Mag aalas sais na ng bumaba si Coleen sa kwarto niya pagkatapos niyang maglinis ng katawan dahil sa pabalik balik niyang pagbalik ng cr dahil sa masamang tiyan niya.
Pagkababa niya ng hagdaan ay tinawag niya si Manang Ria para sana ipahanda ang kotse pero wala namang sumasagot sa kanya. Kaya naman ay nagpunta na ito ng dining area dahil baka andun lang ito at naghahanda ng hapunan.
"Napakatagal mo naman bumaba, what took you so long." Naabutan na naman niya ang babaeng ayaw na muna niyang makaharap hanggat di pa siya nakakakuha ng lakas ng loob para makipag usap dito.
"Manang? Kanina pa ako tawag ng tawag sa inyo." Tuloy namang salita ni Coleen na sinusubukang ibaling ang atensyon sa kasambahay na sinusubukang tawagin sa kitchen area.
"Nakaalis na si Manang Ria saka yung isa pang maid." Prenteng sagot naman ni Jane habang nagbaba ng malamig na tubig sa table.
"What do you mean na nakaalis na???" Naniningkit na tanong ni Coleen.
"I mean they're on leave."
"Leave?! Kararating ko lang dito kahapon tapos leave na agad? Sinong nagsabi sa kanila na pwede ng magleave?"
"I can't believe this!"
"Will you just sit here first para makakain na tayo ng dinner? Para kang may bulate sa pwet dyan kakalakad. Ako ang nahihilo sayo." Jane.
"Hello? What's your name again?" Di naman nakinig si Coleen na tumawag sa guard post para lang iconfirm kung totoong umalis nga ang mga maid ng walang paalam man lang sa kanya.
"Okay Anselmo, sino ang nagsabi na pwede nang magleave sina Manang? Kahapon lang ako dumating dito tapos aalis agad ng di man lang nagsasabi. "
"Eh Ma'm Coleen di ba kayo po ang nagsabi sa amin na magleave na muna kami ngayon dahil gusto niyo muna masolo si Mam Jane.." Halos mayupi naman ang telepono sa higpit ng hawak ni Coleen dito dahil sa pagķapahiya niya sa guard niya na natatandaan pa niyang kainuman niya kagabi.
"Pero Mam di na ako umalis dahil ayoko naman mam masayang ang araw ko medyo malayo din po ang Siquijor." Turan ng guard na nakuha niya na si Anselmo. Isa kase ito sa nakilala niya nung nagkaroon ng project siya dun para sa CBCT at naawa lamang siya dito dahil mabait naman. Kaya isa ito sa kinuha niya para magbantay habang nuon ay inuumpisahang gawin itong bahay nila ni Jane.
"Fuck!"
"Your mouth babe. That is not how you treat our guard." Nang aasar namang sabi ni Jane dahil mukhang alam din nito na si Coleen talaga ang nag utos sa mga ito na magtake muna ng leave.
Pagkababa naman ng telepono ay agad namang umalis si Coleen para pumunta sana ng garahe pero mabilis na nagsalita si Jane.
"You can't leave Coleen, its either we talk about us in front of our first dinner together or else ibibigay ko na 'tong address ng bahay natin kina Mommy at Daddy na kanina pa ako kinukulit about what happened why we end up married without them knowing."
"You can't do that!" Matigas namang sagot ng dalaga.
"Well, try me." Kinindatan pa siya ng asawa niya na kakababa lang ng mga prutas na kakabili niya lang kanina pagkahatid kay Jamie.
Naiinis man ay walang nagawa si Colleen kaya napaupo nalang ito, kesa pa humaba at lalong lumaki ang problema niya na pakiramdam niya ay ikakabaliw na niya simula kaninang paggising niya.
Tahimik naman silang sabay kumain ni Jane na di rin niya pinapansin kahit kanina pa siya nito inaabutan ng kung ano anong pagkain na siya ring naghanda nito.
"You know that i love you right?"
"I know i was wrong and i was stupid for letting you go and hurting you when all you did was care for me and protect our relationship." Simula ni Jane.
