"Grabe Ma'am makatitig sayo yung anak ni Mr. Dimaandal kanina, parang hinuhubaran kayo." Daldal ni Arthur sa kanyang boss na ngayon ay nagsisign ng mga dinala niya ditong papeles. Malapit na rin ang dalawa sa isat isa kaya kapag silang dalawa nalang sa office ng dalaga e parang magkaibigan nalang din sila mag usap kagaya nila ni Trishia.
Naging succesful naman ang investment nila sa Dimaandal shippings at sila na ang nagmamayari ng kalahati sa agency ng mga ito na nagkaroon na ng signing kanina lang pagkatapos ng meeting.
"Maganda din naman siya kahit may pagka bitchy ang dating niya, kaso sobra naman ang pagkakaharap harapan ng pagiging malandi niya. Kulang nalang ata kanina Ma'am e dambahan kayo dito sa office mo, buti nalang dumating ako."
"Sasabunutan ko na sana yun eh, kaso baka malaman naman ng lupunan na bakla ako. Pwede ring hamunin ko ng suntukan bayot din naman yun." Tatawa tawang sabi ng malantod na si Art.
Napailing nalang si Coleen na itinuloy ang pagbabasa sa natitirang folder.
Si Irine Dimaandal na isang sikat na ramp model at nag iisang anak ni Thaddeus Dimaandal ang tinutukoy ng secretary niya. Napapansin man niya ang madalas na pagtitig nito sa kanya kanina ay di nalang niya yun pinagtuunan ng pansin. Laking gulat nalang niya ng bigla itong pumasok sa office niya at sinabing naligaw lang kaya wala syang choice kundi kausapin at iintertain ito. Di na siya nagtataka sa mga ipinapakita nito sa kanyang motibo dahil alam naman ng lahat na isa itong out lesbian na tinanggap din naman ng lipunan dahil na rin sa pagiging sikat nito.
"Pero Ma'am, napapansin ko talaga ang aura mo na cool na cool lang simula ng pumasok ka ng office kanina. Iba eh.." Pag iiba ng usapan nito. Umatake na naman ang pagiging madaldal nito na isa sa laging kinaiinisan niya.
"Parang may iba sa inyo ngayong araw. Bukod sa namamaga niyong mata at parang bampira sa pula na halatang di kayo nakatulog kagabi, Talagang iba e... blooming pa rin kayo at mukhang fresh.." Lumapit pa ito sa kanya at sinipat sipat ito na nginitian lang naman ni Coleen.
"Tingnan mo Boss oh! Dati lagi kang nagsusungit, laging seryoso na akala mo pasan mo ang daigdig. Ngayon naman parang iba talaga eh... Yung ngiti niyo saka kislap ng mga mata niyo, teka..." Biglang pumitik pa sa hangin ang baklang secretary niya saka lumapit dito at pabulong na nagsalita.
"Parang ganyan yung mga tipo na kakatapos lang makipagsex o satisfied sa happy en---"
"Shut your mouth Arthur! Ang bastos ng iniisip mo! Di ako makapagconcentrate sa binabasa ko dahil sa mga sinasabi mo." Sita nito na biglang namula dahil sa mga pinagsasabi ng sekretarya niya.
"Ma'am di nga? Iba talaga eh... Nagkaayos na ba kayo ni Miss Mondragon?"
"I'm trying to concentrate here Arthur, papalabasin na kita pag di ka tumigil." Biglang pagseseryoso nito.
"Di ka naman mabiro Ma'am..."
"Sabi ko nga, wala po akong napapansin." Pinipigil ang tawang sabi nito saka parang baliw na nagsign pa na isinizipper ang bunganga. Nagpaalam din ito na lalabas saglit para ikuha siya ng coffee.
Gustong mangiti ulit ni Coleen pero naisip niyang sarilinin niya nalang yun dahil sa makulit na sekretarya nya.
