Chapter 12
Fiancé
Flashback
Months has passed after my father's death. The days filled with melancholy and ruined hearts turned to weeks and soon became months.
So far, everything is going well for me. Well, I would like to pretend that everything's fine and all the things are going according to my own way.
My sister went abroad to provide my needs. Nag-OFW si Ate para maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. But well, we can't afford my studies at Priscilla Academy anymore, so as of this moment, I am still on the hunt looking for my chosen school to continue my studies.
Ate Erin called a guy named "Vincent" to save us from being beggars on the street. I don’t know how she knew of that man, and I never bothered asking her because I know that she won’t answer me anyway. Ilang oras matapos naming tumakbo ay nagtungo kami sa isang lugar na halos katulad ng istruktura ng bar. There, Vincent fetched the both of us.
Vincent was a bulky guy. Dangerously attractive and mysterious at the same time. Kasing-edad niya si Ate. With his black and cold eyes, pointed nose and thin lips, it only added to his aura. Nang sunduin niya kami ay dinala niya kami sa isang rest house.
I never got the time to ask Ate Erin kung saan sila nagkakilala o kaya ay nagkita dahil sa tuwing magtatanong ako ay sasamaan ako ng tingin ni Ate. And that will be my cue to shut up.
Ako lang mag-isa ang nakatira sa resthouse. Si Kuya Vincent ay hindi nagpupunta sa bahay. Binilin niya ang resthouse sa akin habang wala si Ate. Ang sabi niya ay ako na ang bahala doon habang nag-aaral pa ako. Sa Maynila kasi nagtatrabaho si Kuya Vincent kaya ganoon.
Napabuntonghininga na lamang ako habang nakatingin sa malawak na tanawin sa aking harapan.
I stepped out of the resthouse and went to the beach. Nakaupo ako habang nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok. Bagsak ang brown kong buhok at halos umabot iyon sa aking baywang. Malamig ang simoy ng hangin ngunit hindi naman iyon nakakanginig.
I am the type of woman who cares a lot about her hair more than anything else, kaya ganoon na lang ang haba nito ngayon. Noong minsan ngang pinilit ako ni Ate dalhin sa salon ay nagwala ako dahil ayaw kong magpagupit. Nanghihinayang kasi ako sa haba nito.
Matatayog ang puno ng niyog malapit sa kinatitirikan ng resthouse ni Kuya Vincent. I can see the flock of birds flying right above the coconut tree. Sometimes, out of my own curiosity, I often wonder kung ano kayang pakiramdam ng kaya mong lumipad. Siguro, masaya kasi malaya ka. Kasi kaya mong umalis agad sa isang lugar kapag may problema ka. Kaya mong tumakbo.
If only everything was as easy as that.
When my father told us to go far away, hindi ko alam kung saan kami mapapadpad. Ang akala ko ay magiging palaboy na kami. But I was thankful because Ate Erin has someone like Kuya Vincent. Hindi ko man alam kung paano at kailan sila nagkakilala, but the fact that he was there to lend a hand for Ate is enough.
Ngayong nandito na ako sa Batangas at walang nakakakilala sa akin ay masasabi kong kaya ko ng mag-umpisang muli kahit wala si Papa. Mapait akong napangiti.
Just the mere thought of my father made my eyes all teary. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang mamatay. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang kunin si Papa, gayong kinuha Niya na si Mama.
Am I destined to be sad and lonely forever?
Oo nga, nandiyan si Ate. Nasa ibang bansa, pero buhay pa rin. But I can't feel her presence. Hindi ko maramdaman kaya parang mag-isa na rin ako kung ituring.
Nanatili ang titig ko sa araw na nasa harapan ko. Habang nakatutok ako doon ay nararamdaman ko ang pagkabasa ng short ko dahil sa dagat na nasa harapan ko.
I've always wonder what's beyond the beach. Kung anong meron sa kabilang ibayo ng dagat na ito. Kung mas maganda ba ang buhay ng mga taong nandoon o mas grabe pa sa kung anong dinadanas ko ngayon.
Nang maramdaman kong mabigat na ang short ko ay tinanggal ko iyon. I was wearing a one-piece bikini underneath dahil balak ko talagang magswimming, I was just caught up with my own thoughts that’s why I couldn’t do it right away.
Napangiti na lamang ako habang dinadama ang dagat. Iniwan ko ang aking mga damit sa pampang para lumusong doon. I want this feeling. Refreshing. Peaceful and at ease.
