Mag aalas tres na ng dumating si Jane sa Mansyon pagkagaling nitong ihatid ang pinsan ni Coleen na si Jamie sa airport. Di na sana ito magpapahatid pa pero nagpilit si Jane na siya na ang maghahatid sa kanya dahil na rin sa mga nais pa nitong itanong o ipakwento dito sa mga nangyari sa kanyang asawa na ngayon na si Coleen. Wala rin kase siyang kaalam alam sa lahat ng nangyayari lalo na sa bahay na pinagawa pala ng dalaga para sa kanya na siyang lilipatan nila kapag naayos na ang lahat.
Lalo lang niyang minahal si Coleen sa mga nalaman niya sa pinsan nito. Sa mga kwento nito na kaninang madaling araw hanggang sa paghatid niya lamang dito nalaman. No doubt na mahal na mahal talaga siya ng babaeng sobrang mahal na mahal niya.
"Mam Jane ako na po ang magbaba ng mga dala dala ninyo." Salubong ni Manang Ria sa kanya pagkababa niya ng sasakyan. May mga boxes kase siyang iniuwi galing sa hotel ni Jamie, mga ilang gamit daw yun ni Coleen dahil minsan ay dun ito natutulog kapag minsang umuuwi ito ng Manila.
"Bumangon na po ba si Coleen?"
"Oo Mam kaso umakyat uli sa kwarto. Masakit daw ang ulo niya. Di pa po bumababa ulit, baka nakatulog na yun ulit pagkatapos ko iakyat ang gamot niya." Sagot ng matanda.
"Nga pala Mam may ginawa po akong soup dyan, kayo nalang po ang mag akyat kay Mam Coleen. Di pa po kase kumakain yun. Suka lang po ng suka kanina kaya di ko din mapilit na kumain."
"Salamat Manang, ako na po ang bahala diyan."
JANE'S POV
Kawawa naman ang isang yun, sino ba naman kase ang nagsabing magpakalasing siya.
Mahaba haba at kulang yung araw sa kwentuhan namin ni Jamie kanina. After everything that she told me lalo ko lang mas minamahal si Coleen.
We need to talk and fix everything between us and tell her how sorry i am for being stupid. Na di ko man lang siya inisip bago ko gawin ang mga bagay bagay.
Na sobrang mahal na mahal ko siya. Siya lang at wala ng iba. I have to make things right lalo na ngayon na mag asawa na kami. At sobrang sobrang pasalamat ko sa pinsan niya na pinagseselosan ko pa nung nakita kong kasama niya. Kung alam ko lang talaga!
Kung di dahil sa kanya ay di mangyayari ang lahat ng ito. Natatawa nalang ako kapag bumabalik yung eksena kagabi.
Natigil nalang ang pag iisip ko ng narating ko na ang pinto ng kwarto ni Coleen.
Make things right Jane.
Talk to your wife.
Tama nga si Manang Ria, tulog na tulog parin ito. Dahil na rin siguro sa hang over. Naiimagine ko na kung ano ang nararamdaman nito dahil ilang beses ko na rin itong pinagdaanan.
Sumampa ako sa kama at mahigpit ko siyang niyakap saka binigyan ng isang mabilis na halik.
"Babe, wake up. You have to eat. Wala pang laman ang tiyan mo."
Pagmulat na pagmulat ng mata niya ay agad ako nitong sinamaan ng tingin saka kumawala sa pagkakayakap ko at pinilit umupo.
"Shit!" Agad naman siyang napahawak sa ulo niya kaya hinila ko siya agad pabalik sa kama at mabilis na umibabaw sa kanya.
"What do you think you are doing? Anong ginagawa mo dito at pwede bang paki explain kung ano na naman ang ginawa mo sakin?!" She's mad again.
Sinubukan niya akong itulak paalis sa ibabaw niya pero dahil narin siguro nanghihina pa siya at talagang di niya ako mapapaalis sa pwesto namin e wala itong nagawa kundi tingnan nalang ako ng masama.
Siya naman ang pinangmulatan ko ng may mapansin sa kamay niya.
"And where is our wedding ring?!"
"Ikaw ang tinatanong ko kung ano na naman ang ginawa mo! And what the hell is that ring all about? "
"Nasan na ba si Jamie? Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya!?
I just look at her without saying anything.
"Get off Jane, lalong sumasakit ang ulo ko sa ginagawa mo."
Sinubukan niya ulit na itulak ako paalis sa ibabaw niya pero lalo ko lamang idinidiin ang katawan ko dahilan para mapabuntong hininga na lamang siya at makipaglaban ng titigan sa akin.
"Will you just get off? Di kana nakakatuwa!"
Sa halip na sumagot at humalukipkip nalang ako.
"Where is your ring?" Banggit ko ulit.
Nakipagsukatan lang ito ng tingin sa akin. I can see frustration in her eyes.
"Mam Jane ibinaba ko na rin po pala ang mga maleta niyo. Saan ko p.... "
Sabay kaming napatingin sa may pintuan ni Coleen.
Kitang kita naman namin ang bakas ng pagkagulat sa itsura ni Manang Ria na nagulat din lalo na sa pwesto naming dalawa. Shit i forgot to close the door!
Mabilis naman kaming umayos ng pwesto at kitang kita ko pa ang pamumula ng mukha ni Coleen.
"Anong maleta???" Nagtataka namang sagot ni Collen.
