JANE'S POV
I let the cold water from the shower run down to my body to ease the pain from my hangover last night. At heto nga ako ngayon at kanina pa ata nakatayo sa shower habang nag iisip.
I lied to my girlfriend last night. Dahil na rin siguro nagtatampo pa ako sa kanya dahil di siya nakapunta nung graduation ko at dahil di man lang niya ako sinusuyo. But i love her.. Gusto ko lang talagang uminom kagabi para mabawasan ang init ng ulo ko nung mga nakaraan. Pero pakiramdam ko ay lalong nadagdagan ang problema ko dahil kasama ko ngayon dito sa condo ko si Diana.
Mag isa lang sana akong iinom kagabi sa dating bar na pinupuntahahan naming mga magkakaibigan pero kamalas malasan e nasalubong ko ito sa parking lot na pauwi na ata. Kaya ayun, nilandi landi ako at sinamahan pa ako sa loob hanggang malasing siya. Di din naman ako uminom gaano dahil iniisip ko parin naman ang mararamdaman ni babe pag nagkataon. I just need a few drinks para kahit papano ay matanggal ang pagkabwisit ko.
About Diana, sa sobrang kalasingan nito kagabi ay wala na akong choice kundi dito nalang sya dalhin sa condo ko. Alam kong gustong gusto nito ang nangyari pero i make sure na walang mangyayari sa aming dalawa kahit na lantaran ang panglalandi niya sa akin. Nakita din kasi ako ni Ate Meg kagabi at ayun.. Parang naririnig ko ang bunganga ni Wendy sa kanya. Ilang beses ata akong pinaalalahanan at sinabihan na layuan ko si Diana. Pero ano pabang magagawa ko e bago ko pa maiandar ang kotse ko e nakasakay na ito. At dahil lupaypay na sa lasing e wala na akong nagawa kundi magpatulong sa guard na maiakyat ito sa condo ko.
Ipapaliwanag ko nalang kay babe siguro kapag tumawag siya sa akin mamaya.
Fuck! Yung cellphone ko pala naiwan ko dito sa condo kagabi pa.
Baka nagttext o tumatawag na yun. At kailangan ko na sigurong mapalayas ang babaeng ito dahil mag aalas nuwebe na at saka mamaya aalis din kami nina Yas at Charlotte papunta ng Anilao para magswimming.
After ko magshower at balutin na lang ang katawan ko sa towel ay lumabas na agad ako para makapagbihis at kausapin si Diana. Di ko naman ito naabutan sa kama, siguro naghahanap na ito ng maiinom sa ref dahil din sa hangover.
"Diana?!" Sigaw ko pa habang naglalakad ng nakapaa lang para hanapin siya.
"I'm here baby!"
Halos ata sumilakbo ang init ng ulo ko ng marinig ko ang malanding boses nito sa sala. Lakas din ng topak sa ulo ng malanding ito para tawagin akong baby. Hinagilap ko ang cellphone ko sa kama pero wala ito kaya naman pinuntahan ko nalang ito sa sala.
"Have you seen my fucking phone?!" Iritang sabi ko habang kapit kapit ang towel sa katawan ko. Asan na ba kasi yung cellphone na yun. Baka tumataw------
"Babe?!" Pakiramdam ko ay sinakluban ako ng langit at lupa at malulunod na ako sa kumukulong kumunoy sa nararamdaman ko ngayon.
Nakita ko si Coleen na nakatayo sa pintuan habang malamig ang pagkakatitig sa akin at ramdam na ramdam ko ang sakit na tinatago nito sa mga mata nitong di inaalis ang tingin sa akin. Tila nawala na ata sa paningin ko si Diana at siya nalang ang nakikita ko ngayon.
"I told her naliligo ka baby..." nagpanting pa lalo ang tenga ko sa narinig ko kay Diana na nilulusaw na ata ako sa malanding pagsuyod nito sa kabuuan ko. Halos mataranta pa ako ng makita ang suot suot lang na black panty ni Diana na pinatungan lang ng loose tshirt ko habang hawak hawak niya ang isang bugkos ng red roses na alam kong nanggaling kay Coleen.
