“ADRIEN, `wag mo naman na gawin sa akin ito...” maluha-luha ng wika ni Mandy sa kaibigan habang kausap niya ito sa telepono. Kinausap niya ito ngayon para sa pangangamusta ng negosyong pinapatayo niya sa Cebu at kahit dapat ay inasahan na niya na masama ang loob nito sa kanya ay nasaktan pa rin siya.
“I’m sorry, Mandy. Masyado na akong abala sa trabaho. Hindi ko na kaya pang tignan ang business mo.”
“Sanay naman ako na ganyan ka. Magaling ka rin na magbalanse ng oras mo. Alam ko na nakakahiya pero ipinagtataka ko ang dahilan mo na ito.”
Bumuntong-hininga si Adrien. “Fine. Hindi naman talaga iyon ang dahilan. Ang totoo ay hindi na lang talaga kita gustong tulungan.”
“P-pero bakit? Masyado na bang pabigat ang business ko at---“
“Hindi ko na gustong tulungan ka gayong alam ko na wala na akong mapapala sa `yo.”
Nanikip ang dibdib ni Mandy. “Adrien...”
“Sabihin mo na masamang kaibigan ako para maggawa ko ito sa `yo, Mandy. Pero nasaktan ako sa nakita ko. Bumalik ka sa piling ni Rolf. Senyales lamang iyon na tinanggap mo siya sa buhay mo at wala na akong pag-asa pa sa `yo.
“Gusto kita. Kaya naman sa mga nakalipas na taon ay nanatili pa rin akong kaibigan mo. Umaasa ako na balang araw ay mapapansin mo rin ako. Heck, napakamartir ko rin na alukin pa kita para maging ama ng anak mo. Hindi lang dahil talaga iyon sa magiging maganda kang alliance sa negosyo o dahil importante ka sa akin at ayaw kitang mapahiya. I think I’ve fallen for you, too. Kaya ang malaman na nakipagbalikan ka kay Rolf, nasaktan ako dahil roon. Ibig sabihin lamang noon ay wala na talaga akong pag-asa sa `yo.”
“M-minahal mo ako?”
“I guess so.”
“I’m sorry for that.”
“I’m sorry, too, Mandy. Pero sana ay maintindihan mo ako. Isa pa, ginagawa ko rin ito para sa `yo. Mukha naman na nagkakaayos na kayo ni Rolf. Dapat ay nakapagdesisyon ka na sa gusto mo. Dapat ay sinasabi mo na rin sa magulang mo ang totoo. Hindi mo maitatago ang kondisyon mo habang buhay.”
Tinanggap ni Mandy ang mga salita ni Adrien. May punto naman kasi talaga ito. Hindi na rin niya ito pinilit na panagutan ni Adrien ang mga ipinakiusap niya rito.
Oras na para magdesisyon si Mandy. Kung hahawakan niya muli ang business, kailangan na niyang magpakita sa mga tao. Halata na ang kanyang tiyan at marami ang magtataka kung bakit. Magiging usapan siya at makakaabot iyon sa mga magulang niya.
Wala na siyang kakilala na mapapakiusapan niya na magreport sa kanya ng nangyayari sa kanyang negosyo. Wala na siyang ibang pinagkakatiwalaan. Ano na ang sasabihin niya sa kanyang mga magulang?
Naguguluhan pa rin si Mandy. Kaya na nga ba talaga niya na humarap sa mga ito? Ano ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman ang kondisyon niya?
Malulutas lamang ang lahat kung papayag ka ng magpakasal kay Rolf. Bulong ng isang bahagi ng isip ni Mandy.
Ganoon nga ba? Maaari. Hindi niya sigurado pero sa tingin niya ay makakatulong. Kapag nalaman ng mga magulang niya na pinanagutan naman siya ng ama ng anak niya, mababawasan ang magiging galit ng mga ito. Hindi naman niya talagang binigo ang mga ito.
