JANE'S POV
"I told them about proposing to you to marry me."
"I told them about proposing to you to marry me."
Di ko mapigilan ang paulit ulit na pagplayback sa utak ko ng mga sinabi niya kanina. Di ko na rin alam kung gaano na ako katagal na nakatayo dito at mukhang tanga habang tuloy tuloy ang pagluha ko dahil sa halo halong nararamdaman ko.
I was shocked to what she said before she left.
Umiiyak ako hindi dahil malungkot ako sa mga sinabi ni Coleen kundi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at pano ako magrereact sa kanya kung gaano niya akong napasaya. Sa sobrang saya ko, kanina pa ako nakatayo dito habang ngumingiti kasabay ng di mapigilang patak ng luha ko.
Tama ba talaga ang narinig ko?
Baka naman nagkamali lang ako ng dinig o inaantok pa ako? Halos umaga na rin ata kasi kaming natulog.
What if she was just playing arround and she didnt meant what she said?
Baliw na kung baliw pero nakita ko na lamang ang sarili ko habang nagmamadaling lumabas ng suit niya suot suot lang ang malaking pink loose tshirt na pinasuot nya sa akin kagabi at babyblue lady boxer na nahagilap ko lang din sa mga gamit kong minamadali kong ilagay sa bag nung magpunta ako dito kagabi. Nakikita ko pa ang pagsulyap sa akin ng mga kasabay ko sa elevator pero nawala na ata lahat ng hiya ko sa katawan dahil ang gusto ko lang ay makita ang babaeng gusto kong makita.
Pagbabang pagbaba ng elevator sa ground floor ay ramdam ko ang pagtabi ng mga kasabay ko para bigyan ako ng daan palabas at ramdam ko pa ang pagsunod nila ng tingin sa akin.
Naging malikot ang mata ko sa paghahanap kay Coleen dahil sabi niya ay nandito sya sa lobby para puntahan si Art. Di naman ako nagkamali ng makita ko itong nakatalikod habang kausap ata si Art at ang mga kasama nito sa waiting area.
"Ma'am... Uhmmmm..." Narinig ko pa ang kunway pagtikhim ni Art ng mapansin niya ang paglapit ko. Bakas din sa mukha ni Art ang pagkagulat sa itsura ko na lumingon pa sa mga ilan ilang nakatingin din ata sa kinatatayuan ko.
"Thank you again Miss Tan. See you on our next meeting in Manila, I can't wait for you to meet my Father. Siguradong matutuwa yun kapag nalaman niya ang balita." Sabi pa nung nakablack suit na lalaki na bigla namang napatingin sa gawi ko.
"Thank you also M---"
"Ma'am....." Singit ni Art habang nagsasalita si Coleen na nakatalikod sa side ko.
"Babe...." Tawag ko dito. Wala na akong pakialam kung may kameeting pa siya or what ang mahalaga makausap ko siya.
"J.. Jane?"
Bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako na napalitan naman agad ng inis ng mapansin niya ang itsura ko.
"Can we talk?" Napakagat nalang ako sa labi ng makita kong pati yung mga kausap niya ay nakalingon na rin sa akin kagaya niya.
"Excuse me for a while." Narinig kong paalam niya sa mga ito pero di ata siya pinansin na nakatingin pa rin sa akin.
"What do you think you're doing here with your sleeping clothes?!" Bakas sa boses niya ang pagkairita ng bigla niyang hawakan ang kamay ko habang pabulong na nagsasalita.
"I wanna ask you ab... about... yung......"
Fuck! Where is my tongue?
"Really? Now?!"
"Let's just talk later okay? I'm still in a middle of important meeting with the Paredes brothers."
Alam kong naiinis sya dahil ramdam ko ang konting pagdiin ng pagkakahawak niya ng hilahin niya ako patungo sa elevator section.
"Let's talk first. Gusto ko lang iconfirm yung... Yung mga sinabi mo a while ago.."
"I said mamaya na." Madiing sabi niya na sinamaan pa ng tingin ang mga lalaking nakatitig sa akin habang hila hila niya ako.
"No! I want to talk now! "
Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya saka humalukipkip. Wala akong pakealam kung isipin niya na naman na nagiging childish ako at kung ano pa dahil desidido akong mag usap kami ngayon. Para naman kaming nasa set ng isang shooting ng isang kilalang mga artista dahil nakikita kong nakuha na ata namin ang lahat ng atensiyon ng mga tao dito sa lobby ng hotel.
"Jane Mondragon." Napipikon na talaga siya dahil di na ata maipinta ng pinakamagaling na pintor ang itsura niya ngayon na kulang nalang ay lunukin ako sa inis.
"I just want to confirm something okay?"
Di ko alam ang magiging reaksiyon ng makita kong inirapan niya ako at ang pagikot ng mata nito sa akin na kagaya ng madalas na ginagawa ko sa kanya dahilan para ikainis niya sa akin.
