Chapter 21

The Last Will Series_Book 4: Perfect For You

“SA TATLONG kapatid mo na nabasahan ko ng last will, ikaw ang pinakakalmado, Allain.” Nakangiti na panimula ni Attorney Denver Morales kay Allain. Siya ang pang-apat na pamangkin ni Tita Judith kaya siya rin ang pang-apat na bisita ni Attorney Denver sa kuwarto upang basahin in private ang mga iniwan na provision sa pamana sa kanya ng kamamatay lamang na tiyahin.

Ngumiti si Allain. He kept his cool. No way na gagaya siya sa tatlong kapatid at sa asawa ng Kuya Christien niya na naunang nabasahan ng Last Will. Hindi siya magiging balisa o kaya ay magbe-break down kagaya ni Emerald---ang asawa at dating tauhan pa man rin niya sa restaurant na ipinamahala sa kanya ni Tita Judith. Kilalang kalmado at cool siyang tao. Bakit naman siya matatakot sa magiging provisions sa kanya ni Tita Judith? Mahal sila nito. Sa tingin niya, para sa ikabubuti rin nilang lahat ang mga provisions nito sa kanila.

“I’m good, Attorney. Kilala niyo naman ako `di ba?” wika ni Allain sa abogado.

Sa kanilang lima na magkakapatid, si Allain raw ang pinakamabait. Kasundo at napapakisamahan niya ang lahat. Masiyahin rin siya. Palagi niyang inilalagay sa kanyang isip ang pagiging positibo sa mga bagay-bagay. Sa tingin niya, kung ano man ang nakalagay sa Last Will ay hindi naman makakaapekto nang husto sa kanya. Naniniwala kasi siya na magagawa niya ang lahat ng bagay. Determinado siya. Pero kung hindi man, well, naniniwala siya sa sarili niya. Magaling siya. Makakaahon siya.

Tumango ang si Attorney Morales. “All right. So `wag na natin na patagalin ang sitwasyon.”

Tumango si Allain. Handang-handa na siya. Maraming naman pa rin naman kasi oras na niyang oras para naihanda ang sarili dahil nga pangalawa siya sa huli na babasahan ng provisions.

“The provision has something to do with your best friend.”

Kumunot ang noo ni Allain. Bahagyang siyang naguluhan at o siya, nawala sa ang palaging cool lang palagi niya na aura. “What’s Nashee’s part in it?”

Hindi nagsalita si Attorney Denver. Ibinigay nito ang papel sa kanya. Mas lalong lumala pa ang kunot noo ni Allain nang mabasa ang panimula pa lamang noon.

“Five romantic dates with my best friend! This is hilarious!” pagak na tumawa si Allain. Hindi siya makapaniwala. Ano ang naisip ni Tita Judith at naisip nito ang ganoong kondisyon para sa kanya? Nashee is just his best friend. She is for a lot of years.

Puwedeng i-date ni Allain si Sheena pero walang romance na involved. Parang kapatid lang rin ang turing niya rito. Hindi niya lubos maisip na magiging romantically involved siya sa dalaga. Hindi niya iniisip. Ayaw niyang isipin. Pakiramdam niya ay incest iyon.

“Siguro. Pero `yan ang nasa last will ng Tita mo, Allain.”

“I-I don’t think I can do it.”

Matamang tinitigan ng abogado si Allain. “Sigurado ka ba?”

“Paano bang romantic date ito? Because you see, Sheena and I do dates. Friendly dates, I should say. Isa pa, paano niyo naman malalaman na ginagawa nga namin ang romantic dates?”

