Chapter 31

CHAPTER 31

SATURDAY!

Maaga pa lang nandito na sa bahay ang tatlo. Natutulog pa ako pero binulabog na nila ako. I checked my wall clock at 7:30am pa lang. What the heck!

"Skye, wake up! " May humila sa comforter na nakabalot sa katawan ko. Nakakainis!

" Abby Ruth, ang aga aga bakit nandito na kayo sa bahay? " Sigaw ko sa kanya. Medyo groogy pa ako at namamaos pa ang boses ko.

" Ilang beses ko bang sabihin sayo na ayaw ko na tinatawag ako sa buong pangalan ko, Francesca! " Napasimangot ako pagkarinig ko ng buong pangalan ko. Nahagilap ko ang unan sa gilid ko at tinapon ko iyon sa kanya at sakto na tumama iyon sa mukha niya. Napahiyaw naman siya.

" You deserve that. Next time na gigisingin mo ako ng ganito ka aga hindi lang iyan ang gagawin ko sayo. " Bumangon na ako sa kama at nag inat ng katawan. Pumunta ako sa banyo para mag toothbrush at mag hilamos. Bumaba naman si Abby sa sala at doon na ako hinintay.

Pagkatapos ko mag ayos ng buhok ko bumaba na ako. Nakahanda na ang kape ko sa table kaya kinuha ko na ito. Nakaupo na ang tatlo at kumakain ng breakfast sa dining table.

"Wow ha! Dito pa kayo nag breakfast sa bahay. Wala kayong pagkain sa inyo? "I said in a sarcastic way. Inirapan lang nila ako at itinuloy ang pagkain.

"Pupunta tayo ng salon today. Makeover naman tayo para fresh tayo sa party mamaya. " Tili ni Abby. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang landi talaga niya kahit kailan.

"Kaninong party ba ang pupuntahan natin at bakit hindi ako aware na may party ngayong gabi? Wala naman akong naalala na may birthday sa mga kilala ko. " Nagkatinginan silang tatlo pero wala silang sinasabi sa akin. Pinili ko na lang ang manahimik kung ayaw nilang sabihin sa akin

" Ang dami mong tanong bruha ka. Malalaman mo din naman yan mamaya eh. "Umirap si Abby obvious na may tinatago siya. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko malaman na may tinatago siya. Pero hindi ko lang alam kung ano iyon.

" Fine, hindi na ako magtatanong but make sure na hindi ako magagalit mamaya sa party na yan. And one more thing, you will pay for my makeover later. " Kumindat ako sa kanya at gusto niya pa sanang mag protesta pero tumalikod na ako at pumunta na sa kwarto ko para magbihis.

PAPUNTA na kami ng Mall ngayon at si Alex ang driver namin for the first time. Medyo nakakatakot mag drive ang bruha dahil first time niyang mag drive sa highway. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Abby at pinag drive niya si Alex?

" Alex, just make sure na makakarating tayo ng Mall na buo pa at walang gasgas. " Shutang ina kasi itong si Abby biglang tinamad mag drive. Nag preno naman bigla si Alex at kung hindi lang ako naka seatbelt baka tumalsik na ako sa unahan. " What the fuck, Alex. Kung gusto mong magpakamatay, please lang huwag mo akong idamay. Sigurado ka na kaya mong mag drive? " Ang sama ng tingin ko sa kanya. Pero tumatawa lang siya na parang baliw.

" Relax Skye, trust me I can do this. " Mayabang niyang sabi sabay ngumisi ng nakakaloko.

" Alex, stop the car. I'll be the one to drive. Gusto ko pang mabuhay at makita ang future husband ko no. " Biglang singit ni Ayana.

Pigil hininga ako sa driving skills ni Alex. Dinaig pa ako sa buwis buhay na pag drive niya. As in literal na buwis buhay dahil hindi pa naman siya nakapasa sa driving lessons niya pero heto na nga at pinag drive pa ni Abby.

Tawa nang tawa naman si Alex sa mga reaksyon namin. Si Abby di maipinta ang mukha dahil sa ginawa ni Alex. She should've known better.

" Hey, are you guys okay? " She smiled apologetically.

" Okay naman ako pero bawal ka nang mag drive habang hindi ka nakapasa sa driving lessons mo. " Tumingin na ako sa harap at umayos ako ng upo.

Naging smooth naman ang byahe namin nung si Ayana na ang nag drive. Pagdating sa mall diretso na kami sa salon. Nagpagupit ako ng buhok, nag manicure and pedicure at nagpakulay na rin ng golden brown for a change. Halos apat na oras ang ginugol namin sa salon kaya pagkatapos sa salon nag shopping ng kaunti at umuwi na rin. Sa bahay na rin sila magbibihis mamaya dahil ayaw na nilang umuwi sa kanya-kanyang mga bahay nila.

