" Nagpaalam kana ba kay Mommy? " Narinig pa nila ang pagbuntong hininga ni Coleen sa kabilang linya.
"Yes babe, pumayag naman siya e.. Basta daw magpaalam din ako sayo para alam mo..."
"Payag kana babe please? Uuwi din naman kami agad, saka birthday naman ni Heidi eh.." Paglalambing ni Jane dito.
Nakacrossfinger naman si Yasmin habang si Charlotte at Kylie naman ay nag aabang sa sagot ni Coleen sa kabilang linya kung saan naka loudspeaker pa ito para dinig na dinig nila. Walang pakialam namang abala sa paglipstick si Wendy na di man lang sila tinapunan ng tingin.
"May magagawa pa ba ako? Pumayag na si Mommy saka kahit di mo sabihin alam kong nakabihis kana."
Sinenyasan ni Jane ang mga kaibigan na tumahimik dahil pinipigilan lang ng mga itong tumawa ng malakas sa sinabi ng girlfriend niya.
"Just don't drink too much okay.. Nung isang gabi lasing ka daw umuwi sabi ni Mommy.. Alam mong di ko nagustuhan yun Jane." Nakikinita ni Jane ang magkasalubong na kilay ng girlfriend niya habang sinasabi yun sa kanya. Narinig niyang parang may kausap ito sa kabilang linya dahil parang may sinesermunan pa ito.
"I need to go. May importante lang akong kailangang ayusin.."
"Sige babe.. Wag kang magpakapagod dyan ha.. Miss na miss na miss na kita.." Jane.
"Just be good okay. Wag mong pasakitin ang ulo ko Jane.. wag uminom ng sobra. Di basta pinapayagan kita gagawin mo na lahat ng gusto mo.." Alam ni Jane na kapag tinatawag siya nito sa real name niya ay seryoso ito.
"Opo mahal kong prinsesang masungit... i love you..."
"I love you too.. I really need to drop this call. Tatawagan nalang kita mamaya para icheck ko kung nakauwi kana." Yun lang at naputol na ang international call ng dalaga sa kanya.
Naka assign ito ngayon sa Madrid dahil nagkaproblema ang isa sa malaking kumpanya ng mga Tan na nakabase doon. Mag iisang buwan na ito doon at apat na beses palang siyang nakakabalik sa Manila para lang bisitahin sya pati ang pamilya niya. Pero ilang araw lang din ito at kailangan ding makabalik ng Madrid dahil di nito pwedeng pabayaan ang kumpanya nila doon na unti unti naman ng bumabangon.
"Jane alam mo na ha, bat kasi nalasing ka nung isang gabi e late naman na tayo nagpunta ng La Viente." Tanong ni Yasmin habang sinisipat nito ang eyeliner na inilagay nya. Nakita naman nito na tumigin lang si Wendy.
"Alam mo para ka ng kaluluwa ni Coleen, wala nga siya dito pero lagi mo nalang tinatalakan itong kaibigan nating ito." Sumabat din naman si Charlotte na siyang nagmamaneho ng sinasakyan nila papunta sa elite bar na pakay nila kung saan gaganapin ang birthday celebration ni Heidi.
"Because may point naman si Coleen no.. Engage kana Jane oy! Syempre dapat isipin mo din si Coleen saka mararamdaman nun. Pasaway ka din naman kasi.."
"Sorry na po lola Yasmin, di na mauulit. Inasar kasi ako nung Diana na yun na weak daw ako sa alak dahil tinanggihan ko siyang magbottoms up e.. akala niya naman uurungan ko sya."
Tinutukoy ni Jane ang anak ng senator na si Diana Reyes na isa ring party goer na kahit ata kelan ay lagi syang gustong bwisitin hanggang maubos ang pasensya niya.
