Chapter 13

Chapter 13

Save

"Paano ka napadpad dito?" Pambungad kong tanong sa kanya pagkatapos naming maupo sa cafeteria.

Balak ko sanang ipakilala si Adam kay Em, kaso busy siya sa clinic at maraming ginagawa. Kung sabagay, being a doctor was never easy. Lalo na nga at malamang sa alamang ay sugatan pa ang ibang doctor na nadamay sa laban.

"Ikaw ang dapat kong tanungin. Paano ka napadpad dito at paano mo naging asawa si Damon?" balik niyang tanong sa akin. Hindi na lamang ako sumagot. Bagkus ay mas pinag-igihan ko ang paghigop sa shake na hawak ko.

Agad akong nanlamig sa sunod-sunod kong paghigop. Parang biglang nanigas ang utak ko pagkatapos ko iyong inumin. Napangiwi ako at nahalata iyon ni Adam.

Natawa lamang siya habang umiiling.

Adam really changed. From that charismatic and cute little boy back when we were high school ay naging matipuno at gwapong binata na siya.

With his eyes that smile whenever he smiles, his almost pointed nose, high cheekbones seductive and reddish lips, there's no doubt that the puberty hits him the hardest more than anyone could ever be hit.

"Parang kailan lang, ako pa yung gusto mo a? Umamin ka pa nga sa akin noong prom e," he teasingly smiled at me, taunting me while his eyebrows wiggled up and down.

Hindi ko na napigilan ang pagpula ng aking mga pisngi. I groaned and hid myself from him. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking braso.

Biglang nag-flash sa utak ko ang prom kung saan nagtapat siya sa akin. Kahit hindi ko nakumpleto ang mga salitang iyon ay alam kong may ideya na siya sa kung anong nararamdaman at gusto kong sabihin noong mga oras na iyon.

I shot my head up and threw him an accusing look. "Parang hindi ka rin umamin ha?" nakataas ang kanan kong kilay, waiting for his retort or even a short remark but he didn't.

Instead, pinagpatuloy niya ang pagtitig sa akin. Hindi ko maiwasang mailang habang nananatili pa rin ang mga mata niya sa aking paningin. It was as if he was boring holes onto my skin.

And then he smiled. He smiled! But I won't call it a smile for it looked so heartbreaking. So painful that I can almost hear my heart producing a loud thud with its broken pieces falling apart.

"Anong nangyari sa 'ting dalawa?"

As soon as he said those words, I can feel the ache. The same ache that he is enduring right now. The same pain that his heart is embracing as of this moment.

Almost. Muntik. Sayang.

Mga salitang naglalarawan at nagsisilbing kahulugan ng salitang "almost." Funny how I am hurting for someone that was never mine. Nakakatawang isipin na nanghihinayang ako para sa taong hindi naman naging sa akin.

Mutual understanding.

People are often quite positive with this term. Who wouldn't? You like him, he likes you. But what they don't know is that a mutual understanding without any title or any label is one of the most painful battle, one could ever place themselves in.

They get jealous in an instant, but then maaala nilang hindi pala sila pwedeng magselos dahil MU lang sila. Wala silang karapatan. Because they are not committed to each other.

"Alam mo, Ella, ayaw kong aminin pero may mga oras na iniisip kita. Kung ayos ka lang ba, kung may gusto ka na bang iba. For years, I have been looking for you, asking your friends whether they have any news from you, and when I got none, after almost four years ay tumigil na ako.

“I stopped thinking that we will still meet each other at any circumstances. I distracted myself from everything. I took up martial arts and jiu jitsu. Lahat ng klase ng self-defense ay nalaman ko na. Alam ko kasi kung gaano ka kainteresado doon dati. I did everything I could, but it only made me miss you more, that's why I decided to agree to my father's proposition. To leave the country." Huminto siya pagkatapos iyong sabihin. Ininom niya ang kapeng inorder niya sa counter.

Mahina siyang napatawa. "It was pathetic actually. Looking for you and missing you. Wala naman talaga akong karapatang tanungin ka kung nasaan ka o kung kamusta ka na. But I can't help it. It's quite funny knowing the fact na puppy love lang naman ang meron sa 'tin pero ganito ako kung makaasta," malungkot niyang sabi.

