Chapter Nakakaistorbo Ba Ako?

JANE'S POV

I'm going to surprise her. Ang alam niya busy ako at magsshopping kami with Dad. Di ko rin kasi nirereplyan ang mga text niya at alam ko na nakasimangot na naman yun.

Miss ko na talaga siya kaya nagpaalam ako kanina kina Daddy na pupuntahan ko siya para isurprise. Yes, sinabi ko na rin kanina kina Mom and Dad na okay na kami ni Coleen and they're happy for us. Botong boto sila kay Coleen dahil kilalang kilala na daw ito ni Daddy at parang anak na rin niya. I'm so lucky to have them as parents dahil tanggap nila ako kahit pa ano ako kahit marami na akong ginawa na nagpasakit ng ulo nila.

Ako pa nga ang pinagsabihan ni Daddy na magtino dahil kilala niya daw si Coleen at alam na niya ang ayaw at gusto nito.

Napangiti ako lalo ng makita ko ang pinto ng office nito. Wala na akong sinayang pang oras at di man lang kumatok na pumasok ako ng...

"Nakakaistorbo ba ako?"

Pakiramdam ko biglang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko ng maabutan ko ang babae na halos nakaakbay kay Coleen habang parehas silang nakangiti na may pinapanood sa cellphone nito. Nakakainis pa ang suot nung babae dahil malapit ng lumuwa ang mga boobs nito na halos labas na sa suot nitong modern short-cutted sleeveless.

Napika pa ako ng parang wala lang naman sa malanding babae na yun ng nginitian pa ako ng sobrang tamis na parang nang aasar. Dumagdag pa sa inis ko ng makilala ko ang babaing ito na si Dani Ditzeroi. I know her, and i know na isa din itong bisexual dahil ex nito ang isa sa mga naging ex ko rin dati.

"H.. hi.. Jane.. Anong ginagawa mo rito?"

Gulat na sabi pa ni Coleen na lalong ikinagalit ko. Di ba siya masayang makita ako? Nga pala pano naman magiging masaya e mas masaya ata siyang nakikipaglandian sa babaing mukhang pokpok na nakaakbay pa sa kanya.

Parang kagabi lang pa-babe babe pa siya tapos ngayon na may kasama lang na babae tinatawag na ako sa pangalan ko.

"Ehem!"

Nabasag ang pananahimik namin ng biglang umubo kunwari ang bruha.

Ano? Di ka talaga tatayo diyan para salubungin ako?

Napansin siguro niya ang inis na itsura ko kaya tumayo na ito at inalis naman ang pagkakaakbay sa kanya nung malanding si Dani na hinaplos pa ang kamay niya.

"Ah Ma'am andito po si-----"

Parehas kaming napatingin sa pintuan ng bumukas iyon at iniluwa ang secretary niya na hangos na hangos. Parang napahiya naman ito ng makitang nakatingin kaming lahat sa kanya kaya napatungo nalang ito.

"I'm just outside Ma'am Coleen." Sabi ng secretary ni Coleen bago lumabas.

"Coleen honey..."

Nanlisik bigla ang tingin ko at parang gusto kong sabunutan yung huma honey honey kay Coleen ng tingnan ko ito. Para namang nabalisa bigla si Coleen na nagtataka sa sinabi ni Dani.

Ang landi landi talaga ng Dani na 'to!

Ano? Magdedeny kapa kung bat ka tinawag na honey niyang malanding babae na yan?!

"Ahm... Jane... Si Danielle pala, she's here to---"

Naputol ang sasabihin ni Jane ng inakbayan pa siya ng maharot na babaeng yun saka may ibinulong.

"Looks like nakakaistorbo nga ako. Nagpunta lang naman ako para idaan ito. "

Halos pabagsak na ibinaba ko sa table niya ang dala kong lunch na ikinagulat pa ni Coleen.

"I must go Miss Tan."

At mabilis pa sa isang segundo na nagmamadali ako ng labas sa kwartong yun, nadaanan ko pa ang tulirong secretary niya na nagtataka sa mga nangyayari..

Narinig ko pa ang pagtawag ni Coleen pero di ko nalang ito pinansin at mabilis na tinungo ang elevator saka umiyak pagkasara noon. Dun ko na di napigilang mapaiyak sa inis at galit sa mga naabutan ko.

Bakit andun ang babaeng yun sa opisina niya at nakikipaglandian pa sa kanya habang nakaakbay samantalang sabi niya kanina sobrang busy niya raw.

That girl even called her Coleen honey!

Lalo ko lang naramdaman ang sakit sa loob ko ng makilala ang babaing yun.

Danielle Fitzeroi, famous model. Yes famous model, famous and beautiful.

Di naba niya ako mahal? Pinaglalaruan na naman ba niya ako? O baka naman nag ooverthinking lang ako.

Fuck!! Kung magloloko siya bakit ngayon pa? Sa opisina niya pa mismo!

May mga nakasabay ako sa elevator pero wala akong pakialam na pinunasan nalang ang mga luha na di ko mapigilang lumabas sa mata ko.