"Kasama ba dun yung biglang pagkiss niyo?" Itinirik ni Charlotte ang mata niya na halata ang pagkadisgusto sa Diana na yun na inikaguhit niya ng inis sa mukha na binaling nalang sa pagmamaneho.
"I can't believe na pinatulan mo ang malanding yun na halata namang gustong gusto kang matikman kaya ka laging trip asarin at lapitan." Kylie.
Napailing iling lang din naman si Wendy pagkatapos tingnan si Jane na nakangisi pa. Kilala niya kasi ang kaibigan na alam niyang marunong din makipaglaro kung sa laro lang din naman ang pag uusapan.
"Come on guys.. Don't tell Coleen what happen okay? You know me guys better.. Binigyan ko lang ng aral yung malanding yun." Paliwanag ni Coleen.
"Wen please? I know mas close kayo ni babe... At kilala mo naman ako when it comes to those kinds of women like that daughter of that senator whatsoever." Maarteng sabi ni Jane na hinawakan pa sa balikat si Wendy.
"Wag mo na ngang pagpapatulan ang mga ganun girl, she's just a waste of time.. Napagalitan kapa tuloy ng jowa mo. Alam mo namang magsusumbong si Tita Bella dapat nagpaumaga kana sa bahay." Singit ni Kylie.
"Ayan! Mga kunsintidora din kasi kayo. Kaya lahat tayo nasasabon ni Tita Isabella e.. na ngayon pati si Coleen. Dalawa na silang sasabon sa atin kakakunsinte natin sa bruha na 'to. Isa pa Jane ha.. pasalamat ka kaibigan kita. Kissing is a bih issue now lalo na magkakaasawa kana! Jane, respect nalang din sana kahit sabihin mo na for fun lang yun.." Wendy.
Nag uumpisa na naman ang mainit na diskusyon sa paligid nila.
"Stop it nga... Gagraduate naman na tayo in a week diba.. Saka ngayon ngayon lang to. I know how to handle myself.. Saka alam niyo naman na pagbalik ni babe di na naman ako makakalabas ng di sya kasama..."
"Nagkataon lang talaga na nalasing ako the other night... Please Wen? Promise di na talaga mauulit yun..." Biro pa ni Jane na inirapan lang ni Wendy.
"Let's just leave this conversation and just enjoy for later." Wendy.
Habang tumatagal din kasi naging mas malapit na sina Wendy at Coleen dahil dati dumadalaw dalaw ito sa ate Meg niya sa bahay nila kaya mas nakilala niya ito. Madalas din kasi na nagkukwento ang ate Meg niya tungkol dito at kung ano ano pa dahilan para mas lumalim ang pagkakakilala niya dito na dati'y akala niyang typical na masungit at isnabera lang.
"Diba graduation na natin in a week? Napag usapan na ba ninyo ni Coleen ang kasal niyo?" Pag iiba ng topic ni Kylie.
"Napapag usapan na ng mga parents namin. Alam niyo naman ang mga yun at atat na atat ng makasal kami kagaya ko. Si babe lang talaga ang problema.."
"Pero seryoso na talaga siya sayo?"
Mabilis namang dumapo sa braso ni Charlotte ang hawak na pamaypay ni Jane na bigla nitong hinampas sa kanya pagkatapos ng tanong niya.
"Aray! I'm driving!"
"I'm just asking okay? I mean... Siya kasi......"
Tinitigan naman nila ng masama ang nakapeace sign na si Charlotte na umiiwas pa kay Jane dahil sa mangangain nitong mga tingin bago pa nakangising itinutok ang mata sa kalsada.
"Well... May point din naman si Charlotte eh.. Si Coleen, kilalang kilala na sa pagiging strict at nangunguna sa business world sa ngayon dahil sa magaling na strategy nito at maayos na pakikipag usap..."
"Don't get me the wrong way Jane.. Parang kapatid na kita.. At sinasabi ko to para din sayo.."
Seryosong sabi ni Wendy sa kaibigan nila na di na napigilang umimik.