I cant believe she rolled her eyes on me.
May sasabihin sana ako ng mabilis naman itong tumalikod at naglakad papunta ng elevator at di na hinintay ang pagsunod ko.
"Are you serious when you tell me you want to propose and marry me?"
Sinadya kong lakasan yun para kunin ang atensiyon niya, di naman ako nagkamali ng makita ko ang pagtigil nito. Narinig ko pa ang ilang bulong bulungan sa paligid dahil sa sinabi ko.
"Coleen ano ba?! Tinatanong kita!"
"We are now engage okay? Ngayon ka pa talaga magtatanong ng ganyan?"
"Ohhh.. This?? " Itinaas ko pa ang kamay ko at ipinakita ang suot kong singsing na ikinasinghap pa ng iba ng makita ito.
"Can we just go upstairs Jane? " Namumula na ang mga cheeks nito dahil siguro sa pagkakapahiya sa atensiyong nakukuha namin ngayon. Lumapit pa ito para hilahin na naman sana ako pero mabilis kong iniwas ang kamay ko at bahagyang umatras.
Kung kanina ay sa itsura ko sila nakafocus, ngayon naman ay naririnig ko ang ilang comments nila at yung iba ay kinikilig pa dahil sa scene na inumpisahan ko.
Who cares? Gusto ko lang malaman kung seryoso ba siya o ano. At ayokong mabaliw sa kakaisip tapos yun pala biro lang na naman ang lahat.
"You're making a scene here Jane. We can privately talk about what else do you want to ask a-----"
"Ahmm.. E.... excuse me Ma'am ..." Napalingon kami parehas sa tumikhim na si Art na di namalayan naming nasa gilid lang pala namin na naghahanap ng tyempo para makapagsalita.
Mabilis namang inagaw ni Coleen ang hawak nitong Jacket at agad itinali sa bewang ko para matabunan ang nakalitaw na legs ko dahil sa maigsi kong suot.
"Follow me. Wag mo akong punuin Mondragon."
Yun lang at naglakad na uli ito papunta sa elevator section. Humawi naman ang mga taong nakaharanf sa dadaanan niya na kanina pa ata nanonood sa amin.
I got an idea again to get her attention.
"So, your best way of proposing to me is putting this ring on my finger while im still in a deep sleep babe?"
"Is that the best you got?"
Nagumpisa na namang magbulong bulungan ang mga tao sa paligid at ang iba pa ay may sinasabing kung ano kay Coleen dahilan para tumigil ito ulit at humarap sa akin na pulang pula ang mukha.
"Seriously?? We're talking about it now?"
Humalukipkip lang naman ako bilang sagot sa kanya saka sya tinitigan. Nagring pa ata ang cellphone na hawak niya kaya bahagya pa siyang nagulat saka ito sinagot.
May oras pa talaga siyang makipag usap sa cellphone sa ganitong sitwasyon.
"We are talking here yet you are now busy again for that phone call?!"
Itinaas naman nito ang kamay niya bilang sign sa akin na tumahimik saglit na lalong ikinairita ko.
I can't believe her!
Nandito kaming dalawa at nagsisigawan habang pinag uusapan ang isang seryosong bagay pero eto siya na mas inuna pa ang kausap sa bwisit na telepono nya. Kaya naman halos liparin ko ang pagitan sa aming dalawa at walang sabi sabing inagaw sa kanya ang cellphone na hawak niya.
"Give that to me! That's import----"
"Mas importante pa sa pinag uusapan natin?"
Wala na lang itong nagawa na tumitig nalang sa akin na di makapaniwala sa pinaggagagawa ko.
"If you're asking about that surprising proposal i made while you were sleeping.... fine."
"This lady here in her sleeping clothes with me?" Nagulat ako ng bahagya itong umikot para tingnan ang mga taong nanonood sa amin.
"She's engaged with me."
Anunsiyo nito habang nakatingin sa ilan bago pa tuluyang tumingin ulit sa akin.
"Alright."
"I dont think i can open my mouth to express how happy and excited i am to ask you to marry me, you happy? "
"Ako na ang hindi sweet at walang pagiging showy sa katawan. Hate me if you want, i dont care. But one reason why i did that?"
Pakiramdam ko ay natataneme ako na nakisabay pa ata ang lahat dahil na sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba.
"Atleast you can't runaway again on me. Not again, because the time i put that ring in your finger is the time that you are totally mine."
"At kahit na magreklamo kapa dahil sa proposal ko dahil iniisip mong di man lang kita binigyan ng time para makapag isip. Di kana rin pwede pang tumanggi dahil nakausap ko na ang parents ko pati si Tito Joaquin at Mommy mo tungkol sa kasal natin."
"Di kana pwedeng tumanggi pa okay? Because i wont let you.... And i'm not sorry for that."
