Chapter 23

“Y-YOU’RE joking.” Napapiyok pa si Allain nang puntahan at kausapin siya ni Nashee. Simula nang basahin ang last will ni Tita Judith, hindi niya gaanong kinakausap ang best friend. May pakiramdam siya na naiilang siya. Kung bakit ba naman kasi sa dami-rami ng maaaring ibigay sa kanya na challenge ni Tita Judith, kay Nashee pa iyon. Ano ba ang naisip nito at mukhang gusto yata nitong ipahiwatig na gusto nitong mahulog sila sa isa’t isa ng best friend niya?

“Seryoso ako, Al. Gusto kitang tulungan. Isa pa, it’s just a few dates. Loyal ka naman kay Ria `di ba?”

“Yeah. Pero si Banjo...anong iisipin niya?” umiling-iling si Allain. Hindi niya gustong ipagpatuloy ang nasa will. May pakiramdam siya na natatakot siya. Kung saan nangagaling ang takot ay hindi niya masigurado.

Hindi niya gusto na isipin na romantically involved siya kay Nashee. Marami ang nagsasabi sa kanya na may “something” raw sa kanilang dalawa. Napakahirap naman raw kasi na paniwalaan na mag-best friend lang sila gayong napakalapit nila sa isa’t isa. Pero iyon ang totoo. Hindi niya iniisip ang sarili niya na romantically involved sa parang kapatid na niya.

Maraming alam si Allain na sitwasyon kung saan ang magkaibigan ay nagkaka-develop-an sa isa’t isa. Pero lahat ng mga nakilala niya na ganoong sitwasyon ay hindi nagtatagumpay. Hindi niya gustong mangyari rin iyon sa kanya.

Mali siguro si Allain para maging negatibo kaagad gayong hindi pa niya nasusubukan. Pero observant siya sa paligid niya. May mga kaibigan rin siya bukod kay Nashee. Dalawa sa mga barkada niya noong high school ang nakipagrelasyon sa kabarkada rin nila. Hindi nagtagal ang relasyon. Sa halip, sinira pa noon ang barkada nila. Nagka-ilangan ang dating magkakarelasyon. Kapag nalaman ng isa na sasama sa isang lakad ang dating karelasyon, hindi na ito sumasama. Nag-iiwasan ang dating magkarelasyon. Hindi nabubuo ang barkada nila.

Nalaman rin ni Allain ang cons ng pakikipagrelasyon sa kaibigan. Ayon sa mga kabarkada niya, nagkakasawaan ang magkarelasyon sa isa’t isa. Paano ay masyado nang kilala ng isa’t isa ang magkarelasyon dahil nga nag-umpisa bilang magkaibigan. Nawawalan na raw ng thrill. Wala ng madi-discover nab ago sa isa’t isa.

Natatakot si Allain na maggaya ang nangyari sa barkada sa pagkakaibigan nila ni Sheena. Hindi niya kayang ilagay sa alanganin ang pagkakaibigan nila. Masyado iyong mahalaga sa kanya. Isa pa, nandiyan nga si Ria. Sa mga nakalipas na taon, ito lamang ang iniisip niya na nagmamay-ari ng puso niya.

“This is ridiculous, Nashee. Hindi ko gustong sumira ng relasyon.” Dugtong pa ni Allain sa sasabihin.

“Banjo is out of the country for three months or so. Hindi ko naman ipapaalam sa kanya ang lahat.” Huminga nang malalim si Nashee. “Gusto lang naman kita na tulungan, Al. Pero bakit parang minamasama mo pa?”

Nanlamig si Allain sa narinig na klase ng boses ni Nashee. Mukhang nalungkot ito. Nalungkot rin siya. Hindi niya gustong masaktan ang best friend niya.

Hindi rin gusto ni Allain ang sitwasyon na ito. In five months time, kapag hindi niya naggawa ang provision ay maaaring mawala sa kanya ang lahat ng pinaghirapan niya. Makakaya ba talaga niya? Halos lahat ng mga kapatid niya ay sinusubukan na gawin ang provisions ni Tita Judith. Bakit hindi siya? Magiging mahina na lang ba siya?