I stood there, flabbergasted. I don't know how to react and what to say. It has been a long time ever since I saw Adam. I didn't know that he has been looking for me. Because honestly, I wasn't thinking of him the way that he did.

"I'm sorry..."

Mahina siyang natawa. "No, don't be. I understand. Your feelings for me are now gone, obviously. Kaya ka nga nakasal kay Sir Damon, e." Hindi ko alam pero sa kakaunting oras ay may narinig akong pait. Muntik ng kumunot ang noo ko pero ang simpleng ngiti ni Adam ang nagpawala ng mga pagdududa ko.

Kasal pero hindi naman niya 'ko mahal.

Gusto ko sanang sabihin pero pinigilan ko ang aking sarili na magsalita. Baka kapag sinabi ko pa iyon ay magulo lang ang lahat.

Hindi na lamang ako sumagot. Nilukob kami ng nakakabingi ngunit mapayapang katahimikan. I was busy sipping at my shake while Adam was busy eating his food.

Maya-maya pa'y nagambala kami ng ingay ng paglangitngit ng upuan. Agad na napalingon ang aking ulo patungo sa kung sinuman ang lumikha ng ingay. Medyo hindi na ako nagulat nang makita ko si Em na paupo na sa upuang iyon. Nakaharap siya sa akin. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Adam sa aking harapan.

"Hay naku, 'day. Naii-stress na ko magtrabaho dito sa asawa mo ha. Parang halos araw-araw ata ang daming dapat gamutin. Tapos puro mga miyembro lang din naman ng maria ang suki ng clinic ko. Bakit ba nagbubugbugan yung mga 'yon? Mga siraulo ba sila? Wala atang magawa sa buhay, e." Em babbled while she was taking her seat. Alanganin akong ngumiti at nilingon si Adam. Natatawa naman ang huli dahil sa bilis ni Em magsalita.

"Hoy, babaita, sumagot ka. Tinatanong kita." Nakakunot na ang noo ni Em. She even crossed her arms while looking at me.

"Uhm..." Sabi ko pagkatapos ay lumingon ako kay Adam na hindi pa rin nakikita ni Em. Nang sundan ni Em ang tingin ko ay bigla siyang namula nang makita niyang may tao palang nakarinig ng mga sinabi niya.

Mahinang napatawa si Adam. "Hi, I'm Adam." Maya maya pa'y sabi niya.

Kumunot ang noo ni Em pagkatapos ay lumingon sa akin. Her mouth moved. My face scrunched while reading her lips.

Adam as in Adam? Nanlalaki pa ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Natawa na lamang ako at um-oo. Em's mouth shaped into a small o. Pagkatapos ay nang-aasar siyang ngumiti sa akin. Umiling na lamang ako.

"Hi, I'm Em, bestfriend ni Ella. If you don't mind me asking, bakit nandito ka? Tauhan ka ba ni Damon?"

Ngumiti si Adam bago nagsalita. "Yes. Last week lang ako nandito. Kasama ako sa mga bagong tauhang kinuha niya."

Tumango-tango naman si Em. Hindi na siya nagsalita, instead she devoured her food like she was starved for almost a month. Napangiwi na lamang ako habang tinitingnan siya na kumakain na para bang walang nakatitig sa kanya.

"What?" Nagtataka niyang tanong sa akin nang mapansing tumatagal ang titig ko sa kanya. Tinapunan ko muna ng tingin si Adam. He was amused while his stare lingers at Emerald. Sinundan naman ni Em ng tingin ang aking mga mata.

She groaned, only for me to hear, saying as if she, again, embarassed herself in front of Adam.

Napabungisngis na lamang ako.

-

"Madam..."

Boses ni Dumbo ang gumambala sa akin mula sa pagbabasa. I went to the library to read some books according to the history of the mafia. Sa loob ng ilang buwang pananatili ko dito sa mafia ay ngayon pa lamang ako naglagi dito.

I glanced at him. He looked so devastated and troubled. Agad kumunot ang aking noo. Ano kayang nangyari dito?

"What is it, Dumbo?" I peeked at him through my book.

"Eh kasi, Madam... yung baril ko po..."

"Oh, anong meron sa baril mo? 'Diba binalik ko na sayo dati pa?" I answered him.