"Gagraduate na tayo.. Dapat alam na natin na di na tayo puro bar at night outs. We should know how to maturely set our goals and prepare for the future.. Lalo ka na Jane.. we are all known for our family name at dahil sa sophisticated at elegante at makamundong ginagalawan natin.."
"I can't get your point.. What's wrong with me." Complain ni Kylie. Isa kasi ito sa kaibigan nila na baguhan lang din sa circle of friends nila pero agad din naman nilang nakasundo di lang dahil anak ito ng Vice President ng Pilipinas kundi dahil may similarity sila na naging dahilan kung bat nagustuhan nila ang isat isa.
Nagtatanong din naman ang ibang nakatingin kay Wendy dahil sa sinasabi nito.
"Why don't you just pin point your finger on me. Alam ko naman na sa akin na naman ang punta ng usapan." Inirapan pa ito ni Jane saka tumingin sa cellphone upang kunway may tingnan dito.
"Nag aaway ba kayo?" Yasmin.
"NO!!!" Halos sabay na sabi ni Jane at Wendy.
"Alam mo naman na mahal ka namin Jane, diba girls?" Sunod na sabi ni Wendy at sumang ayon naman ang mga ito sa kanya at nakinig nalang sa litanya niya ulit.
"I know na mahal mo si Coleen.. Pero as a friend concern lang kami sa parehas sa inyo.. Jane, you know now how to set your limits. Lalo na engage na kayo ni Jane at pinagpaplanuhan niyo na rin halos ang kasal niyo.."
"Is this about again dun sa kiss? I told you it was just pure fun... Kilala niyo ako..."
"Okay.... I get your point Wen and i'm sorry... Di naman dahil lang dun e di na ako seryoso kay Coleen o kaya niloloko ko lang sya. I know it's wrong, natrigger lang din ako and i'm sorry.." Jane.
"I don't think we should continue this talking.."
"Isa pa nandito na tayo. Let's just call it a day and burn the night till we have fun.."
Magkasunod na sabi ni Charlotte at Kylie para matigil na ang dalawa sa seryosong pinag uusapan. At dahil nasa parking na rin sila ng kilalang elite bar na pakay nila kaya minabuti na lang nilang mag enjoy at sulitin ang gabi.
Tinuon na lang nilang magkakaibigan ang pagsasaya ng gabing yun sa birthday ni Heidi at di na rin muli pang inopen ni Wendy ang tungkol dun dahil kilala niya si Jane na di rin naman makikinig sa kanya. Hinayaan nya na lang ito dahil alam din naman niya na marunong na rin iyong magdesisyon at ramdam niya din naman kung gaano nito kamahal ang kaibigan ng kapatid niyang si Meg.
"You look more stunning and sexy Coleen! Mas maganda talaga na dito kana lang sa Pilipinas para asikasuhin ang family business niyo.. May oras kapa kasi sa pamilya mo at para na rin sa amin.. hahahaha!" Ryan.
"I agree. Atleast diba... Kahit pa san sang bansa ka lumilipad e nakakapagwine up kapa at para ipamper ang sarili mo.. Look at you..." Punong paghahanga na puri naman ni Alexis habang pinapasadahan ng tingin ang kakarating lang na si Coleen. Tumawag kasi ito sa kanila bago pa ito makabalik ng bansa galing Madrid para sabihin na lumabas sila at may isa pang inportante itong sasabihin.
Sa Italian Resto nalang na pag aari ni Sandy nila naisipang magkita dahil ito na rin naman ang nagpresenta sa kanila at di daw ito pwedeng basta basta umalis habang wala ang asawa na kasalukuyang nasa Milan para sa business meeting. Si Sandy naman ay nakangiting paupo na rin matapos personal na asikasuhin ang menu nilang magkakaibigan.
