ONE YEAR LATER.
Nandito ako sa cemetery at dinalaw ko ang puntod ng parents ko. Death anniversary nila ngayon at nagdala ako ng mga bulaklak para sa kanila. Nakahiligan ko na rin ang bulaklak dahil din sa kanila. Walang araw na hindi ko sila naiisip at sobrang namimiss ko na sila. Pero hindi na ako umiiyak at hindi na mabigat sa dibdib ko ang paglisan Nila dahil tanggap ko na ang lahat. Mas panatag na rin ako dahil alam ko na may nagbabantay sa akin sa taas.
" Babe, let's go. May pupuntahan pa tayo. " Niyaya na ako ni Zach na umalis. Kanina pa siya walang imik at panay ang tingin niya sa kanyang cellphone. Gusto ko nang magselos pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya.
Magkahawak kamay kaming naglalakad papunta sa kotse. Pinagbukas niya ako ng pinto at sumakay naman ako sa kotse. Buong biyahe kaming tahimik at ayaw ko na ako ang magbasag ng katahimikan kaya pinili ko na manahimik na lang din. Panaka-naka naman siyang tumitingin sa akin pero hindi ko siya nilingon. Para siyang hindi mapakali na hindi ko alam. So odd. Hindi naman siya ganito kahapon pero bakit ngayon parang hindi siya mapakali.
" Babe, ayos ka lang ba? May problema ka ba? Kanina ka pa hindi mapakali. " Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito sabay pisil sa palad niya.
" Okay lang ako babe, don't worry too much. " Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko. Who wouldn't love this guy? Sobrang sweet, super thoughtful at higit sa lahat mapag-mahal. I'm so damn lucky having Zach in my life.
PAPUNTA kami ngayon ng Club Republiq, usapan ng barkada na mag-bonding ngayon dahil lahat kami hindi pa busy. Ang hirap na kasi hagilapin ng iba lately dahil puro hectic ang mga schedules nila. Pagdating namin sa Club Republiq nagtaka ako kasi wala pa masyadong tao. Kadalasan ganitong oras marami ng tao sa labas ng bar pero ngayon mangilan ngilan lang ang naka park na kotse sa labas at halos walang tao sa labas.
" Isn't it odd? Wala masyadong tao sa labas. " Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Kanina pa ako naiinis sa kanya pero hindi ko pinahalata. What's wrong with this guy?
" Babe, ngumiti ka naman. Don't spoil the night. " Hinalikan niya ako sa kamay na kadalasan niya ginagawa kapag naiinis ako. Pag pasok namin sa loob naka dim light ang bar at may mga decorations sa loob. Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ang music na kadalasan malakas at nakakabingi tuwing pasok namin dito, ngayon ay love song ang tumutugtog. Inakay ako ni Zach sa isang table sa gitna. Kung titingnan mo parang pang Valentines day ang theme ng bar pero hindi naman February ngayon.
" Babe, are you okay? " Sumilay ang ngiti sa labi niya. Naiinis ako kasi ang weird ng paligid ko isama mo na si Zach.
" Ewan ko ba pero ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Nasaan na ba yung iba? Nasa bar ba tayo or nasa restaurant? Nakakapanibago lang ng ambience ng bar. " Ngumiti nang nakakaloko si Zach.
" Babe, relax lang. They're coming. Wait here, punta lang ako ng bar counter. " Tumayo siya at nagpunta sa bar counter. Nakatalikod ako sa bar counter at nakaharap sa may entrance ng bar. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message na sina Abby at Ayana pero ni isa sa kanila hindi nagpaparamdam. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang lumingon ako may nakaharang na bouquet of flowers sa mukha ko. Tumingala ako sa kay Zach at ang loko nakangiti ng sobrang lapad sa akin.
" Kailan mo ito binili? Wala ka namang binili na ganitong bulaklak kanina. " Tinanggap ko ito at pinasadahan ng tingin. Ang ganda ng arrangement ng bulaklak. Inilahad niya ang kanyang palad at nilagay ko naman ang kamay ko doon. Inalalayan niya akong makatayo at inaya sa gitna para sumayaw. Puro kasi sweet love songs ang pinapatugtog ng DJ. Hindi ko alam kung anong trip niya bakit ganito ang mga music ngayon.
" Babe, naalala mo ba iyong time na graduation natin then pumunta tayo ng cemetery? " Tumango ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya pinapaalala sa akin iyong araw ng graduation namin. He looked so nervous and tried to hide it with his smile.
" Nangako ako in front of your parent's grave na I will look after you. I've been thinking lately and na relalized ko na sobrang dull ng buhay ko kung wala ka. Ikaw iyong nagbibigay kulay sa buhay ko. " Tumigil siya sa pagsasalita at napakamot siya sa kanyang batok. Huminga siya nang malalim at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
" I'm so damn nervous right now. Babe, my life is boring without you in it. I am no longer content with just visiting you in your house." Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung saan ito patungo ang speech niya. May inilabas siya na maliit na box at binuksan ito. Napasinghap ako pagkakita ko sa singsing na may malakaing diamante sa gitna. Para itong promise ring na binigay niya sa akin pero mas malaki ang diamond nito.
" Francesca Avery Salvatore, will you spend the rest of your life with me? " Bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Tumango ako sa kanya. At nilagay niya ang singsing sa ring finger ko.
" I love you so damn much. I'm scared that you might decline my proposal. " Niyakap niya ako at siniil ng halik na ginantihan ko naman. Biglang napuno ng malakas na palakpakan sa loob ng bar. Pagtingin ko nandoon lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay namin ni Zach. Lahat sila masaya para sa amin. Hindi ko alam kung paano niya na prepared lahat ng ito na hindi ko nalalaman.
" I love you so much Zach. Forever and always. " Hinalikan niya ako sa noo at yumakap ako sa kanya. Lumapit naman ang mga pamilya at kaibigan namin para batiin kaming dalawa.
" Congratulations to both of you. I'm sure your parents were extremely happy for both of you. "Tita Stef simply wiped her tears and hugged me.
" Thank you, tita. " I hugged her back.
" Babe, this is for you. " Kinuha niya ang sulat sa bulsa niya at binigay niya ito sa akin. Nagtataka ako kung ano ang laman ng sulat. But I recognise my dad's penmanship. I looked at him and he just nodded as if telling me to read it. Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang sulat. Unti-unti na bumagsak ang mga luha ko.
Dear Skye,
Anak, I'm so proud of whatever you have achieved in life. Zach asked for your hand. He wants to marry you when the right time comes. Who am I to stop him from marrying you? After all, he is a great guy. Gusto ko lang na mapunta ka sa mabuting tao. Wala kaming ibang hiling ng mommy mo kundi ang makita kang Masaya sa piling ng mahal mo. I wrote this letter just in case I won't be able to tell you this in person. You know us, we're always away from home. But on your engagement day and wedding day, of course, we wouldn't miss it for the world. Always remember that we love you first. Enjoy your life with Zach. We give our blessing to both of you.
Daddy
Pagkatapos ko basahin ang sulat iyak nang iyak ako. Masaya ako sa sinulat ni daddy but I missed them so much. Sana nandito sila para makita nila kung gaano ako kasaya. But I know they're watching me from above.
Niyakap ako ni Zach ng mahigpit and planted small kisses on my head. Hindi nagkamali si daddy kay Zach. Yes, Zach is indeed a great guy and I love him forever and always.
-The end-