"Mahal na mahal kita Coleen. Alam ko naman na nagkamali ako but believe me. It was always you. Maybe i was really stupid for doing things like that while im in a relationship where i'm happy. And i am so sorry. Mahal na mahal kita and i dont wanna lose you."
Tahimik lang naman si Coleen na nakikinig sa dalaga na di niya magawang tingnan.
"Hinanap na kita sa kung saan pa kita pwedeng makita para lang makausap ka pero kahit parents ko ayaw akong tulungan. Because they know that what i did is wrong at totoong pinagsisisihan ko yun."
"Kaya naman nung bigla akong kinontact ng pinsan mong si Jamie kagabi na sobra kong pinagselosan noon e wala na akong sinayang pa."
"Let's fix this babe,please?"
Napatitig naman si Coleen dito.
"Jamie did what??" Halata sa mukha nito ang di maipaliwanag na reaksyon.
Nang maipaliwanag naman ni Jane dito ang lahat kung pano nagsimula at nahantong sila sa pagiging kasal ng dahil kay Jamie ay di maipaliwanag ni Coleen ang nararamdaman niya kung maiinis ba siya o kinilig siya dahil sa mga sinabi ni Jane sa kanya.
"Alam kong ayaw mo ng pinapangunahan ka sa mga desisyon mo but still im thankful to Jamie dahil kung hindi dahil sa kanya wala ka sa harap ko ngayon. Sobrang miss na miss na kita babe.. Kung alam mo lang."
"I can't even sleep last night dahil ayokong mawala ka sa paningin ko. It's okay kung galit ka or kung sabihan moko ng masasakit na salita dahil alam ko naman na galit ka lang at naiintindihan kita. All i want is for us to be okay kaya di na din ako nagdalawang isip pa nung sinabi ni Jamie na kung mahal kita, kailangan pakasalan na kita habang lasing ka at wala kang magagawa. Dahil alam namin na kapag nasa tamang wisyo kana naman e aalis kana naman at tataguan mo na naman kaming lahat."
Tila naman walang naririnig si Coleen na nagawa pang kunin ang cellphone sa bulsa nito at nagsimulang pindutin ito habang ang babaeng kaharap naman niya ay ginagawa ang lahat para maayos ang lahat sa pagitan nila at makausap lamang siya.
"I love you at ayoko ng mawala kapa kaya ginawa ko lahat ng 'to, and i don't care if you will hate me more kapag nalaman mong pinangunahan na naman kita."
At dun na nag umpisang dumaloy ang luha sa mga mata ni Jane ng mapansin niya na tila wala ng epekto pa sa dalaga ang kahit ano pang sabihin niyang paliwanag dito.
Rinig na rinig ni Coleen ang pagsinghot nito na halos ikadurog naman ng puso ni Collen na makitang umiiyak ito. Kahit gaano man siya katigas ay di pa rin niya kayang makita itong umiiyak sa harapan niya kaya naman tumayo na siya pagkababa ng cellphone niya sa table at pinuntahan ito para yakapin.
"Hey. Stop crying babe.." Pag - aalo niya dito.
"You are ignoring me.. Andami dami ko ng sinabi." Lalong tumulo ang luha niya ng yakapin siya nito.
"Shhhhhh... I won't do that again okay."
"It's just... Hay.."
"Saka pano ko pa magagawa yun e pinikot mo na ako." Biro pa nito kaya naman kinurot ito ni Jane.
"Subukan mo pa talaga akong iwan Coleen,makikita mo!"
"Just one thing Jane." Bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso habang nakatitig sa babaeng kaharap niya na asawa na niya ngayon.
"I don't want you doing that kind of silly things again. Specially now that we are married. Or else.."
Di na natapos pa ni Coleen amg sinasabi niya ng biglang tumayo si Jane para pupugin siya ng mainit na halik.
Mahal na mahal ni Coleen si Jane pero gusto din niyang matuto ang dalaga sa mga pagkakamali nito. Na hindi habang buhay ay pwede nitong gawin ang mga gusto nito na alam naman ni Jane na ayaw na ayaw ng dalaga.