Maya-maya pa'y umalis na ako sa dagat dala-dala ang aking damit.
-
For several months ay pinag-isipan ko kung anong gusto kong gawin. Graduate na ako ng high school. Hindi man ako nagpatuloy na pumasok sa Priscilla ay inaprubahan na ang diploma ko dahil matataas naman ang grades ko.
Cinontact ko sila Sabrina para makipagkita sa akin para sa diploma at iba kong mga papeles. Gusto man nilang malaman kung bakit hindi na ako pumasok ay hindi ako nagsalita. Sinabi ko lang sa kanila na kailangan naming magtago dahil may mga taong balak kaming patayin, and then hindi na sila nagtanong pa. Simula noon ay hindi ko na rin sila kinausap sa takot na baka madawit sila sa gulo.
Lumuwas ako ng Maynila para makipagkita sa kanila. I know that I am risking my life because of that. Dapat ay nagtatago ako dahil baka nasa paligid lang ang mga taong nais magtangka sa buhay ng pamilya ko. But then, I don't want my friends to know where I live so might as well ako na lang ang lumapit.
I know it's absurd na magtago ng kahit anong sikreto sa nga taong tinuturing mo ng pamilya. Pero ayaw ko na silang madamay pa. Kung malalaman pa nila ang tungkol sa akin ay baka mag-alala sila at mangialam.
I was walking on the downtown when suddenly, a man grabbed the shoulder bag of a middle-aged woman. She looked so helpless habang nagsisigaw-sigaw doon.
I really wanted to help her, but I don't know how. I don't know any martial arts or self-defense at that matter. Sinundan ko lamang ng tingin ang magnanakaw. Maya-maya'y hindi ito masyadong nakalayo dahil may humabol sa kanya.
Naka-cap ito at nakaitim na jacket. Medyo maliit ang katawan at katamtaman ang tangkad. He tackled the man. Napahiga ang lalaki. Binaliktad niya ito at saka pinosasan.
Ganoon na lamang ang gulat ko ng alisin ng lalaking iyon ang jacket niya.
Babae? Babae siya?
I can't hide the fact that I was indeed amazed to know that a girl can help someone. And since that day, I promised to myself that I will fight, and save lives.
-
"Alam na ba ng Ate mo na may balak kang mag-aral sa WTC?" Em was chewing her sandwich while talking to me. Kasulukuyan kaming nasa garden ng paaralan kung saan ako nag-aaral.
I tucked my brown hair beneath my ears. "Nah. Hindi niya na kailangang malaman. Tsaka hindi naman 'yon palatanong sa kung anong ginagawa ko. Busy 'yon kakaayos sa kasal nila ng boyfriend niya."
Kumuha ako ng iilang piraso ng sour-cream na french fries. I almost moaned as the mixture of seasoning and spice started to invade my tongue. Ang sarap talaga ng sour cream fries dito sa school!
Em was my childhood friend. Magmula noong highschool ay hindi na kami masyadong nagkikita. Ngayon na lang ulit. Ganoon na nga lang ang gulat ko ng malaman kong malapit din pala siya sa eskwelahang pinapasukan ko.
Em only shrugged as a response. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko sa french fries. Ewan ko ba pero mas gusto ko talaga yung mga pagkaing maalat.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang mawala sa kamay ko ang hawak kong french fries. Tumilapon iyon di kalayuan sa amin ni Em. I turned to the person responsible to the action.
Hindi na ako nagulat ng makita ko siya. Laviña Ascobar. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit niya sa akin simula nang malaman niyang gusto ako ng boyfriend niya. At hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagustuhan ng boyfriend niya. I mean, I'm all plain and I look like an ordinary girl.
Dati ay tatlo kaming magkakasamang kumain sa cafeteria. Ako, si Em at Harry. But ever since umamin sa akin si Harry ay nilayuan ko na siya, and that means dragging Em. Months after ay nalaman kong girlfriend niya na si Laviña, a typical cheerleader and a bitch. Simula noon ay naging pastime na niya ang pambubully sa akin. Feeling niya ata nasa highschool pa kami.
"Alam mo, Laviña, wala akong panahon para makipaglaro sa mga bida-bidang katulad mo," I gritted my teeth while I said those words.
Hindi ko siya pinagkaabalahang tapunan ng tingin. Nanatili ang tingin ko sa french fries na nakakalat na sa sahig. Gutom na naman ako ngayon at bitin sa akin ang kinakain kong fries pagkatapos ay ihahagis niya lang. No one should mess with me especially when I'm hungry.