Pero kaya na nga ba talaga ni Mandy na pakasalan si Rolf? Mahigit isang linggo na simula nang manirahan siya sa mansion ng mga de Guzman. Araw-araw rin sila na magkatabi ni Rolf. Nagkakalapit sila, nagkakalambingan. At masasabi ni Mandy na sa mga nakalipas na araw ay talaga namang nag-enjoy siya. Masaya siya. Pero sapat na ba talaga ang lahat para pakasalan niya ang ama ng anak niya?
Nang makita ni Rolf si Mandy ay nahalata kaagad nito ang bigat ng damdamin niya. “Why?”
Para mabawasan ang bigat, napagpasyahan ni Mandy na ipaliwanag kay Rolf ang lahat.
“Its okay. Maayos nga iyon. Nawalan ka ng isang mapagpanggap na kaibigan.”
“Pero Rolf...”
“`Wag mong alalahanin iyon. Gagawa tayo ng paraan. Gusto mo ba na ako mismo ang bumisita sa business mo?”
Tinaasan niya ng isang kilay ang lalaki. “Wala kang alam sa business, Rolf.”
“Hey, `wag mong i-underestimate ang bagong general manager ng pinakamalaking golf club sa Pilipinas.”
Kumunot ang noo ni Mandy. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“Ako na ang nagmamay-ari ng Royal Country Golf Club. Iyon ang property na ipinamana sa akin ni Tita Judith.”
“Oh...” Mandy should have known. Isang magaling na lawyer at business woman ang Tita ni Rolf. Marami itong properties at bilang walang anak at asawa, ang mga tagapag-mana nito ay ang mga pamangkin nito. Alam rin niya na pagmamay-ari nito ang Royal Country Golf Club---ang pinakamalaking golf club at course sa Pilipinas.
“Pagkatiwalaan mo ako, Mandy. Hindi ka maaaring magtrabaho dahil sa lagay mo.”
“Alam ko. Pero kung ipapaasikaso ko sa `yo ang business na pinapatignan ko kay Adrien, nasa Cebu iyon. H-hindi ko rin naman gusto na malayo tayo sa isa’t isa...”
Sandaling natigilan si Rolf. “Hindi ko rin iyon gusto. Hindi rin naman kita gustong isama rin dahil mahirap ang biyahe at walang mag-aalaga sa `yo kapag wala ako.”
Tinitigan lamang ni Mandy si Rolf. Bumuntong-hininga ang lalaki. “Kung ipatigil mo na lang kaya muna ang business mo---“
“Palagi akong tinatanong ni Daddy tungkol roon. Kapag nalaman niya na pinatigil ko iyon, magtataka siya dahil hindi ko maggawang umuwi sa bahay. He will demand that I---“
“Fine. Lahat ay may masamang epekto at kaya ganoon ay dahil nagsisinungaling tayo, Mandy. Sa tingin ko ay oras na para tigilan na ang lahat ng ito, Mandy. Your family deserved yo know the truth.”
Hindi nagsalita si Mandy. Dumating na nga sila sa punto na iyon.
Hinawakan ni Rolf ang kamay niya. “I will marry you, Mandy. Don’t try to resist me this time.”
“Rolf...”
“I care for you, Mandy. More than any girl in this world. Espesyal ka sa akin. Dinadala mo rin ang anak ko. Importante ka sa akin at ganoon rin ang sanggol na dinadala mo. Pero hindi lang iyon ang dahilan. simula nang magkikilala tayo, maniwala ka man o hindi ay ikaw lamang ang babaeng umikot sa mundo ko. I can’t think and even look at the other girls since you enter my world. At hindi ko rin makita ang araw na mapapalitan ka pa sa puwesto na iyon.
“I have good intentions with you. Hindi kita hahayaan na masaktan. Heck, hindi ko nga maggawang makita na masaktan ka. Nakikita pa lamang kita na nagugulo ay nagugulo na rin ako. I hate it. I hate to see you worry and hurt. Dahil roon, kaya ko na ipangako na hindi ko talaga hahayaan na mangyari iyon. I will be with you until how marriage requires to. Until death do us part...”
