Chapter 15

The Last Will Series Book 3: Nobody Compares To You

“BASE SA mga nasaksihan mo kanina ay handa ka na siguro, Blaise.” Seryoso pero parang mas nakikita ni Blaise na may ngisi sa labi ni Attorney Morales nang magsalita.

Kanina pa paulit-ulit sa isip ni Blaise ang tanong. Handa na ba siya? May pakiramdam na siya kung ano ang nasa provision ni Tita Judith para sa kanya. Sa loob ng limang taon, iisa lang naman ang hinihingi nito sa kanya---ang makilala ang unang apo nito. Siya ang unang nakapagbigay katuparan roon pero hindi nito kailanman naramdaman, maski ang nahawakan.

Wala sa pamilya niya ang nakakilala kay Blair. Gustuhin man niya na makilala ng mga ito ang limang taong gulang niyang anak na babae, wala siyang naggawa.

“This is about Blair, right? Kung may naiisip man ako na puwedeng provision ni Tita Judith sa akin, tungkol lang naman talaga iyon sa kanya.”

Napatiim bagang si Blaise pagkatapos magsalita. Parang ina na nila si Tita Judith. Ito ang tumayong magulang nila simula nang mamatay ang kanilang mga magulang. Kapatid ito ng kanyang ama. Mabait at naramdaman talaga nilang magkakapatid ang pagmamahal nito sa kanilang limang magkakapatid. Pero bakit dahil sa ginawa ng tiyahin ngayon ay naging masama yata ito?

“You got it right. Makukuha mo lamang ang beach resorts kapag naayos mo na ang custody ni Blair sa `yo.”

Umiling si Blaise. “Limang taon pa lamang si Blair. Hindi ko pa puwedeng ipaglaban siya. Abogado ka. Malinaw sa `yo `yun.”

Nasa batas na mananatili ang custody ng bata sa ina kapag mababa pa ang edad sa pitong taong gulang. Gustuhin man niya na ipaglaban si Blair, hindi siya magkakaroon ng karapatan rito.

“May mga exceptions roon.”

Bahagyang napanganga si Blaise. “Ano ba ang tingin niyo sa akin, Attorney? I respect her mother. Gusto ko man na makuha si Blair, ang madala siya sa pamilya ko at maggawa ang gusto na ito ni Tita, hindi ko naman gustong mapasama siya. I don’t want my happiness to be at the expense of others.”

May mga exceptions nga na puwede nilang gamitin para makuha niya ang custody ni Blair. Pero nang i-discuss sa kanya ni Christien---ang panganay niyang kapatid na kagaya ni Tita Judith ay isa rin na magaling na lawyer, nawalan siya nang pag-asa. Magagawa ba niyang saktan nang ganoon si Poppy? Si Poppy ang ina ng anak niya at masasabing naging dating nobya. Inilihim nito sa kanya ang tungkol kay Blair noon at kung tutuusin, malaking kasalanan iyon. Pero ayaw niyang saktan si Poppy kung ipaglalaban niya ang kagustuhan.

Maraming compelling reasons para mawalan ng child custody ang isang ina. Lahat ng mga iyon ay mga masasamang akusa. Halimbawa ang neglect, abandonment, immorality at habitual drunkness. Magaling na lawyer ang kanyang Kuya Christien at ganoon rin si Tita Judith. Nakakita siya ng pag-asa na magagawan ng mga ito ng paraan para mawalan ng custody si Poppy at mapunta sa kanya si Blair. Pero hindi niya magagawang akusahan si Poppy ng ganoon. Poppy was the sweetest person he knew. Hindi ito karapat-dapat na masaktan.

“So paano `yan? You can just have the beach resorts if you did this stipulation.”

Tita, masakit na nga ang pagkawala mo, pati ba naman itong last will mo, pahihirapan pa rin kami? Nasa isip-isip ni Blaise.