May kinuha na papel si Attorney Morales mula sa envelope. “There are rules. Ang Tita mo ang gumawa nito. Siya ang pumili ng mga romantic dates na gagawin niyo at kung kailan. Mahaba ito pero to summarize, it includes romantic ambiance and things like flowers and music. Sa tingin ko ay ito ang tipo ng date na mapapaisip ka ng romance sa kasama mo. Because you see, nakakatukso rin ang ambiance ng isang lugar. Isa pa, the things you will do on the dates are the things that most people who are in love do. Hindi ko muna sasabihin para surprise. As for your last question, I am the one who will organize the dates. I will make sure na pupunta nga kayo sa dates na iyon. And I will also make sure na gagawin niyo rin ang utos ng Tita niyo while you are on the date.”

Umiling-iling si Allain. “Alam ko na pakakawalan ko ang isang maganda at napakahalagang negosyo. Pero hindi ko magagawa na makipag-date romantically kay Nashee. Best friend ko lang siya. I don’t want to be involved with her for something more than that. Isa pa, I am waiting for Ria. I can’t be romantically involved with someone!”

Bukod sa forbidden na isipin ang romance para sa kanila ni Nashee, mayroon na rin laman ang puso ni Allain. Hindi pa man iyon opisyal pero iniingatan niya ang babae sa puso niya sa loob ng maraming taon. Teenager pa lamang si Allain ay in love na siya kay Ria---ka-batch at siyang student council president ng mga college days ni Allain. Pero kahit nasa tamang edad na sila para magkaroon ng relasyon, nanatili pa rin na hindi ginagawang opisyal ni Ria ang relasyon nila.

Si Ria ang breadwinner ng pamilya nito. Gusto muna nitong maging matagumpay bago pumasok sa isang relasyon. Isa pa, sa Australia rin ito nakabase sa ngayon. Nagkaroon ito ng magandang opportunity bilang manager ng isang high-class hotel and resort roon. Sa ngayon ay limang taon na ito roon. Habang hindi pa stable ang buhay ni Ria, patuloy na nasa asa-zoned pa rin si Allain. Pero okay lang iyon sa kanya. Hindi niya gustong sumuko. Isa pa, naiintindihan niya si Ria. Para rito at sa pamilya rin naman nito ang ginagawa nito. Naiintindihan niya ang priorities nito.

“Hindi naman ibig sabihin na kapag ginawa mo ang provision ay pinagtataksilan mo na si Ria. Wala kayong opisyal na relasyon. Besides, if you romantically dated her, it doesn’t mean you will fall for her.”

Alam naman iyon ni Allain. Pero hindi niya pa rin talaga gusto ang ideya. “I-it’s complicated, Attorney. Hindi ko magagawa ito.”

“Think about it. Pagkatapos ng lahat, nakalagay naman sa will na may limang buwan ka para maggawa ang limang romantic dates na iyon.”

Tumango-tango na lang si Allain. Gusto na niyang mabuo ang desisyon ngayon pero siguro nga ay tama ang abogado. Pag-isipan niya muna. May tiwala naman siya sa sarili na makakaahon kahit wala ang restaurant na siyang pinagsilbihan niya simula nang maka-graduate siya. Mabait siya. Dapat ay maging masaya siya na hindi man niya magagawa ang provision, mapupunta naman iyon sa charity. It will be for a good cause.

Naisip ni Allain na dapat ay okay lang sa kanya ang last will. Pero kapag naiisip niya ang naging hirap niya sa restaurant ay may pag-aalinlangan niya. Naging napakalaki ng investment niya sa chain of restaurants. Mahirap i-let go iyon.

Lumabas na si Allain ng kuwarto. Saktong kakalabas lang niya nang tumunog ang kanyang cell phone. It was Nashee. May ESP ba ang dalaga at naisip nito na kailangan niya na makausap ito? Pero teka, iyon na ba ang tamang bang panahon na ba iyon para makausap niya ang kaibigan?

Pero kailan ang tamang panahon, Allain?

Napabuntong-hininga muna si Allain bago sagutin ang tawag. “Hello Al! Kumusta? Tapos na ba ang basahan ng Last Will? I hope everything went well.”

“I-I’m good.”