Matamang tinitigan ni Mandy si Rolf pagkatapos. Natunaw ang puso niya sa mga narinig. Hindi man ang pinakainaasahan niya ang narinig muli kay Rolf ay tila naging sapat na ang mga salitang iyon. Isa pa, nararamdaman na rin naman niya na hindi na talaga niya kayang kumawala pa rito. “All right.”
Kumurap-kurap pa si Rolf, tila ba nahirapan na i-sink in sa utak nito ang pangyayari. Pero mamaya ay naging abot tainga rin ang ngiti. Hinalikan siya nito sa labi at maya-maya ay binuhat.
“Oh God, Rolf! Ibaba mo ako!”
Tawa ang naging sagot ni Rolf. Hindi siya nito ibinaba.
“Kapag ako nahulog---“
“You don’t have to worry, Baby. `Di ba sinabi ko na sa `yo na iingatan kita? Hindi kita hahayaan na masaktan. If you fall, I will always be there to catch you. Tandaan mo iyan.” Kinindatan pa siya ni Rolf.
Ipinasok ni Mandy sa utak niya ang sinabing iyon ni Rolf. Pumayag na siya sa gusto nito. Ramdam rin niya na nagsisimula na siyang magtiwala rito. Hindi na dapat siya matakot. At kung ano man itong nararamdaman niya sa kanyang puso, hindi na dapat niya iyon ikabahala. Sinabi ni Rolf na iingatan siya nito. Sana nga lamang ay kasama ng pangakong iyon, maggawa rin nitong ingatan at sambutin ang pusong ramdam niyang nahuhulog na talaga rito.
INASAHAN na rin naman ni Mandy na sa kabila ng pag-ako ni Rolf ng responsibilidad ay magiging iba pa rin ang dating sa mga magulang niya nang balita. Naging malaking gulat sa mga ito nang makita siya sa kondisyon niya. Para bang binigyan niya ang mga ito nang malaking problema at binigyan ng pinakamalaking kabiguan sa buong buhay ng mga ito. Napakadilim ng mukha ng mga ito, lalo na ang kanyang ama. Ganoon pa man, hindi nito ipinakita kay Rolf iyon. Sa halip, niyaya siya nito sa library ng bahay upang doon nito pakawalan ang damdamin.
“Nagsinungaling ka sa akin, sa amin! Paano mo naggawa ito, Mandy?!”
“I’m sorry, Papa. Hindi ko naman po talaga ginusto. Naguluhan lang po ako kaya hindi ko sinabi sa inyo kaagad. Pero sana ay huwag na natin itong palakihin na issue. Magpapakasal na naman po kami ni Rolf.”
“At bakit kayo magpapakasal? Dahil lang sa nabuntis ka niya? Hindi pa ba naging aral sa `yo ang relasyon namin ng Mama mo?!”
“Hindi naman sa ganoon po pero nandito na ang lahat ng ito. Maayos naman ang relasyon namin ni Rolf.”
“Pero kahit na! Ang akala ko ay lumaki ka na ng matalino. Pero tunay nga yata ang kasabihan na umuulit ang nakaraan.” Nagtagis ang bagang ng ama ni Mandy. “Magpapakasal ka pa na malaki na ang tiyan mo! Ano ang sa tingin mo na sasabihin ng mga tao? At paano ang negosyo? Sino ang mag-aasikaso noon?”
“Madali lang naman po na i-manage ang mga negosyo na nandito sa Manila. Ang tungkol sa Cebu, napagdesisyon ko po na itigil muna iyon. Sa ngayon ay hindi ko po talaga kayang magpabalik-balik sa Cebu dahil sa kalagayan ko at---“
“Hindi kita pinalaki na ganito. Hindi ko gustong maging ganito lamang ang kalagayan mo...”