Si Blaise ang namamahala ng chain of beach resorts na pagmamay-ari ni Tita Judith. Maraming branches iyon sa iba’t ibang magaganda at sikat na beaches sa Pilipinas. Mayroon sa Batangas, Puerto Galera, Palawan, Cebu at Boracay. Bata pa lamang siya ay pangarap na niya ang pamahalaan iyon. Mahilig kasi talaga siya sa mga beaches. Noong bata pa siya ay madalas silang dalhin ng mga magulang sa beach resorts na iyon. Partner kasi ang Daddy niya at si Tita Judith sa branches ng beach resorts. Pero dahil mas malaki ang capital ni Tita Judith at minor pa sila nang mamatay ang magulang, si Tita Judith ang pinakanamahala noon pagkatapos. Pero matagal na rin naman sinabi sa kanya ng tiyahin na darating ang panahon na ipapamahala rin nito iyon sa kanya.

Matagal na rin na panahon na inantay ni Blaise. Thirty years old na siya ngayon. Ilang taon na rin na personal niyang pinamamahalaan ang DG Resorts. Pero hindi lahat official. Parang acting CEO lang siya dahil nga kay Tita Judith pa rin lahat nakapangalan. Pero ngayong official na siya na ang mamamahala, may pagsubok pa rin pala siyang kailangan na pagdaanan.

“I-I don’t know, Attorney. Wala na bang iba pang option?”

Tumingin muli sa papel si Attorney Morales. “Custody or five months na makakapiling mo si Blair.”

Napailing-iling si Blaise. “Tungkol ang lahat ng it okay Blair.”

“Hindi mo masisisi ang Tita mo. Alam ko na isa rin siya sa nalungkot dahil hindi man lang niya nakapiling si Blair. Mahal na mahal kayo ng Tita niyo, Blaise. Hiling niya na maging masaya kayo. Magiging masaya rin siya kung mabubuo kayo. Pero ito, nawala siya na hindi man lang naggawang hawakan si Blair.”

“Hindi naman natin makakayang ibalik ang nakaraan.”

Tumango ang abogado. “That’s true. Kaya ang kailangan mo ay ang mabuhay sa kasalukuyan pero sa kasamaang palad, pareho pa rin iyon ng nasa nakaraan: ang makuha si Blair o kahit ang makasama man lang siya.”

Hindi na nagsalita si Blaise. Ano pa ba ang punto? Hindi niya puwedeng kastiguhin ang last will. Lahat ng iyon ay legal.

Napapikit si Blaise. Napakabigat ng ulo at damdamin niya sa nakalipas na mga buwan. Mahirap ang mawala si Tita Judith. Nang malaman ang sakit nitong cancer ay halos hindi na ito nakalabas ng ospital. Naging abala silang magkakapatid sa pag-aalaga rito. Pero pakiramdam ni Blaise, siya ang pinakanahirapan. Isang linggo kasi bago ito kinuha, hiniling nito na makita si Blair. Hindi niya naggawa iyon kaya guilty siya.

Pero hindi gusto ni Tita Judith na maging guilty siya habang buhay. Kailangan niyang gawin ito.

“May naiisip ako, Blaise.” Maya-maya ay wika ni Attorney Morales.

Tumaas ang isang kilay ni Blaise.

“Yamang ayaw mo rin naman na mapasama ang dati mong girlfriend para lang makuha ang custody ni Blair, ano kaya kung ligawan mo siya? Amu-amuin? Hindi ko kasi maintindihan ang dahilan kung bakit hindi niya maggawa man lang na ipahiram sa `yo si Blair. May visitation rights naman kayong mga ama sa anak.”

“Nasa America sina Poppy at Blair.”

Hindi rin nila puwedeng kastiguhin si Poppy kung bakit dinala nito sa ibang bansa si Blair dahil naririto nga ang custody ni Blair. Sa America naninirahan ang kanyang mag-ina. Sanggol pa lamang si Blair noon---ang lagay rin nito nang una at huli niyang makita. Wala siyang gaanong balita sa kanyang mag-ina. Hindi na niya ginusto pa.

Hanggang noong isang buwan...

Siya naman ang tinaasan ng isang kilay ng abogado. “`Wag mong sabihin sa akin na hindi mo kayang makapunta roon?”

“I tried. Pero unang beses ko pa lamang ay itinaboy na ako ng magulang ni Poppy. I-I haven’t even seen them.”

“Bakit hindi mo gustong subukan muli?”