"Wag niyo nga akong pinagbobobola. Mas stress pa nga ako sa kumpanya kesa dun sa barkong pinagtatrabahuan ko ng ilang taon. I feel like 10 years has been added to my real age because of so much pressure and stress since nahawakan ko ang kumpanya." Pagtataray naman ni Coleen na hawak hawak ang cellphone nito at may kinakalikot na kung ano.
Tinawanan naman ito ng mga kaibigan pero di parin natapos ang pagpupuri ng mga ito sa kanya. Di din kasi maikakaila ang ganda niya ngayon at kakaibang kislap sa mga mata nito. Di na niya sinabi pa sa mga ito na pinaghandaan niya rin ito dahil bago pa siya umalis ng Spain ay talagang pinamper niya ang sarili at nagrelax siya ng isang buong araw para naman makapagpahinga.
"Iba talaga ang nakikita ko sa mga kinikilos mo beb simula nung nakita kitang naglalakad papasok ng resto..."
"Now tell me.. Ano ba talaga ang rason at pasikreto kang umuwi at kami pa ang unang kinita mo?" Nakangiti na ring sabi ni Meg dahilan para mapunta sa dalaga lahat ng atensiyon nila na tila naghihintay ng sagot habang nakangiti.
Ibinaba naman ni Coleen ang cellphone na hawak niya sa mesa saka ngumiti ng ubod ng tamis sa mga ito.
" I'm getting married." Halos di pa ito lumabas sa bibig ni Coleen na di rin alam kung paano uumpisahan ang sasabihin. Nagtataka namang di nakaimik ang mga ito na naghihintay pa ng susunod na sasabihin niya.
"Ofcourse we know you're getting married!" Napatampal naman sa noo si Sandy bago inikot ang mga mata niyo.
Alam din naman kasi nila halos lahat ng tungkol sa nalalapit na kasal ng kaibigan nilang si Coleen dahil isa sila sa unang kinakausap ng dalaga nung nag umpisa itong macurious sa nangyayari sa katawan nito hanggang sa magplano na nga itong magpropose kay Jane Mondragon. Wala na rin kasi itong itinatago pa sa kanila dahil nung panahon na nalilito pa ito sa nararamdaman niya ay tanging sila lang ang nasasandalan nito. Nahihiya pa kasi ito nung una at di alam kung paano ioopen sa mga magulang niya ang sinasabi nitong late identity crisis kuno.
"Next week." Coleen rolled her eyes while whispering something.
"Whattttttt?! Next week na?" Meg.
"I thought you are still planning for it... Na ...." nakataas naman ang kilay ni Alexis na nagtataka rin pero halata sa sarili ang sobrang excitement para sa kaibigan nila.
Speechless naman ang iba pero ngumiti na rin dahil sa sinabi ni Coleen.
"Jane graduated two days ago right? So i planned to make a surprise for her as a gift to her graduation. Di niya kasi alam na nakauwi na ako from Madrid. Nagtatampo pa nga ata siya dahil di ako nakauwi nung graduation niya.. Alam ko na special sa kanya yung araw na yun pero marami akong kailangang asikasuhin para sa wedding namin.."
"Di ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun. Kaya hinayaan ko nalang na magtampo siya.."
Kwento pa ni Coleen habang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan at nakangiti habang pinapakinggan siya.
"How about Tito Enrique and Tita Lucia?" Ryan.
"And Jane's parents? Diba pinagplanuhan na nila ang kasal niyo?" Meg.
"Oo nga! Excited pa nga ang lahat nung mabasa sa nilabas na statement ng Daddy mo na this December sana ang target date nila para sa wedding niyo.."
Napabuntong hininga naman si Coleen sa sinabi ni Sandy.