Si Em ay nasa tabi ko pa rin. Hindi siya nag-aangat ng tingin. Ayaw ni Em mainvolve sa mga away. She's never a fan of violence and even quick and long banters.
"Aww. Natatakot ka ba? Hmmm?" Pagkatapos niya iyong sabihin ay mapanghusga siyang tumawa. Unlike the ordinary and cliché mean girls ay mga lalaki ang kasama niya. Apat na lalaki iyon at wala akong balak na makipagbunong braso sa mga lalaking dalawang beses ata ang tangkad sa akin.
Hindi ako sumagot. I only hissed. Hindi na ako tumingin sa kanya. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may maramdaman akong malamig na bagay na tumutulo mula sa ulo ko patungo sa leeg. Malagkit iyon at nakakaasiwa sa pakiramdam.
I gritted my teeth. Konti na lamang ay lalabanan ko na sila. But I won't push it. Agad kong binalingan si Em. Alam ko kung gaano niya kaayaw sa ganitong senaryo. Tumayo ako at hinila siya pataas. Kinuha ko ang bag namin. Pinagpagan ko ang palda ko.
"Nah-uh. You don't get to turn your back on mem" pang-aasar niyang sabi. Si Em ay parang natulos sa kinatatayuan niya. When I said na hindi niya gusto ang kahit anong uri ng karahasan, I mean it. Ayaw niya talagang nakakakita ng kahit anong away.
"Em, let's go." Hinila ko siya paalis, ngunit hindi iyon natuloy dahil may pumigil sa amin. Maya-maya pa'y may humila sa aking buhok. I almost grimace when I felt my scalp ache dahil sa pagkakahila niyon.
My blood boiled when I saw what's in front of me. Em was pushed to the wall, causing her to hit her own back. She grunted in pain. I can almost see her tears.
And just like that, the little thread of my patience snapped.
Nilingon ko si Laviña. Her goons were the one who pushed Em and I. Sinamaan ko silang lahat ng tingin bago ko tiningnan sa mata ang bida-bidang impaktang nasa harapan ko.
"Anong kailangan mo? Pwede ba Laviña, 'di na tayo mga bata!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses habang nakatingin sa kanya. Halos magliyab na ako sa galit.
Sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko si Em. Nilingon ko si Em, mulat na ang mata niya at matamlay siyang ngumiti sa akin.
"Stay out of my way. 'Wag na 'wag ka ng lalapit sa boyfriend ko," asik niya. Nakapameywang siya habang nakatingin sa akin.
"Gago ka ba? Nakita mo ba kong kasama yung boyfriend mo?" nakangiwi kong tugon. Rinig ko na ang ingay mula sa paligid namin. I didn't know that we have gathered a crowd, not until now.
Laviña looked so frustrated. "Then mag-drop out ka sa school! Ayaw kitang makita dito!" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Nakataas ang kilay ko habang nakatingin ako sa kanya. "What makes you think na susundin kita?"
Galit niya akong tiningnan. Sumenyas siya sa mga alagad niya. Doon ko naintindihan ang lahat.
Ipapabugbog niya ako sa kanila kaya niya kasama ang mga ulupong.
I mentally smirked. Well then, bring it on.
The man on the left side of Laviña attacked me wih a punch. I dodge it, slowly moving my body to the right, opposite to where the punch was thrown. Paulit-ulit niya iyong ginawa.
Nang mapagod siya ay tinangka niya akong hawakan sa balikat, kinuha ko iyong tsansa para tuhurin siya sa "where-it-will-hurts-the-most-when-kicked." Hinawakan ko siya sa balikat tsaka ko ginawa iyon. Napaupo siya sa lakas ng impact ng ginawa ko.
Sabay na umatake ang dalawa pang alagad ni Laviña. Nais nilang puntiryahin ang balikat ko. Seriously, what's with my shoulders?
Napailing na lang ako habnag ianantay ang pag-atake nila. Nauna ang lalaki sa kaliwa. He throwed a left hook. Nadaplisan ako sa kaliwang pisngi.
I hissed and threw a jab. Halos mapaupo siya sa lakas ng impact noon. Mabilis akong lumingon sa lalaki sa kanan. Nanlaki ang mata ko nang makitang kakaunti na lang ang pagitan ng kamao niya sa pisngi ko.
Mabilis akong umiwas at sinipa siya sa sikmura. Nang pabagsak na siya ay hinabol ko siya at pinaulanan ng suntok sa mukha. Napigil lamang ako nang biglang may humatak sa aking buhok pataas.