“All right. So the restaurants are yours now, I believe? Congratulations!”

“Technically, yes. Pero may mga kalakip na provisions at---“ nararamdaman ni Allain na ano man na oras ay pipiyok ang boses niya. Masyado pa siyang nagulat sa nangyaring pagbasa ng will. Hindi makakatulong sa kanya kung ilalabas niya ang damdamin.

“Let’s talk about it later. Ikaw, kumusta ka?” Kagabi pa niya huling nakausap si Nashee. Hindi siya sanay ng ganoon.

“Okay naman. Nasa Baguio nga pala ako.”

Kumunot ang noo ni Allain. Wala itong sinasabi na balak nitong gumala. Ang akala niya ay mananatili lang ito sa main branch ng computer accessories shop na business ng pamilya nito. Ito ang nagma-manage noon. “Anong ginagawa mo sa Baguio?”

“Well, bigla akong niyaya ni Banjo na mamasyal.”

Kumabog ang dibdib ni Allain sa pagkakabanggit sa pangalan ng lalaking matagal nang nanliligaw rito. itong nililigawan. “Mamasyal? At sa Baguio? Teka nga, ganoon na ba kalalim ang relasyon niyo para sumama ka sa kanya sa ganyang kalayo na lugar? At isa pa, pinayagan ka nina Tita na sumama sa kanya?”

“Gusto ko rin naman na mamasyal sa Baguio. Matagal na ako na hindi nakakarating roon. And yes, pinayagan ako ni Mommy. One day lang naman kami. Mamaya, bababa na rin kami. And I think, it’s about time, Al. Ang tagal na akong nililigawan ni Banjo.”

“Do you really have the thing with Banjo?” hindi naman siya against sa panliligaw ni Banjo kay Sheena. Nakilala na niya si Banjo. Mabait ito. Sigurado siya na hindi nito sasaktan ang kaibigan. Pero ramdam naman niya na walang na nararamdaman si Nashee rito. Pahihirapan ba nito ng ganoon si Banjo kung may feelings ito? Wala naman kasi na pumipigil rito na mahalin ang lalaki. Wala itong sinasabi at wala rin siyang pakiramdam kung bakit.

“Well, puwede naman siguro na magbago ang nararamdaman `di ba?”

“N-nashee, `wag mong sabihin na---“

Huminga muna nang malalim si Nashee bago nagsalita. “Sinagot ko na siya ngayon, Al. Kami na. We’re officially together.”

Natigalgal si Allain. Isang malaking gulat na nga sa kanya ang Last Will, pati ba naman si Nashee ay may sorpresa rin sa kanya?

Wala sa sarili na napatay ni Allain ang cell phone sa narinig. Pumasok siya ng kanyang kuwarto. Damn, he felt so bad today. Hindi niya gustong makita iyon ng iba. Hindi siya iyon. Kailangan niya ng privacy.

May tensyon sa katawan ni Allain. Pero bakit? Hindi ba at kinukumbinsi naman niya ang sarili na okay lang sa kanya kung hindi niya maggawa ang will? Okay lang na mawala sa kanya ang restaurant. Pero bakit ba siya nagkakaganito?

Ang last will ba ang nakaapekto kay Allain? O iyong ay ang naging pasabog ni Nashee sa tawag? Napakahirap i-proseso ng lahat sa kanyang utak.

Parehong hindi gusto ni Allain ang kailangan at nangyari: romance with his best friend and Nashee’s having a boyfriend. Pero nang kalmahin at timbangin ni Allain ang mga nalaman, tanging isa lang talaga ang pinaka-nakapagpasakit sa kanya.

It was the latter. Wala siyang magagawa roon. Lalo na siya ngayong nawalan ng pag-asa na magagawa ang will.

