Chapter 30

I WAS at the mall when I saw Nathan. Unexpected ang pagkikita namin dito. Nandito ako sa Aristocrat cuisine eating my lunch. Lumapit siya sa akin pero deadma lang ako. As much as possible ayoko magkaroon ng eye contact sa kanya.

"Skye, pwede ba kitang makausap? " Tumingala ako sa kanya habang ngumunguya pa. He disturbed me.

" What for Nathan? Nakikita mo naman na kumakain ako diba? " I told him in a low, cold voice.

" Sorry, wala na kasi akong time kung ipagpabukas ko pa. This is my last chance to talk to you. " Nagsusumamo ang mga mata niya. I'm not a heartless person at all so I let him sit in front of me.

" Anong gusto mong pag usapan? Kasi ang alam ko we were done at nasabi na natin ang dapat nating sabihin nung huli tayong magkita. " Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ko ang bibig ko. Tiningnan ko siya ng mariin pero napatungo lang siya.

" I just want to ask for your forgiveness. At nagsosorry na rin ako for everything that I'd done to you. " Malumanay niyang sabi. Ramdam ko ang sinsiredad sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya. But it doesn't change the fact na siya ang naging rason kung bakit naging ganito na ako sa lahat ngayon.

"You know why I became like this? Because of you, Nathan. I despised myself for being like this. For being ruthless. " Binagsak ko ang kubyertos na hawak ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

"I know, Skye. I'm so sorry. "Yumuko siya para matakpan ang mukha nya. Puno ng emosyon pero wala akong nararamdaman na awa sa kanya at nangingibabaw ang galit ko.

"Sorry? Sa tingin mo isang sorry lang matatapos na ang lahat at mawawala na ang galit ko sayo? Tangina Nathan, hindi ganun kadali yun. I may forgive you but the damage has been done. " Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa mga mata sa sobrang galit ko. All this time, kinikimkim ko lang ito at hindi ko nilalabas kaya ngayon sumabog na ako.

Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa pero marahas ko itong tinanggal. Ayoko na hawakan niya ako.

"Alam ko hindi ko deserve ang kapatawaran mo pero umaasa ako na mahanap mo sa puso mo ang pagpapatawad. Hindi man sa ngayon pero sana balang araw if given the chance na magka salubong ulit tayo, sana wala na ang galit sa puso mo. "Tumulo ang luha sa mga mata niya at batid ko na nasaktan din siya sa nangyari sa amin.

" I will forgive you Nathan but I will never forget what you did to me. Sana nga mawala ang galit sa puso ko dahil ayokong mabuhay na puno ng galit at pagkamuhi ang puso ko. "

" I'm leaving tonight. I'm going back to the US for good. I wish you all the happiness in life, Skye. " Nakangiti siya pero may bahid ng lungkot ang mga mata niya.

" I wish I could say the same thing to you but right now, my heart is full of hatred and anger. Goodbye, Nathan. " Ngumiti ako ng mapait.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inilapag yun sa table. Tiningnan ko siya one last time saka ako tumalikod na para umalis.

My heart is full of emotions. Samut saring emosyon na sobrang bigat sa pakiramdam. Hinanap ko ang cr at pagpasok na pagpasok ko hinayaan ko na bumagsak ang pinipigilan ko na mga luha. Kahit ilang beses ko na sabihin sa sarili ko na matatag ako pero bibigay at bibigay din pala ako. Lahat ng katatagan na inipon ko over the years nawala na lang bigla sa sandaling pag uusap namin ni Nathan.

Idagdag pa ang nangyari sa amin ni Zach para na akong nakabaon sa lupa sa sobrang bigat ng pasan ng puso ko. Wala na ba akong karapatan na lumigaya? Ang lupit naman ng tadhana sa akin. Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at inayos ko ang nakalugay ko na buhok at nag retouch ako ng make up ko. Kahit lagyan ko pa ng concealer ang ilalim ng mata ko obvious pa rin na parang kagagaling ko lang sa pag iyak.

ABBY'S CALLING…

" Napatawag ka? " Bungad ko sa kanya.

" Bakit ang tamlay mo? May problema ka ba? " May bahid nang pag alala sa boses niya.

" Wala naman, feeling mo lang yan. " I lied. Wala ako sa mood ngayon na makipagkita sa kanila. I just want to be alone.