"Pasensya na sa istorbo Miss Reyes. I think i need to go.." yun lang at mabilis na itong tumalikod paalis na di man lang ako tinapunan ulit ng tingin.
"Babe wait! It's not what you think it is!! " mabilis na hinabol ko ito at walang pakialam na di na nilingon ang mga sinasabi ni Diana.
"Babe?!"
"Wait ano ba?!"
Pero tila naman bingi itong walang lingon likod na tinungo ang elevator. Wala na akong pakialam kung tumatakbo akong walang sapin sa paa habang hawak hawak ang towel lang na nakabalot sa katawan ko at tumutulo tulo pa ata ang buhok ko maabutan ko lang siya saka siya hinawakan sa braso.
"Babe let me explain please.."
Tumigil naman ito at tinanggal ang pagkakakapit ng kamay ko sa braso niya bago humarap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang sakit at galit na nasasalamin ko sa mga mata niya. Walang kakurap kurap na tiningnan lang niya ako na pakiramdam ko ay tagos sa buong pagkatao ko.
"Babe i'm.... Im sorry..." di ko alam kung bat yun ang unang lumabas sa bibig ko basta ang alam ko ay gusto kung magkausap kami at makapagpaliwanag ako.
"I love you babe... Namiss kita..." dun ko na di napigilan ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit. Pero di ko man lang naramdaman na niyakap nya rin ako pabalik kundi naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilang braso ko para ilayo sa kanya.
"Babe... Di mo ba ako namiss? Bat di mo man lang sinabing andito kana para sana----"
"Where are you last night?" Di ko na kaya pang salubungin ang mga mata niya. Alam kong may kasalanan ako pero alam kong mali din ang mga iniisip niya.
"I'm calling you a couple of times to ask where the hell are you but you keep on ignoring my calls." Damang dama ko ang sakit sa kada letra ng salita na lumalabas sa bibig niya.
"Babe kasi... I forgot my phone----"
"At kanina, ilang beses na rin kitang tinawagan! I even knock several times on your door while keep on calling your number but look who picked up the call and who the hell is that almost nude slut i just saw in your room!" Halos madurog ang puso ko sa sakit na nakikita ko sa mga mata niya habang unti unting tumutulo ang mga luha niya.
"Babe... Nothing happened o... okay.. I'm sorry..."
"Si.. Diana pinatulog ko lang sa condo ko kasi... She's drunk and----"
"I saw you two last night and you lied to me."
Naguguluhang napatingin ako sa kanya. Im speechless. Pakiramdam ko ay may malaking batong nakaharang sa lalamunan ko para di ako makapagsalita. Di ko na namalayan na nakapasok na pala siya sa kakabukas lang na elevator saka muling nagsalita.
"I can't believe you can do this to me Jane."
Ako ang nasasaktan sa mga nakikita ko sa mga mata niya habang unti unting nagsasara ang pinto ng elevator. Naiwan akong tuliro at dahan dahan pang napasandal na lamang sa gilid ng hall way habang di ko matigilan ang tuloy tuloy na pagbagsak ng mga luha ko.
"Di niya ako pwedeng iwan na lang ng di niya ako naririnig na nagpapaliwanag!"
Wala na akong sinayang pang oras na halos liparin ang condo ko at magbihis para masundan ang babaeng mahal na mahal ko.
Lord sana naman maabutan ko siya. Please help me to explain to her about everything, ayokong mawala pa siya. Alam ng lahat na wala akong ginawa kasama ang Diana na ito kagaya ng iniisip niya. Alam kong nagsinungaling ako pero hanggang dun lang yun.
"Baby anong ginagawa ni Coleen Brylle Tan dito?"
Binigyan ko ng nakakamatay na mga tingin si Diana na ngayon ay nasa harapan ko na.
"She's my fiancè Diana!! "
"Ayusin mo ang sarili mo at umalis kana sa condo habang may natitira pa akong respeto sayo!"
Tila nahimasmasan naman ito na nakita ko pa ang takot at pagkalito dahil sa pagbulyaw ko na halos ata ikasabog ng eardrum niya.
