Chapter Parents

"Boss naman! You know na kailangang kailangan ka ng office at papatawagan ka na naman sa akin paulit ulit ng Daddy mo.." Halos nakapikit na nakikinig si Coleen sa maingay at sunod sunod na reklamo ng kausap niya sa telepono na si Art.

"Kung alam niyo lang kung ilang megaphone na naman ang sumalubong sa akin kahapon nung malaman ni Miss Trishia na di ko kayo kasama pabalik dito sa Pilipinas. Boss naman... Tapos mag eextend pa kayo ng isang araw? Usapan natin na pabalik na kayo ngayon.." Walang tigil na sabi ni Art na sa tingin ni Coleen ay nagmamartsa na ngayon habang pumipilantik ang mga daliri sa stress sa kanya.

Kasabay niya sana itong nakabalik sa Pilipinas kahapon kung di siya nagsabi dito na mageextend siya ng isang araw. Nakausap niya kasi sa skype si Captain Mondragon na kinamusta siya at sinabing nasa Los Angeles Port sila kaya tuwang tuwa naman siya dahil nagkataong andun din siya. Kasama na niya dapat ang mga ito kung hindi nagkaroon ng konting problema kaya sinabihan na lamang siyang pumunta sa Port of Los Angeles ngayong gabi para magkaroon ng konting pagsasalo salo. Medyo may kalapitan na rin naman ito sa Oceana Beach Club Hotel kung nasaan siya ngayon kaya di na siya nag aksaya pa ng oras at tinawagan niya si Arthur na mag eextend ulit siya ng isang araw.

"Miss Coleen are you still there? Hello?" Biglang natigilan naman sa malalim na pag iisip si Coleen.

"Ako nang bahala kay Trishia Art, saka pabalik na rin naman ako bukas ng gabi."

"Boss dadaan pa naman dito ang Kuya mo mamaya para icheck yung nangyaring meeting natin with the new investors. Siguradong magtatanong yun kung bat nagpaiwan pa kayo diyan."

"I can handle my brother Art, tatawagan ko nalang siya mamaya. Just leave this to me okay?"

"But Boss, may meeting ka rin the day after tomorrow kaya dap--"

"Good bye Art, thank you.. Wag mo muna akong tatawagan ha.."

"Pero B---"

At binaba niya agad ang tawag saka pinatay ang cellphone niya. Alam niya kasing tatawagan na naman siya ng sekretarya niya o kung di man ay si Trishia na tinalo pa ang Mommy at Daddy niya kung bungangaan siya.

Alam niyang puno ang schedule niya at nahihirapan na ang secretary niya pati si Trishia sa pag asikaso ng lahat para maging maayos ang takbo ng schedule niya kada araw pero talagang miss na miss na rin niya ang mga dating kasama. Babawi nalang siguro siya pagbalik niya.

Mabilis na lang siyang naligo at nag ayos ng sarili bago dali daling pumunta sa Port area para kitain ang mga dati niyang kasama.

"Look at you Chief Engineer Tan, you look more beautiful." Nakangiting sinalubong si Coleen ng Tito Joaquin niya na siyang kapitan parin ng dating barko na sinakyan niya ng halos ilang taon.

"Castro Tito Joaquin. Hehehe" Pabiro nitong sabi habang yakap siya ng matandang kapitan na parang ama amahan na niya sa barko. Tumawa naman ng malakas si Joaquin dahil sa inasta ni Coleen na nakasanayan na nito.

Masaya rin siyang sinalubong ng iba pang dating kasama niya ng makita siya ng mga ito. Kagaya ng dati ay binola na naman siya ng mga kasamahan niya na lalo daw siyang gumanda at biniro pang liligawan siya. Sanay naman na siya sa mga ito kaya kunway sinungitan lang niya ang mga ito na tumawa lang naman.

Nagkaroon sila ng munting salo salo na may kasamang alak sa Party Area ng barko habang masayang nagkkwentuhan. Miss na miss ni Coleen ang mga kasama niya lalo na yung lugar kung saan araw araw siyang dumadaan at ginagawa ang everyday routine niya nung siya pa ang tumatayong Chief Engineer dito. Nakilala niya rin ang may edad ng pumalit sa kanya na nakasundo nya rin naman.

JOAQUIN'S POV

"Suit yourself hija, kukunin ko lang yung regalo ko sayo.." Nakangiting sabi ko kay Coleen bago ko ito iniwan sa guest area ng cabin ko para kunin yung regalo na dapat ay ibibigay ko sa kanya bago siya umalis noon.

Katatapos lang ng small onboard party namin para sa kanya kaya niyaya ko muna siya dito bago siya umalis pabalik sa hotel niya. Bukas na rin kasi ang flight niya at may mga aasikasuhin pa raw siya.

Sinabi kong pwede siyang magpalipas nh gabi dito dahil medyo nakainom na rin kami parehas pero sabi niya naman ay kaya pa daw niyang bumalik sa hotel niya.