Kilala siyang positibo na tao. Dapat ay maging positibo rin siya na hindi mangyayari ang kinatatakutan niya. Hindi siya makakasira ng relasyon.

Ano ang kailangan na gawin? Ano ba ang dapat?

Tadhana na ang gumagawa ng paraan para gawin niya ang kailangan. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para gawin na nga niya ang kailangan na gawin?

Lumayo si Nashee kay Allain. Lalong nilukob ng sakit ang mabigat na puso ni Allain. Ang gagawin nila ay parang pagtataksil sa kani-kanilang karelasyon. He had always been a good guy. Ayaw niyang magsinungaling. Pero mas lalong mawawalan lang siya ng pag-asa kapag pinaalam nilang dalawa ang kailangan sa kani-kanilang karelasyon.

Magiging mahirap pero sa tingin ni Allain, ang pag-iinarte niya ang lalo na nagpapakahirap. Willing na si Sheena at siguro nga ay tama ito. And then, hindi ba at parang pag-iinarte na niya ang nagiging sariling problema rin niya? Lumalala pa iyon. Nainis ito sa kanya ngayon. May pagpipilian naman siya.

Huminga nang malalim si Allain. Sinundan niya si Nashee. Hinagip niya ang kamay nito.

“Okay, let’s set the rule.” Sinubukan ni Allain na magdesisyon.

Tumigil si Nashee. Tumingin sa kanya at inintay ang kanyang sasabihin.

Tumango si Allain. “Rule number one: don’t fall in love with me.”

Napansin niya na namutla ang mukha ni Nashee. Sinubukan na hindi magpaapekto ni Allain. Hindi in love sa kanya si Nashee. Hindi maaari.

But what if rule makers are also the rule breakers?

NAPATINGALA sa kisame si Sheena nang malaman ang panonoorin nila na pelikula ngayon. Gusto niyang mapakagat labi. Bakit sa lahat ng pelikula, ang “Paano Na Kaya?” ang nakalagay sa will na kailangan na panoorin nila ni Allain? Bakit, Tita?

Ngayong araw ay ang unang date nila ni Allain. Bukod sa sariling rule na ibinigay sa kanya ni Allain, may mga rules rin ang set of dates. Mukhang pinag-isipan talaga ni Tita Judith ang nasa will. Gustong-gusto ba nitong mapansin talaga siya ni Allain?

Dahil magkaibigan ang pamilya nila, kilala na niya si Tita Judith. She was good and nice. Kasundo rin niya ito kaya nga siguro ginawa nito ang klase ng provision na iyon sa pinakamabait na pamangkin. She wanted to make sure that Allain will be in the arms of someone who loves him the most. Hindi niya sigurado kung nahahalata o alam ni Tita Judith ang damdamin niya sa kaibigan. Pero siguro ay nahalata nito. Bakit naman kasi nito gagawin iyon `di ba?

Sinasadya ni Tita Judith ang lahat. Unang date pa lang ay “fall in love with your bestfriend” na ang drama. Kinakabahan tuloy si Sheena. Paano kung maiyak siya? Relate much pa man rin siya sa pelikula na iyon dahil tungkol iyon sa babaeng na-in love sa best friend nito. Paano pa ang sa susunod na linggo? Ayon sa dates, magaganap iyon every week---kadalasan tuwing linggo. Tama rin iyon dahil pareho na hindi na nila kailangan na mag-leave sa trabaho. Rest day ang araw. Mabuti rin na wala si Banjo, dahil kung naroroon ito, panigurado na lalabas sila. Hindi talaga magkakaroon ng chance para maggawa nila ang will.