" Okay, kaya ako napatawag para iinform ka na may party tayong pupuntahan this weekend. " Excited siyang nag kwento sa akin. I'm just listening pero wala sa sinasabi niya ang atensyon ko. " Skye, are you still there? " Biglang tanong niya sa akin.

" Yes, I'm listening. " Sagot ko sa kanya.

" Talaga lang ha? May itinatanong ako sayo pero hindi ka sumasagot tapos sasabihin mo nakikinig ka? I know something is bothering you. Tell me. " Pangungulit niya. Nakalimutan ko na makulit ang kausap ko na hindi siya titigil hanggat di ko sinasabi sa kanya ang problema.

" Abby, I'm fine. I just want to be alone now. I can't tell you over the phone. " Huminga siya ng malalim saka sumuko sa pangungulit niya.

"Fine, basta pag hindi mo na kaya, just call us. Hindi mo kailangan na solohin ang problema mo. Anong silbi namin kung hindi ka namin tutulungan diba? Sige, Ingat ka. " Tumingala ako para pigilan ang pag patak ng luha ko. Sayang ang pag retouch ko kung iiyak na naman ako.

" Sure Abby, Thank you. I'll hang up now. " Binaba ko na ang tawag at nag focus ako sa pag drive ko. Nag drive ako papunta sa ClubRep.

PAGDATING ko sa ClubRep marami ng tao na nandun samantalang 7pm pa lang naman. Nag park ako malapit sa entrance ng bar para mas mabilis lang makaalis mamaya. Wala naman akong planong magpakalasing, I just needed a drink. Pagpasok ko sa loob nilapitan ako ni Henry at inaya sa bakanteng table na nakareserved sa VIP.

" Good evening Miss Skye, wala kang kasama ngayon? " Tanong niya na may pagtataka.

" Mag isa lang ako ngayon Henry. Buti at may bakanteng table pa. " Umupo na ako at nag order ako agad ng tequila.

" Anong order mo na drinks Miss Skye? As usual, ba? " Bilib talaga ako kay Henry dahil alam na alam na niya ang inoorder ko na inumin pag pumunta ako dito.

"Yes please, make it double. " Tinanguan niya ako at umalis na siya para ipahanda ang inorder ko.

Hindi naman nagtagal at bumalik din siya agad at bitbit ang tray na may laman ng alak. Inilapag niya ito sa harapan ko saka nagpaalam. Ikinumpas ko naman ang kamay ko tanda na pwede na niya akong iwan. I was busy drinking when all of a sudden may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Tatarayan ko na sana siya pero nung makita ko ang mukha niya sumilay ang ngiti ko sa labi.

"Long time no see, Skye. " Bati niya sa akin. Tumayo naman ako at nilapitan siya para yakapin.

"Peter, it's been a while. Hindi na kita nakikita dito. Kamusta ka na? " Ngumiti lang siya sa akin at sa tagal namin na hindi nagkita nag iba na ang itsura niya. Hindi na siya boy next door type of guy. He looks mature now. Not in a way na mukha siyang matanda pero mukha na siyang seryoso sa buhay. Hindi na siya kagaya ng dati na parang chill lang lagi. Now he looks different.

" I know, naging busy lang sa aking business at sa family business namin. Alam mo naman that we're expanding ClubRep. Ikaw, kamusta kana? Himala na mag isa ka ngayon. " Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I know him. Kaya niyang basahin ang galaw ng isang tao. He can easily sense kung may problema ka na pinagdadaanan.

"Gusto ko lang ng time alone sa sarili ko. " Pati pag ngiti ko alam ko na peke.

"Problemang puso. " He stated. " Care to tell me? " Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at tumingin sa mga taong nagsasayaw sa gitna.

"I broke my heart twice, Pete. " Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko kasi parang iiyak na naman ako kung hindi ko gagawin yun.

" All normal people will go through all kinds of heartaches. Nanggaling na rin ako dyan but it didn't stop me to love again. " Nakangiti siya habang sinasabi niya lahat ng ito sa akin. Alam ko ang pinagdaanan ni Peter sa past niya. Ang unang babaeng minahal niya ay asawa na ngayon ng bestfriend niya. Ang pangalawang minahal niya, bigla naman umalis na hindi nagpaalam sa kanya. He was devastated and lost during that time. Just imagine how painful it was for him.

"I know Pete, You are so brave that you were able to survive all the pains that you'd been through. But I'm not as strong as you are. "Napatingala ako to stop my tears from falling.