“Magiging maayos ba siya sa akin, Attorney? I am kind of workaholic. At kami ng ina niya, w-we are not in love with each other.” May pakiramdam si Blaise na sa huling sinabi ay nanuyo ang lalamunan niya. May kung anong kumirot rin sa kanyang puso. Tumikhim siya. “I want to see my daughter, to care for her pero may takot ako. I don’t think I’m going to be a good father. She’s better with Poppy. I knew she would be a great mother.”

May mga nakababata man na kapatid ay hindi malapit si Blaise sa mga ito. Isa pa, babae rin si Blair. Anong alam niya sa babae? Bata pa man rin ito. Oo, nandiyan ang bunso nilang si Agnes pero kailanman ay hindi siya naging hands-on sa kapatid. May sarili itong Yaya noong bata pa ito. Hindi rin siya malapit rito dahil may pagka-maarte ito at spoiled. Kung may nakakatiis man sa ugali ng bunso, si Allain lang iyon. Magkasundo ang dalawa. Pero lahat naman yata ay kasundo ni Allain. Ito ang pinakamabait sa kanilang lima na magkakapatid.

Ayaw ni Blaise sa mga taong complicated. Kaya nga kinailangan niyang itaboy si Poppy noon. Isama pa na may pakiramdam siya na hindi siya makakabuti para sa kanyang mag-ina. Hindi siya nararapat para maging ama. Minsan ng ipinamukha iyon sa kanya.

“Subukan mo muli. Pinagbabago naman ng panahon ang mga tao `di ba? At ganoon rin ang mga damdamin...” naging mapanukso ang tingin ng abogado kay Blaise.

“I-I---“ napabuntong-hininga si Blaise. It’s complicated.

“Ito na lang ang nakikita kong paraan, Blaise. Suyuin mo si Poppy. Limang buwan lang rin naman ang kailangan mo para makuha ang mana. Kailangan mo lang makasama si Blair ng limang buwan. It wasn’t that bad. Pero kung gusto mo naman...pakasalan mo si Poppy. Kapag nagkasama kayo, you will have the right with Blair, too.”

May pakiramdam si Blaise na mahihirapan siya sa unang option. Wala siyang alam sa pag-aalaga sa bata. Paano niya maalagaan si Blair? Isa pa, sasama ba ito sa kanya? Mukhang mahihirapan siya. So it seems that the latter is a good option. Ilang beses rin na iyong pinag-isipan ni Blaise. Pero paano niya magagawa iyon kung noong isang buwan lamang ay nalaman niyang ikakasal na si Poppy sa ibang lalaki?

GLITTERY and glamorous. Iyon ang dalawang salita na tamang malalarawan ni Poppy sa kasiyahan na pinuntahan. Nagniningning ang mga ilaw sa paligid. Napakaelegante ng mga chandeliers at kahit ang mga sahig ay talaga namang parang kinuskos ng sampung beses sa kintab. Sumasabay sa kintab at kasuotang damit at pati na rin ang mga alahas ng mga bisita. Everything was so elite.

Hindi makahinga si Poppy.

“Puwede na ba tayong umuwi, Zac?”

“What?” natawa si Zac. “Come on, Pop. Isang oras pa lamang tayong nasa party.”

“Nanakit na ang paa ko sa sapatos,” tumingin siya sa paanan. Nangingintab rin ang four inches high na glass shoes niya. Ang fiancé na si Zac ang bumili noon kasama ang elegante rin niyang damit at mga alahas. Isang cocktail party ang event kung saan maliliit at matataas ang lamesa at lahat ng mga tao ay nakatayo lamang para makipagsosyalan.

Napapalatak si Zac. “You should be used to those shoes.”

“Zac...”

Nag-umpisang bumalatay ang inis sa mukha ni Zac. Pero maya-maya ay natigilan ito at napangisi na para bang may naiisip. Maya-maya ay bumaba rin ito sa paanan niya. Nahigit ni Poppy ang hininga nang hawakan nito ang kanyang paa.

“Zac, anong ginagawa mo?”

“Give me your feet. I will massage it,”

“Ha?” Natigilan si Poppy. Bigla siyang may naalala na eksena. Hindi niya kaagad ibinigay sa lalaki ang paa.

“Come on, Pop.”

