Chapter Baby Alex

Kanina pa pinapaalalahanan ni Coleen ang girlfriend niyang si Jane na ngayon ay kasama niya sa kotse upang ipagdrive papuntang school. Nalaman niya kasi na umabsent ito para lang makapunta sa kanya sa Baguio at ngayon naman ay dalawang subject nito ang hindi napasukan dahil late na sila nakaalis ng Baguio. Sinamahan pa niya ito pauwi ng bahay para lang makapagbihis ng uniform nito na dapat ay ipapadala nalang sa Mommy niya pero wala ang mga ito at kasalukuyang nageenjoy ang mag asawa sa isang resort sa Batangas.

"Promise babe last na yun... Gusto lang naman kasi kita makausap kaya sinundan kita dun eh.." Lumapit pa ito sa kanya at hinalik halikan ang pisngi niya para maglambing.

"Babe i'm driving... Isa pa di mo ako madadala sa ganyan ganyan mo. Ayoko ng malaman na nagsskip ka ng mga classes mo."

"Oo na po kamahalan! Di na ako aabsent in one condition." Hirit nito na humilig pa sa balikat ni Coleen.

"Ano na naman yan babe?"

"Gusto ko susunduin mo ako lagi sa school at sabay tayong magdidinner. " ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis ng sulyapan niya ito.

"Babe.. Alam mo naman na late na rin ako nakakaalis ng office diba? Saka minsan wala din ako dito sa Manila." Paliwanag ni Coleen na ikinasimangot naman ni Jane.

"Hey... Wag ka ngang sumimangot dyan babe.."

"E kasi naman.. gusto ko araw araw kitang nakikita e.. Tapos ayaw mo naman na lagi kita pinupuntahan sa office mo. Di mo din ako pwedeng puntahan sa school kasi sabi mo nga late kana lumalabas at wala ka dito madalas."

Itinabi naman saglit ni Coleen ang sasakyan ng may makita siyang mini park bago lumabas ng village nila Jane. Humarap siya dito at hinawakan ito sa mukha bago nagsalita.

"Akala ko ba naiintindihan mo Babe.. Hindi pwedeng halos araw araw magkikita tayo dahil sa work ko, tapos ikaw may school ka.."

"But i promise you.. Kapag weekends at di ako busy pupuntahan kita. Saka basta may free time ako itetext o tatawagan naman kita okay?"

"Baka naman mambabae ka lang ha? Mamaya kung sino sino na namang babae ang nakapulupot sayo! Sinasabi ko sayo pipilipitin ko ang leeg ng babaeng makikita kong kalandian mo!"

Natawa bigla si Coleen sa sinabi ni Jane na tinapunan pa siya ng masamang tingin.

"Stop laughing! Seryoso ako... Try me! Kakaladkarin ko yang mga babaeng umaaligid sayo!"

Pinisil lang ni Coleen ang ilong nito saka hinalikan ito sa labi.

"My jealous girlfriend."

Pinaandar naman ni Coleen ang kotse saka binaybay ang palabas ng village para maihatid si Jane.

"Babe..." Jane.

"Hmmmm..." Sagot ni Coleen habang nakatitig sa daan.

"Can i have Art's number?"

"For? You already have my number.."

"Para lang alam ko kung may pumapasok sa office mong kung sinong babae."

"What?! Hahahahahahahaha! Ano kaba naman babe.." Coleen.

"Seryoso ako!"

"Okay fine.. Para lang matahimik ka dya----wait. Dani's calling.." Iaabot na sana nito ang cellphone niya sa dalaga ng makita ang pagtawag ni Dani. Pinakinggan lang naman ni Jane si Coleen habang kausap ang kaibigan nito.

"Si Sahara pala yun babe, nagtatanong sya akin kung okay lang bang kausapin kita na kunin ding Ninang ni baby Alex.. Next month na rin ang binyag nun sa Batangas. May nakita kasi silang magandang reception dun.."

"Wow! Talaga babe? Sabihin mo na pumapayag ako ha..." Jane.

"Baby Alex is so adorable.. Nakakagigil ng batang yun saka di umiiyak nung binuhat ko nung dumalaw ako sa condo ni Dani.." Kitang kita ni Jane ang masayang mukha ni Coleen habang nagkkwento ito sa kanya. Marami pa itong ikinwento sa kanya tungkol sa baby nina Dani at Sahara at kitang kita niya ang saya nito at pagkahilig nito sa bata.