Matagal ko ng binalik sa kanya ang baril na iyon. The last time that I used it was the time that Damon had an episode with a woman, and I fired a gun near his d-ck.

"Hindi pa po kasi binabalik ni Sir Damon e." nag-aalala niyang sabi. Agad na kumunot ang aking noo.

"What do you mean hindi pa binabalik?" I put my book at the coffee table and crossed my arms and legs while I continue to stare at him. Most people often describe me as intimidating whenever I do this, and I intend to know the answer by intimidating Dumbo.

Napakamot na lang si Dumbo sa ulo niya. "Kinumpiska niya po kasi yung baril ko pagkatapos niyo pong gawin yun ano... yun nga po," paputol-putol na sagot niya.

"Aba't! Lintik na damonyo yun. Makikita niya..." I huffed angrily. Knowing the fact that he thinks he can work behind my back made me so angry. Kung hindi pa sinabi ni Dumbo na kinuha ni Damon ang baril niya ay baka binabackstab pa rin ako ni Damonyo.

I looked at Dumbo, determined. "I will get it from his office. 'Wag kang mag-alala. You can go back to your office. Mas kailangan ka doon. 'Wag mo ng isipin yung baril. Consider it done."

"Thank you, Madam," umakto pa siyang para bang naluluha. Akmang yayakapin niya pa sana ako nang iamba ko ang kamao ko sa kanya. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at natatawang umalis palabas ng library.

I huffed and made my way towards Damon's office. If he thinks that he can beat me by hiding behind my nose, well then, I think he should think twice about it.

I can see Michaelangelo guarding the office of Damon. Ang alam ko ay may meeting na pinuntahan si Damon sa loob din ng kampo. Muntik na akong mapangisi nang makaisip ng palusot.

"MA, Damon is calling you. He needs assistance at the meeting room regarding the shipments," I said in a strict voice, as if I wasn't hiding any other motive. He seemed to believe it and left his post, while I made my way inside.

I was searching through his drawers when suddenly, a pile of papers was blown by the fan. I scrunched my face dahil nakakalat na ang mga piraso ng papel sa sahig.

Halos lahat ng sulok ng opisina ay may papel. I started to pick them all up.

Kumunot ang aking noo nang makita ko ang papel na iyon. Halos manginig ang aking kalamnan at lumabas ang aking puso mula sa dibdib ko nang mabasa ko ang pangalan.

Vincent Dimitri.

Of course, I know him. I know this man. He's dead. Patay na siya isang taon na ang nakakalipas. But if he's indeed dead, then who is this man. Sino siya? Maaari bang coincidence lang ang lahat? Does he have a twin?

No. This is crazy. Masyadong malabong maging coincidence lang ang lahat ng 'to, it was as if everything was planned from the start. Pero bakit siya nagbabalik? Hindi ba’t tapos na ang lahat? O di kaya balak nila akong gantihan dahil sinabotahe ko ang plano nila? I shivered at the thought. Nevertheless, I need to be cautious.

I crumpled the paper and threw it to the trash bin. I rummaged through the drawer, and when I found the gun, I made my way out.

Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Ashton sa labas. Matagal-tagal na rin mula ng hindi ko siya makita. Maybe because he was busy at the field, I presume.

"Hello, madam," nakangiti niyang bati sa akin. His eyes are smiling with mirth and cheerfulness. Kasabay ng kanyang pagngiti ay nawawala ang kanyang mga mata.

"Hello. Bakit ka nandito? I thought only MA guards the office?" I was informed that the rest of the new recruits were in the field, busy practicing for the upcoming operation. If everyone’s there, why the hell is he here then?

"Kanina pa ako dito. Nagpaalam lang ako kay MA na iihi ako. Anong ginagawa mo dito, Ella?" He smirked right after he said that. Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi matapos niya iyong sabihin. His lips glistened when the light reflected it.

Agad akong natuliro. Anong sasabihin ko? Magsisinungaling ba ako o magsasabi ng totoo? Bahala na! Argh!

And so, I did the most logical thing a man can do at this situation.

I ran.

-

Tired, I went to the bed and threw myself in the comfortable sheets. I inwardly sighed, feeling the softness of the royal bed. The warmth of the bed is slowly easing my system, making me feel relaxed and at ease.