Exactly 7pm nang makarating kami sa lugar ng may party. Tumigil si Abby sa tapat ng isang mansyon na kulay black and white. Nakakamangha ang labas ng mansyon. Mayaman naman kami pero ibang klase ang pagka disenyo ng mansyon. Halatang mayaman ang may-ari nito. Sa garden palang sumisigaw na ito ng karangyaan. May fountain sa gitna na nasa tapat ng main entrance ng bahay. Sobrang ganda ng garden nila na para kang nasa heaven. Puno ng mga bulaklak ang garden nila at puno ng mga ilaw ito. Sobrang ganda talaga.

"Skye, shall we go inside? "Inaya na ako ni Abby sa loob. Namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko pero hindi naman ako ignorante kaya tumigil na ako sa pag tingin sa paligid.

" Abby, who's house is this? Nakakahiya na umattend ako ng party pero wala akong idea sa host ng party. "Hinila na niya ako palapit sa bulwagan ng mansyon.

" Malalaman mo din mamaya. " Ngumiti siya ng pagka lapad. Sarap bangasin ng mukha.

Napatingin ako sa mga bisita na nandito at nahagip ng paningin ko sila Zandro and Zander. What are they doing here? Nakita naman nila ako kaya lumapit sila sa kinaroroonan namin.

"Skye, buti nakarating ka. " Malapad ang ngiti ni Zander sa akin.

" Bakit kayo nandito? Kilala niyo ba ang host ng party? " Tiningnan ako ni Zandro na parang nagtataka. Nakakunot noo niyang tiningnan si Abby.

" Abby, did you tell her who's party she's attending? " Tanong ni Zandro kay Abby.

Umiling naman si Abby at napa hilamos sa mukha si Zandro. Parang ang laki ng problema niya.

" Wait, are you guys keeping secrets on me? Kaninong bahay ito? Sagutin niyo ako. "I demanded. I kept my cool but I'm losing my patience.

" Skye, ano kasi-- " Hindi na natuloy ang sasabihin sana ni Abby nang biglang nag salita ang emcee ng party.

" Good evening Ladies and Gentleman, tonight I am going to represent to you the birthday celebrant, Mr. Zachary Collins. The only heir of Collins empire. " Pumunta naman sa gitna si Zach. He is wearing a black tuxedo suit. Naka angkla naman sa kanya si Natasha. At sobrang lapad ng ngiti ng bruha. I felt the sudden urge of anger but I remained calm.

Inilibot ni Zach ang paningin niya sa lahat ng mga nandito at tumigil ito sa akin. He was staring at me intently and plastered a smile. Napansin naman ni Natasha na tumigil ang paningin ni Zach sa gawi ko. She cupped Zach's face and gave him a kiss. Biglang uminit ang ulo ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. I feel disgusted.

Pagkatapos niyang halikan si Zach, tumingin siya sa gawi ko at ngumisi ng nakakaloko. But I just smiled at her as if I am not affected but deep down in me, I'm furious.

Tumalikod na ako at balak ko na sanang umalis sa lugar na yun dahil una sa lahat, hindi ko naman kaibigan ang host ng party, secondly, I don't feel that I belong here.

" Skye, I'm so glad you came. " Huminga ako ng malalim at humarap kay Tita Zeny nang nakangiti ng sobrang lapad. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

" Hi Tita Zeny, I was about to leave but you saw me. " Ngumiti ako ng pilit. She patted my back.

" I know iha. " Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin bago siya nag salita ulit. "What happened to you and Zach? Bakit kayo naghiwalay? " Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong niya.

"Tita, I don't have a choice. Sa tingin ko naman po I did the right thing to end our relationship. He looks happy with Natasha. They look good together. " I admit naging plastik ako nung sinabi ko yan. Nakatingin ako sa gawi ni Zach and Natasha. They were busy entertaining the guests.

" Iha, naiintindihan kita. Siguro naging mahirap sa part mo dahil ikaw ang girlfriend pero ikaw din ang hindi niya maalala. I hope you will find true happiness in your life, Skye. " Niyakap niya ako ng mahigpit saka umalis. I was left there alone again. Nandoon na sa loob ang tatlo kasama sila Zander and Zandro na nagsasaya.

Tumawag na ako ng taxi para umuwi. Ayoko ng abalahin pa si Abby na ihatid ako sa bahay. I'm not that bad. Dumating ang taxi at sumakay na ako dun. Wala silang kamalay malay na umalis na ako sa venue. Tinawagan ko si Abby at nakailang ring din ito saka niya sinagot ang tawag ko.

" Where are you? Hindi kita makita dito. "Bungad niya.

" On the way home now. " Sagot ko sa kanya.

" What? " Tumaas ang boses niya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.

" Sorry, hindi ko talaga feel pa na magtagal dyan. Enjoy the party. Don't mind me. I'm okay. " Sabi ko sa kanya pero honestly I'm not okay. Ngumiti ako ng mapait kahit hindi naman niya ako nakikita.

" Okay, sasabihin ko na lang sa kanila na umuwi ka na. "

"Thanks Ab." Binaba ko na ang tawag. Malapit na rin naman ako sa bahay. Good thing may dala akong cash at least may pambayad ako sa taxi. Bumaba na ako at pinag buksan naman ako ng Guard namin ng gate.