"Babe.. Andito na tayo.. Kanina kapa tahimik dyan na nakangiti... Andami ko ng nakwento sayo..."

"Nothing babe.. I'm just happy..." Nakangiting sagot ni Jane sa kanya na tinitigan pa siya habang may kung anong hinahanap sa pouch na hawak nito. Nang makita naman ni Coleen ang eyeglasses niya ay isinuot niya agad yun at bubuksan na sana ang pintuan ng bigla na lamang siyang kabigin at halikan ni Jane. Sumagot naman siya sa mainit na halik na yun pero agad ding bumitaw dito.

"Babe nasa harapan tayo ng university mo." Tatawa tawang sabi ni Coleen.

"So what? I missed you.. Hahalikan kita kung kelan ko gusto dahil girlfriend naman kita."

"Fiancè babe. Fiancè mo na ako because we're engaged." Hinalikan niya ulit ng smack si Jane bago pa ito tuluyang lumabas at umikot sa side niya para pagbuksan siya.

"Babe..." Tawag nito kay Coleen ng buksan nito ang pintuan niya. Agad naman siya nitong sinilip at akmang tatanungin kung ano ang kailangan niya pero mabilis niya itong sinalubong ng isang mainit na halik at pinaikot niya pa ang mga kamay niya sa leeg nito habang dahan dahan itong hinihila papasok ng kotse. Nasa mainit silang tagpo ng kapwa magulat sa biglang pagtikhim ng tao sa likuran ni Coleen.

"Hi Coleen!"

Masiglang bati ni Wendy na nang aasar na tiningnan pa si Jane na halatang nairita. Si Coleen naman ay pulang pula ang mukha na parang kamatis na ata dahil sa hiya sa kaibigan ni Jane.

"Istorbo ka talaga!" Palatak ng tuluyan ng lumabas nalang ng kotseng si Jane.

"Babe... Aalis na rin ako.. May aasikasuhin pa ako.. Na... nice seeing you here Wendy.." ngumiti pa ito kay Wendy bago tuluyang hinalikan sa cheeks si Jane at nagpaalam.

"Yung bilin ko ha? Call me.." Paalam ni Jane kay Coleen na kumaway nalang naman at nagflying kiss pa sa kanya bago isara ang kotse nito. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis at hinabol nalang ito ni Jane ng tingin.

JANE'S POV

Nakatakip ako ngayon ng tenga dahil sa tili ni Wendy at Charlotte ng makita nila ang singsing sa daliri ko at ikinwento ko ang mga nangyari sa Baguio. Andito kami ngayon sa coffee shop kung saan nagpapart time si Wendy, dito na kami nagkayayaan after namin ng lahat subject namin para makapagkwentuhan habang naghihintay naman kay Yasmin.

"Pwede bang tama na? Ang oa niyo ha.. Mas kinikilig pa ata kayo sa akin e! Isa pa nagtitinginan na yung mga customer niyo sa atin Wendy." Saway ko sa kanila ng nakangiti.

"OMG! Ano kaba? Nakakakilig kaya.." Wendy.

"Di lang kami makapaniwala na nagawa lahat ni Coleen yun sissy, you know.. The idea of proposing again to you in front of many people dahil sa kaartehan mo! Di kaba kinikilig?" Maarteng sabi rin ni Charlotte na ikinurap kurap pa ang mga mata na parang baliw pagkatapos ako nitong sundutin sa tagiliran.

"Ano kaba! Oo na okay.. Kinwento ko naman sa inyo kung ilang timba ata ng luha ang naiiyak ko sa saya at kilig pero di naman ako nagtitili kagaya niyo!"

"We are really happy for you sissy.. sa wakas di na kayo maghahabulan ng Coleen mo at tatawagan mo ako ng madaling araw para magdrama.. hahahaha!"

Inirapan ko naman si Wendy dahil sa sinabi niya. Isa din kasi sya sa lagi kong pinupuyat noon kapag wala akong makulit at masabihan ng mga nararamdaman ko. Natigil ako sa pag iisip ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa table.

