Chapter 39

Kadadating ko lang sa school at pinark ko na ang kotse ko sa parking space nito. Paglabas ko ng kotse nakaabang si Natasha sa dadaanan ko. Hindi ko siya pinansin at lalagpasan ko na sana siya nang tawagin niya ako.

" Skye, pwede ba tayong mag-usap? " Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko siya.

" What for Natasha? Wala tayong dapat na pag-usapan. " Tinitigan ko siya nang matiim.

" Please, Skye. After nang pag-uusap na to hindi na kita guguluhin. " Mukha siyang nakakaawa kaya pinagbigyan ko siya sa kanyang kagustuhan.

" Start talking now. I don't want to waste every second of my time. " Huminga siya nang malalim na wari'y doon siya humugot nang lakas ng loob.

" I heard about what happened to your parents. I'm sorry for your loss, " buong sinseridad na sabi niya. I crossed my arms and looked at her through her eyes.

" Thank you. Iyan lang ba ang sinadya mo? " Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at pinagsalikop ang kanyang mga kamay. Nagtataka ako bakit mukhang bumait siya ngayon. Dati naman kapag nakikita ko siya nakakairita ang mga ngisi niya. Parang ang sarap bangasin ng mukha niya. Pero ngayon parang ibang Natasha ang kaharap ko.

" Gusto kong humingi ng tawad sayo sa pagsira ng relasyon niyo ni Zach. It was my fault kung bakit naging magulo ang sitwasyon kay Zach. " Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga isinisiwalat niya. Gusto kong magalit pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

" I'm sorry, Skye. Alam ko naman na kahit nawala yung memory niya tungkol sayo, ikaw pa rin naman ang laman ng puso niya. Pinilit kong ibalik yung dating feelings niya para sa akin pero hindi na ito tulad ng dati. Wala na yung kislap sa mga mata niya tuwing ngumingiti siya sa akin. Now, He's a mess. " May umalpas na luha sa kanyang mga mata pero mabilis niya itong pinunasan.

" It's too late Natasha. I ended my relationship with him. Sana inisip mo iyan dati bago ka umeksena. Imbes na tulungan mo siyang makaalala mas lalo mong ginulo ang sitwasyon. " Ikinuyom ko ang mga palad ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. I want to slap her face but that wouldn't help to ease my anger.

" Alam ko iyon, Skye. I'm leaving soon and I want you to get back with Zach. Mahal na mahal ka niya, Skye. Ayaw ko na makitang unti-unti niyang sinisira ang buhay niya dahil sa nangyari sa inyo. Please, balikan mo siya ulit. " Lumuhod siya sa harapan ko habang tumutulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pag luhod. Galit ako sa kanya pero hindi ko naman gusto na lumuhod siya sa harap ko.

" Tumayo ka dyan. Huwag mong gawin na kahiya-hiya ang sarili mo, " utos ko sa kanya. Pero hindi siya nakinig sa akin. Patuloy pa rin siya sa pagluhod at kung may ibang tao na makakita sa amin iisipin na inaapi ko siya.

" I'm begging you. Makipagbalikan ka na sa kanya. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung masira nang tuluyan ang buhay ni Zach. " Tumalikod ako dahil hindi ko kinaya ang pagmamakaawa niya sa akin.

"I forgive you, Natasha. Pero pag iisipan ko muna ang tungkol sa amin ni Zach. Hindi naman kasi ganun kadali iyong hinihiling mo." Humagulgol siya ng iyak kaya hinarap ko siya at pilit na itinayo. She's literally shaking while crying.

" Flight ko na sa makalawa at hindi ko alam kung magkikita pa tayo ulit. Please, don't give up on him. He loves you so much. " Bumilis ang tibok ng puso ko nang sinabi niya na mahal ako ni Zach. Gusto kong matuwa pero ayaw ko naman na umasa hangga't hindi sinabi mismo ni Zach ang mga katagang iyan. After niyang sabihin yun ay lumakad na palayo sa lugar na iyon si Natasha. Naiwan naman akong nakatayo pa rin doon at nakatulala sa kawalan.

Ilang minuto na ang lumipas simula nang umalis si Natasha pero nanatili pa rin akong nakatayo doon. Para akong nanghihina sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

" Skye, are you okay? " Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ethan out of nowhere.

" Ay kabayo! Bakit ka ba nang gugulat? Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo eh! " Inis ko na sabi sa kanya ngunit tinawanan lang niya ako.