"Ipanalangin mo na maabutan ko pa siya dahil kung hindi, hahanapin kita at ipaparada ko yang mukha mo sa kahihiyan saka pababagsakin ko ang pamilya mong puro mga drug addict dahil sa kakatihan mo!!"
Yun lang at pahablot na kinuha ko ang susi ng kotse ko na nakapatong sa ibabaw ng table ko. Nahagilap ko pa ang cellphone kong nakapatong lang pala sa dining table ko kaya mabilis ko itong nilagay sa bulsa ko at padabog na isinara ang pinto.
Babe asan kana..
Di ako mapalagay habang mabilis na nagmamaneho papunta sa mansion nila. I dont care kung may nalabag man akong traffic rules o kung ano pa, ang mahalaga makita ko si Coleen at makapag usap kami. Sana naman maabutan ko ito dahil kanina pa din ako tawag ng tawag pero unattended na ang phone niya.
Pagkaparadang pagkaparada ng kotse ko sa mansion nila ay bumaba na agad ako ng maabutan ko pa si Daddy Enrique na naglalakad kasama ang apo nito kay Kuya Vincent.
"Hija! Kamusta? What brings you here this early? " nakipagbeso pa ako kay Daddy at hinalikan ko na rin ang apo niyang kumakawag kawag pa habang naglalaro.
"Are you okay?" Kinakabahang napatingin ako sa kanya na na ramdam kong nag aalala na rin.
"Daddy andyan po ba si Coleen?" Pinipigilan kong maiyak habang nagtatanong. Nakita ko naman ang pagkalito sa mukha niya.
"Si Coleen? Di ba nasa Madrid pa siya hija?"
"You mean nandito na siya?" Halata ang pagkabigla sa boses ni Daddy na hinawakan ako sa balikat.
"Let's go inside anak, pag usapan natin yan.. Mag aagahan pa lang din kami dahil late na nagising ang Mommy Lucia mo..."
Nagpatianod naman ako kay Daddy at lalong naiyak ng sinalubong kami ni Mommy Lucia na niyakap ako kahit nagtataka din.
"Hija anong nangyari? " nag aalala na ring tanong sa akin ni Mommy Lucia habang inaalo ako. Naiiyak namang kinwento ko sa kanila ang nangyari at ang dahilan kung bat ko hinahanap si Coleen. Di pala nila alam na umuwi ito kung hindi ko lang din sinabi. Ang alam kasi namin may isang buwan pa ito dun bago umuwi.
Tinawagan naman ni Daddy ang lahat ng pwedeng pagtanungan tungkol kay Coleen pero wala din daw itong alam na nakauwi na si Coleen. Kahit yung secretary daw nitong nasa Madrid ay di alam na umuwi daw ito.
"Daddy i need to find her.. Kailangan kong makapagpaliwanag sa kanya..." pinunasan ko ang luhang lumabas sa mata ko na di ko alam kung kailan ito titigil sa pagpatak na kahit ata pigilin ko ay lalo lang akong napapahikbi.
"Lucia nasaan na ba yang anak mo na naman? Kailangan nilang magkausap nitong si Jane at ng magkaintindihan sila.. Isa pa bat ba siya umuuwi ng walang pasabi man lang." Makapangyarihang sabi ni Daddy na sumasakit na ata ang ulo dahil sa paghilot niya ng sentido niya.
"Daddy, Mommy i need to go.. Susubukan kong magtanong tanong sa ibang friends niya baka andun siya. I can't just sit here and cry.."
"Dont worry anak at tatawagan ka namin kapag nakita namin siya, kami na rin mismo ang magpapaliwanag sa kanya ng lahat..." tinapik tapik pa ni Mommy ang likod ko bago niya ako yakapin ulit.
"Hahanapin namin sya hija at ako mismo ang kakausap sa kanya.. Baka nagpapalamig lang yun o kaya naman e nasa ilang kaibigan lang niya dahil tinawagan ko na ang mga contact ko sa mga hotel namin pero wala talaga.."
Natutuwa ako dahil napakasuppportive nila sa amin ni Coleen at mahal nila kami parehas. Kaya sana lang talaga makausap ko na sya.. Alam kong nadadala lang ng galit at selos kaya siya nagkakaganun.