Doon medyo naalimpungatan si Poppy. Napatingin siya sa paligid. Nag-uumpisa na silang makaagaw ng atensyon. Namula siya. “I-its embarrassing. Tumayo ka na nga. I-I can manage!”

Totoong nanakit ang paa ni Poppy. Pero hindi niya sinabi iyon para magreklamo. Gusto lang niyang kuhanin na hint ni Zac ang kanyang sinasabi. Naiinip na kasi siya. Gusto na niyang umuwi.

Hindi nagpapigil si Zac. Inalis nito ang sapatos niya.

“We’re getting a lot of attention, Zac...”

Lalong lumaki ang ngisi ni Zac. “I know. And I like attention. Isa pa, kailangan natin iyon. They should know I’m a good person. Sisimulan natin `yan rito. With this, they would know I’m a good and a sweet fiancé.” Mahina lamang ang tinig na iyon ni Zac pero umabot sa tainga ni Poppy. Hinilot nito ang paa niya.

Lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Mas namula pa si Poppy pero ramdam niya na dahil hindi lang iyon sa pagkapahiya. Hindi kasi siya talaga sanay sa ganoong atensyon. Simple lamang siya kaya nga nahihirapan siya na makapag-adjust sa ganitong buhay. Ipinanganak man siya na mayaman noon, hindi niya hilig ang ganitong kabongga na kasiyahan. Pero isa pang ikinapula ni Poppy ay dahil sa inis.

Zac was really a user.

Makakabuti sa business. Palaging iyon ang nasa isip ni Zac. Ang pinakaunang priority nito ay ang negosyo nito. Pero walang choice si Poppy kung hindi ang tanggapin iyon. Pagkatapos ng lahat, kahit maraming choices si Zac, masuwerte raw siyang maituturing na siya ang pinili nito.

Ang pamilya ni Zac ang pinakamayaman sa Filipino Community sa buong Los Angeles. Maraming iba’t ibang business roon si Zac at pati na rin ang pamilya nito. Dahil sa yaman at maganda rin naman na lalaki, marami ang nagkakagusto kay Zac. Magaganda at sexy pa man rin. Pero siya ang pinili ng lalaki. Niligawan siya nito at mga magulang niya. Dahil parang ang mga magulang na ang sumagot kay Zac, nawalan ng choice si Poppy.

Simula nang ginawa niya sa mga magulang limang taon na ang nakakaraan, pakiramdam ni Poppy ay wala na siyang choice kundi ang sundin ang mga ito. Sinabi ng mga ito na makakabuti para sa kanya si Zac. Iyon rin ang inisip niya kaya sinagot niya ito kahit wala siyang espesyal na nararamdaman rito. Isang buwan pagkatapos niyang sagutin ito, niyaya siyang magpakasal ng lalaki.

Napakabilis ng lahat. Hindi man niya ginusto ay kinailangan niya. Halos ibugaw na rin kasi siya ng mga magulang sa lalaki.

Pero alam ni Poppy na iyon rin ang tamang desisyon. Hindi man niya mahal si Zac, ito naman ang magiging susi niya para makaalis sa kanyang miserableng buhay. Kapag pinakasalan siya ni Zac, makakaalis na siya sa bahay ng mga magulang. Sila ng anak na si Blair.

“Thanks...” nasabi na lamang ni Poppy kay Zac pagkatapos. Bahagya rin naman na gumaan ang pakiramdam niya sa ginawa ng fiancé. Pero kaagad rin na nawala ang alwan niya nang yayain siya ni Zac na maglibot-libot. Hinila siya nito sa kung kani-kaninong tao na hindi naman niya kilala. Ipinakilala siya pero wala siyang kahit anong interes.

Paano ba siya magkakainteres kung ganoong mga tao ang makakasama niya? Noong nasa Pilipinas sila ay hindi miminsan na nakadalo siya ng ganoong kasiyahan. Dating magaling na businessman ang kanyang ama---o iyon ang gusto niyang paniwalaan. Isinasama siya ng mga ito sa iba’t ibang klase ng elite parties na hindi naman niya kinatutuwaan. Naiinip siya. Hindi talaga siya mahilig sa mga glamorosong bagay. Pero ang pinakaiinis ni Poppy ay ang tila kompetisyon kung magtanong ang mga tao.