“IT’S ALREADY ten in the evening, Babe.” Pag-iimporma ng boyfriend na si Banjo kay Sheena. Kung ganoon, isang oras na silang naghihintay sa labas ng main branch ng Delish---ang chain of restaurants na pagmamay-ari ng pamilya de Guzman at pinamamahalaan rin ng best friend niya na si Allain.

Nahihiyang nginitian ni Sheena si Banjo. “I’m sorry. Alam ko naman na pagod ka na. Pero, Babe, kailangan ko lang talaga na hulihin si Allain. Nasa loob siya. Hindi niya ako maloloko.”

Umiling-iling si Banjo. Nagkibit-balikat ito. “You’re the princess. May magagawa pa ba ako?”

Ngumiti na ngayon nang matamis si Sheena sa boyfriend. Kinurot rin niya ang pisngi nito. “I’m really so lucky to have you.”

Nararamdaman ni Sheena na worth it talaga ang pagsagot niya sa matagal na niyang manliligaw. Mabait talaga ito. Kahit isang linggo pa lang naman simula nang gawin niya na opisyal ang relasyon nila, may pakiramdam siya na hindi niya iyon pagsisihan. Banjo is worth it.

Kaklase ni Sheena si Banjo noong college. College pa lamang ay nagpapahiwatig na ito na ligawan siya. Dalawang taon ang nakakaraan ay saka lang nito iyon sineryoso, simula nang ma-promote ito sa trabaho. Gusto kasi nito na magpakita sa magulang niya na may naabot na ito sa buhay bago opisyal na gawin ang panliligaw.

Wala nang maipipintas si Sheena kay Banjo. He was close to perfection. Ngayon ay kakagaling lang nito sa Singapore para sa limang araw na seminar roon. Pinadala ito ng kompanya na pinagtatrabahuhan nito bilang IT Specialist. Pagod ito pero inuna siya nito. Na-miss raw siya nito nang husto. Nag-dinner sila at pagkatapos naman noon ay niyaya niya ang lalaki na puntahan si Allain. Matagal na kasi niya na balak na puntahan ang kaibigan. Iyon nga lamang, sira ang kotse niya sa ngayon at hindi rin siya papayagan ng mga magulang na lumakad ng mag-isa kapag ganoon. Wala rin kasi ang mga ito para ihatid siya. Walang extra na kotse.

Malaki na si Sheena pero may curfew pa rin siya. Inaalagaan siya nang husto ng mga magulang dahil nag-iisang anak siya. Pero dahil kilala na ng mga ito at pinagkakatiwalaan si Banjo, pumayag ang mga ito basta kasama niya ito pauwi. Nagpaalam siya sa mga ito kanina sa cell phone.

“Why don’t you try to call him?” tanong ni Banjo.

“Sa tingin mo ba ay hindi ko ginawa? Palagi na lang. Pero palaging mabilis na binababa. Kesyo pagod o abala sa trabaho. I knew he is hiding something from me!”

“What if nasa bahay na pala siya? Nagtanong ka na ba roon?”

Tumango si Sheena. “Nagpadaan ako roon kahapon kay Daddy. Pero wala rin si Allain. Nakausap ko si Agnes at sinabi niya na hindi ko na raw maabutan talaga ang kapatid niya dahil palaging gabi na umuwi. Sa restaurant na lang raw ako pumunta and here we are...”

Nagkamot ng ulo si Banjo. “Dapat ginawa na natin ito kanina.”

“You are not there earlier. Nakapunta na rin naman ako sa restaurant noong nakaraan kasama si Daddy pero wala raw si Allain ayon sa mga staffs niya. Ngayon naman ay alam mo naman na hindi ako hahayaan nina Daddy na mag-commute lang kaya hindi talaga ako makalabas. Umalis sila, walang maghahatid sa akin. Ikaw na lang ang pag-asa ko, Babe, at---“ natigil sa pagsasalita si Sheena nang isa-isa ay lumabas ang mga staff ng Delish. Nagliwanag ang kanyang mukha. “Oh my! Palabas na rin siguro si Allain. Bababa na ako, ha? Para mabilis na rin tayo na matapos.”