Simula kasi ng naging usap usapan noon ng mga tsismosa at tsismosong mga reporter ang madalas na may nakakakita sa kanila ng anak ng billionaire na si Altheo Estrella ay kung ano ano na ang mga balitang lumabas sa dyaryo. Kilala kasi ang parehas na pangalang Tan at Estrella sa business world dahil sila lang naman ang nangunguna dito dahilan para di maiwasang hindi pag usapan na tinalo pa ata ang sikat na mga artista. Kaya naman di na niya napigilan ng nagsalita sa press ang Daddy niya at i announce sa lahat ang tungkol sa kanila ni Jane at kung gaano nila ito katanggap. Buti na lang at nasa Madrid siya noon dahil kung hindi, baka nagtatago na siya at pinuputakte ng mga reporters.
Nagulat pa noon si Coleen dahil akala niya ay di tatanggapin ng karamihan ang tuluyang pagputok ng issue tungkol sa issue ng kasarian niya pero laking gulat niya ng marami pa ang natuwa at humanga sa kanya dahil di siya nahihiyang umamin sa pamilya niya. Ito namang Daddy niya e inunahan pa talaga sila ni Jane dahil nag uusap na ang mga ito pati ang pamilya ni Jane tungkol sa pagpaplano ng gaganaping big wedding ng taon.
" I already think about it a hundred times. And because i dont think papayag sina Daddy sa gusto ko and i trust you guys... Kayo na muna ang una kong sinabihan. Kilala niyo ako... I want a simple celebration, that's why i need to hide this from them. At sana tayo tayo na muna ang makaalam nito. Kailangan ko pang isurprise si Jane bukas.. Di niya kasi alam na nakauwi na ako.."
"Even my parents, kinausap ko kasi ang secretary ko na wag sabihin kay Kuya o kay Daddy at Mommy na patago akong umuwi ngayon. I just want to surprise Jane... " Coleen.
"Oo naman! You can count on us..." Sagot naman ni Meg na yinakap pa si Coleen dahil nasa tabi niya lang ito. Sumang ayon naman ang iba na biniro biro pa ang dalaga at natutuwang tinanong pa siya tungkol sa plano niya. Pinag usapan nila buong dinner ang plano kung paanong isusurprise si Jane dahil alam ni Coleen kung gaano kagusto din nitong mapabilis ang kasal nila.
" And because sa wakas makakasal na rin ang kaibigan natin na akala natin ay tatandang dalaga na..." inirapan naman ni Coleen ang katabing si Meg na tumayo pa habang hawak ang red wine sa baso.
"Dun tayo dederecho sa bar ko after ng dinner natin for another celebration!!" Tuloy na sabi ni Meg na ikinatuwa ng iba. Di nila pinansin ang ilang napapatingin sa table nila dahil sa hiyawan at asaran dulot ng ibat ibang excitement para sa kaibigan nila.
COLEEN'S POV
I feel so happy and contented with what i have now. My loving family, my retard friends and syempre si Jane.. Di ko mapigilang di mapangiti sa harap ng salamin ngayon habang nag aayos ng sarili. Pagkatapos ng masayang kwentuhan namin ng mga kaibigan ko at makita kung gaano sila kasaya para sa akin di na ata mawala ang ngiti sa mukha ko.
Siguro nasa El greco na ang mga yun at hinihintay ako. Nagpaalam kasi ako saglit kanina para imeet yung isang importanteng tao na kausap ko lagi kahit na nung nasa Spain pa ako, may mga ipinagagawa kasi ako sa kanya na siyang isusurprise ko sa girlfriend ko. I'm sure matutuwa yun.
Dito na ako dumiretso muna sa condo ni Brianna sa Makati, isa sa mga close friend ko rin na nasa Paris ngayon kasama ang boyfriend niyang si Marc. Sinabi niya na dito na muna ako magstay para din di malaman ng parents ko na nandito ako sa Manila ngayon. Baka kasi di lang matuloy yung surprise ko kay Jane pag nagkataon. Ipapaalam ko din naman na nandito ako after i talked to Jane about my surprise. Isa pa kailangan ko ring bumalik ng Madrid para tapusin ang naiwang trabaho ko dun pero siguro mga dalawang linggo na lang at makakabalik na rin ako ulit dito. Kaya kailangang masulit ko ang 10days na hiningi ko kay Art para maisagawa ko lahat.