“Is she a businesswoman, too?” tanong ng isang blond na babae na sa tantiya ni Poppy ay nasa mid-thirties.

Naramdaman ni Poppy na nanginig si Zac sa tanong. Nagulo ang mukha nito. “Ha? No. But she works in a multi-national company,”

“I see. In what position?”

“Office, of course.” ngumiti si Zac. Inaba na nito ang usapan pagkatapos.

Nang makalayo sa maraming tao, kinompronta niya si Zac.

“Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?”

“Para ano? Para kainin ka nila? They will judge you, Pop. I won’t allow that.”

Totoo rin naman na sinabi ni Zac na may kinalaman sa office ang trabaho niya at multi-national company rin naman iyon. But she was just a simple virtual assistant. Sa virtual office siya nagtatrabaho. Tapos man siya ng kursong Business Management, hindi naman niya lubos na magamit ang napag-aralan. Kailangan kasi na nasa bahay lamang siya. Hindi niya maaaring iwan na lamang basta ang anak. Napakabata pa nito. At sa lagay niya at ni Blair sa mga magulang, kailangan talaga niya na mangamba.

Hindi sinasanay ni Poppy ang sarili na mawala kay Blair. Kung hindi nga lamang talaga nag-insist si Zac, hindi siya aalis ng bahay para samahan ito sa pakikipagsosyalan nito. Iginigiit kasi nito na bilang fiancée, obligasyon niya na samahan ito sa mga social gatherings. Lalo na at ipinalagay pa nito sa diyaryo tungkol sa pagiging engaged nilang dalawa. Kailangan nito na patunayan sa mga tao na totoo iyon.

“Still, its good to be honest.” Nag-uumpisa nang mairita si Poppy.

“That’s not good for my image!” nag-uumpisa na rin na magdilim ang mukha ni Zac.

“Kung kailangan mo pala ng trophy wife, bakit ako pa ang pinili mo?” mahina lang ang tinig ni Poppy.

“Anong sinasabi mo? Sinasagot mo ba ako, Poppy?!”

Tumaas ang tinig ni Zac. Nang hindi siya magsalita, hinila siya ni Zac palabas ng hall. Naging mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa braso niya.

“Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinasagot ako, Poppy! Naiintindihan mo ba iyon?” galit na si Zac.

Sandaling naumid ang dila ni Poppy. Magagawa ba niyang pakisamahan ang ganitong klase ng lalaki?

Dinuro pa ni Zac si Poppy. “Ayaw mo pa sa akin? Mayaman ako. Mataas sa lipunan. Choosy ka pa samantalang disgrasyada ka naman?!”

“Zac...!” nagtitimpi na lang si Poppy. Malapit na niyang masampal ito sa sakit ng sinabi. Tama ba talaga ang desisyon niya na mapakasal rito? Mukhang mas malala pa ito sa magulang niya.

“Matuto kang lumagay sa kung ano ka, Poppy.”

Huminga nang malalim si Poppy. “Let’s just end this night, Zac.”

“Hindi. Hindi pa tapos ang party.”

“Intindihin mo naman ako. Inaantay ako ni Blair sa bahay.” Nag-aalala na siya sa lagay ng anak. Hindi ito sanay ng wala siya.

Zac snapped. “Ako ang kasama mo. Ako ang magiging asawa mo. Ako lang ang iintindihin mo!”

“Anak ko si Blair. Kailangan niya ako...”

Ngumisi si Zac. “Hindi kapag naging asawa mo na ako, Poppy. Ako na lamang ang mangangailangan sa `yo.”

“A-anong ibig mong sabihin?”

“What? Inisip mo na isasama ko sa buhay natin ang baggage mo, my future wife? Hindi ka pa ba natututo? Just like your job, its not good for my image, you know.” hinawakan pa ni Zac ang baba niya.

Kumawala si Poppy. “H-hindi. Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito, Zac!”

“Nakuha na kita, Poppy. Ibinigay ka na sa akin ng mga magulang mo sa pamamagitan ng ilang beses nilang panghihiram sa akin ng pera. Malaki ang utang na loob ng pamilya niyo sa akin. Hindi ka na makakawala sa kasunduan...”