Kahit aligaga, inintindi rin naman ni Sheena ang kaibigan. Bukod sa wala nga siya na makakasama kanina, naisip niya na baka abala rin si Allain kaya minabuti niyang oras na mag-antay na lang sila hanggang sa mag-uwian na. Ayaw niyang maistorbo rin ito. Bukod kasi sa ito ang namamahala ng Delish, madalas na hinahalinhinan rin nito ang main chef ng restaurant. Magaling magluto ang best friend niya.

Tumango si Banjo. Lumabas na si Sheena ng sasakyan nito. Nang makita siya ng staffs ay nagulat at namutla pa ang ilan sa mga ito. “Palabas na ba si Allain?”

“Ah, Ma’am, wala po si Sir Allain---“

Pinaningkitan ng mata ni Sheena ang staff na sumagot. Sinamaan niya ng tingin ang lahat para matakot. She needs to bluff them. Namutla na ang lahat.

Napagtanto ni Sheena na malaki ang pag-asa na tama siya ng hinala sa reaksyon ng mga ito. Itinuro isa-isa ni Sheena ang mga staff. “Niloloko niyo ako.”

Hinawi ni Sheena ang mga tauhan. Nilakasan na niya ang loob na pumasok sa loob at pumunta sa opisina. Ah, napapagod na siya na maghintay. A week is already a long time not seeing her only best friend. Hindi naman nagkamali si Sheena sa ginawang paglalakas ng loob. Nakita nga niya roon si Allain na nag-aayos na ng gamit. Mukhang paalis na rin ito.

He looked pale. He looked groggy. Sandaling natulala siya dahil ngayon lang niya nakita na mukhang mabigat ang loob ng kaibigan. Mas lalong nawalan pa ng kulay ang mukha nito nang makita siya.

“Nashee...” pagbanggit nito sa nickname na ito ang nagbigay at tanging ito lang ang gumagamit. “A-anong ginagawa mo rito?”

Pumamaywang si Sheena. “Ang akala mo ba ay mapapagtakpan mo ako, Al? Noong isang araw ay pinaggawa mo rin iyon sa staffs mo, tama ba ako?”

Lumihis ng tingin si Allain. “There’s just too much pressure right now. Hindi ko muna gustong makipag-usap.”

“Hindi ako basta-basta na tao lamang, Allain! Best friend mo ako. Sinasabi mo dapat sa akin ang lahat.” Hinawakan ni Sheena ang balikat ng nobyo. “Tungkol ba ito sa will? Isang linggo na simula nang magbasahan ng will. Simula noon ay pinanlamigan mo ako. Hindi ko tuloy maggawa na maging lubusan na masaya sa pagsagot ko kay Banjo dahil sa `yo. Ni hindi ko pa nakukuwento sa `yo ang detalye---”

“I-I’m sorry...” putol ni Allain.

“So ano nga ang problema? Iniisip ko na baka mamaya ay kay Banjo pero mukhang imposible.”

Wala ka naman kasi na pakialam sa puso ko, eh. Not the way my heart cares for you, nasa isip-isip ni Sheena. Sa araw na basahan ng last will ay siyang araw rin na sinabi niya ang balita na sinagot na niya si Banjo. Binabaan siya nito ng telepono at pinanlamigan pagkatapos. Pero anong problema nito tungkol roon? Kilala nito si Banjo. Mabait ang lalaki. Approve ito ni Allain.

“Speaking of him, kasama mo ba siya ngayon?”

“Nasa labas siya.”

Tumango-tango ito. “Well then, lalong hindi ito ang tamang oras para makausap kita.”

“No! At kailan mo pa ako kakausapin? Hindi ko na siya gustong istorbohin pa muli para lang makausap kita. Ang hirap-hirap mo na hagilapin!”