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila tinungo ko naman ang bahay nina Wendy para kausapin ang kapatid nitong si Ate Meg. Nabanggit kasi ni Coleen kagabi na nakita niya kami kagabi ni Diana at sa bar niya lang naman kami nagkasama ni Diana kagabi.
"What?? E bat kasi dinala mo dun yung babaeng yun?!" Wendy.
"I warned you last night Jane. Pero anong ginawa mo inuwi mo pa yung babae!" Ngawa naman ni Ate Meg habang nakaupo ako at silang dalawa ay nasa harapan ko habang nagsesermon.
"Please ate Meg, i'm telling you the truth. Wala nman talagang nangyari sa amin nung Diana na yun, saka wala na rin akong choice kagabi..."
"Kung sana alam ko na umuwi na siya diba.. Wala din naman kasi siyang nababanggit na uuwi pala siya.." sinamaan lang ako ng tingin ni Ate Meg sa sinabi ko. Siya kasi ang nagsabi sa akin kanina na nagkita kita nga daw silang magkakaibigan kagabi.
"May surprise ba na sinasabi agad? Nakakastress kayo!" Ate Meg.
"Su... surprise? What surprise ate Meg?" But instead of answering me she just roll her eyes and continue checking her phone.
"Ate what surprise?!" Ulit ko dito na tinaasan lang din ako ulit ng kilay.
"I don't know... Maybe yung... ano... Puntahan ka..." parang may kalituhan sa boses ni ate Meg.
"Shit! Saan ko ba siya mahahagilap.. Please tulungan niyo naman ako..." parang bata na iyak ko sa mga ito. Pakiramdam mababaliw na ata ako habang lumalakad ang araw.
Tumingin nalang ulit sa akin si Ate Meg na tila may malalim na iniisip.
"Ate tulungan mo na naman ang kaibigan ko, i know alam mo naman talaga kung nasaan si Coleen.. please?" Sumamo rin ni Wendy na kahit alam kong naiinis din sa ginagawa ko minsan ay gusto ring maayos ko ang gusot ko ngayon.
"Coleen might kill me...but... it looks like its just an understanding so..." lumiwanag naman ang mukha ko habang nakatingin ako sa kanya.
"Okay, i'll give you the number of our friends condominium in Rockwell at ang alam ko andun siya... Well sana nga andun pa dahil nakapatay ang phone ng babaing yun sa di ko alam na dahilan. May importante pa naman yung gagawin sana ngayon kung di lang...." Inirapan pa ako ni Ate Meg na tila sinisisi ako saka nagpakawala ng hangin.
"Kung di lang what?" Di maiwasang tanong ni Wendy na curious din pero inirapan lang ito ng kapatid saka tumingin ulit sa akin.
"Here. Kilala ko yung kaibigan kong yun. Baka nagpapalamig lang ng ulo niya yun. Pero sana lang talaga andyan pa siya sa condong yan kaya puntahan mo nalang.." inabot niya sa aking ang isang card kung saan nakasulat ang address pati ang pangalan ng condo kung saan ko daw makikita si babe.
May itatanong pa sana ako kay ate Meg pero mabilis na itong tumalikod at naglakad.
"And Jane... "
"Minsan lang magmahal ng sobra yang kaibigan kong yan to the extent na kaya niyang baliin lahat at gawin lahat ng gusto niya para sa taong mahal niya. Sana nga magkausap kayo at di masayang lahat ..."
Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Ate Meg. Minsan lang din kasi ako nito kausapin dahil kahit di niya sabihin ay alam kong di niya ako gusto nung umpisa pa man.
Wala na akong sinayang pang oras at pinuntahan ko na yung Joya Rockwell condominiums na binigay ni Ate Meg. Sasamahan pa sana ako ni Wendy pero sinabi ko nalang na hayaan niya nalang na ako ang umayos nito.