"Pasensya na Mam. Ilalagay ko nalang muna sa kabilang kwarto ang mga maleta niyo. Ituloy niyo lang yan mga anak. " At mabilis pa sa ihip ng hangin na nawala si Manang na alam namin na nagulat rin sa pwesto namin. Rinig pa namin bago magsara ang pinto ang hagikhik nito na tila kinikilig.
"I told you to get off! Nakakahiya kay Manang!" Masungit na sabi ni Coleen na pinangmulatan pa ako ng mata habang tumatayo.
"We are already married. Anong nakakahiya. Saka hello, kinikilig pa nga si Manang no."
"Don't play games with me Jane." I saw her facing the mirror while trying to recall what happened last night by massaging her head.
"Saka pano mo ba maaalala e sobrang lasing mo. Sino ba kasing nagsabi na magpakalasing ka?"
"Matapos mokong pagtaguan ng ilang buwan sa halip na ayusin natin kung ano man ang problema."
Kung alam lang din sana niya ang mga pinagdaanan ko habang wala siya. Halos mabaliw baliw na ako malaman lang kung nasaang lupalop siya.
"Will you stop? Whatever happened months ago tapos na yun. I'm trying to fix my life, move on and.. I want to be away from everything.."
"Kasama ba ako dun Coleen? Do you really want to leave me without hearing my side. Do you really hate me that much?" Pakiramdam ko ay may libo libong karayom na tumusok sa puso ko habang binabanggit ko yun.
I also see a lot of pain in her eyes.
Nasa gitna kami ng pag uusap ng mag ring naman ang cellphone niya na nasa ibabaw ng table kaya naiinis na sinagot niya ito.
"Who's this?"
Saglit siyang natigilan bago sumulyap sa akin.
"Dad? Where did you get my number?"
COLEEN'S POV
Di pa pumapasok sa utak ko lahat lahat ng nangyayari simula pa kagabi after ko malasing. Hanggang sa mamulatan ko yung singsing sa daliri ko at pagdating ni Jane na ngayon naman ay kaharap ko. Sinubukan kong tawagan si Jamie pero di naman sumasagot. Sumabay pa ang sakit ng ulo ko at parang hinahalukay kong bituka dahil sa dami ata ng alak na nainom ko kagabi.
"Coleen! Nasaan ka ba anak? Are you listening?" And ofcourse ano pa nga bang aasahan ko. My Dad is on the line na lalong nagpapasakit ng ulo ko.
"Nasaan na ba ang batang yan? Give me that phone Enrique. Hija? Nasaan ba kayo ni Jane at pupuntahan namin kayo?"
"What do you mean Mom? Bat sakin niyo hinahanap si Jane? " What is wrong with them. Bat sakin nila hinahanap si Jane e alam naman nila na di na kami nag uusap.
"Hi Mommy, wag na po kayong mag alala ni Daddy Enrique, kami na po ang pupunta dyan ni babe after ng honeymoon namin." Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng bigla naman itong agawin ni Jane na pinanlakihan pa ako ng mata ng sinubukan kong agawin ito sa kanya.
Ano ba talaga ang nangyayari?
"What honeymoon Jane pwede ba t...." Mabilis naman nitong nailagay sa labi ko ang kamay niya para patahimikin ako.
"Babe ano ba,alam mo namang kausap ko pa sina Mommy at Daddy." Halos pabulong pa nito na may nang aasar na tawa.
Ano bang pinagsasasabi nitong bipolar na babaeng ito.
"Okay Mommy, pasabi nalang kay Daddy na diyan kami agad tutuloy after ng honeymoon namin. I love you po ingat po kayo dyan." May mga sinabi pa ito pero di ko na halos narinig hanggang sa maibaba niya ang tawag dahil lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
"And you Coleen! Isusuot mo ba ang singsing mo o papuntahin ko pa dito ang mga magulang natin para lang ibalik mo sa daliri mo yung wedding ring natin? And for your information Miss Tan kasal na tayo simula pa kagabi at wala kanang magagawa kundi pakinggan ako at sundin ako bilang asawa mo!"
She slowly walk and intently look at me while giving me a seductive gaze.
"Pwede ba Miss Coleen Brylle Tan tigilan na natin ang away bati na parang aso't pusa because eventually magbabati at magbabati din naman tayo e. Lalo na ngayon na kasal na tayo. We are not young anymore remember? Isa pa i'm also tired from a long drive. Wala parin akong gaanong tulog dahil sa pag alaga ko sayo kagabi."
"And please maglinis kana ng sarili mo bago ako pa ang magpaligo sayo o baka naman gusto mong ituloy na rin natin ang honeymoon natin na di natuloy kagabi dahil lang sa kalasingan mo?" Lumaban na ito ng titigan sa akin na di ko naman kayang tagalan kaya napahawak nalang ako sa ulo ko ulit.
"This is making me crazy." I mumbled.
"Ill wait for you outside babe. I'll just prepare our food, gutom na rin ako dahil hinatid ko pa si Jamie sa airport kanina. I love you." Mabilis niya akong binigyan ng halik sa labi na ikinagulat ko.
"About Jamie and the wedd..."
"Magshower kana muna okay? We'll talk later." She cut me off.
"And don't worry, it's legal so. Wala kanang magagawa pa."
Naiwan nalang akong nakatulala at nag iisip parin sa mga nangayyari sa paligid ko na di ko maabsorb lahat.