I hate you Coleen. Dapat di na kita binigyan pa ng chance.

Pinunasan ko ang luha ko bago lumabas ng elevator, di ko nalang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.

"Jane hija?"

Napatingin ako sa may ari ng boses na yun. Naglalakad na kasi ako dito sa basement area papunta sa kotse ko na parang baliw habang malalim ang iniisip.

"Okay ka lang ba? What are you doing here?"

Pinunasan ko pa ang mga mata ko dahil nanlalabo ito para lang makilala ang kausap ko. Nang makilala ko naman si Tito Enrique pakiramdam ko ay lalo akong naiiyak kahit na pigilan kong humikbi.

"Are you crying? What happen?" Tito Enrique.

Sinubukan kong ayusin ang sarili ko at pigilan ang nakaambang pagtulo ng luha ko.

"T.. tito... W.. wala po..i'm okay... May konti lang pong problema.."

Yung anak niyo pong manloloko at babaera pinaiyak ako. Gusto kong isigaw.

"Are you sure? San ka pala galing?" Bakas sa mukha ni Tito ang pag aalala.

"Ahm... I... I just saw a friend here.."

"Tito i don't want to be rude, b... but i think i have to go..."

Di ko na makakayanan dahil baka humagulhol na ako sa iyak dito.

Alam kong di kumbinsido si Tito pero ayaw nya na rin siguro akong pigilan pa.

"Okay hija... Kung ano man yan sana maayos na.. Regards mo nalang ako kay kumpadre ha.."

Tumango nalang ako bilang sagot saka dumiretso sa nakaparada kong kotse. Kung alam niyo lang Tito na ang magaling mong anak ang may gawa nito.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko para makalayo sa lugar na yun habang umiiyak na naman.

I hate you Coleen.

Hinagilap ko ang cellphone ko saka nagdial ng number dun.

"Wen where are you... huhuhu"

"Jane? Are you crying? What happen?" Narinig kong medyo maingay sa background nito.

"Jane? Maingay dito, just... Pumunta ka nalang dito sa Bar ni Ate Meg okay.. Dito tayo mag usap.."

At binaba ko na rin agad angvtawag saka binaybay ang kalsada papunta sa El greco.

"What was that Dani?" Di makapaniwalang turan ni Coleen sa relax lang na nakaupong bisita niya.

Sinubukan niyang sundan si Jane pero pinigilan siya ni Dani at sinabing hayaan ito.

Binisita siya ni Dani ng malamang nasa Pilipinas na siya para imbitahin sa susunod na buwan para sa binyag ni Baby Alex. Kasama niya dapat ang mag ina niya pero pagod pa si Sahara dahil kararating lang din nila galing sa Davao sa Tita ni Sahara doon.

Nagkataon naman na pinapakita niya kay Coleen ang latest picture ni Baby Alex ng abutan sila ni Jane. Nagulat nalang din si Coleen ng biglang nagbago ang treatment sa kanya ni Dani ng dumating si Jane na parang malapit na siyang sapakin.

"Coleen, kung mahal ka talaga ni Jane dapat may tiwala siya sayo. Dapat di siya naghinala agad at hihintayin niya ang paliwanag mo."

"I don't get it Dani. She left. And i know she's mad. Baka di na naman ako kausapin nun.. Alam mo naman ang nangyari sa amin."

"Dapat hinayaan mo akong habulin siya."

Di na kaila kay Dani at Sahara ang tungkol kay Jane dahil nabanggit na ito ni Coleen nung nasa Dubai pa sila.

"If she's mad and doesnt want to listen to you, Let her be. Love needs trust Coleen. Ganyan din ang nangyari sa amin ni Sahara.." Tatawa tawa pa ito na parang wala lang ang nangyari.

"And i think, kung hindi umiiyak yun e baka naglalasing na yun dahil sa selos. Hahahahahaha!"

Naweweirduhang napatingin si Coleen dito.

"You don't understand. Jane is different. Kung alam mo lang at makikilala mo pa siya.."

" I knew her already Col, she my ex's ex. The stubborn player Jane Mondragon.."

"Nagulat nga ako nung nagkwento ka tungkol sa kanya nun. Di pa ako makapaniwala na yung tinutukoy mong Jane e yung Jane Mondragon na kilala ko."

"I don't get you Danielle."

"Nakakatuwa lang isipin na yung dating kilalang player na di marunong magseryoso at di humahabol sa babae dahil sya ang kinakabaliwan e baliw na baliw na pala sayo at hinabol ka pa sa kung saang lupalop makita ka lang.."

Tumawa pa ito ng malakas saka tumabi sa kanya.

"I can see jealousy in her face. Malapit na ata niya akong sampalin ng upuan sa sobrang selos niya." Nagbiro pa ito.

"Not funny Danielle." Make it sure you give me a damn reason why did you do that." Seryoso na si Coleen habang bakas sa mukha nito ang pagkairita.

"Hey Col... Im very thankful i met you and ofcourse. Andun ka nung wala ako sa tabi ng asawa ko. That's why utang namin sayo ang buhay ng asawa ko at ni Baby Alex."