Mahal na mahal ko si Coleen at di ko na kayang mwala pa siya. Kahit nga nagtatampo ako sa kanya dahil nung nasa Madrid sya ay bibihira na kami makapag usap e di naman talaga nagbago ang nararamdmaan ko para sa kanya. Alam kong may pagkapasaway ako minsan at alam kong may mga di ako sinasabi sa kanya pero God knows na mahal na mahal ko sya at di ko siya kayang ipagpalit sa kung sino lang.
Pagkapasok ko ng lobby ng condo ay tinuro din naman sa akin kung saan mismo yung room number ng sinunod ko lang yung sinabi ni Ate Meg na isasagot ko sa mga tanong nung front desk na nasagot ko naman ng maayos. Nalaman ko din na lumabas daw kanina si Coleen pero di pa ito bumabalik. Kaya pinili ko na lang na dun na mismo maghintay.
Kaya ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal kung yun ang kailangan para makausap ko lang siya. Di ko na nga halos namalayan ang almost 2hours na paghihintay ko habang nakasalampak pa ako sa sahig dahil sa pagod ko. Di na ako nakasama pa sa mga kaibigan ko papuntang Anilao dahil di ko kayang lumipas ang isang araw na di ko siya nakakausap.
Nagmumukha na nga ata akong ewan dito sa harap ng condo ng kaibigan nila pero wala akong pakialam. I can wait for her kahit gaano pa yun katagal.
Natigil ang madramang pag iisip ko ng maulinigan ko ang boses ni Coleen na masaya habang may kausap na babaeng naiirita ako sa lambing ng boses. Nakita ko silang naglalakad patungo sa gawi ko habang yung babae naman ay may paghampas pa sa balikat niya.
"Thank you again for the dinner Brylle.. Nakakamiss ka talaga pati ang kakulitan mo..."
Tumayo ako ay namewang pa sa harapan nilang dalawa na kapwa na nakatingin sa akin.
"Kanina pa ako naghihintay dito tapos malalaman ko lang na may kung sino kang kasama habang naglalandian kayong naglalakad dito?!" Di ko na ata mapipigil pa ang bunganga ko dahil sa selos at inis ko lalo na ng makita ang pag akbay ni Coleen dun sa babae saka hinalikan pa ito sa noo. Kanina lang gustong gusto kong magsorry at magmakaawa sa kanya pero di ko naman alam bat pakiramdam ko gusto kung ihulog dito sa building yung babaeng kasama niya ngayon.
Nagtataka naman at tila nangingiting tinitigan lang ako nung babae habang nakakunot lang naman ang noo ni Coleen.
"Sa akin ka galit na galit ng di mo man lang pinapakinggan ang paliwanag ko yun pala ikaw naman yung may ibang babaeng kinikita dito na kaya siguro di ka dun umuwi sa bahay nina Daddy at Mommy e may kinocondo kanang babae dito?!"
Lalong sumisiklab ang galit sa loob ko dahil sa pagiging tahimik niya at wala atang pakialam na di man lang ako tinapunan ng tingin.
"Hon, i need to go... Fix this..."
Ginagalit ata talaga ako ng babaeng ito na mabilis na humalik pa sa lips ni Coleen sa harapan ko matapos magpaalam saka ako nginitian ng nakakaloko.
"Sa harapan ko pa talaga kayo maglalandian?! Kanina pa ako dit-----"
Mabilis na hinarang ni Coleen ang katawan niya sa paglapit ko sana sa babae para hilahin ang buhok nito.
"What is your problem?! Pwede bang umuwi kana? Wag kang gumawa ng eksena dito!" Madiing sabi niya.
"Ikaw pa talaga ang galit ngayon?! Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano kayong maghalikan ng babae mo!!" Naiiyak kong sabi habang hinahampas hampas ko pa ang balikat niya na di niya naman iniinda ang sakit.
"I hate you!! Nakakainis ka!" Dun ko na ibinuhos lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mabilis na paghanap niya ng kapalit ko.
"Hon? " tatawa tawa pang sabi nung babae na nasa likuran namin.
"Umuwi kana nga Jamie... Pinapasakit mo ang ulo ko..."
Kumalas naman ako kay Coleen at muntik ko pa itong maitulak ng malakas dahil sa galit ko dito. Nakita ko lang naman na bumuntong hininga lang ito at kinapa kapa ang bulsa na tila may hinahanap.