" Hindi naman kita ginulat. Nakita kasi kita na parang napako sa kinatatayuan mo kaya nilapitan kita. I thought you were going to pass out. " Puno nang pag-aalala ang boses niya. Mataman ko siyang tinitigan habang nakangiti siya sa akin. Kinapa ko ang dibdib ko kung may nararamdaman ba ako para sa kanya subalit hindi man lang bumilis ang tibok ng puso ko kahit nakangiti na siya ng sobrang lapad. While with Zach, malayo pa lang siya kumakabog na ang dibdib ko na parang nag marathon ako. Ganoon ako ka apektado sa kanya.

" Hoy, natulala ka na dyan. Sigurado ka na okay ka lang? " Kinapa niya ang noo ko para tingnan kung may lagnat ako pero tinabig ko ang kamay niya.

" Wala akong sakit at okay lang ako. " Inirapan ko siya at nagpatiuna nang lumakad. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin at sinabayan ako sa pag-lakad.

" Nagugwapohan ka na ba sa akin kaya ka nakatulala kanina? " Ngumisi siya sa akin at tinaas-baba ang kanyang kilay. Tinulak ko ang mukha niya na sobrang lapit na sa mukha ko.

" Kapal ng mukha ha. Ang pangit mo pa rin sa paningin ko. " Tinawanan lang niya ang sinabi ko. Gwapo naman talaga siya kaso ayaw ko lang sabihin dahil ngayon pa lang ang yabang na niya baka pag sinabi ko pa na gwapo siya baka lumakas na ang hangin dito sa school.

" Oo na, tanggap ko naman na si Zach lang ang gwapo sa pani--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya to shut him up.

" Ang ingay mo. Baka mamaya may makarinig sayo. " Tinanggal ko na ang palad ko sa bibig niya at pinunasan niya ng panyo ang bibig niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay ko.

" Mahal mo pa rin siya. Bakit di ka makipagbalikan sa kanya? " Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Ayaw ko na sagutin ang tanong niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa dami ng mga nangyari sa buhay ko parang ayaw ko na muna pagtuunan nang pansin ang tungkol kay Zach.

Tumahimik na si Ethan nang hindi ko sinagot ang tanong niya. Inihatid niya ako sa klase ko habang nakatingin lahat ng mga estudyante sa gawi namin.

" Thanks sa paghatid kahit alam ko naman ang way papunta dito. " Ngumiti siya sa akin at kinuha niya ang kamay ko sabay halik doon.

" Basta ikaw, Skye. Later. " Bago siya umalis tumingin siya sa loob ng classroom namin. Tinapik niya ako sa balikat saka siya umalis.

Tahimik akong pumasok sa loob ng classroom. Nahagip ng tingin ko si Zach na matiim na nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin niya pero nauna siyang nagbawi nang tingin.

Buong klase akong lutang. Present nga ako pero mentally absent naman. Iniisip ko ang sinabi ni Natasha na huwag ko sukuan si Zach. Hindi ko namalayan na tapos na ang klase namin. Nang marinig ko ang bell tumayo ako agad at mabilis na lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng pinto hindi ko napansin ang isang estudyante na may hawak ng juice at nabangga siya sa akin. Natapon sa damit ko ang bitbit niyang juice.

" Shoot! Bulag ka ba? Bakit hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo? " Sigaw ko sa kanya. Hinagilap ko ang tissue na nasa loob ng bag ko para punasan ang natapon na juice sa damit ko.

" Sorry, Miss Skye. Hindi ko po sinasadya. " Para na siyang maiiyak sa pag hingi niya ng tawad sa akin. May kasalanan din naman ako kaya hindi ko na pinahaba ito.

"Just leave. Now! " Mabilis naman na tumalima ang babae. Naiinis ako dahil wala pa naman akong dala na extra na damit saka naman may ganitong insidente. Badtrip! Patuloy pa rin ako sa pag punas sa damit ko ng may humawak sa kamay ko at hinila ako nito. Bubulyawan ko na sana ang humila sa akin pero natameme ako nang makita ko na si Zach ang humihila sa akin.

" Wala kang dalang pamalit? " Tanong niya sa akin. Nahimasmasan naman ako bigla.

" Wala eh, " maikli kong sagot. Nasa tapat na kami banyo ng mga babae at maraming mga estudyante ang nandoon ngayon at pawang nakamasid sa amin. Huhubarin na sana ni Zach ang suot niyang tshirt pero pinigilan ko siya.

" Hoy, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit ka maghuhubad? " Napamulagat ako sa ginawa niya. Pagtingin ko sa paligid namin halos nakatingin lahat ng mga estudyante na babae kay Zach. Pinandilatan ko naman sila ng mga mata ko.