“Ang alam ko, tungkol sa mag-best friend ang pelikula na ito.” Wika ni Allain nang makaupo na sila sa private cinema na in-organize rin ni Tita Judith na lugar kung saan dapat ang first date nila. Inasikaso ni Attorney Morales ang lahat ng iyon. Tatlong set of date ang ibinigay ni Tita Judith. Sekreto pa kung ano ang pangalawa at pangatlo samantalang ang natitirang pang-apat at panghuli ay choice nila ni Allain kung paano mag-execute. It was said there that hopefully, ang dream date raw nila para sa isa’t isa ang piliin nila para roon.

“Ah, yeah,” hindi tumitingin na sagot ni Sheena. Naiilang siya. Kahit kasi hindi niya gusto na romantic date iyon, hindi niya mapiligan na hindi isipin. Paano’y maraming pula sa paligid---rosas at balloons. Perpektong set-up para sa isang valentines date. Isa pa, ni-require rin sila na magka-holding hands habang nanonood. Sanay naman siya na mahawakan ng matagal ang kamay ni Allain. Pero sa ganoong klase ng paligid? Hindi nga niya talaga maalis na sa unang pagkakataon, magiging romantic ang lahat sa kanya.

Kung sana nga lamang ay ganoon rin ang naiisip ni Allain...

Napailing-iling si Allain. “Si Tita talaga. Ano kaya nga ang naisip noon?”

Naisip niya ako at naawa siya sa akin. Nasa isip-isip ni Sheena. “Huwag na natin na isipin.”

Nagkibit-balikat si Allain. Kumuha ito ng popcorn. Bahagyang nagulat pa siya nang subuan rin siya nito.

Namilog ang mukha ni Allain sa reaksyon ni Sheena. “What? Normal naman na ginagawa natin ito kapag nanonood ng sine?”

Namumula ang mukha ni sinalubong ni Sheena ang tingin ni Allain. “P-pero---“

Kumunot ang noo ni Allain. “Teka, `wag mong sabihin na naapektuhan ka sa ambiance, ha?”

“N-no!” tanggi ni Sheena. Napakagat-labi siya. Napakahirap magsinungaling! “But it just feels so weird.”

Mataman na tinignan ni Allain si Sheena. “Ganoon rin ako. Pero pinipili ko na huwag magpaapekto. Pareho nang may nilalaman ang puso natin, Nashee. Hindi tayo puwedeng magka-develop-an.”

“Alam ko. `Wag mo na lang ako na pansinin.” Huminga nang malalim si Sheena. “Mag-focus na lang tayo sa movie...” nasabi ni Sheena kahit isa pa iyon na lalong nakapagpa-weird sa pakiramdam niya. Nang makita niya sa mukha ni Mae---si Kim Chui at ang babaeng bida sa pelikula ang lihim na pagmamahal nito kay Bogs---ang bidang lalaki na ginagampanan ni Gerard Anderson ay nabubuo ang sakit sa puso niya. Ganoong-ganoon siya kay Allain noon.

Bakit hindi na lang kasi tayo? Ako, hindi kita sasaktan. Hindi kita ipagpapalit. Hindi kita iiwan. Bogs, kahit sana minsan, kahit minsan, makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs, tayo na lang. Bogs, akin ka na lang.

Sheena’s heart wrenched with the line. Hindi niya napigilan na may tumulong luha sa mata. Ilang beses ba niyang sinabi sa isip niya ang salitang iyon kay Allain? Lihim na umiibig siya sa matalik na kaibigan. Wala siyang magagawa roon. Iyon na yata ang pinakamahirap na nangyari sa kanya.

“Nashee...” nagulo ang mukha ni Allain nang makita ang reaksyon ni Sheena.

Kaagad na pinahid ni Sheena ang luha. Tumingala rin siya. Tita naman, eh! This is all torture!

Pinilit ni Sheena na ngumiti. Tumawa rin siya. “Nakakainis! Ang sensitive ko talaga pagdating sa mga pelikula. Nakakainis talaga maging babae.”