At dun na tumulo ang luha sa mga mata ko sa sobrang saya at ibat iba pang emosyon na naghalo halo. Parang nanginginig na ata ang tuhod ko at isang iglap nalang ay matutumba ako dahil sa pakiramdam na di ko maintindihan.
"Ma'am sorry natagalan po ako, naghanap pa po kasi ako ng flower garden na ako mismo ang puputol sa bulaklak para fresh na fresh kagaya ng sinabi niyo.."
Lalong lumabo ang mga mata ko dahil sa luha ng may isang lalaki na lumapit sa amin dala dala ang isang bugkos ng mga sariwang dilaw na rosas na ibinigay kay Coleen. Di ko na namalayang umalis ang lalaki dahil pagpunas ko ng luha ko ay di ko na ito nakita.
"He's the one i'm talking over the phone when you grab it from me yelling and thinking about something else."
I look at her crying. I'm finding right words to say to her pero parang walang gustong lumabas sa bibig ko. Naririnig ko ang sigawan ng nasa paligid namin na nagchecheer para kay Coleen kasabay ng malakas na tibok na nanggagaling sa dibdib ko na lalo pa atang nagrigodon sa bilis ng makita ko ang pagluhod niya sa harapan ko.
"I don't care if i look stupid but fine i'll do it for you because i love you." Narinig ko pang pabulong na sabi niya na naiiling pa bago tumingin sa akin para salubungin ang mga titig ko.
" I hate this.. Being center of attraction and people set their eyes on me like.....what they're doing now..." I heared her chuckle after looking at the people arround us and wiping her tears. Yes, she's also crying now while still holding a bunch of flowers in her right hands.
And i find it cute.
"Jane.. You know how sorry i am for running away hating what i feel about you and letting you feel that i hate you for making me feel attached to you..... with this weird feeling.."
"Nung nasa malayo ako dun ko narealize lahat.. Kung gaano ka kaimportante sa akin at kung ano yung nawala sa parte ng pagkatao ko nung wala ka... Akala ko kabaliwan lang lahat... That maybe in a day i will be get over you that fast but i'm wrong.."
"Di ko nga alam kung ano yung nakita ko sayo." Narinig ko pa ang pagtawa ng mga taong nakapaligid sa amin.
"You're a brat trying to get my attention by annoying me and do what you want without even listening to me.. Then you'll be happy to see me annoyed and pissed saka ka aalis na parang walang nangyari.."
Nakita niya pa ang pag irap ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis niyang hinawakan ang isang kamay ko.
"I hate to mean it.... But i love you being stubborn babe.. " Tatawa tawa pa siya na parang kinikiliti saka tumingin sa bulaklak na hawak niya.
"You already have the ring so.. Miss Jane Mondragon? Ayoko ng magpaligoy ligoy pa dahil kanina pa nananakit ang tuhod ko dito.." she happily laugh while looking at me.
"Will you carry my name and be my wife Miss Mondragon?"
Pakiramdam ko ay lalong dumoble ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko dahil sa sobrang saya.
"Nakakainis ka!" Nasabi ko nalang habang pinupunasan ulit ang mga mata ko gamit ang mga daliri ko.
"Don't tell me you're having a second thought of saying yes to me babe?" Seryoso pero may mga ngiti sa labi niyang sabi na hawak hawak parin ang mga bulaklak.
Nagsigawan naman ang nasa paligid namin na tila sila ang inaayang magpakasal dahil sa paulit ulit nilang pagbanggit ng yes.
"Pinapaiyak mo kasi ako eh... Kanina kapang umaga! Huhuhu!"
"Akina nga yan!" Agaw ko sa hawak niyang bulaklak pero nilayo niya pa ito saglit.
"Where's my Yes?" Coleen.
"Ibigay mo na nga yan sa akin Miss Tan! Para namang may magagawa pa ako kung nakausap mo na pala sina Mommy at Daddy ng di man lang sinasabi sa akin diba?"
"Pero kahit naman di mo pa sila kausapin at di ka magpropose ng maayos i would still say yes to you babe. So Yes! I want to marry you Miss Tan because i love you.. Alam mo yan.."
Halos di ko na marinig ang huli kong sinabi mismo dahil sa maingay na sigawan ng mga tao na mas kinikilig pa ata sa aming dalawa. Tumayo naman si Coleen at mabilis akong niyakap at binigyan ng smack kiss.
"I love you my future wife...."
"I love you too Miss Tan." Sagot ko naman sa kanya na nakayakap pa rin sa akin.
"Ehem! Ma'am kanina pa po dumating yung chopper na sasakyan natin. Kanina pa rin po tawag ng tawag si Sir Vincent kasi di ka daw po sumasagot."
Napalingon kami parehas sa biglang nagsalita na si Art na malawak ang pagkakangiti sa aming dalawa.
"At Ma'am Jane di ka po naliligo..."
Dun na kaming tatlo nagtawanan habang si Coleen naman ay hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.