Naramdaman ko ang vibrate ng phone ko kaya naman tiningnan ko agad ito. Nagmessage kasi ako sa messenger ni Jane para kamustahin siya at itanong ang kung ano ano para di mahalata kung nasaan ako. Nung una ko pa nga siyang tinawagan kanina para suyuin dahil sa di ko pag uwi nung graduation niya halos di na niya sagutin ang tawag ko. Pero nung nakaka anim na ata akong tawag sa kanya saka niya sinagot at sinabing nagtatampo pa siya.
She's really cute.
Alam ko namang nakakapagtampo talaga na di ako nakauwi para sa espesyal na araw na yun pero maiintindihan niya rin ako kapag naipaliwanag ko lahat sa kanya bukas. Isusurprise visit ko siya sa condo niya.
Sa condo na binigay ng lolo Altheo niya na rin siya kasi halos nagsstay dahil ito ang mas malapit sa school niya. Nahirapan pa siya noon na mapapayag si Daddy at Mommy pero wala ring nagawa ang mga ito sa katigasan ng ulo ni babe.
Tuluyan na akong napangiti ng malaman kong nasa condo lang daw siya at matutulog na rin, sabado kasi bukas at ang sabi niya after lunch daw ay pupunta sila ng Anilao para puntahan ang kilalang resort dun. Ang alam niya ay nasa Madrid parin ako, di niya alam na nandito na ako sa Manila at magugukat nalang siya bukas para sa surprise ko, madalas kasing mga 9-10am yun nagigising kapag sabado at sasamahan ko nalang siya papuntang Anilao kasama ang mga friends niya para din mas matagal kaming magkasama.
Matapos mag goodnight sa akin ni babe sa chat ay di ko na siya kinulit pa, kailangan ko na rin namang magpunta ng El greco para sa mga kaibigan ko. Siguradong kanina pa ako hinihintay ng mga yun dahil mag aalas nuwebe na rin. Kaya pagkababa ko ng condo ay mabilis akong nagbook ng taxi at agad nagtungo sa bar. Nakita ko naman agad ang mga baliw kahit na sobrang daming tao ngayon dahil na rin friday night. Sana lang walang makakita at makakilala sa akin ditong kaibigan ni babe dahil talagang mapupurnada ang plano ko. Aagahan ko nalang siguro ng uwi.
"Buti nalang maraming tao Meg. Dahil kung hindi baka may makakita sa akin dito.." sabi ko kay Meg ng hilahin ko ito palapit sa akin para marinig ako.
"Don't worry, pina dim ko talaga ang ilaw sa part na to para di tayo gaanong kita ng mga tao.. Isa pa, sobrang daming tao ngayon kaya imposibleng may makapansin sayo.."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Meg na tumayo na rin at nagsisigaw ng cheers sa amin.
Para kaming mga teen ager kung makalunok ng alak ngayon at yung iba pa ay sumasayaw sayaw kasabay ng tugtog ng bar. Alalay lang din naman ang oag inom inom ko na di nila pinilit dahil nga kailangan kong agahan bukas. Di pa ako mapalagay na tingin ng tingin sa relo ko habang umiinom kami dahil halos mag aala una na rin ng madaling araw at andito pa kami. Nakauwi na rin si Alexis at Sandy kaya kami kami nalang din ang natira.
Nang muling umupo si Meg sa tabi ko dahil sa pagbabago ng tugtog dahil daw sa event ngayon ay nagpaalam na rin ako dito at sasabay na ako sa kotse ni Ryan na pauwi na rin naman. May kung anong event pa kasi ngayon dahil daw friday night kaya din siguro maraming tao na pakiramdam ko pa sa iba ay mga bata pang mahihilig lang talaga magbar.