Agad akong napatayo nang maramdaman ko ang pagbigat ng aking pantog. Kasabay niyon ay ang pagkaramdam ko ng asiwa at lagkit sa aking pakiramdam. And so, I went to the cabinets and grabbed a set of clothes. I immediately went to the restroom and do my thing. Ni hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan sa labas.

After almost an hour or half ay natapos na rin ako. I sighed contentedly, feeling fresh and good as new. Amoy ko ang bath soap na ginamit ko. Mahalimuyak iyon at mabango sa ilong.

Palabas na ako nang matigilan ako at manlamig dahil sa tunog na iyon. I can hear muffled sounds across my husband's room. Halos marindi na ang tainga ko sa paulit-ulit na tunog nito. Ipinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo mula roon. Kasabay niyon ay ang pagkirot ng puso ko. I let out every air that filled my lungs just to calm myself down.

Marahas kong itinulak ang pintuan. Hindi na ako nagulat sa tanawing nakita ko sa loob ng kwartong iyon.

My husband is in the room with another woman under him. They’re both naked and having sex.

What's new? Paulit-ulit na lang ang nangyayari, pero tila ba hindi pa rin ako nasasanay. When will I ever get used to this kind of thing? Pinilit kong lakasan ang loob ko. Kasabay ng isang pilit na ngiti ay itinaas ko ang isa kong kilay habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"What the hell are you doing, slut?" marahas kong tanong habang nakataas pa rin ang isa kong kilay. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan dahil sa pilit na pagpipigil sa mga luhang nagbabantang tumulo mula sa aking mga mata. Gusto kong umiyak at ilabas lahat ng sakit, pero alam kong hindi maaari. Dahil sa larong ito, ang unang lumuha ang siyang magiging talunan.

Agad napabalikwas ang dalawa nang marinig ako. Mabilis na kinuha ng babae ang kumot at tinakpan ang kanyang sarili. Ni hindi niya na inabala pang bigyan ng kahit na anong panakip ang hudas kong asawa sa pagmamadali niya.

Ang kapal ng mukha niyang magtakip, akala mo naman sisilipan ko. Excuse me lang, lalaki rin ang hanap ko, ‘no.

"W-Who is she, Damon?" Kitang-kita sa mukha niya ang kaba at halata sa boses niya na bahag ang buntot niya sa ganitong mga usapin.

Tama yan, kabahan ka. Pasalamat ka na lang at di pa ko ganoon kadesperada para isumbong ka kay Tulfo. Baka nag-viral ka na kapag ginawa ko yon. Dapat ako lang ang sikat at mas angat.

"She’s just..." Damon trailed. Frustration is evident in his eyes. His sharp glare met my eyes and then he answered, "My cousin."

My heart screams for pain, but I immediately buried it deep inside. Kung hahayaan ko ang sarili kong masaktan sa mga salitang ibinubwelta niya ay baka tuluyan na akong maiyak at magmukhang kawawa. Hindi bale ng masaktan, basta hindi niya lang mahalata. Inuulam ko pa naman ang Pride minsan.

"Really? But why does this marriage contract say that I’m your wife?" I smiled at him mockingly, slowly raising my hand with a paper placed inside my palm. Diniinan ko ang aking pagkakahawak sa papel para pigilan ang mga kamay ko sa panginginig nito.

Kahit na maiiyak na’y parang biglang tumigil iyon nang makita kong Meralco bill pala ang inangat ko at hula ko'y computation ni Em ng bills ang nakasulat likod nito. Walanghiya! Buti na lang at hindi naman talaga nila tiningnan ang papel. Sino ba namang maga-aksaya pang tumingin sa papel, e nakahubad nga sila?

Mariin kong tinitigan si Damon mula ulo hanggang paa. Pasalamat na lang siya at malaki ang pasensya ko. Hindi lang din naman kasi iisang beses na nangyari ito. Pero hindi ibig sabihin noon ay manhid na ako sa tuwing nauulit ang eksena sa harapan ko.

The woman huffed, and with the blanket wrapped around her body, she went down the bed and picked up her clothes. "Sabi mo, single ka? Argh!" she shouted with frustration and with one last glare pointed towards me, she walked away from the room.