Di na talaga maitatago ang mgandang mood niya after nila magkaayos at magkausap ni Jane. Mahal na talaga niya si Jane, late man niya narealize yun atleast ngayon ay nasabi nya na sa dalaga ang totoong nararamdaman niya. Handa na rin syang harapin lahat ng tao maipagtanggol lang si Jane at ang relasyon nila kahit pa mali ito sa mata ng iba.
"Ma'am may bisita po kayong babaeng napakaganda! Nako magiging straight na yata ako dahil sa mga nag gagandahang mga model na nakikita ko ngayong araw."
Napaangat naman ito ng tingin sa kakapasok lang sa pinto niyang si Art habang dala dala ang kape na kinuha nito.
"Who's that? Ano daw ang kailangan." Nagtataka ring tanong niya.
"Yung sikat na si Danielle Ditzeroi Ma'am, ang alam ko wala naman siyang appointment sa inyo pero nagulat nalang ako nung nakita ko siyang naglalakad na pa---"
"Let her in and bring us some juice bago pa siya pagkaguluhan sa labas ng opisina." Command niya saka inabot dito ang katatapos lang niyang pirmahan.
"Don't tell me Ma'am siya ang dahilan kung bat---"
"Arthuro Catindig susunod ka ba o tatanggalin kita bilang secretary ko? I don't want her to keep waiting."
"Yes Ma'am, sabi ko nga secretary niyo po ako at di ako pwedeng matanggal!" Timang na sagot nito na bigla pang sumaludo at parang may sayad na nakangiti habang nagmamadaling kinuha ang mga pinirmahan ng boss niya bago pa umalis sa opisina niya.
Pagkalabas naman ng opisina ng boss niya ay agad agad din niyang pinuntahan ang madandang model na naghahanap sa boss niya na hawak hawak ang cellphone nito.
"Miss Ditzeroi? Miss Tan is waiting for you inside."
Tumango naman ito at nginitian sya ng pagkatamis tamis. Kung hindi nga lang sya bakla at wala siyang boyfriend ay baka kanina pa niya ito nilalandi. Nakita pa niya ang ibang officemates niya na nakatingin dito na humahanga sa sobrang ganda at sexy nito. Isa din naman ito sa mga models nila pero ngayon lang ata ito napadpad sa company nila para sadyain ng boss niya.
"Miss Ditzeroi can we get a picture together?"
Hirit pa nito bago makalapit sa pinto ng office ng boss niya.
"Yes sure."
Tuwang tuwa naman siya na kinikilig ng pumayag itong magselfie kasama siya. Pagkatapos pa nito maihatid sa loob ay tinawag siya ng boss niya.
" Cancel my appointment for 1pm, mag early break kana rin. I'll be out for lunch with Miss Ditzeroi here." Nakangiting sabi ng boss niya na sinulyapan pa ang bisita nito na humampas pa sa braso nito.
May gusto pa sana siyang sabihin pero baka magalit na ang boss niya sa pagiging makulit niya. Ayaw na rin niyang istorbohin ito dahil mukhang may importante itong pag uusapan dahil sa pagpapacancel nito ng meeting na di naman nito ginagawa.
Nakipagkwentuhan na lang ito sa ibang kaopisina niya pagkatapos niya madala sa kanya kanyang department ang mga napirmahan ng boss niya.
Naglalakad siya papunta sa office ni Vincent Tan na kapatid ng boss niya ng makasalubong niya rin ito.
"Good day sir, ito po yung mga natapos ng pirmahan ni Ma'am Coleen. Papunta na rin ako ng office niyo, buti na lang at nakasalubong ko po kayo.
"Oh yes. Kukunin ko sana to para madala mamaya sa Tagaytay. Anyway where is your boss? Icocongratulate ko lang sya dahil sa approved investments na nakuha niya." Nakangiting turan nito.
"Ahhh.. Nasa office niya po Sir, m... may bisita po siya.. Pinacancel niya nga po yung meeting nya for 1pm dahil lalabas sila ng bisita niya.."
"Visitor? Who?" Nagtatakang tanong nito habang binabasa ang folder na inabot niya dito.