Pumayag naman si Meg na di na daw kami maihahatid dahil may gagawin pa.
"Wait! Huli nalang to oh! Bottoms up tayo!" Hirit pa ni Ryan na inabutan pa ako ng isang baso ng kilalang beer ganun din kay Meg. Halos di naman maipinta ang mukha ko sa lasa nito ng masimot ko ang laman nito.
Shit! Bat ba may mga umiinom pa ng ganitong klase ng alak. Reklamo ng utak ko habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ko. Tumawa lang naman ang dalawa na nag apir pa sa harapan ko.
"Before we start, let's first welcome our beautiful and hot guests here!"
Halos mabingi pa kami sa hiyawan ng mga tao sa loob na siyang ikinalingon namin sa stage kung saan andun na lang nakatutok ang spotlight. Nandito kasi kami sa second floor ng bar at nasa may side pa kaya kahit madilim at kita naman namin ang stage.
Magyayaya na sana ako kay Ryan ng may mahagip ang mga mata ko.
"Is that your girlfriend Col?" Halos humaba pa ang leeg ni Ryan ng tingnan ito. Si Meg naman ay napatingin din sa stage bago pa tumingin din sa akin.
Akala ko ba matutulog na siya? Ang alam ko mga 9pm ang paalam niya sa akin nun e matutulog na daw sya. Halos maningkit pa ang mata ko ng titigan ang kasama nitong babae na kulang nalang ata ay hubarin ang maiksing haltered dress nito. Hinila pa nito si Jane papunta sa may stage na nakita kong medyo nag aalangan pa pero ngumiti nalang din sumunod dito.
Pakiramdam ko ay nag apoy bigla ang buong katawan ko sa halo halong nararamdaman ko sa pagsisinungaling ni Jane. Okay lang siguro na nagsinungaling siya. Pero ang makita ko siyang may kasamang malanding babae ngayon sa bar ay di ko ata kayang tingnan.
Di ko na namalayan na hawak hawak ko na pala ang cellphone ko at dinadiall ang number niya ng paulit ulit. Nagtext din ako ng mabilisan sa kanya at sinend ng ilang beses. For fuck sake, it's almost past one am at makikita ko siya dito?! Kumukulo kulo na ang dugo sa ulo ko at parang nangangati na rin ang paa kong puntahan siya para tanungin ng kung ano ano.
"Is that the senators daughter? Di ko alam na close pala sila..." Narinig ko pang bulalas ni Meg.
"Co... Col....." naramdaman ko ang pag lapit sa akin ni Ryan na umakbay pa. Tumingin naman sa amin si Meg at nalilitong tumingin.
"Did she... I mean... I dont know why she's here, wala naman si Yasmin dito..." nalilitong sabi ni Meg na nakatingin na rin sa babaeng tinitingnan ko.
"What is happening in this fucking bar Meg again." Mahina pero madiing sabi ko ng di tumitingin sa kanilang dalawa.
"Its... Ahmm.. Wait.. Matagal ko nang di naman nakikita si Jane dito.. Isa pa...." natigilan ito ng tapunan ko ito ng masamang tingin.
"Uhmmm.. Another LGBT themed night... Diba.. It always happen here.."
"Pero matagal ko ng di nakikita si Jane dito..." Nagpapaliwanag na sabi ni Meg nagtataka rin sa pagkakakita kay Jane. May mga sinabi pa si Ryan at Meg pero pakiramdam ko ay wala na akong naririnig pa o nakikitang iba kundi ang babaeng ngayon ay kausap ang babaeng todo pacute pa dito.
Halos mapatay ko naman sa tingin si Meg ng hilahin ako nito papunta sa isang gilid. Ramdam ko rin ang mainit na katawan ko at alam kong namumula na sa galit na mukha ko. Oasalamat nalang at nakafocus yung iba sa mga nangyayari sa baba kung hindi baka nakilala na ng iba ako at baka di ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
"Ano ba Meg!" Reklamo ko.