Ginagap niya ang kamay ko at ikinulong yun sa kamay niya.

" Hey, everyone has a weakness. I'm not strong but I had to. Life circumstances made us strong. " He smiled at me as if he was assuring me that everything will be alright.

"Magaling ka talagang mag payo." Natawa na ako this time. A genuine laugh.

" Ito yata ang misyon ko sa buhay ang maging tagapayo ng mga kaibigan ko. Skye, Love is a cycle. We fall in love to get hurt. Once we are hurt we tend to heal ourselves and fall in love again. You survived the first heartbreaks, I'm sure you will be able to survive more of this in the future. " Pinalo ko naman ang kamay niya. Gusto niya pa yata akong mabigo ulit.

" Masakit kaya ma brokenhearted. It feels like I've been through hell. " Umirap ako sa kanya but smiled afterwards. "Thank you Peter, for listening to all my rants. You are a heart saver. " Tumawa siya sa huli ko na sinabi.

"Wow, bago yun ah. Heart saver talaga? Puso ko nga hindi ko na saved sa heartaches eh. Anyway, I have to go now. Will you be okay here alone? " Tanong niya habang nakatingin sa wristwatch niya.

"Yes, I'll be fine. Just go, may date ka pa yata. Don't make her wait. Keep in touch. " Nagmadali na siyang nilisan ang ClubRep. Sana lang nahanap na ni Peter yung babae na para sa kanya.

Nagpasya na akong umuwi dahil pag nagtagal pa ako dun baka malasing ako at wala pa naman akong kasama ngayon. Palabas na ako ng ClubRep ng nakasalubong ko si Sandrea. Naka angkla sa braso ng kasama niyang guy. Wala naman akong pakialam sa kanya kaya dumiritso na lang ako ng lakad papunta sa kotse ko. Pero hinarang ang daanan ko ng impakta.

" Mag isa ka lang ngayon? Wala ka na bang mga kaibigan na pwedeng sumama sayo? " Tumawa siya nang mapang asar. Umismid lang ako sa kanya.

" Wala ka nang pakialam doon. Kung mag-isa man ako ngayon, choice ko to and it's not your fucking business. " Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at saka tinalikuran ko siya. Pero bago pa ako nakaalis dun hinila niya ang kamay ko at pagkaharap ko sa kanya umigkas naman ang kamay ko at tumama yun sa mukha niya. " I told you, mind your fucking business, bitch. " Akmang lalapitan ako ng kasama niyang lalaki pero hinarangan siya ni Henry ang bouncer ng ClubRep.

"Fuck You, Skye! "Sigaw ni Sandrea. Nag iskandalo ang bruha niya at nakukuha na niya ang atensyon ng iba sa kakasigaw niya.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "The feeling is mutual, bitch. Fuck you from the depths of the hell. " Sumakay na ako ng kotse ko at pinaharurot na ito.

Pagdating ko sa bahay nandun si Stephen nanonood ng tv sa main hall. Lumingon siya sa akin pero wala man lang salita na lumabas sa bibig niya. Himala!

"Magandang gabi Stephen. Baka gusto mong pansinin din ako diba? " Pang aasar ko sa kanya pero tumingin lang siya na parang walang narinig. Nilapitan ko na siya at niyakap.

"Hoy, maligo ka nga. Ang baho mo ha. Kadiri ka Skye. " Tiningnan ko naman siya ng masama. Ang arte ng kupal na to.

"Hoy, ang arte mo ha. Ang bango ko kaya kahit dalawang araw akong hindi maligo. "Sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya ng nakakaloko. Abnormal talaga.

"Yuck! Kadiri ka talaga. Hindi ko kayang hindi maligo ng isang araw no? Tapos ikaw dalawang araw na hindi makaligo. "Nagkunwari siya na parang nasusuka.

Hinagis ko sa kanya ang maliit na unan na hawak ko pero swerte lang niya at nailagan niya ito. Tumawa lang ang pinsan ko na abnormal. Iniwan ko na siya sa baba at umakyat na ako sa kwarto para maligo dahil sa totoo lang pakiramdam ko puno ng virus ang katawan ko idagdag mo pa na hinawakan ako ni Sandrea kanina. Malay ko baka may virus siya. Tang inang babae na yun, kahit mag join forces pa sila nila Martina at Natasha wala akong pakialam sa kanila. Once a bitch, will always be a bitch.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.