Napaiyak si Poppy sa sobrang sama ng loob. Tama si Zac. Ang buong akala niya ay kapag ikinasal na sila, isasama rin nila si Blair sa bahay. Hindi nila pinag-uusapan pero dahil parte niya ito, awtomatiko na dapat iyon. Isa pa, maayos naman ang pakikitungo ni Zac kay Blair. Minsan ay binigyan pa nga nito ng regalo ang anak. Pero kapag ganoong lumalabas sila, palaging request ng lalaki na hindi kasama si Blair.

Hindi kayang iwanan ni Poppy ang anak. Pero magagawa ba niyang makawala kay Zac? Tama ang lalaki. Nakuha ng mga magulang ang luho na tila ipinagkait sa mga ito sa loob ng maraming taon nang maging boyfriend niya si Zac. Binigyan ni Zac ng pera ang mga magulang niya. Inisip niya noon na nakatutulong iyon. Nabawasan ang pagsigaw sa kanya at kay Blair sa bahay. Naging masaya muli ang mga magulang.

Pero lahat ay may consequences. Hindi panghabang buhay ang saya. Kaya siguro ni Poppy na mamuhay pa sa lungkot sa mga susunod na taon. Pero si Blair? Hindi iyon nararapat rito. Napakabata pa nito.

Hindi niya kayang iwanan si Blair. Hindi sa kanyang mga magulang.

Kailan ka darating, Blaise?

“I’M SORRY, bro. Nagka-emergency si Genevieve.” Hinging paumanhin ng kaibigan na si Brendon kay Blaise. Ilang araw pagkatapos magbasahan ng will ay lumipad siya papunta ng America para puntahan ang kanyang mag-ina. Kinakabahan siya at kailangan niya ng suporta kaya sa halip na tumuloy sa isang hotel, nakituloy siya kay Brendon. Isa ito sa mga malalapit niyang kaibigan noong high school at college. Hindi nga lamang nito natapos ang kolehiyo dahil na-discover ang talento nito bilang musician. Isang American artist ang naka-discover rito kaya sa America rin sumikat ito at ngayon ay may sarili at sikat na sikat na banda na Beast.

Si Brendon rin ang nagbalita sa kanya tungkol sa posisyon sa buhay ngayon ni Poppy. Sa Los Angeles rin kasi nakabase ang kaibigan. Nalaman raw nito sa diyaryo ang tungkol sa engagement ni Poppy at ng isang Filipino businessman na nakabase rin sa Los Angeles.

Brendon offered his help. Sasamahan raw siya nito sa muli niyang pagkikita sa mag-ina niya. Matagal na siyang kinukumbinsi ng kaibigan na puntahan ang mag-ina, ang mangialam sa buhay ng mga ito. Karapatan raw niya iyon. Mabait kasi si Brendon. Malaki ang pagpapahalaga nito sa pamilya. Pero dahil malaki naman ang tiwala niya kay Poppy na mapapalaki nito ng ayos ang anak nila, hindi na siya nakialam. Sinubukan man niya na mangialam kahit sa aspetong pangpinansyal ay hindi iyon tinanggap ng pamilya ni Poppy. Naiintindihan naman niya kung bakit.

May mga naggawa si Blaise sa pamilya na tama naman pero ikinabagsak ng mga ito.

May mga dahilan si Blaise kung bakit kailangan na lamang niya na magparaya. Para rin iyon kay Poppy at sa ikabubuti ni Blair. Hindi kailangan ng bata ng gulo. Iyon nga lamang, para sa iba ay mahirap iyon na intindihin.

Ngayong araw ay sasamahan ni Brendon si Blaise sa kanyang mag-ina pero nagulat na lamang siya nang maggising siya ay wala ni anino ng lalaki. Tinawagan niya ito at nalaman ang sagot. Pinuntahan nito ang girlfriend.

“Sige, bukas na lang.” Isang linggo pa naman siya sa America.

“No, Blaise. Kailangan mo ng kumilos. Paano kung mahirapan kang kumbinsihin si Poppy at ang pamilya niya? And Genevieve’s problem is a big one. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi. She needs me,”

“Kinakabahan ako, Brendon.”