"And we just want you to be happy.." dagdag pa nito.

"And look what you did? Baka tuluyan na akong di kausapin ni Jane at baka isumpa pa ako nun dahil akala niya babae kita at niloko ko siya!''

Tumawa naman ng malakas si Dani.

"Dapat ka ngang matuwa sa reaksiyon niya girl eh. Ano kaba, She's the old heartless Coleen na di marunong magseryoso at walang pakialam. But look, malapit niya na tayong pagbuhulin kanina. Hahahahahahahaha!"

"I still don't get it. Isusumbong na talaga kita kay Sahara na pinapasakit mo ang ulo ko!" Pananakot nito.

"I was just kidding alright? Hahahaha! "

"Nakakatuwa lang kasi ni Jane. At dahil importante ka na sa amin ni Sahara at ayaw din naming nasasaktan ka kagaya nung una ka naming nakita... Nakuha ko na ang gusto kong sagot."

Pairap namang tumingin si Coleen dito.

"She's really into you. No. She loves you!" Aliw na aliw ito na tumawa pa.

"That's it Danielle Fitzeroi? Gusto mo bang tanggalin kita sa kumpanya ko?" Coleen.

"Oppsssss! Chill ka nga lang future boss-kumare ko! Pag nagkataon sayo ko ipapasagot ang binyag ni Baby Alex kapag tinanggal moko sa company mo, remember ninang ka! Hahahahahahahahah!"

"You're ruining my lovelife and you'll just tell me that?"

Tumayo si Coleen at nagpalakad lakad.

"You're unbelievable. Para kang si Kuya!"

"Atleast ngayon alam na natin na talagang mahal ka ng Mondragon na yun, anyway i need to go. Baka hanapin na ako ng asawa ko at mapingot na naman ako." May pait sa pilit na ngiti nito pero maloko paring tiningnan si Coleen habang isinasabit ang LV bag nito sa balikat.

"At anong gagawin ko ngayon?" Coleen gave her a questioning look.

"Suyuin mo na siya aba, ikaw din baka tumanda kang single. Hahahahah!"

Bago pa siya makareact ay nandun na agad ito sa pinto at kumakaway sa kanya.

"Marami ka ng utang sa akin Fitzeroi!"

"I know Miss Tan, let's see what i can do about that.."

"Bye!" At tumawa pa ito ng malakas na tila inaasar siya bago pa sumara ang pinto.

"Fuck! Abnormal girls." Nasabi niya nalang bago mag dial ulit ng number ni Jane. Ring lang ito ng ring pero di ito sinasagot. Ida dial na sana niya ito pero nakapatay na ito kaya halos ihagis niya ang cellphone niya sa inis.

Pumasok naman sa opisina niya ang kapatid niya na kasunod din si Art.

"Will you tell me what is happening Brylle?" Tanong ng Kuya niya.

"Ma'am sorry po di ko napigilan si Miss Mondragon, ang bilis niya kasing mag---"

"Get out Art." Seryoso nitong sabi na di nakatingin sa mga ito. Lumabas din naman agad si Arthur ng makitang mainit ang ulo ng Boss niya at ayaw niyang mapagbuntungan ng galit nito.

"What was that?"

"And kilala mo si Danielle? Kelan pa? Are you two dating?"

"Not now Kuya please." Pakiusap nalang nito habang kinakalikot ang cellphone.

"You two where dating?? Alam ba ni Daddy 'to?"

Sasagutin na sana ni Coleen ang kapatid nitong tanong ng tanong ng iniluwa naman ng pinto ang Daddy nila na seryosong naglalakad..

"Nakasalubong ko si Jane na umiiyak. Dito ba nanggaling yun?"

Napipilan naman ang dalawa at napatingin ulit si Vincent sa kapatid.

"Jane is crying Dad?" Vincent.

"Yes, nakasalubong ko siya sa basement. Ano bang nangyayari dito? "

Hinaklit naman agad ni Coleen ang bag niya sa table nya at hinanap doon ang susi ng kotse niya habang nagtatakang nakatingin lang sa kanya ang Daddy at Kuya niya.

"Coleen Brylle ano bang nangyayari? Dito ba nanggaling si Jane?" Ulit ng Daddy niya.

"I need to go Dad, Kuya." At mabilis niyang tinungo ang pinto.

"Come back here Brylle!" Enrique.

Pero parang bingi lang itong dire deretsong lumabas ng pintuan at naiwan ang dalawang nagtataka.

"Anong problema ng kapatid mo?"

Di naman nakasagot si Vincent na napailing na lang.

"And will you tell me Vincent Tan kung bat umiiyak si Jane?! May alam ba kayong dalawa dito?" Makapangyarihang tanong ulit ng Don.

"I don't know Dad. I have no idea .. But..."

"Before Jane arrives.. Kausap ni Coleen si Dani, the famous model? Yung isa sa hinahandle ng company natin."

"And?" Don Enrique.

"After that i dont know what happen."

Nagtataka man pero parang nakita ni Vincent ang malokong pagngiti ng ama niya sa di niya alam na dahilan.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.