Chapter Where Are You Going?

"What can you say about Miss Oregon's presentation Miss Tan?"

Nagulat naman si Coleen ng may sumipa sa kanya sa ilalim ng table at nakita niyang may sinisenyas sa kanya ang kanyang kapatid. Nasa loob sila ng isang board meeting kasama ang ilan sa mga stock holders ng kumpanya pati na rin ang ilan sa mga bagong board members para pag usapan ang ilang importanteng issue sa kumpanya nila.

"Yes Miss Tan? " Nakangiting tukoy sa kanya ng isa sa mga board members na kaharap niya.

Umubo kunwari ang dalaga na tiningnan muna ang kapatid saka sumagot ng pormal.

"I guess that would be good if we try Miss Oregon here of TPHD Corporations new project proposal."

"Maybe we could make a new partnership with them, i can see that they can handle such big operations like what happen month ago during the annual Japan Convention."

Tuloy tuloy na pagsasalita ni Coleen na sinang ayunan naman ng board. Nagtataka man ay proud din naman si Vincent sa younger sister niya dahil sa husay nito sa paghandle ng business nila na pinagkatiwala ng kanilang ama sa kanya.

Marami pa silang pinag usapan na tumagal din ng halos isang oras.

Natapos naman ng maayos ang meeting nila ng araw na yun kahit kararating lang ni Coleen galing LA at sa opisina na agad tumuloy para umabot sa meeting na yun.

Papasok na sana ang dalaga sa office niya ng masalubong niya ang kapatid niya na malawak ang pagkakangiti.

"Napakatalino talaga ng kapatid ko, pinabilib mo na naman ang board kanina. After the meeting e ikaw na ang pinag uusapan nila Coleen Brylle." Nakangiting sabi nito pagkatapos halikan sa cheeks ang kapatid.

Coleen rolled her eyes and give her brother a deadly glare. Di pa rin kasi ito nagbabago sa kasanayan nito na lagi siyang asarin kung kelan man nito gusto na parang bata.

"You should thank me my sister, lutang kapa ata dala ng jetlag kaya nakakatatlong tawag na sayo ni Director Lee para kunin ang atensyon mo kanina pero mukhang malalim ang iniisip mo na kailangan ko pang sipain ang paa mo para matauhan ka.." Tatawa tawang asar nito sa kapatid na binangga pa ang balikat nito.

"Grow up Kuya! Ang lakas lakas ng pagkakasipa mo sa paa ko!" Reklamo nito sa kapatid na inambahan pang hahampasin ng dala dala niyang folder pero agad namang nakailag ang kapatid at tinahak ang direksiyon papunta ng elevator habang tumatawa tawa.

"I love you Coleen Brylle kahit napakamainitin pa rin ng ulo mo. Hahahaha!" Sabi ni Vincent na kumakaway pa at nagpalipad pa ng halik sa kapatid.

"Hey, whoever you're thinking is. Mahal ka nun wag mong pakaisipin para di ka natutulala.." Sabi pa nito na sumilip pa bago magsara ng elevator.

Nagdadabog nalang na pumasok si Coleen sa office niya at pasalampak na naupo sa swivel chair niya. Pinikit niya saglit ang mata niya saka hinilot ang sentido para marelax siya. Pagod na pagod ang dalaga dahil sa tuloy tuloy na byahe niya na at halos kakarampot lang na tulog niya.

Wala pang limang minuto ay naramdaman niyang may pumasok sa office niya pero di na siya nag abalang imulat ang mata niya dahil pakiramdam niya ay alam na niya kung sino yun.

"You did great Boss, everybody is talking about you when i pass the buffet area to talk with Mr Ynares."

"Manang mana ka daw sa Daddy mo na si Mr Tan sa galing mo maghandle ng business."

Narinig ng dalaga na papuri ni Arthur sa kanya pagkapasok nito.

"What would be my next schedule Art, ng makapagpahinga na ako." Bakas sa boses ng boss niya ang pagod at ni hindi man lang ito nagmulat habang hinihilot ang sentido nito. Past 4pm na rin naman halos natapos ang meeting kaya alam niya na pagod na talaga ito.

"Good news Miss Tan, may meeting ka sana sa big supplier natin sa Diamond hotel mamayang 6pm pero sinabihan na ako ng kapatid mo na si Sir Vincent na siya na daw ang makikipagmeet sa kanila."

"Umuwi ka nalang daw po at magpahinga pagkatapos mo pirmahan yung mga kailangang papel para bukas bago siya pumunta ng Sicily."

"Thanks God to my Devil brother." Di man lang nagmulat na sabi ni Coleen sa katatapos lang magsalitang si Arthur.

Nagpahinga lang ng ilang minuto si Coleen at pinadala niya na rin kay Art lahat ng mga kailangan niyang pirmahan. Binasa na rin niya yun kahit papano kaya halos inabot na rin siya ng 7pm bago natapos lahat at umalos ng opisina.

May driver na pinadala sa kanya ang Daddy niya para sunduin siya pero nagbilin na lang ang dalaga dito na bukas nalang siya uuwi ng mansion at magpapahinga lang muna siya sa hotel suit niya.

Tinawagan nalang din niya ang mga magulang para di na mag alala ang mga ito sa kanya.

JANE'S POV

Kakatapos lang namin mag usap sa phone ni Yasmin, wala pa rin daw siyang nakukuhang information kung nakauwi na ba si Coleen o kung nasaan man.

