Sa buhay kailangan mo munang mapagdaanan ang maraming pagsubok bago mo masabing matatag ka. Hindi naman kasi puro happy moments lang ang lahat. Minsan binigyan din tayo ng kabiguan para maging balanse ang buhay sa mundo. Ilang beses na akong sinubok at sa lahat ng iyon nagawa kong lampasan. I've been through hell but I was able to survive it.
Ang hirap mawalan ng magulang. They were my support system and my strength. It crushed me to the core when they died. Tanggap ko na wala na sila pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mangulila sa presensya nila. I missed them so damn much. Wala silang ibang hiling sa akin kundi ang makapagtapos ako sa pag-aaral. And here I am fulfilling their wish.
" Iha, let's go. Mahuhuli na tayo sa graduation ceremony mo. " Lumabas ako ng kwarto at bumaba na sa baba. Nandoon na si tita sa baba at naghihintay sa akin.
" Let's go tita. " Magkahawak kamay kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse.
Pagdating namin sa venue halos lahat nandoon na. Everyone looked so happy. Parents that are very proud of their daughter and son. I wish my parents were here too. This is the moment that they've been waiting for. Ang makita akong makapagtapos sa aking pag-aaral but unfortunately they were not here to witness it. I blinked my eyes to stop my tears from falling. I missed them so badly that it hurts. I am still hurting but I will get over this in time.
" Skye, congratulations. Let's take a picture. " Lumapit si Abby sa akin at itinaas ang cellphone niya at nag selfie kaming dalawa. I will miss this moment.
" Congrats din, I'm sure after this magiging busy na tayo sa kanya-kanya nating mga career. Pero once in a while mag-bonding pa rin tayo ha. " Tumango siya sa akin at nagyakapan kaming dalawa. Nakita naman kami nina Ayana at Alex kaya nakiyakap na rin sila sa amin.
" Hoy, ano yan? Sali din kami, " sigaw ni Zander. Nakakairita man ang ingay ni Zander pero masaya naman siya kasama. Paglapit niya sa amin niyakap niya kami agad.
" Zander, tsansing ka na. Tumabi ka nga. " Itinulak ni Zach si Zander palayo sa akin.
" Ang damot nito, akala mo naman aagawin ko sa kanya si Skye. " Napakamot na lang sa batok si Zander at parang may binubulong sa sarili.
Nakatingin ako sa mga kaibigan ko at lahat sila nakangiti at masaya. Ito yung moment na masarap icapture dahil alam ko na lahat kami masaya.
"Tita Stef, pwede ko po ba hiramin si Skye? Ako na maghahatid sa kanya pauwi mamaya. " Nahihiya pa siyang magpaalam kay tita Stef pero magkasundo naman silang dalawa.
" Ofcourse iho. Basta ingatan mo yang si Skye." Nagpalaam na kami sa isa't isa pero may usapan kaming magkikita sa ClubRep ng alas siyete ng gabi dahil doon kami mag-celebrate.
Niyaya naman ako ni Zach may pupuntahan daw kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta nagpatangay na lang ako sa kanya.
" Saan ba tayo pupunta? " Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin pero hindi niya sinagot ang tanong ko kaya tumahimik na lang ako.
Patuloy lang siya sa pag drive at mayamaya lang tumigil siya sa tapat ng flower shop. Nagtataka ako kung bakit kami tumigil dito samantalang alam naman niya na ayaw ko na binibigyan ng bulaklak.
" Wait here, bibili lang ako ng bulaklak. " Mabilis siyang bumaba ng kotse at pumasok sa loob ng shop. Hindi din naman siya nagtagal sa loob at lumabas siyang may bitbit na dalawang bouquet ng bulaklak.
Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagmamaneho. Tumigil siya sa bukana ng sementeryo at pinark ang kotse. Pamilyar sa akin ang lugar dahil dito inilibing ang mga magulang ko. Kung alam ko na pupunta siya dito sana bumili din ako ng bulaklak para sa kanila. Inakay niya ako sa loob at yung daan na tinatahak namin papunta sa libingan ng parents ko. Nagtataka man ay nanahimik lang ako hanggang sa tumigil kami sa harap ng puntod nila.
Mabilis pumatak ang luha ko nang masilayan ko ang puntod nila pero agad ko din itong pinalis. Lumapit si Zach sa puntod at nilagay ang mga bulaklak na binili niya.
" Sir, di ba nag promise ako sa iyo na tatapusin namin ang aming pag-aaral. Heto na po kami sir, graduate na po kami ni Skye. " Lumingon siya sa akin at ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon sabay pisil sa palad ko.
" Gusto ko po sanang hilingin sa inyo ang kamay ni Skye, though I'm not proposing yet. Hinihingi ko lang po ang blessings niyo sa aming dalawa. " Inilabas niya ang isang maliit na kahon sa kanyang bulsa. Binuksan niya ito at tumambad ang singsing na may maliit na dyamante sa gitna. Mas lalong bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Humarap siya sa akin at pinahid niya ang mga luha sa aking mga mata gamit ang kanyang hinlalaki.
" This is just a promise ring, Skye. I promise you that I will marry you at the right time. Kapag handa ka na dahil ako matagal na akong nakahanda. I will not pressure you. Just promise me that no matter what happens, you won't give up on us. " Hilam sa luha ang mga mata ko. Halos hindi na ako makapagsalita dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
" I p-promise, I won't give up on us. Kahit subukin ulit tayo ng tadhana, this time kakapit ako sa pangako natin sa isa't isa. I love you, Zach! Forever and always. " Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang singsing sa ring finger ko. He cupped my face and kissed me. Dahan-dahan pero puno ng pagmamahal. I kissed him back, sa harap ng puntod ng mga magulang ko. Alam ko na sa pagkakataong ito they're watching us from above.
Tumingala ako para pag masdan ang langit. Maaliwalas ang langit at walang pagbabadya ng masamang panahon. Masaya ako na kasama ko ngayon ang taong mahal ko. Nagkaroon kami ng closure na dalawa pero nagsimula kami ulit mula sa umpisa.
Bagong yugto, bagong pagsubok pero alam ko na kahit ano mang pagsubok ang darating sa buhay ko alam ko na kakayanin ko dahil kasama ko si Zach na haharap sa lahat ng ito. Kung ano man ang mga naging desisyon ko hindi ko iyon pinagsisihan dahil part yun ng journey ko at wala pa ako sa destinasyon ko.
Ngayon ko na realize na sa bawat pagsubok hinuhulma tayo para mas lalo pa tayong maging matatag. Hindi kahinaan ang pag-iyak kundi sign ito na matatag ka. Hindi naman kasi madali ang buhay sa mundo. Lahat mahirap at paghihirapan mo. Akala ko noon madali lang ang buhay kasi nasa akin na ang lahat. Wala na akong mahihiling pa. Pero kapag biniro ka ng tadhana wala kang laban. Hindi mo pwedeng ibahin ang nakatakdang mangyari. Hindi mahalaga kung ilang beses ka nadapa at natumba ang mahalaga na hindi ka sumuko at patuloy ka pa rin na lumalaban kahit sobrang bigat at hirap ng iyong pinagdadaanan.
Life is unpredictable and full of surprises. Life is about not knowing anything, having to change, taking the moment and making the best of it, without knowing what is going to happen next. In this lifetime, you only have two options. It's either you take the chance or lose it.