Naiwang natulala si Allain kay Sheena. Hindi niya pinansin ang nakaka-intriga na tingin nito. Para ano pa? Kung umamin man siya, hindi na rin naman puwede na maging sila. Ibinigay na niya ang sarili sa iba, naka-reserve na ang kay Allain. Isa pa, ano kung mapansin nito ang pagtingin niya? Hindi rin naman nito iyon magagawang suklian. Hinding-hindi siya nito mapapansin gaano man niya kagusto na isipin.

“OH MY GOD!” puno ng saya na halos mapasigaw si Nashee nang makita at malaman kung ano ang sunod na date nila sa mga inihanda ni Tita Judith. Dinala sila sa MOA Arena ng driver para manood ng concert. It was a concert of her favorite artist, Taylor Swift. “Is this really for real? Grabe si Tita!”

Masyado nang matagal na kilala ni Allain si Nashee. Matagal na nito na gustong makapanood ng concert ni Taylor Swift. May ilang beses na nagpapahiwatig ito na gusto nang pumunta sa ibang bansa para makita ang idolo. Isa rin ito sa mga nag-abang ng pagdating nito concert pero sa kasamaang palad ay hindi nakakuha ng tickets dahil mabilis na na-sold out. Ngayon ay nakuha pa nito ang ticket ng libre.

Ngumisi si Allain. “So the will have its benefits. Hindi rin naman pala masama ang dates.”

Maluha-luha si Nashee. “Ang saya! I’m going to meet her, watch her live singing my favorite songs! Oh my God talaga!”

“I know, I know. We will enjoy this night.” Inilagay ni Allain ang kamay sa mukha ni Sheena. Tumataba ang puso niya sa kasiyahan na nakikita rito. Kinakabahan pa man rin siya na dumating ang second date dahil natatakot siya na kagaya ng nakaraan ay maging awkward na iyon. Kung ano ba naman kasi ang naisip ng tiyahin niya at ang mga activities na binibigay sa kanila sa date ay mga tungkol sa mag-best friend.

Ayaw isipin ni Allain ang possibility na magkaka-develop-an silang dalawa. Kung may gusto man na ipa-realize ang tiyahin, gusto niyang balewalain. Hindi sila puwede. Naka-focus na sa isip niya na si Ria ang makakasama niya habang buhay. Ganoon rin dapat si Nashee kay Banjo. Ginagawa lang nila ang will para sa restaurant. Eyes on the prize, ganoon dapat ang mantra nila.

Pero ewan ba ni Allain kung bakit may pakiramdam siya na may kakaiba kay Nashee. Bakit ito umiyak noong nag-date sila sa sinehan? Nadala ba ito sa pelikula? Bakit? Gusto niyang isipin na nakaka-relate ito sa character ni Kim Chui sa pelikula, hindi sa klase ng paliwanag nito sa kanya. Pero hindi rin naman tama ang iniisip niya. Bakit niya iisipin na ganoon samantalang iyon nga ang ayaw niya na mangyari `di ba?

Siguro ay nadadala lang rin si Allain ng lahat. Nashee can’t fall in love with him and he shouldn’t be thinking it, too. I-enjoy na lang nila ang provision, kagaya ng klase ng sa ngayon.

Hindi fan si Allain ni Taylor Swift pero nag-e-enjoy rin naman siya. O rather, mas nag-e-enjoy siya sa mukha ni Nashee habang sumasabay ito sa kanta ni Taylor Swift. She was definitely having the time of her life. Natutunaw sa saya ang puso niya habang nakikita ito na masaya. Nahahawa siya. Kaya naman nang maya-maya ay nalukot ang mukha nito ay ganoon rin ang sa kanya.

“Panira sa view ang babae na ito,” itinuro ni Nashee ang babae na ilang dipa lang ang layo sa kanila. Nagpabuhat ang babae sa boyfriend nito kaya naman naba-block na noon ang view ng nasa likod. Kinuha ni Nashee ang kamay niya. “Tara nga at sitahin natin.”

“So, sisitahin na rin natin sila?” marami ang nakigaya sa ginawa ng babae na nasa harapan.