Susugurin ko pa sana yung babae pero nakalayo na ito at chill lang na naglalakad na animo walang ginawang mali.
"Kung wala kanang sasabihin umalis kana." Tila sibat na pumana sa puso ko ang sinabing yun ni Coleen na binuksan na pala ang pinto ng condo saka naglakad papasok na tila wala ng pakialam pa sa akin.
Nanatili lang akong nakatayo habang tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Napakasakit.. Sobrang sakit at tila di ko na kakayanin pang maglakad at igalaw ang katawan ko. Harap harapan siyang nakipaglandian dun sa babaeng yun na parang wala ako sa harapan nilang dalawa. Wala na atang mas sasakit pa dun kesa sa unang ginawa niyang pagtatabuyan sa akin noon. Wasak na wasak ang puso ko dahil sa ginawa niya, wala naman akong ginawang masama sa kanya pero bat nagawa niya akong saktan ng sobra.
Napatingin ako sa nakasaradong pintuan kung saan siya pumasok.
It's now or never. Kailangang makausap ko siya ngayon at makuha ko ang sagot na gusto ko. After this gagawin ko na ang gusto niya. Aalis na ako permanently sa buhay niya.
Nanginginig ang kamay kong pinihit ang seradura ng pinto at nakahinga naman ako ng malamang di yun nakalock. Pumasok na rin ako agad para hanapin siya at di naman ako nagkamali ng makita ko syang inaayos ang maletang dala dala niya siguro ng makauwi siya ng Manila.
May naramdaman akong kung anong lalong nagpabigat sa nararamdaman ko ng malaman ko kung ano ang ginagawa nito.
Siguro aalis na siya pabalik ng Madrid o baka dun na siya titira sa babae niya.
Andito na naman ang mata ko na ayaw na naman tumigil sa pag labas ng luha na nagpapasikip sa dibdib ko.
"Pupuntahan mo naba ang babae mo? Ganyan kaba gumanti sa akin Coleen?"
Nanatili naman itong walang imik na tila nagpipigil lang ng sarili niya habang tuloy tuloy na nilalagay ang mga damit niya sa maleta.
"Answer me!!! Ganun mo ba ako kabilis palitan!?"
"Ano bang ginawa ko Coleen bat umabot tayo sa ganito...." pakiramdam ko hinang hina na ang tuhod ko at anytime ay babagsak ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Tell me please...dahil sobrang nasasaktan na ako... "
Alam kong umiiyak rin ito dahil napapansin ko ang pagpunas nito sa mga mata nito habang itinutuloy ang ginagawa niya.
"You lied to me and you can't even trust me Jane.. Wag mong isisi sa akin lahat dahil wala kang alam sa nangyayari..."
"You are the one who hurt me in the first place kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin lahat ng yan..."
Pabagsak na ibinaba niya sa kama ang passport at visa na hawak niya bago naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Diana is just a girl who flirt with me in that bar that night! Wala lang talaga akong choice kagaya nung nangyari sayo sa Baguio!"
"Wow... Di ka pa rin pala nakakamove on dun sa nangyari dun at pati yun ay uungkatin mo pa..''
"Ang sakin lang wala kang dapat ikagalit dyan dahil wala naman talagang nangyari sa amin ng Diana na yun di kagaya ng harap harapan mong paglalandi sa harapan ko!" Napalakas ata ang boses ko dahilan para titigan niya ako na tila ba may kung ano sa mga mata niya na di ko maintindihan.
Nagsusukatan kami ng tingin ng bigla namang may nagsalita sa may pinto na di ko naman nilock kanina.
"Hi couz... I forgot to give you the..... key.."
Nagsalubong ang kilay ko habang nakatingin sa babaeng kanina lang ay kasama ni Coleen at hinalikan pa ito sa labi sa harapan ko.
Couz?
Mabilis naman na inagaw ni Coleen sa kamay nito ang susing hawak nito sa kamay at tiningnan pa ito ng masama.
"Go away Jamie, It's already late. Hahanapin kana ni Tita Phenn sa akin."