Napamura ako sa sakit. Nang makatayo ako ay siniko ko siya sa sikmura. Pagkaharap ko ay hinawakan ko ang ulo niya at hineadbutt siya. Hawak ang ulo niya, natumba siya sa kalsada at iniinda pa rin ang sakit ng sarili niyang ulo. Mabuti na lang talaga at matigas ang sa akin.
"O, ano, Laviña, ito lang ba mga panakot mo? Tss..." panunuya ko sa kanya. Kita ko ang iritasyon at kahit hindi niya sabihin ay may bahid ng panic at takot ang mga mata niya.
Magsasalita na sana siya nang biglang may pumito. Malakas iyon at nakakabingi kung kaya nama'y wala kaming nagawa ni Laviña kundi takpan ang sari-sariling tenga at mapayuko na lang sa pagkarindi.
"Velasco, Ascobar, on my office. Now!"
-
Napangiwi ako nang maramdmaan ko ang hapdi ng aking sugat sa gilid ng aking labi. Ngayon ko lamang iyon naramadaman habang iniinom ko ang inumin na binigay ni Dean.
"Ngayon, nahimasmasan na ba kayo?"
Napayuko na lang ako, avoiding anyone's gaze. I silently murmured. Sinabayan din iyon ni Laviña.
"Now, I want you to call your guardian. Today. No excuses and no considerations. Baka hindi niyo alam, I can see the whole footage of the video across the CCTV footage. Ilang hakbang lang ang layo ng CCTV mula sa pinag-aawayan niyo. Hindi niyo man lang ba naisip 'yon?"
Halos mamutla ako. Ngayon ko lang naisip lahat ng ginawa ko. Hindi pa naman pwedeng pumunta si Ate ngayon dahil nasa ibang bansa siya.
Laviña typed her guardian's number. While I, on the other hand, only stared out of nowhere. Iniisip ko pa lang ang mga sasabihin ko kay Ate ay parang ayaw ko na lang gawin. Baka bigla siyang madisappoint sa akin. Not that she's not disappointed already, though.
"Wala ka bang balak tawagan ang Ate mo, Ms. Velasco?"
Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin kay Dean. "Dean, nasa ibang bansa po ang Ate ko e."
"Tawagan mo muna siya para makasigurado ako."
Nagaatubili akong sumunod. I pressed my sister's number through the keypad of my dean’s phone. And when it started to ring, my heart was beating so loud that I almost think it became numb.
"Hello, sino 'to?"
"A-Ate?" Kumunot ang noo ko nang marinig ang baritonong boses ng lalaking nasa kanilang linya. Hindi kaya nagkamali ako ng na-type na numero?
"Sinong Ate?"
"Andiyan po ba si A-Ate Erin?" kinakabahan kong tanong. Baka naman nakidnap na si Ate o ano. Pero hindi naman siguro. Masyadong guwapo ang boses ng lalaking nasa kabilang linya para mapagkamalang holdaper.
"Love, tawag ka!" Rinig ang mahinang boses niya, siguro ay inaabot na ang phone kay Ate.
"Ano 'yon?"
"A-Ate, ako 'to, si Ella. Kasi ano e, ano...pinapapunta ka ni Dean dito sa school... kakausapin ka raw," paputol-putol kong sabi, naiinis at nahihiya. Naiinis dahil nakikita ko ang nanunuyang ngiti na nakapaskil sa labi ni Laviña. Nahihiya naman dahil inabala ko pa ang Ate ko.
"O bakit daw? Nevermind. O siya sige. Didiretso na lang kami diyan. Tutal nakasakay na rin naman kami sa taxi." Tsaka ko lamang narinig ang maingay na tunog ng mga nagliliparan at naglalapagang eroplano sa kabilang linya.
"T-Taxi? Tsaka sino yang kasama mo?"
"Ha? Hindi mo ba natanggap yung text ko? Sabi ko uuwi na ko ngayon. Kasama ko yung fiancée ko..." Ramdam ko ang ngiti ni Ate sa kabilang linya.
"Sino 'te? Hindi mo naman nakukwento sa 'kin yang fiancé mo."
"Si Damon. Diyan ko na lang ikukwento..." Patuloy pa ang pagsasalita niya pero ang naririnig ko na lang tanging tumatak sa isipan ko ay ang pangalan ng fiancé niya.
"Damon? Saan ko nga ba narinig 'yon..."