“Papa...” Binigo niya ang mga magulang at masakit iyon para kay Mandy. Pero mas masakit para sa kanya ang pakiramdam na hindi matanggap ng mga magulang niya ang masasabi niyang pinakaunang maling pagkakamali naman niya. “Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para maging isang mabuting anak sa inyo. Maaga akong nagsimula sa negosyo, ginawa ko ang lahat para maging matagumpay iyon. Ilang beses ko kayong binigyan ng mga proud moments. Pati ang business na dapat ay mina-manage niyo nang ibigay iyon sa inyo nila Lola nang mamatay sila, ako na ang gumawa. Pero bakit itong isang pakiusap ko ng pagtanggap sa inyo ay hindi niyo maibigay sa akin?
“Tiniis ko ang lahat. Nagpanggap ako na maayos lamang ang lahat sa pamilya natin kahit alam ko na hindi. Hindi ako humiling ng higit pa sa maibibigay niyo. Kahit masakit para sa akin na hindi ako lumaking normal dahil wala akong naramdaman na pagmamahal sa bahay na ito, binalewala ko ang lahat ng iyon. Hindi na ako umasa na balang araw ay maibibigay niyo rin iyon sa akin, kahit kay Mama. Gusto ko naman po na maging masaya. At sana, itong bagay na sa tingin ko ay makakapagpasaya sa akin ay `wag niyo na rin po na pigilan...”
Natigilan ang kanyang ama sa sinabi niya. Napansin niyang bahagyang lumambot ang mukha nito, lalo na nang makitang namumula na ang kanyang mga mata. Pinipigilan lamang kasi niya ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Maya-maya ay bumalik muli sa dating madilim ang mukha ng ama. Tumalikod ito sa kanya.
“Bahala ka na nga! Sabihan mo na lang kami kung kailan ang kasal,”
Iyon lang at iniwan na siya ng ama sa library. Matagal-tagal rin bago lumabas mula roon si Mandy. Kinalma muna niya ang sarili niya. Ayaw niyang ipahalata kay Rolf na naging hindi maganda ang pag-uusap nila ng ama. Nang makalabas siya ay nakita niya si Rolf at ang ina na nag-uusap sa sala. Hindi na kagaya ng Mama niya ang itsura nito kanina. Maaliwalas na ang mukha nito at mukhang nagustuhan na kausap si Rolf. Nang makita siya ay niyaya siya ng mga itong mag-merienda pero tumanggi na si Mandy. Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam niya. Pumayag naman ang kanyang Mama na umuwi na sila ni Rolf.
Pero kung nakapagsinungaling si Mandy sa ina ay hindi tinanggap iyon ni Rolf. Sa halip na iuwi siya sa bahay, dinala siya nito sa Royal Country Golf Club.
“Bakit?”
“Alam ko na hindi naman talaga masama ang pakiramdam mo, Mandy. We’ve been inseparable for almost two weeks now. Inoobserbahan kita at alam ko ang itsura mo kung masama talaga ang pakiramdam mo. Sa tingin ko ay malungkot ka lang. Gusto ko na i-open up mo sa akin iyon.”
“Pero bakit sa lugar na ito?”
Nagkibit-balikat si Rolf. “I found this place relaxing. Gusto ko na maging ganoon ka rin. Umaasa ako na baka mahawa ka rin. So...?”
“So what?”
“Ano ang pinag-usapan niyo ng Papa mo? Kinakabahan ka nang pumunta tayo roon at napansin ko na nalungkot ka rin nang makitang hindi naging maganda ang reaksyon nila nang malaman ang kondisyon mo. Pero lumala pa iyon nang makausap mo ang Papa mo. May sinabi ba siya sa `yo na hindi maganda?”
Hindi na nakatiis pa si Mandy. Sinabi na niya sa fiancé ang napag-usapan.
Tumiim ang bagang ni Rolf. “Hindi ko alam na ganoon ang pinagdaanan ng magulang mo, Mandy.”
“Dahil hindi ko ugali na sabihin sa iba ang nararamdaman ko. Most of the times, I kept it to myself. Pinalaki ako nina Papa ng ganoon. Ramdam ko na hindi nila ako mahal pero mahigpit pa rin sila sa akin. Ako kasi ang instrumento nila para suportahan pa rin sila ng mga magulang nila.
