Sabi nila love is sweeter the second time around. Depende naman siguro sa taong bibigyan mo ng ikalawang pagkakataon. If he deserves it, why not? But if he doesn't deserve it, why bother? Sa case namin ni Zach, we can still give it a try. Hindi naman nawawala ang feelings ko para sa kanya.
Hindi ako relihiyosong tao pero naniniwala ako na kapag humiling ka ng buong puso at samahan mo ito ng matinding dasal ay ibibigay sayo ang kahilingan mo. Hindi man sa ngayon pero ibibigay yun sayo sa takdang panahon.
Sa dami ko nang iniisip hindi ko namalayan na may kumakatok sa pintuan ko at iniluwa nun ang katulong namin.
" Ma'am Skye, may bisita po kayo sa baba, " anunsiyo niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad din siyang lumabas ng kwarto ko at bumaba.
Nagtataka ako kung sino ang bisita ko dahil wala naman akong natatandaan na may usapan kaming apat na magkikita or may pupuntahan kami. Out of curiosity, I went downstairs to check who my visitor was. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang itsura niya. Kausap siya ni tita Stef at mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila. Agad na tumingala si tita nang makita niya akong pababa ng hagdanan.
" Oh, nandito na pala ang sadya mo. Nice meeting you, Zach. " Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Zach. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay. Parang gusto kong tumakbo pabalik ng kwarto para mag-ayos ng sarili ko but it's too late now. Nakita na niya ako at nakangiti siyang kumakaway sa akin. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. May hawak siyang malaking bouquet ng mga bulaklak at ibinigay niya ito sa akin.
" Hi, sorry for coming here without informing you. Para sayo iyang bulaklak. " Napakamot siya sa kanyang batok habang nagsasalita. Ang cute niya tingnan. Kailan pa nawalan ng self confidence ang isang Zachary Collins? Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.
" Bumalik na ba ang alaala mo? Alam mo na kasi puntahan ang bahay ko. " Napangiti siya sa tanong ko sabay tango. Inaya ko siyang umupo ulit. Nakatingin lang siya sa akin at ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya. Sobrang intense ng mga titig niya para akong matutunaw.
" So, what brought you here? " Tanong ko para mawala ang awkward feeling na bumabalot sa pagitan namin.
" I want to court you again. I want to make it right this time. " Seryoso ang mukha niya habang sinasabi ito sa akin.
" Ikaw ang bahala. Pero alam mo naman na hindi ako mahilig sa pa flowers mo pero thank you sa effort. " Lumabas si tita at may dala itong tray ng inumin at snacks at inilapag ito sa coffee table sa gitna.
" Zach, dito ka na mag lunch and I don't take no for an answer. " Hindi pa nakasagot si Zach pero umalis na si tita. Isa sa mga ugali ko na kapag may inimbitahan akong tao. Ayaw ko na tinatanggihan ako. I hate rejections. Nagmana yata ako kay tita Stef.
" Mabait naman ang tita mo pero ang pinsan mong si Stephen parang galit lagi kapag nakikita ako. " Natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi na ayaw sa kanya ni Teptep. How I missed that guy.
"Mabait si Stephen, very possessive nga lang. Anyway, bumalik na siya ng France kaya wala ka ng dapat na ipag-alala. " Ang sumunod na mga sandali ay puro katahimikan. Naging awkward bigla dahil sa pananahimik namin pareho. Back to zero talaga kami kaya nangangapa na naman kung ano ang magiging topic namin. Lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Sakto naman at lumabas si tita at napansin ang pananahimik namin.
" May dumaan ba na anghel? Sobrang tahimik niyo. " Umupo siya sa bakanteng upuan sa gilid ko. Bigla naman nag ring ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumawag. It was Abby. Good timing, Abby.
" Excuse me, sasagutin ko lang ang tawag. Tita, ikaw na po muna bahala kay Zach. " Lumabas ako ng bahay at pumunta ng garden para sagutin ang tawag ni Abby.
" Thank goodness! Ngayon lang ako sumaya na tumawag ka, " bungad ko sa kanya.
" Dati ba naiinis ka kapag tumatawag ako? Bruhang to. Anong mayroon at tuwang tuwa ka na tumawag ako? " Pagtataray niya sa akin. Aba, siya na nga itong tumawag tinarayan pa ako.
" Nandito si Zach sa bahay. " Hininaan ko ang boses ko dahil ayaw ko na may makarinig sa sasabihin ko maliban kay Abby.
Biglang tumili ang bruha kaya inilayo ko agad ang cellphone sa tenga ko. " Wow! Anong ginagawa nya dyan? " Excited na tanong niya. Parang siya ang kinikilig dahil nandito sa bahay si Zach.
" May balak ka bang basagin ang eardrum ko? " Sita ko sa kanya.
" Sorry naman, dali na magkwento ka na. " Pamimilit niya pero hindi ako pwedeng magtagal sa pakikipag-usap sa kanya baka magtaka na sina tita at Zach dahil sobrang tagal ko na dito.
" Later Abby, baka hinahanap na ako sa loob. Bye! " Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa at binaba ko na ang tawag. Hahaba pa kasi ang usapan kapag nagkwento pa ako. Knowing Abby, hindi siya titigil hanggat hindi ako nagkwento sa kanya.