"Quieeeeeet! " malapit ko ng maisigaw na sabi ng makita ko na naman silang kinikilig at nag uusap habang nakaturo sa cellphone ko na di parin tumitigil sa pagvibrate dahil sa pagtawag ni Coleen. Nagtigil naman ang mga ito na nakatingin na lamang sa akin habang pinipigil ang mapasigaw sa kilig.

"Hi babe.." Bati ko naman sa kabilang linya.

"Bat ang tagal mong sagutin? Where are you?" Alam kong nakasimangot na naman ito. Inirapan ko naman ang dalawa na nakatanga sa akin habang maykausap ako.

"Ahmmmm.. Di ko napansin na tumatawag ka babe.. Sorry.."

"Where you at? Wala kana bang klase? Kanina pa ako nagtetext sayo.."

Shit! Oo nga.. nakalimutan ko nang icheck ang phone ko ng ibaba ko ito sa table at busy kakakwento sa dalawang makulit na ito.

"Babe? Andyan kapa ba?" Muling sabi niya.

"Yes babe.. Nasa bag ko yung phone ko, may ginagawa kasi ako kanina kaya di ko na nacheck.." sumenyas naman si Charlotte na sinasabing sinungaling ako at nagtawanan pa ang dalawa para asarin ako.

"Who's that? Nasaan kaba? Papunta na ako dyan sa school mo.."

"Ha?? Bakit? Wala kabang ginagawa? Akala ko ba may pag uusapan kayo ni Kuya Vincent?" Yun kasi ang sabi niya kanina.

"Babe kanina pa yun.. Its past 5 already.. I told you nagtext ako sayo.."

"Text mo na lang ako kung saan kita pupuntahan.. May tatawagan lang ako saglit.." Dagdag niya bago pa nagpaalam sa akin at binaba ang tawag. Napatitig nalang ako sa cellphone ko habang nakatingin sa oras at binuklat ang inbox ko para basahin ang mga messages niya. Gusto kong matawa ng maisip kung gano na pala kami katagal nag uusap ng dalawang ito dahil halos tatlong oras pa yung huling usapan namin sa text ni babe.. Yung dalawang tsismosa naman ay nakisilip din na tumayo pa para tingnan ang ikinakangiti ko at gusto ring makibasa pero agad kong itinaob yung phone ko.

"Ano ba? Can i atleast have a little privacy here?"

Tawa lang naman ang isinagot ng dalawa na bumalik na rin sa upuan nila.

Nagmessage nalang ako kay babe kung nasaan ako pagkatapos ko mabasa ang mga text niya.. halos 30minutes na rin kasi ang text niya na pupuntahan niya ako sa school para sunduin.

"Di ba wala sina Tito Joaquin at Tita Isabella? Let's go out later, my treat..." napatingin ako kay Wendy na nagsasalita habang naglalagay ng blush on sa mukha niya.

"Why not? Celebration na rin natin saka isa pa wala namang pasok bukas dahil holiday may time pa tayong magswimming tomorrow. May resort ang boyfriend ko sa Nasugbu maganda dun.... " Excited naman na bulalas ni Charlotte

"I don't think i can join you girls later.. I'm with Coleen, alam niyo naman na ayaw nun na nagbabar ako.. But i'll try to ask her na sumama sa swimming if ever..."

Napatingin naman ang dalawa sa sinabi ko.

"Isama mo nalang si Coleen sa bar.. Dun naman tayo pupunta sa El greco.. Baka nga matuwa pa yun kasi diba close sila ni Ate Meg?"

"Oo nga no? Pero bahala na.. Magpapaalam pa ako sa kanya mamaya.." Sagot ko nalang ulit.

Nagkukwentuhan kami ng mga kaibigan ko ng di ko sinasadyang mapansin ang babaeng nakatalikod habang kausap naman ng boss ni Wendy.

"Wen.. Sino yung kausap ng Boss mo?"

Tumingin naman si Wendy sa tinutukoy ko saka itinuloy ang pagsusulat sa hawak niyang bond paper.

"Ahhh.. Bunsong kapatid ni Mam Jessica.. "

"Alam mo ba na magkagalit sila dati? Ang alam ko kasi may karelasyong lesbian yang kapatid niyang yan.. Buti nga okay na sila ngayon.."

Tinitigan ko ulit ito habang nagkukwento si Wendy. Para kasing kilala ko ito. Di ko lang maconfirm kasi bahagyang nakatalikod ito.