“Limang taon ka ng ganyan. Hindi ka pa ba nagsasawa? Napakahina mo. Hindi ka makawala sa nakaraan. You should go and conquer your fears.”

Hindi nagustuhan ni Blaise ang sinabi ng kaibigan. Pero alam rin naman niya na tama iyon. Napapikit siya.

“Hindi ka pa ba nahiya? Nawala na ang Tita mo na hindi mo man lang natutupad ang gusto niya. Isipin mo rin ang anak mo. Gaanong kahirap ang lumaki ng walang ama?”

“Halos naranasan ko rin iyon. Bata pa ako ng mawala ang mga magulang ko. And I did just fine. Alam mo rin ang pinagdaanan ko noon. I won’t do any good to Blair.”

“Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Isa pa, iba pa rin ang may kalinga ng ama, Blaise. Puntahan mo na sila ngayon. Maigi ng kumilos ka ng maaga---“

“All right! Pupunta na ako ngayon.” hindi na rin pinatapos ni Blaise si Brendon. Iisa lang naman ang kapupuntahan noon: pipilitin siya ng kaibigan. May punto rin naman si Brendon.

“Good. If you need me, especially my advices, don’t hesitate to call me.”

Natapos ang tawag. Inayos ni Blaise ang sarili. Pinakalma rin niya ang sarili.

May mga bagay talaga na hindi maiiwasan.

Nagpahatid si Blaise sa driver ni Brendon sa bahay nina Poppy. Iyon pa rin ang dating address ng babae nang una siyang magpunta roon kaya naman hindi na siya nahirapan pa na sabihin ang directions. Magaling siya roon. Ilang taon na ang nakakalipas pero tanda pa rin niya. Ganoon pa man, hindi pa rin niya maiwasan na magtaka. May mga ipinagbago ang bahay ng pamilya ni Poppy sa Los Angeles pero sa ikasama iyon. Magulo at makikita na may mga sira ang simpleng bungalow na bahay na may malawak na harapan.

Sa lagay ng bahay, na-guilty na kaagad si Blaise.

They deserved better than this.

Hindi ganoon ang iniisip ni Blaise na lagay ng buhay nina Poppy. Ang alam niya ay may trabaho ang magulang nito sa America. Nagbagong buhay ang mga ito roon pagkatapos ng kahihiyan na naranasan sa Pilipinas. Pero bakit malayo sa pag-asenso ang nakikita niya sa ngayon? Nagkamali ba talaga siya sa isipin na makakaayos kay Blair ang pananatili sa poder ni Poppy at sa pamilya nito?

There’s just one way to find out. Nilakasan niya ang loob, huminga nang malalim bago tuluyang lumapit at katukin ang pinto ng bahay. Nakaka-isang katok pa lamang siya ay bumukas na ang pinto. Nakita kaagad niya na si Poppy ang nagbukas ng pinto. Nakasuot ito ng maluwag na T-shirt at leggings. Pawisan ito. Mukhang naglilinis ito ng bahay dahil may hawak-hawak na vacuum.

“Hi,” hindi sana gusto ni Blaise na siya ang unang bumati. Pero tumalikod si Poppy bago pa man siya makita. Kailangan niyang kuhanin ang pansin nito.

Natigilan si Poppy sa paglalakad palayo. Nanlalaki ang matang nilingon siya nito.

“Blaise?!” natutop nito ang bibig nang makilala siya. Nagulat ang mukha nito. Pero nakabawi rin naman kaagad ito at niyakap siya. “Oh God, Blaise! Ikaw nga! Finally, you came.”

Napakunot noo si Blaise. Inaantay ba siya nito? Pero bakit? Nagsisimulang mapuno ang tanong sa isip ni Blaise sa sinabi ni Poppy. Pero may isa pang higit na ipinagtaka siya. It was the reaction of his body on what Poppy did to him. Niyakap siya nito. Maalinsangan ang panahon ngayon at mas masarap ang magpalamig pero mas masarap pa rin ang init na dala ni Poppy.