"Here it goes.." Nakangiting abot ko sa kanya ng maliit na box na tinanggap niya naman ng nakangiti. Coleen is like a daughter to me. Di na siya iba sa akin sa tagal at lalim ng pinagsamahan namin dito at pati na rin ni Enrique at Lucia na malapit na rin sa akin.

"Just open it kapag nasa Pilipinas kana hija, para naman masurprise ka kunwari." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga Tito, thank you for this Cap ha.. Nag abala pa po talaga kayo.." Nakita ko ang malawak na pagkakangiti niya na tumingin sa akin. She looks blooming and more beautiful, kamukha na rin niya si Lucia dahil sa kutis niya na lalong pumusyaw at kuminis na dahil na rin siguro di na ganun kabigat ang trabaho niya noon dito na ngayon ay sa opisina na. Lalo ng lumabas ang likas na ganda nito na di nalalayo sa anak ko.

Bagay na bagay sila ng unica hija kong si Jane.

Nangiti nalang ako sa naisip ko. Alam ko kung ano ang nararamdaman ng anak ko sa kanya. I'm happy because Jane is starting to open up about everything especially when it comes to her feelings which is unusual. Di naman kasi ito palakwento at medyo malayo ang loob nito sa akin dati.

"Tito malayo na naman ang iniisip mo.."

" Come on..., you can always tell me whatever is bothering you Tito.."

Malambing at nakangiting basag ni Coleen sa malalim na pag iisip ko. Nasanay na rin kasi kaming open sa mga problema maliit man yun o malaki at kahit pa tungkol sa mga pamilya namin.

"Nothing hija.. Namiss ko lang si Jane.. Magkasing ganda kasi kayo.. sa ugali lang nagkaiba." I seriously give a small laugh and pat her shoulder.

I'm not sure kung lalo siyang namula or talagang namumula na siya dahil sa mga wine na nainom namin kanina ng grupo. Napansin ko rin na parang nahihiya siyang tumingin sa akin.

"Your only stubborn daughter Jane.." Nakita ko siyang umiling bago ngumiti bago naupo sa sofa sa harap namin. Naupo na rin ako at inabot sa kanya ang kakasalin ko lang na juice na tinanggap naman niya.

"Yes.. My spoiled brat kid."

"Miss ko na rin ang batang matigas ang ulo na yun na laging nagpapasakit ng ulo ko at ng Mommy niya.."

"Buti nga medyo nagbago na siya.." Nakangiting sabi ko habang inaalala ang mukha ng anak kong si Jane.

"Your Tita Isabella says Jane is quite different now. Buti nga daw ngayon e himalang nagfofocus na daw ang batang yun sa studies niya. She also barely still go for club night outs with her friends.."

Tahimik lang naman na nakikinig si Coleen sa kwento ko habang nakatingin sa akin.

"We love Jane so much kaya dati pinagbibigyan nalang namin sa lahat ng gusto niya."

"You know how painful in my ass to raise Jane, but still we love her kaya binibigay nalang namin lahat lahat sa kanya."

"We even tolerate her having an affair or that girlfriend issues kahit alam naming mali dahil maraming kilala at malalaking pamilya ang nakakakilala sa amin. Kesa naman nagda drugs siya." Napapailing na tawa ko.

"Well, we love her that much kaya tanggap namin kung ano man siya at kahit na ano pa man ang daan na gusto niyang tahakin kahit na minsan eh talagang halos atakihin na kami sa puso sa mga pinaggagagawa niya.."

Napatingin naman ako kay Coleen na tila nabilaukan sa iniinom niyang juice dahil sa sunod sunod na pag ubo nito..

"Okay ka lang ba hija?" Concern na tanong ko.

Agad ko siyang binigyan ng tubig habang tinatapik ko ang likod niya.

"You sure you're not drunk? You can stay here for the night.. May mga kwarto pa dito na pwede mong tulugan hija.." Lalo kasing namumula ang mukha nito na para ng kamatis habang inuubos ang laman ng baso na inabot ko sa kanya.

She look at me intently and give me a smile. Ngiti na pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin o itanong.

"Tito Joaquin..."

"I... "

She give me a deep sigh and look at me.

"May gusto sana akong sabihin sa inyo..."

Namumula pero seryoso niyang sabi niya na humarap sa akin.

Tan's Mansion (Philippines)

"She know's na marami pa siyang dapat gawin sa company niya hon.. Baka naman di na naman siya magpakita at takbuhan na naman ang mga responsibilidad niya."

"Parang sasakit na naman ang ulo ko sa anak mong yan.."

Hawak ang sentido na sabi ni Don Enrique sa asawa niyang si Lucia na nagdidilig ng mga alagang bulaklak nito. Bahagya namang tumuon ang atensiyon ni Enrique sa mga tanim ng asawa.

"Enrique.. Kilala mo ang anak mong yun. Pagbigyan mo nalang, baka talagang may importante lang siyang inasikaso kaya di na siya sumabay sa secretary niya pabalik dito sa Manila.." Kalmadong alo naman ni Lucia sa asawa.