“You see, hindi naman talaga magaling sina Mama at Papa sa negosyo. My father was a player through and through. Isang social butterfly naman si Mama. Palaging sarili lang nila ang iniisip nila at nakaasa pa rin sa magulang. Lahat ng mga ginagastos nila sa kanya-kanyang luho ay galing pa rin kayna Lolo na kaya naman patuloy pa rin ang pagsuporta sa mga ito ay dahil na rin sa akin. Kung may nararamdaman akong tunay na pinapahalagahan ako, iyon ay sina Lolo. Kaya lamang ay madalas na wala rin sila sa paligid dahil abala sa trabaho sina Lolo sa parte ni Papa. Sa parte naman ni Mama, lahat ay nasa States. Nang mamatay ang mga ito, ipinamana ng mga ito kayna Mama at Papa ang negosyo na siya namang ibinigay rin nila sa akin sa huli. Ganoon rin ang mga naiwang pera ng mamatay naman ang mga magulang ni Mama. Wala silang kakayahan kaya inasa nila sa akin ang lahat na suwerte namang nasa tamang edad na ako para pamahalaan. Madalas na tinatanong-tanong lamang nila ako kung kumusta na iyon dahil iyon pa rin ang source nila ng pera.”
“Isa sa mga dahilan kung bakit hindi mo ako gustong pakasalan agad. Iniisip mo na magiging kagaya rin tayo ng magulang mo. Iniisip mo na kagaya ng pinagdaanan mo ay ganoon rin ang pagdadaanan ng anak natin. Dapat ay nalaman ko.” Huminga nang malalim si Rolf.
“Kasalanan ko. Hindi ko sinabi ang lahat ng ito sa `yo.”
Tumango si Rolf. Kapagkuwan ay hinawakan nito ang kanyang kamay. “Pero alam mo na may higit pa naman akong dahilan roon `di ba?”
Tumango si Mandy. Pero sa tingin ko ay hindi pa rin sapat iyon.
Minsan na narinig ni Mandy na magkaiba pa rin ang pagpapahalaga sa pagmamahal. Ang pagpapahalaga ay maaari natin na maramdaman sa lahat, maibibigay sa isang kaibigan. Pero ang pagmamahal ay may limitasyon. Maibibigay mo lamang iyon sa taong napakaespesyal talaga sa `yo. Sinabi na naman sa kanya ni Rolf na espesyal siya rito pero hindi ang makapangyarihang salita na inaasam-asam niya na marinig mula rito.
Isang salita na inaasam niya dahil pakiramdam niya ay nararamdaman na niya rito.
Akala niya ay imposible na para sa kanya ang makaramdam ng ganoon. Kung mararamdaman man niya, hindi niya siguro ganoon na makikilala. Sa kaso ngayon, mukhang naramdaman na ni Mandy, matagal lamang niyang nakilala at hindi naman siya masisisi kung bakit ganoon. Wala siyang karanasan tungkol roon. Pero ngayon ay masasabi niyang siguro ay iyon na nga ang tinatawag niyang pag-ibig.
Lumaki siya na hindi umaangal sa mga magulang. Kung wala siyang matinding nararamdaman kay Rolf, malamang ay hindi na niya ipaglalaban sa mga ito ang kasiyahan niya. Mahal niya si Rolf. Lahat ng mga nararamdaman niya rito, ang malakas na tibok ng puso niya, ang mga nakakakuryenteng pakiramdam kapag magkahawak ang mga kamay nila at ang masayang pakiramdam kapag nagkakalapit sila, senyales na iyon. Nahirapan lamang talaga siyang kilalanin iyon dahil may takot rin sa puso niya.