"Sorry again couz. Hehe!" Naka peace sign pa ito habang nakangiting nakadungaw sa pinto.
"Nice meeting you Jane.." Makulit na kumaway pa ito sa akin na ikinalito ko.
"Jamie?!" Pasigaw na boses ni Coleen na inirapan pa ito.
"Sabi ko nga gabi na e... Bye bye!" At tatawa tawa itong mabilis na lumabas sa pinto.
What is happening? Sino siya? I thought.... Pero hinalikan niya si Coleen sa lips kanina.
"Who is she?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan ko itong naglalakad na ulit papasok ng kwarto para ayusin ang gamit niya. Pero di man lang ako nito pinansin at nilagay lang yung susing binigay ng Jamie na yun sa maleta niya saka isinalaksak na naman ang nga damit niya dun.
"Stop that! Nag uusap pa tayo?! " Lalong gumugulo ang utak ko sa mga nangyayari. Sino ba talaga yung Jamie na yun at bakit couz ang tawag sa kanya matapos siya halikan nito kanina.
"Wag mo akong pagtataasan ng boses Jane Mondragon."
Seryoso ang mukha nitong ramdam ko na pinipigilan lang ang galit na kanina pa kinikimkim.
"Coleen naguguluhan na ako!!"
"Umuwi kana Jane. Para di kana maguluhan." Sumbat nito na may pinipindot sa cellphone saka ito inilagay sa tenga. Narinig ko rin na may nagsasalita ditong lalaki at may kung anong sinasabi.
"Okay... Thank you for that Timothy.. I'll be there at the airport before 11pm..."
"Okay thank you..."
Iiwan na naman ba niya ako?
"Coleen please... Mag usap tayo..." naiiyak na naman ako. Para na akong baliw dito na iiyak titigil iiyak dahil sa samot saring emosyon.
"Naguguluhan ka diba?" Humarap ito sa akin na may seryosong mukha.
"Alam kong nahihirapan ka na rin. You're too young Jane.. Marami pa nga sigurong pwedeng mangyari sa buhay mo... lalo na ngayon na graduate kana.." ito na naman yung mga salita niya na parang humihiwa sa buong pagkatao ko.
"Para di kana mahirapan pa Jane i'm giving you your freedom..." halos nahihirapang sabi nito.
"W... what are you saying..."
Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad lakad.
"Let's just cancel everything.. Marami pang mangyayari sa buhay mo.. Marami kapang makikitang tao na mas makakapagpasaya sayo."
"I'm setting you free.. Babalik nalang muna ako sa Spain at di na kita kukulitin pa para malaya kanang gawin lahat ng gusto mo ng walang komo control sayo.. Pagod na pagod na rin ako kung alam mo lang.. Kaya tapusin nalang natin lahat ng 'to para di na tayo parehas mahirapan..." may pait sa mga boses nito na pinipigilang humagulhol. Kagaya ko ay umiiyak na rin ito dahil sa nakikita kong pag akyat baba ng balikat nito.
"Wh....what do you mean..." Alam ko kung ano ang sinasabi niya pero parang di ito kayang iabsorb ng utak at puso ko. Ang sakit sakit lang talaga. Bakit ngayon pa siya makikipaghiwalay sa akin. Ano bang ginawa ko? Ganun na ba talaga kalaki ang kasalanan ko para isuko na lang niya ang lahat lahat sa aming dalawa.
Nakikipaghiwalay na ba talaga siya sa akin?
Tinalo ko pa ang rebulto na napako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Hinayaan kong kunin niya ang maleta sa ibabaw ng kama bago pa lumapit sa akin.
"I'm breaking up with you Jane. Mahirap din sa akin to pero siguro nga ito yung mas nakakabuti sa atin ngayon.. "
"I'm sorry for hurting you kung pakiramdam mo nagcheat ako sayo or whatsoever your reason is for hating me. Salamat sa lahat... Sana makita mo na yung taong di ka sasaktan at di ka pagbabawalan sa mga gusto mong gawin sa buhay mo." Kusang pumikit ang mga mata ko ng dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko para halikan ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Mahal na mahal kita Jane.... But i have to let you go for you to be happy..."