Napaawang ang labi ni Nashee. Napamura at napapadyak rin ang paa nito na parang bata. “Kainis naman, o! Bawal `yang ganyan, eh.”

Natawa si Allain. “And what do you think of me, Nashee?” tinapik-tapik ni Allain ang balikat niya.

Nanlaki ang mata ni Nashee nang makita na puwede rin naman niya na i-offer ang balikat niya para sampahan nito. “Seryoso ka ba? Ang bigat ko kaya!”

Nagkibit-balikat si Allain. “You’re just chubby.”

“But you are thin!”

Pinindot ni Allain ang ilong ng kaibigan. “Best friend mo ako. I’ll do everything to make you happy.”

Sandaling natigilan si Nashee kay Allain. Sinalubong nito ang nakangiting mga mata niya at may malakas na puwersa na pumasok kay Allain. Bahagyang natigilan rin siya dahil parang nawala yata lahat ng tao sa paligid. Ang tanging nakikita lang niya ay si Nashee, ang magandang mata nito na tanging siya lamang ang tinitignan at nakikita...

What the heck? Gustong sawayin ni Allain ang sarili. Bakit niya ba tinitignan si Nashee sa paraan na parang in love na in love siya rito? Nahihirapan siyang alisin ang tingin rito. Gusto niyang i-appreciate ang mukha nito. Those chocolate eyes, pointed nose, cute lips. She had a cute face, all right. Cute and chubby, naalala niyang palagi na description rito ng mga tao. Pero masyado nang sanay si Allain sa mukha ni Nashee para maggawa niyang i-appreciate. Kaya ano ba ang nangyayari sa kanya? Bukod sa parang nawala ang mga tao, naging mabilis rin ang tibok ng puso niya. Sandaling napunta siya sa kakaibang mundo, sa isang pantasya.

Bumalik lang sa sarili si Allain nang magkareaksyon ang mukha ni Nashee. Nanlaki ang mata nito. “Oh my Gosh! That’s my favorite song! Kailangan ko na makita si Taylor na kinakanta `yan ng live!”

Napailing-iling si Allain. Bumaba siya at tinapik na ang balikat. “So come on---“

Hindi na natuloy ni Allain ang sasabihin nang ginawa na ni Nashee ang suggestion niya. He carried her like a kid and she sings to her hearts content.

If you could see that I’m the one who understands you

Been here all along so why can’t you see?

You belong with me...

Halos yugyugin ni Nashee si Allain habang kumakanta. Ramdam na ramdam nito ang kinakanta at parang naninikip ang dibdib niya. Sa lahat ng nakanta ni Taylor Swift, dito pinaka-bumigay si Nashee. Parang ibinuhos nito ang lahat sa paboritong kuno raw nito na kanta na iyon.

Have you ever thought just maybe

You belong with me

You belong with me...

Saktong nang matapos ang kanta ay may mga guard ng sumita sa ginagawa nila. Bawal raw iyon. Bumaba na si Nashee mula sa balikat niya at kagaya ng nangyari bago ang pagbaba nito sa kanya ay natigilan muli si Allain. Pulang-pula ang mata ni Nashee. Noon lang niya napansin na umiiyak pala ito.

“Nashee....”

Tumawa si Nashee. Pinahid nito ang mga luha. “`Wag mo akong pansinin. I-I am just so happy to hear Taylor. Yeah, that’s just it.”

May malaking pakiramdam si Allain na hindi. Lalo na nang ma-realize niya ang ibig sabihin ng kanta na iyon. It’s about a secretly in love best friend story again.

Palaging nasa tabi niya si Nashee pero narito ba ang atensyon niya? Higit sa lahat, ang atensyon ng puso niya?

Naninikip ang dibdib ni Allain. Hindi puwede. Pero bakit ang salitang puwede ay nagsusumiksik rin sa utak niya? At sa tuwing naiisip niya na puwede, nawawala ang paninikip noon. He felt light. He felt joy.

Too bad, all the nice feelings are all bad feelings too.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.