"Good evening po, Maam Skye. " bati ng guard namin. Tumango naman ako sa kanya saka pumasok na sa bahay. Nadatnan ko naman si Stephen na umiinom ng alak. Umupo naman ako sa kaharap niya na upuan.

" Bakit nandito ka na? Nasaan na mga kasama mo? " Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

" Iniwan ko sa party. " Walang gana kong sagot sa kanya.

" Himala naman na umuwi ka na na hindi pa madaling araw. "Tumawa siya ng pagak.

"Birthday yun ni Zach. Naghiwalay na kami so hindi na kailangan ang presensya ko doon. " Humiga ako sa sofa dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.

" Tumawag nga pala si Tito kanina. Uuwi sila sa makalawa. " Anunsyo ni Stephen.

" Akala ko ba mag extend sila? Anong nangyari? " Tahimik lang si Stephen. I know there's something wrong.

" Malalaman mo pag uwi nila. Sige na magbihis ka na at ako ang naaalibadbaran sa suot mong damit. " Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bakit ang sungit nito ngayon? Hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na ako sa taas. Kahit naman kasi ako nanlalagkit na sa suot ko. Nag half bath ako at nagpalit ng pantulog. Tinitingnan ko ang cellphone ko na parang may hinihintay akong tawag pero wala naman talaga akong hinihintay na call. Maya-maya lang biglang nag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller pero unregistered number ang tumatawag. Hindi ko na sana sasagutin pero na curious ako bigla kaya sinagot ko ito.

" Hello? Who's this? " Pero tahimik lang sa kabilang linya. Hindi naman siya nagsasalita at puro pag hinga lang niya ang naririnig ko. Sa inis ko tinarayan ko na siya.

" Kung ayaw mong mag salita, huwag kang tumawag. Asshole! " At binaba ko na ang tawag. Pinatay ko naman ang cellphone ko para hindi na makatawag ang hinayupak na yun. Kung sino man yun hindi ko alam kung ano ang trip nya sa buhay at bakit siya tumawag para iparinig lang ang paghinga niya.

Hindi ako nakatulog agad. Kung kailan gusto ko nang matulog saka naman ako ayaw dalawin ng antok. Sabi daw nila kapag hindi ka daw makatulog, iniisip ka daw ng isang tao. Fuck you kung sino ka man.

Nakailang balikwas pa ako sa higaan ko pero hindi talaga ako makatulog. Bumangon ako at bumaba para uminom ng gatas at baka makatulong. Nadaanan ko sa sala si Stephen na umiinom pa rin. Balak pa yatang mag lasing nito.

Kumuha ako ng gatas saka dinala ito sa sala at umupo sa harap ni Stephen.

" Hindi ka makatulog no? " Tanong niya sa akin habang binubuksan ang beer.

" Bakit ikaw umiinom? Problemado ka no? Sinagot ko siya ng tanong din. Hindi siya umimik sa tanong ko kaya hindi ko na siya pinilit pa. Nakatingin ako sa labas ng bahay at sobrang dilim sa labas. Nakakabingi ang katahimikan.

" I got her pregnant. " Pambasag niya ng katahimikan. Para naman akong nabingi sa sinabi niya.

"Who did you get pregnant? " Heto na nga ba ang sinasabi ko noon sa kanya na kakarmahin siya sa mga ginagawa niya.

" My ex, she called me today. Tinawagan din ako ni mommy at pinapauwi na ako sa France. "

" That's the consequence of your actions that you must deal with. Go home and face it like a man, Steph. " Naaawa ako sa kanya at para kay Alex pero hindi niya pwedeng talikuran ang responsibilidad niya.

" I love Alex so much. Masasaktan siya kapag nalaman niya na may nabuntis ako. " Ngayon ko lang nakita na sobrang problemado si Stephen.

" Kailangan mong sabihin yan kay Alex. She deserves the truth. " Parang sumakit ang ulo ko sa problema ng pinsan ko. Akala ko mabigat na ang kinakaharap ko pero mas mabigat pa pala ang sa kanya.

" It will break her heart. Nangako ako sa kanya na hinding hindi ko siya sasaktan pero ito pa ang nangyari. Damn! " Bumagsak ang luha na pinipigilan niya. Awang-awa ako sa kanya pero wala akong magawa. Niyakap ko siya at doon na niya pinakawalan ang masaganang luha.

" I know Steph. Kung kayo talaga ang nakatadhana kahit gaano pa karaming hadlang ang darating sa inyo kayo at kayo pa rin sa huli. " Yun na lang ang nasabi ko to ease his pain.

May mga bagay kasi na kahit gaano pa ka gusto natin na makuha kung hindi yun ibibigay sa atin hindi yun mapupunta sayo. Hindi lahat ng naka plano natin natutupad. God's plan is better than our plan. Hindi man yun ang inaasahan natin pero ibibigay naman niya kung ano ang deserve natin.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.