" Relax, may suot akong sando. " Hinubad niya ang tshirt niya and true enough na may suot nga siyang sando. Nakatingin ako sa katawan niya at napalunok ako ng laway ng wala sa oras. Impit naman na tumili ang mga babaeng nakatingin kay Zach. Ang lalandi ng mga bruha.

" Here, isuot mo ang tshirt ko. Hubarin mo yang uniform mo na natapunan ng juice. " Ayaw ko pa sana tanggapin ang tshirt niya pero kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang tshirt niya at hinila na ako papasok ng banyo ng mga babae.

Dali-dali naman akong pumasok sa isang cubicle na bakante. Nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ko ba ang tshirt niya o hindi pero sa huli sinuot ko pa rin ito kesa magtiis ako sa malagkit na uniform ko. Pag suot ko ng tshirt niya amoy na amoy ko pa ang pabango ni Zach. Ang sweet niya ha. Kinilig ako sa ginawa niya ngayon pero hindi ko iyon pinahalata.

Paglabas ko ng banyo lahat sila nakatingin sa akin dahil suot ko ang tshirt ni Zach. Habang nasa labas naman matiyaga akong hinihintay ni Zach na pinapalibutan na ng mga higad na babae. Agad sumilay ang ngiti ni Zach nang makita niya akong palabas na ng banyo.

" Bagay sayo ang tshirt ko, " komento niya. Namula naman ako dahil nahihiya ako sa kanya.

" Salamat sa pag pahiram ng damit mo. " Sabay kaming naglakad patungo sa canteen at bawat estudyante na madadaanan namin napapalingon sa amin.

" Sila na ba ulit? " - Girl 1

" Sila na nga yata kasi suot ni Skye ang tshirt ni Zach. OMG! " Tili ng babae na kausap ng isa pang girl.

Mabilis akong naglakad habang humahabol naman si Zach sa akin. Nakita ko na sa cafeteria ang tatlo at nakatingin sila sa akin. Ang lapad ng ngiti ng mga bruha at ganun din ang mga Zion.

" Sinadya mo matapunan ng juice no? " Nanunuksong tanong ni Abby. Pasimple ko siyang hinila sa buhok.

" Gâgâ, aksidente ang nangyari. Tseh! " Irap ko sa kanya.

" Skye, muling ibalik na ba? " Sa sobrang lakas ng boses ni Zander naagaw niya ang atensyon ng mga tsismoso. Binatukan naman siya ni Zach pero mabilis siyang nakaiwas.

" Ang ingay mo Zander. " Sita ni Zandro sa kanya. Natahimik naman sya nang makita na seryoso ang mukha ng isa.

Nag uusap kaming apat nang dumating si Ethan. Agad siyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Napatingin siya sa suot ko na tshirt at biglang ngumisi nang nakakaloko ang bruho.

" Nice shirt, bagay na bagay sayo. " Tukso niya sa suot ko.

" Isa ka pa, " sabi ko sa kanya. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita ko na nakatingin si Zach sa gawi ko at blangko ang mukha niya.

" Nagseselos na naman yata si Zach. Balikan mo na nga iyan. Baka isipin niyan inaagaw talaga kita sa kanya, " pabulong na sabi niya.

" Hindi naman nakikipagbalikan yung tao, bakit ko babalikan? "Sambit ko sa kanya.

" Nakalimutan mo na yata na ikaw ang nakipag hiwalay at hindi siya. If given a chance na magkausap kayo at mapag-usapan niyo ang tungkol sa inyo, give it another try. " Tumayo na si Ethan at nagpaalam na sa amin. Bakit ba gustong gusto nila na magkabalikan kami ni Zach? Una, si Natasha gusto niya makipagbalikan ako kay Zach tapos ngayon si Ethan naman.

" Ang lalim naman ng iniisip mo. May problema ba? " Napansin ni Abby na wala ako sa sarili. Napabuntong-hininga naman ako.

" Kung ikaw ang tatanungin, makikipag balikan ka pa ba sa ex mo? " Tanong ko sa kanya.

" Are we talking about Zach here? " Nakapangalumbaba siya at tinitigan niya ako ng mariin.

" Parang ganun na nga, " walang gana ko na sagot.

" Kung mahal niyo pa ang isa't isa, walang masama kung magkabalikan kayo. Pareho naman kayong single. Why not give it another try? " Napagtanto ko na tama siya.

Kaya siguro nangyari ang aksidente na iyon para sana subukin ang pagmamahalan namin pero sinukuan ko si Zach. Aminado akong mali ang naging desisyon ko nang hiwalayan ko siya. Kapag nagkaroon ng ikalawang pagkakataon na magkabalikan kami, I won't waste it this time.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.