"Hep! Wait babe!" Natatawang pigil ni Jane dito ng maramdaman niyang palalim ng palalim ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa.
"Later babe.. Come here.." Aktong hihilahin pa nito si Jane para yakapin ulit pero nagkunway masungit naman si Jane na medyo lumayo at humalukipkip kasabay ng masasamang tingin sa dalagang gustong gusto na siyang yakapin ulit dahil sa sobrang pangungulila niya dito.
"Where is your ring Coleen?" Biglang pagseseryoso nito sa kaharap niya na inirapan pa niya.
"Don't give me that look babe.. You know that i miss you so much.. " Pagpapacute ni Coleen na di naman umepekto sa babaeng nagsusungit sa harap niya.
"I told you that we are already married and you should keep that ring in your finger.." Seryoso parin itong nagsasalita.
Unti unti namang sumilay ang mapipilyang mga ngiti sa labi ni Coleen na gustong gusto ang pagsusungit ni Jane na dating playfull at wala ng ibang gawin nuon kundi pikunin at asarin siya.
Napapangiti siya di dahil gusto niya itong asarin o inisin behind their situation, napapangiti siya dahil sa nakikita niyang pagbabago simula ng huli niyang makasama ang dalaga.
"Walang nakakatawa Coleen Brylle! I told you to never try my patience."
Bago pa ito lalong mainis at mag init ang ulo ay inilabas na nito sa bulsa niya ang singsing na nandun lang pala kanina pa saka dahan dahang inilagay sa daliri niya.
"Mam Coleen nako pasensya na, kinatok ko pa po yung flower shop na pinaka malapit dito dahil maaga pala sila nagsasara." Napalingon si Jane kay Anselmo na may dala dalang isang malaking bouquet ng yellow roses na humahangos pa habang nagkakamot pa sa ulo.
"Antagal mo naman Anselmo, kanina pa ako pinanlalakihan ng mata ng Mam mo kaya di na kita nahintay." Natatawang sabi naman ni Coleen na lalong ikinatulo ng luha ni Jane dahil sa pagkasorpresa niya.
She was speechless. Di niya alam kung kikiligin ba o maiinis sa asawa niya dahil sa pang aasar nito na akala niya naman ay walang pupuntahan lahat ng effort niya makuha lang ang loob nito ulit.
"Nako sorry Mam Coleen, pagkatext na pagkatext niyo po lumabas na po ako agad kaso nagsasara na sila kaya natagalan ako."
"It's okay, ang mahalaga umabot naman dito sa Mam Jane mo na kanina pa nagdadrama.. Hahaha!" Sinamaan naman ulit siya ng tingin ni Jane na di pa nakakabawi sa surprise ng asawa niya na kanina pa pala siya sinasakyan nalang sa mga pag eemote niya.
"Mam Jane nako sobrang mahal na mahal po kayo niyang si Mam. Nung ginagawa palamang nga po itong bahay niyo e lagi siyang.."
"Anselmo you should go back to the front gate." Pinutol naman ni Coleen ang gusto pang sabihin ng guard niya na nais pa yata siyang isumbong sa asawa niya.
"Masaya ako para sa inyo mga Mam, sana maging maayos na po ang lahat.." Natatawa itong nagpaalam sa dalawa na kunway sinamaan pa ng tingin ni Coleen pero biruan nalang nila ito simula pa nung nakilala niya ito at kuning magbabantay sa mansiyon niya.
"He's still talking Colleen. Hahahahaha!" Asar naman ng asawa niya na mabilis niyang niyakap ng makaalis na si Anselmo.
"Babe i miss you.. Sorry for taking so long for me to realise na di ko dapat sinusukuan ang relationship natin.." Coleen.
"Shhhh... Kasalanan ko rin naman mahal in the first place. Kase.." Di na naituloy pa ni Jane ang gusto niya pang sabihin ng bigyan siya ni Coleen ng isang napakainit na halik na siyang magpapakalma ng lahat.