Kagaya ng kanyang ama ay kilalang player rin si Rolf. Paano kung lokohin lamang siya nito? Pero ngayon ay hindi na talaga siya nababahala at alam na niya kung bakit ganoon. Iyon ay dahil sa nasabi na niyang mahal na niya si Rolf at dahil makapangyarihan ang nararamdaman niyang iyon...balewala na sa kanya kung ganoon. Isa na yata siya sa mga taong nabulag ng pag-ibig.
“Ayos lang, Rolf. Natanggap ko na ang sitwasyon natin.” Pinilit na ngumiti ni Mandy. Pero sadya yatang matalas ang pakiramdam ni Rolf.
“Hindi iyon ayos lang. Nararamdaman ko. Sabihin mo sa akin.”
Huminga nang malalim si Mandy. “Wala ito. Don’t bother---“
“It bothers me. Ano pa ang pinoproblema mo? Ako ba ang problema? Because I feel that I am.”
Matamang tinignan lamang ni Mandy si Rolf. Aaminin ba niya sa lalaki ang lahat? Pero kung aaminin niya, paano kung ma-pressure si Rolf?
Huminga nang malalim si Rolf. “Siguro ay ako nga. Nararamdaman ko kasi sa sarili ko na ganoon. I think I’m getting crazy, Mandy...”
Kumunot ang noo ni Mandy. “Anong ibig---“
“I think I’m getting crazily in love with you.”
Nanlaki ang mga mata ni Mandy. Kaagad rin na nagliparan ang mga paru-paro sa kanyang tiyan dahil sa saya. “Rolf...”
Ngumiti si Rolf. Napansin rin ni Mandy na namula ang pisngi nito. Nagkamot pa ito ng ulo na parang nahihiya. “I fall for you, Mandy. I think I love you. Hindi lang ito basta atraksyon kagaya ng palagi kong sinasabi sa `yo. It felt deeper than that and I guess that’s the reason why.”
Napaiyak si Mandy sa sobrang tuwa. “Oh Rolf!”
“God. Is my confession horrible kaya ka napaiyak? I’m sorry, I didn’t mean to put that much pressure on you but---“
“Oh no. Hindi sa ganoon, Rolf. Masayang-masaya lang ako na ganoon. Iyon ay dahil masusuklian rin ang kung anong nararamdaman ko rin na ito para sa `yo.”
Nanlaki ang mga mata ni Rolf. “M-mahal mo rin ako?”
Tumango si Mandy. Niyakap niya si Rolf. Hinalikan naman siya nito. “Hindi lang ako literal na nahulog sa `yo, Rolf. Figuratively ay ganoon rin. I have these powerful feelings towards you. Napagtanto ko na kaya ganoon ay dahil mahal na rin kita. Hindi lang ako pumayag na pakasalan ka at ipaglaban sa mga magulang ko ang relasyon nating ito dahil sa magiging anak natin. Gusto kita, masaya ako na kasama ka, mahal kita.”
“You don’t know how much you make me happy today, Baby...” madamdamin na wika ni Rolf. He planted soft kisses all over her face. Lalong nadagdagan ang sayang nararamdaman ni Mandy.
“At ganoon rin ako dahil sa pag-amin mo...” hinuli ni Mandy ang mukha ni Rolf at siya naman ang nangunang magbalik ng mga halik na iyon. Rolf was grinning and smiling widely after and so was she.
Masasabing simpleng paglalambingan lamang ang ginawa nilang iyon ni Rolf. Pero nagdulot iyon ng lubos na saya kay Mandy. Well, kapag magkasama naman sila ni Rolf ay talaga namang nagiging lubos ang saya niya. Iba na nga lang iyon sa pagkakataong ito dahil ngayon ay hindi na siya nababahala. Libre na niyang mararamdaman ang masayang damdamin na iyon. Wala na siyang dapat ikatakot dahil nagkaroon na siya ng security lalo kay Rolf.
Hindi lang siya importante rito. Mahal na rin siya nito. Hindi na lang niya basta nararamdaman iyon.
Love was really a good feeling after all. Masaya at tinuturing ni Mandy na masuwerte siya dahil natagpuan niya iyon.