Nang makaalis na siya ay parang nabunutan ako ng tinik sa katawan. I immediately turn my head towards my husband, slowly bracing myself from the impact of his wrath.

"What the hell, Ella? You just-" Napasabunot siya sa sarili niyang buhok.

Napahalukipkip ako. "What's the problem, Damon? Nabitin ka ba?” I asked him innocently. “Then, fuck me." I smirked at him. Akala mo naman talagang nagchukchakan na kami sa asal ko. Hello, virgin ka pa neng kung hindi mo naaalala?!

Sinagot niya ang mga titig ko sa parehas na intesidad. And with his harsh words, he spoke to me the brutal truth and rubbed salt into my wounds.

"I’ll never have sex with the one who killed my wife."

Biglang nalaglag ang ngiting nakapaskil sa aking mga labi. Ramdam ko ang sakit sa kaibuturan ng aking kalamnan. It took everything of me to stop myself from bursting into tears.

He’s right. I am that girl. I killed his wife. I killed the love of his life.

Pinakasalan niya ako para maghiganti. He trapped me in this marriage, and I cannot even escape no matter how hard I try.

Because he is powerful. He is influential. He is the mafia boss. And I am... the mafia boss’ unwanted wife.

Looking so frustrated, Damon went out of the room. As soon as he stepped out of my abode, I began crying. I cried my heart out and cried as if I never cried before.

Masakit pa rin pala. At habang tumatagal ay sumasakit na lang lalo. Ang sugat na si Damon lang ang gumawa ay lalong lumalaki at lumalala.

-

I was disturbed by the cries of agony outside my room. Pupungas-pungas akong tumayo at nagtungo sa labas ng kwarto. Wala pa ako sa ulirat pero ang katawan ko ay sinisikap na gisingin ang sistema ko.

Sinundan ko ang ingay niyon. Rinig ko ang aking mga yabag sa kabuuan ng bahay. The noises started to get louder as I went on towards the source of the sound.

Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa aking mukha habang lakad at takbo na ang aking ginagawa para lamang makarating doon. Sa wakas ay palapit na ang tunog.

Dinala ako ng aking mga paa sa kwarto ni Damon.

Inikot ko ang doorknob at pumasok. His room was dull... colorless... lifeless. It was as if the melancholy of the room can be felt with its design and color.

Hindi ako nag-aksaya ng panahon at dali-dali na nga akong naglakad palapit kay Damon. Lumuhod ako para mapantayan ang kama niya.

He was restless. His body started to move from left to right. Beads of sweats are forming and flowing from his forehead towards his left cheek. Halos magdugtong na ang kanyang mga kilay. Nakakunot din ang kanyang noo.

And then, he stopped.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko nang mabungaran ako ng kanyang mga mata. Inaantok iyon at tila wala pa sa kamalayan. Ngunit hindi iyon nakabawas sa kanyang kagwapuhan. He focused his stare on me and smiled.

He was smiling at me. A true and sincere smile. One that he only offers at Ate Erin.

"Erin..."

At hindi nga ako nagkamali nang marinig ko ang pangalang iyon. Para akong sinampal pagkatapos ay hinagis sa bangin. Mapait na lamang akong napangiti. Maya-maya pa'y tumingin na lamang ako sa itaas at hinayaang tumulo ang aking mga luha.

Kahit kailan nga siguro'y hindi na talaga magiging ako ang mamahalin niya.

"Erin..." He murmured while he was still looking at me. Maya-maya ay nagbago ang kanyang mukha. Mula sa pagiging masaya ay naging galit ang kanyang mukha.

"No... h-hindi ikaw si E-Erin... patay na siya. Pinatay na siya ni Ella. W-Walanghiya siya. H-Hayop siya. Sana s-siya a lang yung n-namatay..." His voice was laced with pure hate and insult.

And then I stood frozen as those words escaped from his mouth. My lips started to tremble, and my heart was crushed more than it has ever crushed before. Nanginginig ang aking mga mata habang nakikita ko ang unti-unting pagpikit niya.

"Damon, I saved you... from her..."

And with those words, I was hoping that it would reach his ears.

But his closed eyes told me otherwise.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.