"Sabi nga ni Mam Jessica, pasalamat daw ang kapatid niya dahil mahilig siya sa bata.. Isa din kasi sa dahilan bat napatawad ni Mam Jessica ang kapatid niya kasi nagkababy daw ito dahil dun sa ano... Basta yung process na magkaka anak kahit hindi ka makipagsex sa lalaki.."

"Ahhh.. Yung insemenation yata yun.. Basta may tawag dun e.. Parang ganun.." dagdag ni Charlotte na nakikinig din pala sa kwento ni Wendy.

"Pero ang bait bait ng kapatid na yan ni Mam.. Dati nakakwentuhan ko pa yan kaso saglit lang din. Napakaganda pa saka marami talagang nanliligaw dyan dati.. Buti nga talaga kahit homophobic yan si Mam e ngayon tanggap na niya.. "

"Teka bat mo pala natanong?" Baling ni Wendy sa akin na ikinalingon ko naman sa kanya.

"Para kasing-----"

"Jane? Sabi na nga ba ikaw yan!"

Halos sabay sabay kaming napatingin sa boses na narinig namin. Napangiti naman ako ng makita ko si Sahara karga karga pa si baby Alex.

"Hi Wendy, hello din sa friend niyo.. Charlotte right? Nameet na ata kita nun sa resto nung nagkita kani ni Jane... "

Lumapit naman ako at humalik sa kanya pati kay baby Alex.

"Mam Sahara magkakilala po pala kayo ni Jane? Kaibigan ko po sya simula pa bata.." natutuwang kwento naman si Wendy na hinalikan din sa cheeks si baby Alex.. Binati din naman ito ni Charlotte saka niyayang maupo. At si Sahara na rin ang nagpaliwanag kung bakit kami magkakilala, nagulat pa ang mga gaga ng malaman na ito yung sinasabi kong asawa ni Daniella Fitzeroi. Kinuha ko naman kay Sahara si Baby Alex na nakangiti habang nakatingin sa paligid niya.

"Hello there baby Alex... Ang laki laki mo na.." nanggigigil na hinalik halikan ko siya sa cheeks. Ang bango bango kasi nito kaya di nakakasawang halikan at yakapin.

"Sinabi naba sayo ni Coleen? Di ka pwedeng humindi ha.. Parehas ko kayong kinuhang ninang nyan sa christening niya.."

"Yes sinabi niya sa akin.. Syempre naman.. Nahihiya lang akong magsabi pero gusto ko talagang maging ninang ng cute baby na to.."

"Abuboooo boooooo boo..." panggigigil kong laro kay baby Alex habang karga karga ko ito. Tumatawa tawa pa ito kapag nilalapit ko ang mukha ko sa kanya na parang alam na alam niya na nilalaro ko siya. Halos ilang minuto lang ding nakipag kwentuhan sa amin si Sahara dahil kailangan na rin daw nilang umalis at naghihintay sa mall si Danielle para magdinner sila kasama ang pamilya nito. Kaya naiwan na naman kaming tatlo na nagkukwentuhan ulit.

Ilang minuto lang din naman dumating na rin si Coleen para sunduin ako. Di ko pa napigilan ang dalawa ng usisain ito ng kung ano ano na parang private detective na pinoproteksyunan lang daw ako. Sinagot naman lahat ito ni babe at napailing iling na lang ako sa kanila na di ata ako napapansin na kasama nila.

"Babe where are we going?"

Pagkatapos kasi namin magpaalaman kanina ay umalis na din kami at yung dalawa naman ay pupunta na rin daw ng bar para puntahan na lamanh si Yasmin dahil dun na raw ito dederecho. As usual di naman ako pinayagan ng isang to kasi may pupuntahan daw kami.

"Dinner... Gutom na ako.. " tumingin pa ito sa relo sa kamay niya bago tumingin sa akin at ngumiti.

"Kanina pa tayo may mga nadadaanang restaurant diba? Tara kain na tayo.. Gutom na rin ako, inantay talaga kita para sabay na tayo.." bahagya pa akong humilig sa balikat niya para maglambing.

"Sa bahay tayo magdidinner.."