"Nako sir, di kayo maniniwala. Binisita siya nung isa sa sikat na model natin na napakaganda.. Ngayon nga lang po yun naligaw dito eh. Nagselfie nga po kami kanina, di ko na talaga palalagpasin ito." Kinikilig nitong kwento.
"Model? Pretty model?" Nagtataka paring nasabi nito. Di niya alam na may kilala na palang model ng company nila ang kapatid nya. Ang alam niya kasi di pa niya ito naipapakilala sa ilang department dahil sa susunod na linggo pa gaganapin ang big company party na para kay Coleen para maipakilala pa ito sa ibang company and department leaders sa ibat ibang parte ng bansa.
Ipinakita pa ni Art dito ang selfie nila ng magandang model na bisita ng boss niya.
"That's Danielle, magkakilala sila ni Coleen?"
"Di ko nga din po alam na kakilala ni Ma'am si Miss Dani eh, pero mukha pong close sila. Ngiting ngiti nga si Ma'am nung dumating si Miss Danielle." Tuloy pang kwento ng secretary ng kapatid niya.
"Hello Kuya Vincent!"
Napalingon sila parehas sa kadarating lang na maganda ring babae na napakasexy at malawak ang pagkakangiti.
"Hey Jane, how are you?"
"You look stunning.. Parang may nag iinspired na sayo ahh.. " Bola pa nito bago bumeso kay Vincent at saka ngumiti. Ngumiti lang naman si Jane bilang sagot.
"Miss Jane Mondragon? Ikaw po ba yung sikat na anak ng billionaire na si Mr. Altheo Mondragon?" Humahangang tanong ni Art na di napigilan na suyurin ito ng tingin habang puring puri at di makapaniwala sa nakikita nya. Tumawa naman si Vincent at ipinakilala ang dalawa.
"Jane, siya nga pala ang secretary ni Coleen si Arthur."
"Arthur, you're right. This is the pretty Jane Mondragon you're saying."
Natatawa naman si Vincent sa nakanganga parin at humahangang si Art na di makapaniwala na kaharap ang isa pa sa sikat at maganda ring babae.
"And Jane. Art is gay, allow and ignore him to drool over you, ganyan talaga yan. Hahahahaha!"
Para namang natauhan si Art na nahihiyang napangiti nalang saka biglang natahimik.
"Napakaganda niyo po pala Ma'am. Nako Lord bakit po umuulan ng mga naggagandahang model at sexy na chicks ngayon. Gusto niyo na po bang maging straight ako?"
Nagtawanan nalang ang mga ito sa kabaliwan ni Art.
"Looks like magkakasundo kami Kuya Vincent. Hehe!"
"Ano nga pala ang sadya mo Jane? Kumain ka na ba?" Vincent.
"It's saturday Kuya, hmm.. Gusto ko sanang isurprise si Coleen. Nandito ba siya?"
"Yes, Nasa office niya lang s----"
"Great! Isusurprise ko talaga siya Kuya eh. Wag kayong maingay sa kanya ha, she did'not know i will come here.."
At mabilis nitong tinungo ang office ni Coleen.
"Wait Jane... She's....... with --"
"Miss Jane si----"
Halos magkasabay na banggit ng dalawa na di na naituloy ang mga sasabihin ng makalayo na ito agad papunta sa opisina ni Coleen.
Napakamot kamot nalang naman si Vincent habang nakatingin pa rin sa dinaanan niyo.
"OMG! Lagot."
"Anong lagot, why?" Di mapigilang tanong nito sa nasabi ni Art.
"Ho? A... e.... Wala po Sir.. Ako pala, lagot." Di maipintang bulalas ni Art na nagkukumahog na ring umalis.
"Sir, dyan na muna kayo ha.. Si.. Si ma'am kasi... Baka ano... Nagugutom."
"Wait, what?" Vincent left wondering.
Si Art naman ay di na rin naabutan ang mabilis na si Jane na nakapasok agad sa opisina ng boss niya.