"Coleen knows what is right and wrong.. Saka sa edad na yun ng anak natin, di naman na natin pa kailangang pangunahan siya sa mga gusto at desisyon niya." Dagdag pa ng ginang.

"Hon, di ko naman hinihigpitan si Coleen. Ang sa akin lang naman e sana masanay naman siyang tawagan tayo o iinform naman tayo kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Hindi yung bigla bigla siyang mawawala at magdedesisyon ng di niya sinasabi sa atin.."

"Don't get me wrong Lucia, mahal ko ang anak nating yun. Nag aalala lang ako sa kanya.."

Umiling iling nalang naman si Donya Lucia na bumaling nalang sa mga Roses na alaga nito na inamoy amoy pa.

Lumapit naman si Enrique sa maybahay niya at niyakap ito sa likuran.

"Hon? What happen to your roses? The last time i check marami at halos mapuno na itong garden natin ah.."

"Pero parang nabawasan na ata ng halos kalahati.. Naagkaron ba ng peste o kung anumang kulisap kaya parang kumonte ang mga bulalaklak nito?"

Nagtatakang sabi ni Enrique sa asawa na inilibot pa ang paningin sa mga tanim nitong mga rosas sa garden na pinagawa niya para sa asawa.

Lucia just give him a small chuckle and face his husband while giving him a hug.

"Look what you've missed Enrique.." Natatawang sabi ni Lucia.

Nagtataka naman ang Don na napatingin sa asawa na nakayakap sa kanya.

"What?" Tanong pa nito sa tinutukoy ng asawa niya.

"Looks like our dearest Coleen is inlove with someone." Lucia.

Natigilan lang naman si Enrique na nililinaw ang mga narinig sa asawa niya na ngayon ay parang kinikilig pa.

"Well, since lang naman na bumalik siya dito sa Mansion e lagi na siyang umuungot sa akin na bigyan ko siya ng mga tanim kong american roses.."

"And... napapadalas na yun kahit na busy siya o umaalis man siya ng bansa e tumatawag pa siya sa akin para maglambing para bigyan ko ulit siya ng mga bulaklak.." Kinikilig na parang teenager na inamoy amoy ulit ni Lucia ang mga tanim niya na ikinangiti ng di makapaniwalang si Enrique.

"Look what i've missed hon.." Tatawa tawang sabi ng Don na ginaya pa ang unang sinabi ng asawa.

"Looks like our Princess is now falling inlove with someone....... Wait!"

"Nagsabi naba siya sayo kung sino?"

"Have you met him?"

"Do you know who's the lucky guy hon?"

Excited na sabi ng Don na ngayon ay di maipaliwanag ang pagngiti nito na natuwa sa sinabi ng asawa.

Di alam ng Don na ang masungit at seryosong nag iisang anak na babae niya ay marunong din naman palang magpakasweet at may itinatago pala itong sekreto na di man lang niya napansin dahil sa sobrang kabusyhan nila sa kumpanya nila.

"Let her be hon, magsasabi din yun.."

"I have no idea who's the lucky guy but i'm sure ipapakilala niya rin yun sa atin hon.. Lets just let her do her thing and sooner maybe magugulat nalang tayo na baka magka apo na tayo sa anak nating si Coleen."

Kinikilig din at ngiting ngiting nagsasayaw pa ang Donya habang dinidilig ang mga bulaklak na inaalagaan niya para sa anak.

"Hey hon, not that fast okay.. Kailangan niya munang pakasalan ang anak natin, mahirap na.. Ayokong may Tan na umiiyak. Malalagot sa akin ang kung sino mang magpaiyak sa anak nating si Coleen." Mapanganib pero tumatawang sabi ni Enrique na lumapit pa sa asawa at hinalikan ito.

Nasa ganong posisyon ang dalawa ng bigla namang tumikhim si Vincent at kunwari'y nandidiri sa naabutang senaryo ng mga magulang niya.

"Oh God please, not here Dad, Mom."

Tumawa lang naman ang mag asawa sa inakto ng anak na naglalakad patungo sa kanila.

"Tito Joaquin is on the line Dad, he wants to talk to you.." Saad ni Vincent bago iabot ang telepono sa ama.

"Why? Is there something wrong? May emergency ba?" Tila nag alala naman na sabi ni Lucia na nakatingin sa asawa na kausap na sa kabilang linya si Joaquin. Di rin kasi ito tumatawag kung di naman sobrang importante o kaya naman ay patungkol sa anak nilang si Coleen na matagal na nakasama nito sa barkong pinagtrabahuan nito.

Ginalaw galaw lang naman ni Vincent ang balikat nito senyales na hindi niya alam kung bat napatawag si Mr. Joaquin Mondragon na kausap na ng Ama niya ngayon.

Sumenyas naman si Enrique na aalis na muna siya habang may kausap sa telepono. Nakuha naman nila na gusto ng Don na pribado silang magusap kaya lumayo na muna sa mag ina na parehas nagtataka.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.