"Ayaw akong tigilan ni Daddy at Mommy kanina hanggat di ako umo oo para isama ka sa bahay.."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang yun. Ngayon lang kasi ako pupunta ng bahay nila at makakasabay silang magdinner bilang official girlfriend ni Coleen. Dati naman nung nagpupunta ako doon para bisitahin sila normal lang na minsan dun na ako abutin ng hapunan minsan pa nga agahan o tanghalian.

"Hey... Okay ka lang babe?" Napansin niya siguro ang pagtulala ko dito.

"Ka... kasi babe..."

"Don't tell me ngayon kapa mahihiya.. If i know lagi kang nagpupunta sa bahay nun nung nasa barko ako.." Nakita ko pa ang pag ngisi niya at natatawang reaksyon.

"Don't ask me how did i know.. Mom told me.."

Shocks.. Nakakahiya naman, baka isipin nila talagang patay na patay ako sa anak nila at kung ano anong alibi ko pa noon.

"Babe, look at your face in the mirror.. Hahahahaha!"

Hinampas ko naman siya nang mahina sa braso at tiningnan ng masama. Nakita ko kasi sa salamin ng sasakyan niya kung gaano kapula ng mukha ko dahil sa hiya.

"Babe naman.. Ngayon ka pa talaga mahihiya kina Mommy at Daddy e sila na mismo ang nagsabi na gustong gusto kana nilang maging anak nung nagpupunta ka na noon sa bahay.."

"Sinabi mo pa nga daw na close friend tayo.. hahahahahaha!"

Lalo na atang masusunog sa sobrang pula ang mukha ko dahil sa pagkakapahiya sa kanya.

"Heh! Tigilan mo nga ako dyan! I just want to... to...."

Tuloy tuloy naman ang pagtawa nito na namumula na rin sa pagpipigil niya habang nagsasalita ako.

"Isa babe!!" Banta ko sa kanya na pinalisikan ko naman ng tingin.

Oo na.. Nakakahiya na yung mga pinaggagagawa ko noong kabaliwan mapalapit lang sa kanya.

"What?? Hahahahahahaha!" Bumunghalit naman ito ng tawa na binagalan pa ng konte ang takbo namin.

"Dalawa! Bababa talaga ako sa kotse mong ito at iiwan kita dito Coleen, inisin mo pa ako!"

Nakakahiya talaga. Bwisit na to, tinatawanan pa ako. Di ako makatingin na humalukipkip nalang habang nakatingin sa labas.

"I love you babe.. Babe ko na baliw na baliw sa akin.." pang aasar niya na pinipigilang matawa na hinawakan pa ang kamay ko at hinalikan yun paulit ulit.

"Nakakainis ka!" Inarte ko na hinila pa ang kamay ko pero ayaw niya namang bitawan. Namalayan ko na lamang ang pagliko at pagpasok ng sinasakyan namin sa malalaking rehas ng gate ng mansion nila. Dun na ako ulit sinalakay ng sobrang kaba habang nakatingin sa main door nila na tanaw na tanaw ko pagparada ng kotse ni Coleen.

"B...Babe...." sabi ko na nakatingin sa kanya.

"Tara na babe.. Naghihintay na siguro sila sa sala.."

Pero nanatili lang naman ako sa pagkakaupo habang nakatitig sa kanya na tinatanggal ang seatbealt niya. Napansin siguro niya na natigilan ako kaya hinawakan niya ulit ang kamay ko at tiningnan din ako.

"What's wrong babe?"

"Babe... Kinakabahan kasi ako..." ngumiti naman siya at ginawaran ako ng mainit na halik sa labi saka hinawi ang mga buhok ko.

"Kasama mo naman ako babe, isa pa they like you. "

"They let you have this ring because they want you to ba part of our family.."

Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakalagay ang singsing na bigay niya, at matipid na ngimiti sa kanya.

"Soon you will be my wife and i can't wait for that time to happen.." hinalikan niya ulit ako para tanggalin lahat ng kaba at kung ano anong nararamdaman ko. Di naman siya nagkamali dahil damang dama ko ang pagmamahal at sincerity niya habang magkadikit ang mga labi namin.

"I love you babe.. Mahal na mahal na mahal.."

"Bumaba na nga tayo dito baka sa gutom ko ikaw ang makain ko."

Kumindat pa ito ng nakakaloko na ikinangiti ko bago pa siya tuluyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.