Pagpasok ko sa loob nagkukwentohan silang dalawa at mukhang enjoy na enjoy si tita sa pakikipag-usap kay Zach. Magaling talaga humuli ng loob si Zach, kahit parents ko nahuli niya ang loob nila. Here we go again. Huminga ako ng malalim dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko nang maisip ko ang mga magulang ko. Ayaw ko na maging malungkot ngayon. I don't want to spoil the moment.
" Skye, are you okay? " Ngumiti ako kay tita dahil ayaw ko na mag-alala siya sa akin.
" Yes tita, I'm fine. " Tinapik niya ako sa kamay at iniwan na kami doon ni Zach.
Tahimik naman kami pareho at wala ni isa sa amin ang gustong mag basag ng katahimikan. Naghahagilap ako ng sasabihin ko nang magsalita siya.
" Tungkol dun sa sinabi ko kanina na liligawan kita, seryoso ako doon. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon na patunayan na ikaw lang ang mahal ko. " Lumamlam ang kanyang mga mata. Hinawakan nya ang kamay ko at sa paglapat ng mga palad namin, bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko na naman ang kuryente na dumadaloy sa mga balat namin. Hihilahin ko na sana ang kamay ko pero ayaw niya itong bitiwan.
" Sige, I'll give you another chance. " Saka pa lang niya pinakawalan ang kamay ko nang sinabi ko iyon sa kanya. He just wants assurance.
Pagkatapos namin mag-lunch nag paalam na si Zach na uuwi na siya. Magkikita pa naman kami mamaya ng mga Ace Goddesses sa ClubRep. Ito kasi ang pinaka bonding namin na apat. Malapit na rin ang pagtatapos ng klase namin at magiging busy na kami sa kanya-kanya naming mga buhay. Kaya ngayon pa lang nilulubos-lubos na namin ang time na pwede pa kaming mag-bonding.
ALAS SIYETE ng gabi ang usapan namin na magkikita sa ClubRep. Pagdating ko doon marami ng tao at punuan na ang parking lot. Buti na lang may umalis na kotse at mabilis akong nag park doon. Bumaba na ako ng kotse at habang naglalakad tumitingin tingin ako sa paligid baka sakali na makasabay ako na kakilala ko na papasok din ng ClubRep. Hindi pa ako nakarating sa main entrance tumatawag na si Alex sa akin.
" Alex, nasa loob na ba kayo? " Sobrang ingay ng background niya kaya kinakailangan pa niyang sumigaw para marinig ko ang sinasabi niya.
" Yes, nasa counter kami malapit. Dumiretso ka na lang dito. " Ibinaba na niya ang tawag. Sinalubong naman ako ni Henry at dahil sobrang dami ng mga tao inalalayan niya ako para hindi mabangga ng ibang tao.
" Miss Skye, this way po. " Sinamahan niya ako sa loob dahil halos magbanggaan ang mga tao dahil punuan ang bar ngayon.
" Skye, here! " Malayo pa lang kumakaway na si Abby. Nakita ko naman siya agad. May nakalapag ng inumin sa table namin. Lasinggera talaga ang bruha. Pati si Alex umiinom na rin at sanay na sanay na sa alak. Inabot ni Ayana ang shot glass sa akin na may laman ng tequila at binigyan ako ng isang slice ng lemon. Mabilis ko naman na ininom ang tequila at piniga ang lemon sa bibig ko. Ang sarap sa pakiramdam ang hagod ng alak sa lalamunan ko.
" Shuta! Nagiging lasinggera na rin si Alex. Bad influence ka talaga, Abby. " Inirapan lang ako ni Abby.
" Shunga, nag-eenjoy lang tayo hindi tayo nagpapakalasing. Cheers! " Sigaw niya. Kinuha ko ang shot glass at itinaas ko ito. Sabay-sabay namin na ininom ang alak. Para kaming expert na sa inuman dahil hindi man lang kami ngumiwi nung ininom namin ang alak.
Nasa kalagitnaan kami nang pagsasaya nang lumapit ang Zion sa table namin. Umugong ang hiyawan at tuksohan nang tumabi si Zach sa akin. Deadma lang ako sa panunukso nila sa akin. Kumabog ng husto ang puso ko nang hawakan ni Zach ang kaliwa kong kamay.
" Mahaba pa ang gabi, dahan-dahan lang sa pag-inum, " bulong niya sa akin. Nanindig naman ang balahibo ko nang maglapat ang bibig niya sa tenga ko. Agad ko namang inilayo ng bahagya ang ulo ko sa mukha niya.
" Kayo na ba ulit? " Mapanukso ang mga tingin nila sa amin pero tahimik lang ako pero hindi ko maiwasang mapangiti sa tanong ni Abby.
" I'm courting her again, " sagot ni Zach kay Abby. Napatili naman ang bruha dahil sa sinabi ni Zach. Inanunsiyo na niya ang panliligaw niya sa akin. Kinilig naman ako pero hindi ko pinahalata iyon sa kanya. Kung manliligaw siya edi paghirapan Niya. We both deserve a second chance and we deserve to be happy too, just like everyone else.