Maybe you just missed her warmth, that’s all. Pangungumbinsi ni Blaise sa sarili. Pero tama ba na kumbinsihin niya lang ang sarili na na-miss niya iyon gayong may kakaiba rin na reaksyon ang puso niya? Kinakabahan siya kaya mabilis ang tibok ng kanyang puso pero hindi na iyon kagaya ng kanina na may takot. The fast beat of his heart feels good now. May urge rin sa puso niya na gustong yakapin si Poppy.

Nakakaawa lang siguro siya kaya ganoon, kumbinsi na naman ni Blaise. Kahit sandali lang niya na natignan ang dalaga ay napansin niya ang kaibahan nito sa dati. Mas pumayat pa ito kaysa sa dati. May eyebags rin ito. Puyat lang ba ito o palaging umiiyak? Ramdam niya na may lungkot sa mukha nito. Iyon ang ipinapakita ng dati ay nagniningning na mata nito. Sa napagtanto, nakaramdam naman si Blaise ng pagpiga ng kanyang puso.

Nang tanggalin ni Poppy ang yakap, parang lalo pang piniga ang puso niya. May luha rin sa mga mata nito. “I-I’m sorry, I got carried away. Masaya lang ako na dumating ka na at---“

Naputol ang pagsasalita ni Poppy. Nanlaki ang mata nito at tumingin sa orasan. “Any minute now ay babalik na sina Daddy...”

“I will talk to them---“

“No!” mukhang takot na takot si Poppy. “Tatawagin ko lang si Blair. You two need to get out of here.”

“What?!” napakaraming katanungan ni Blaise. Pero mabilis pa sa alas kuwatrong umalis si Poppy sa kanyang tabi. Mabilis rin naman itong bumalik. Halos kaladkarin nito ang batang babae na kaagad niyang nakilala na si Blair. Kamukhang-kamukha ito ni Agnes noong bata at dahil magkahawig raw sila ng bunso, sa kanya nagmana ang anak.

Binigyan ng halo-halong emosyon si Blaise nang makita ang anak. Napakalaki na nito. Pero mukhang kagaya ni Poppy, hindi rin maganda ang lagay ng bata. Gusot-gusot at may mga butas pa siyang nakita sa damit nito. Hawak-hawak ni Poppy ang isang malaking bag. Ibinigay nito iyon sa kanya pagkatapos ay dinaluhan ang puno ng pagtataka na bata.

“Siya ang Daddy mo, Blair. Kilala mo naman siya `di ba?” nakangiti pero may lungkot sa mukha ni Poppy. Umiiyak na rin ito.

Nahawa roon ang anak. Umiyak na rin ito. “Kukuhanin na ba niya ako, Mommy?”

“It’s the right thing to do. Matagal na dapat kitang ibinigay sa kanya.”

“Mommy...”

“You’ll have a good life with your Dad. You deserved a life he could give you. Aalagaan ka niya,” tumingin si Poppy kay Blaise.

Nanunuyo ang lalamunan ni Blaise sa drama na nakikita. Hindi siya makapagsalita kahit naguguluhan siya.

“Gusto ka kasama ka, Mommy...” niyakap ni Blair ang ina.

“You are better off without me, Anak. I love you so I have to let you go...”

Kumalas si Poppy kay Blair. Ibinigay na nito sa kanya ang anak. “Take care of Blair, Blaise. Alam ko naman na gagawin mo.”

“Poppy, ano bang nangyayari?” hindi ganoon ang inaasahan niya.

“Komplikado ang lahat. Kapag ipinaliwanag ko pa sa `yo, baka abutan tayo ng isang oras. Anumang oras ay babalik na sina Daddy. Hindi ka nila puwedeng abutan rito. Kailangan mo ng makalayo. Kayo ni Blair.”

“Poppy...” gustong magreklamo ni Blaise. Naguguluhan siya. Kailangang masagot ng katanungan niya. Oo, kailangan niya si Blair pero hindi sa ganitong paraan. Hindi ganitong set-up na pakiramdam niya ay may mali.

Isinara na ni Poppy ang pinto. Akmang bubuksan niya iyon nang hawakan ni Blair ang kamay niya. Pinigilan siya nito. “L-let’s go, Daddy...”

Natulala si Blaise. Paanong naging napakabilis at napakadali ng lahat?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.