngayon dahil nandito ang mga taong kinaiinisan mo. Just let it go Skye. Don't dwell from it. "

" Naka moved on na ako matagal na. H'wag lang nila akong inisin at maghahalo ang balat sa tinalupan. " Biglang tumawa si Abbie sa sinabi ko. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo Skye? Naka moved on kana nga pero ang tindi ng galit mo sa dalawang yun. As long na hindi ka nila papakielaman just dont mind them. Just smile, its the best revenge to all your haters. "

Abbie's right, bakit ba ako nagpapaapekto sa kanila? Masaya ako nung wala sila and sure as hell magiging masaya parin ako kahit nandiyan na sila.

" Skye, may nagpapabigay sa'yo. " Sabay abot ni Alex ng isang bouquet of flowers.

" Wala naman akong sakit at wala namang namatay sa amin pero bakit may nagbigay ng flowers sa akin? Kanino to galing Alex? "

" Patay lang ba at may sakit ang binibigyan ng flowers? Di ba pwedeng may secret admirer ka?! " Simula nung maging part na ng The Ace goddesses si Alex naging mataas na ang self esteem niya pati ang self confidence. Nakakairita lang kung minsan kasi tulad nito kapag tinatanong ng maayos ang sagot ay pabalang. Bagay talaga sila ni Stephen dahil puro mapang asar.

" Bagay talaga kayo ni Stephen pareho kasi kayong mapang asar. Gusto mo hampas ko sa'yo itong mga bulaklak? " Natawa nalang si Alex sa sinabi ko. Napailing nalang ako kasi alam ko buong araw niya akong aasarin kapag hindi ko pa tinigil ang pag banggit ko kay Stephen. She hate it everytime i tease her to my cousin but i know deep inside her na super kinikilig na siya. Deny to death lang siya lagi.

" Long time no see Skye. Hindi mo man lang ba ako i-welcome or i-tour sa loob ng campus? " Lumapit si Martina sa table namin like as if close kami. Ang lapad ng ngiti niya na kulang nalang mapunit na ang labi niya. Ang sarap niyang sampalin pero hindi ko gagawin yun dahil ayokong mabahiran ng dumi ang palad ko.

" Hindi ako tour guide para i-tour ka dito plus this is not a tourist destination. Welcome to hell, Martina. Have a good time here. " Ginantihan ko ang ngiti niya, ngiting punong puno ng pang uuyam.

" Hindi ka parin nagbabago Skye, hindi ka parin maka move on sa mga nangyari 4 years ago. Hindi mo parin ba matanggap na ako ang pinili ni Nathan sa ating dalawa? " Kung pwede lang hilingin na bumuka ang lupa sana kainin na si Martina para mawala na siya sa paningin ko. Ang kapal ng mukha e!

" Nakakatawa ka naman Martina. Hindi na ako ang dating Skye na nakilala mo noon. Kung noon hindi ako lumalaban sa'yo dahil iniisip ko na naging bestfriend kita pwes ngayon lalabanan na kita. Matagal na akong naka moved on sa inyo, infact nakalimutan ko na kayo pero para kayong mga kabute na bigla nalang susulpot kung kelan hindi kayo inaasahan. Sayong sayo na si Nathan dahil hindi na ako interesado sa kanya. Okay?! " Tumalikod na ako pagkatapos kong sabihin yun sa kanya pero kilala ko si Martina at ayaw niya na napapahiya siya sa public. Kaya hindi na ako nagulat nung bigla niyang hilahin ang kamay ko para mapaharap ako sa kanya.

" Ano ngayon kung lalaban kana? Tandaan mo Skye, winasak na kita noon at wawasakin parin kita hanggang wala ng matira sa'yo. Hindi ikaw ang dapat na katakutan ko, ikaw ang dapat matakot sa akin. " Gigil na gigil siya sa akin habang sinasabi niya yan. Tumawa lang ako sa kanya.

" Hinayaan lang kita noon pero hinding hindi na mauulit yun. Try me. " Ngumiti ako sa kanya ng ubod na tamis saka tinalikuran ko na siya. Napatingin ako sa paligid at ang dami na palang mga chismoso't chismosa ang nakikinig sa amin. Hindi ko nalang pinansin ang mga nandun. Alam ko magsisimula nanaman ang sigalot sa pagitan namin ni Martina pero wala akong pakielam. Matagal ko ng hinihintay na dumating ang araw na'to. Kung noon ako ang tinalo niya pwes ngayon sisiguraduhin ko na siya naman ang matatalo sa sarili niyang laro. Matagal na niyang pinatay si Skye na mabait, hindi nakikipag away, ayaw ng gulo, at higit sa lahat pinapahalagahan ang friendship nilang dalawa. Yung Skye ngayon ay kabaliktaran ng Skye na nakilala nila noon dahil kung noon dinala siya sa hell, ngayon naman she will drag all the bitches to hell.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.