"Beb! Don't over think okay? Remember may plano kapa bukas? Baka naman nagkataon lang na nandidito siya? Saka... Don't worry i can handle this! Ilalayo ko siya dun sa anak ng senador na yun na kasama niya na di ko alam kung bat kasama niya dito.. Calm yourself okay? Di niya pwedeng malaman na nandito ka diba?"
I let out a deep sigh and close my eyes while thinking. Naghahalo ang galit at sama ng loob ko sa ginawang pagsisinungaling ni Jane. But maybe Meg is right. Di niya dapat malaman na nadito ako at kung hindi baka masira ang plano ko kapag di ako ngpigil ngayon at nagpadala sa galit.
"She lied." Kulang na lang ay ihagis ko ang malapit na upuan sa pagpipigil ng galit ko.
"Hey... Maybe she have her reasons.. Ha... Hayaan mo kakausapin ko mamaya... Dont worry di ko sasabihin na nandito ka.."
"I know you beb.. mag eexplain din yan siguro sayo.. and trust me.. ako na bahala sa kanya.." hinawakan pa ni Meg ang kamay ko.
Baka nga nag iisip lang ako masyado. Bukas ko nalang siguro aalamin.
"And hey! Stop calling her.. Baka magtaka yun... Ako ng bahala sa girlfriend mo okay?" Aagawin pa sana nito ang cellphone ko pero nailayo ko agad ito. Nakita ko pa ang pagsunod sa amin ni Ryan na may hawak pang isang bote ng beer sa kamay. Halos mabingi ulit kami ng magsigawan ulit ang mga tao at yung iba pa ay nakadungaw na rin para mas makita ang nangyayari sa baba. Hahakbang na sana ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng hawakan ni Meg ang braso ko.
"Ryan umuwi na kayo ni Coleen okay? Sa emergency exit na kayo dumaan dahil maraming tao ang nakaharang.."
"I need to see what the fuck is happening there!" Matigas na sabi ko kay Meg.
"Don't you trust me beb? Kilala ko narin si Jane at hayaan mo ako na ang bahalang ilayo siya sa kung sino man yun.. Please go... "
"Remember your plans? Just put a big trust on her.. alam ko may dahilan siya at sasabihin niya rin sayo yun..." Meg.
"At baka pagkaguluhan lang kayo ng mga nandito kapag nalaman nilang nandito ka at dito pa kayo magsumbatan ni Jane.." natameme ako sa sinabi ni Ryan. He has point, lalo na ngayon na lahat nalang ata ay gustong gawan kami ng kwento ni Jane.
Pero di pa rin nawawala ang galit ko. Nagsinungaling parin siya, ni hindi ko alam kung ngayon niya lang ba ito ginawa o kung pang ilang beses na. Gusto kong ako mismo ang kunaldkad sa babaeng yun palayo sa kanya.
"Bukas nalang Col.. Please? Concern lang ako parehas sa inyo.. And i promise.. Kakausapin ko siya..." huling pakiusap ni Meg.
Pakiramdam ko tuloy ay naiiyak na ako dahil sa pinaghalong galit at kung ano mang emosyon na nararamdaman ko.
Maybe i really need to trust her. Di naman siguro niya magagawa ang tumatakbo sa isip ko. Dahil kung mangyari man yun. Di ko na alam.
Inakbayan ako ni Ryan at niyaya na ring umalis, si Meg naman ay hinalikan ako at nakipagbeso narin kay Ryan bago kami ihatid sa emergency exit.
"I trust you Meg, and please... Do something about that slut to get away from my girlfriend." Bilin ko pa habang mabibigat ang hakbang papalayo dito.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko at iniisip nalang na sana mali ang mga iniisip ko at tumatakbo sa utak ko ngayon.
Sana..