Nakailang balik na rin ako ng office niya pero ang sabi lang ni Kuya Vincent ay out of the country daw. Sinubukan ko na ring kausapin si Trishia na secretary niya pero di ko na ito macontact. Ayoko namang mag isip si Mommy na ngayon pa ako magtatanong ng tungkol kay Coleen kaya di ko na siya tinanong na baka may alam siya kung kelan ang balik nito.

I really dont understand myself. I want to talk to her and see her, pero kapag naiisip ko ang mga sinabi niya bumabalik na naman ang galit ko sa kanya. Kaya ayon, katapusan e di ko nalang aalamin yung mga where abouts niya at magpapaka inis na naman maghapon. Kagaya ngayon na uminom ako ng konti para lang mabawasan ang init ng ulo ko. Buti nalang at sa isang araw pa ang balik ni Mommy. Nasa Boracay ito kasama ang Tita Fae ko na bestfriend niya nung highschool.

Kung hindi aabutin na naman ako dun ng sandamakmak na word of wisdom na may kasamang sumbong pa kay Daddy.

Kasalanan niya talaga lahat ng 'to. Bwisit siya!

Napatingin ako sa relo ko, 9pm na rin pala. Pero parang gusto ko lumabas at magbar. Wala naman si Mommy eh, for sure pagbalik nun di na naman ako gaanong makakalabas.

Tinawagan ko si Wendy pero di sumasagot. Si Yasmin naman ay nagpaalam kanina na matutulog na dahil nilalagnat ang bruha.

I tried Charlotte's number and she picked up.

Nabobored din daw ang loka loka kaya napagkasunduan naming lumabas at magbar. Dali dali akong nagpprepare at naglinis ng katawan.

Nagsuot nalang ako ng simpleng above the knee white skirt at manipis na sleeveless na pinatungan ko nalang ng pink na rugged cardigan saka naglagay ng konting make up bago nagmamadaling bumaba ng kwarto bitbit ang susi ng kotse ko.

Tulog na rin ang ibang maids kaya nagdahan dahan nalang ako sa pagbukas ng pinto.

"What the fu-----"

Halos atakihin ako sa puso ng pagkabukas ko ng pinto ay halos matumba sa harapan ko ang bulto ng tao na prenteng nakasandal sa pintuan.

Nanlaki pa ang mata ko ng maaninag ang pagod at humihikab pang si..

COLEEN???

"Where do you think you're going?" Relax na sabi nito na tumingin lang sa akin na humalukipkip pa habang nakasandal sa gilid ng pintuan.

Gusto kong magsalita pero parang may harang sa lalamunan ko at pumipigil sa aking may sabihin.

"Are you just going to stare me?" She snaps.

I cleared my throat and look her like i'm going to stab her with my eyes.

"And what do you think you are doing in my house?!" The nerve of this girl, di magpapakita sa akin ng ilang linggo tapos biglang susulpot sa harapan ko at tatanungin ako kung saan ako pupunta?

Linggo nga ba o araw lang nawala siya?

Basta! Bwisit siya! Ang kapal niyang magpakita pa sa akin.

Pinasadahan lang naman ako ng tingin ng unggoy na to simula ulo hanggang paa na parang may hinahanap sa katawan ko na ikinailang ko naman.

"Pwede ba umalis kana sa dadaanan ko at may pupuntahan pa ako. Lumayas kana rin sa bahay ko!"

Naiiritang sabi ko. I missed her. Pero di ko talaga maintindihan kung bat ngayon e kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya na kung maka act ngayon e parang wala siyang ginawa sa akin at okay na okay kami.

Magsasalita pa sana ako pero lalo akong nagalit at nagulat ng bigla niyang agawin sa kamay ko ang susi ng kotse ko at mabilis na nilagpasan ako at walang pakialam na naglakad papasok ng bahay namin.

"What is your problem huh?! Give me back my keys!" Iritang sabi ko na sinundan nalang siya.

"Lower your voice Jane. Marami na ang natutulog at nakakaistorbo yang paglakas mo ng boses." Relax na relax parin nitong sabi sa mahinahong boses habang tuloy tuloy na naglalakad papasok.

"Where do you think you're going huh?!"

"Coleeen!!" Halos sigaw bulong kong sita ulit sa binging unggoy na walang modo na basta basta nalang pumapasok sa bahay ko.

"Seriously Coleen?!! Give me back my keys and leave!!" Gigil pero pabulong na sita ko dito na wala man lang pakialam sa galit at inis ko.

Napipilan ako bigla ng tumigil ito at bakas sa mukha nito ang pagkairita na rin na humakbang palapit sa akin.

Ano bang problema ng isang ito!

Halos mapaurong pa ako ng kulang na lang ay magdikit na ang mga mukha namin sa sobrang lapit bago pa siya tumigil sa paglakad sa harapan ko.

"I told you not to make any sound and lower your voice young lady. Nakakaistorbo ka ng mga natutulog." She even roll her eyes and look at me again intently.

"Ginabi ako sa pag order niyan."

I was shocked and speechless when she put a bouquet full of yellow roses in my hands and walk upstairs like nothing happen.

Bat di ko napansin na dala dala niya ito kanina?

"I'm tired from my direct flight Jane. Close the door. I want to sleep."

"And don't you dare go outside and act like a kid sneaking and going out this hour."

Yun lang at tuloy tuloy na itong walang pakialam na umakyat papunta sa kwarto ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.