“I will talk to you about this on phone, then.”

Umiling pa rin si Sheena. “Hindi. Madali mo lang na patayin ang phone. And you did it most of the time now. Ano nga kasi ang problema mo?”

Itinaas ni Allain ang kamay nito. “Fine! Tungkol ito sa restaurant. Puwedeng mawala nito sa akin kung hindi ko magagawa ang will....”

“Oh...” nagulat si Sheena. “May mga provisions ba?”

Napapanood ni Sheena sa mga pelikula ang ganoong klase ng kuwento. Para makuha ang mana, kailangan na may gawin muna ang taong napag-iwananan bago nito iyon makuha. The provision must be hard. Mukhang mahirap ang pinagdadaanan ni Allain. Bahagyang nawala ang pagtatampo niya sa kaibigan.

Sinalubong ni Allain ang tingin ni Sheena. “It’s you.”

Kumunot ang noo ni Sheena. “Me? How?”

Nag-alinlangan pa si Allain bago nagsalita. Naka-ilang buntong-hininga ito at pinaikot-ikot na naman siya, pinapatagal ang oras na para bang makakatulong iyon sa sitwasyon. Pinalala lang noon lalo ang curiousity niya.

But as the popular saying goes, curiousity kills the cat. Hindi tinigilan ni Sheena si Allain. Kaya naman nang umamin na ito, pinatigil naman nito ang bundong mundo niya.

TATLONG oras ng nakauwi at nakahiga si Sheena sa kama niya pero hindi pa rin siya makatulog. Masyado pa rin siyang gulat sa mga ipinagtapat ni Allain sa kanya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya. Bakit ngayon pa?

Hindi maaaring gawin ni Sheena ang provision ng last will kahit gustuhin man niya. May boyfriend na siya. Napakasama na tignan kung papatulan niya ang provision sa kondisyon niya.

Puwedeng idahilan ni Sheena na para iyon kay Allain. Gagagawin niya iyon para sa kaibigan. Napakahalaga para kay Allain ng Delish. Magiging mahirap kung basta-basta na lang ibigay iyon ni Allain. Simula nang maka-graduate ito, tanging ang Delish ang naging trabaho ni Allain. Napakalaki ng in-invest nito sa restaurant.

Hindi gustong mawala ni Sheena kay Allain ang restaurant. Pero kung magiging romantically involved siya rito, paano si Banjo? Understanding man ang boyfriend niya ay hindi naman niya gustong abusuhin iyon. Ni hindi niya nga masabi rito ang problema nang gulat na gulat siya sa nalaman na makabalik sa kotse.

Mag-aalala si Banjo at hindi niya gusto iyon. Masuwerte na nga siya rito. Nagsisimula pa lang rin ang relasyon nila. Paano nito tatanggapin ang balita? Magiging pagsubok ang provision ni Tita Judith para kay Allain.

Bakit ngayon pa kasi, Tita? Nasa isip-isip muli ni Sheena. O siguro ay magandang isipin na bakit nagmadali siya sa pagsagot kay Banjo? Kaunting hintay na lang sana...

“No!” inilagay ni Sheena ang kamay sa ulo. Kaibigan lang niya si Allain. Hanggang doon na lang iyon. Hindi na siya puwedeng umasa pa. In a relationship na rin siya kay Banjo. At si Allain, wala man opisyal na relasyon ay may matagal na rin na sinisinta. Kahit rin naman na gawin nila ang gusto ni Tita Judith para sa pamangkin, hindi na rin magbabago iyon.

Siya ang palaging nasa tabi ni Allain pero na kay Ria ang atensyon nito. He always have, he always will.

Kailangang ibaon ni Sheena ang panghihinayang. May pagkakataon siguro na mabago kung maiisip man lang ni Allain na maging romantically involved sa kanya. Pero hindi siya dapat umasa.

Allain will never fall in love with Sheena no matter how she wished and dream for it.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.