Chapter 14
Gunggong
"What the fuck happened?!" Malakas na sigaw ni Damon ang gumambala mula sa mapayapa kong pagtulog.
Ang ganda ganda ng tulog ko tapos magwawala siya? I got up from the bed and peeked right at the end of the hallway where Damon is. I can see veins forming from the right side of his forehead in a hindsight. I can almost guarantee that his ragged breathing can be heard all over the room.
Napalunok ako nang makita ko ang nanginginig niyang kamao. Nakakuyom din iyon, isang indikasyon ng kanyang nagtitimping galit at pagkamuhi sa sitwasyon.
"S-Sir, a-ano po k-kasi..." nauutal na sabi ni Mattias.
He cowered in fear, afraid of what Damon might do once he lift his fist and lay a hand on him, and I don’t blame him for thinking that. Kahit ako'y lubos na matatakot ngayong sobrang frustrated na siya sa mga nangyayari.
"Ano bang katangahan ang pumasok diyan sa mga utak niyo?! I hired all of you to work for me, not to fight each other!" His veins bulged out of his muscular bisceps.
Hinawakan ni Damon ang kanyang batok at tumingala. Tumagilid siya kaya nakikita ko na ang kabuuan niya. Nakapikit siya habang hinahawakan pa rin ang batok niya.
I can see a glimpse of his Adam’s apple bobbing up and down. Hindi mapigilang sumunod ng mata ko sa pagbaba at pagtaas ng bukol na iyon sa kanyang leeg. Ang pagdaloy ng pawis niya papunta sa kanyang leeg ay hindi nakaiwas sa aking paningin. Sa mga ganitong tanawin talaga lumilinaw ang mata ko, e!
Agad akong napalunok. Parang umiinit na ata ang paligid habang patuloy akong nakatingin sa kanya. Napatayo ako at napaalis sa kinahihigaan ko. Tsaka ko lamang naalalang may dapat pala akong gawin ngayon. Mabilis akong nagpunta sa opisina ni Damon nang hindi niya napapansin.
I can understand how Damon was furious after knowing that almost all his offense team members are injured and are now staying at Em's clinic. I mean, who in their right mind will waste their time training themselves as if they are already on the battle? Pagkatapos ay sa mismong laban nama'y hindi sila makakalaban dahil sa mga sugat na natamo nila sa mga training na ginawa nila?
Agad akong sumandal sa table. Hinablot ko ang folder na nasa ibabaw ng table ni Damon at ipinaypay sa aking sarili.
Dahil sa aking pagkataranta, hindi ko nakita na may laman pala ang folder na hawak ko. Hindi nakatulong ang electric fan na nasa tuktok lamang ng aking ulo. Agad akong napanganga nang liparin ang mga papeles. Rinig ko ang tunog ng paglaglag ng mga papel mula sa hawak kong folder.
At hindi iyon nakaiwas sa paningin at pandinig ni Damon.
Sa pagbaba ng mga papel mula sa pagkakalipad niyon, ay parang bumagal din ang takbo ng oras habang nakatingin ako sa lokasyon kung saan nakatayo si Damon.
He looked so magnificent while walking in front of me. Imbis na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ay mas nanaig ang antisipasyon na nararamdaman ko.
"Sinong nagpapasok sayo dito?" Ang mariing boses ni Damon ang sumira sa pagpapantasya kong siya rin ang pinagbasehan.
Agad akong napasimangot habang nakatitig sa kanya. Imbis na mahiya sa hayagan kong pagtitig ay hinampas ko ang folder sa lamesa niya.
"Ako. Bakit?" Nakataas ang kilay ko habang nakatitig sa kanya. He clenched his jaw with my answer. Hindi naman iyon lumagpas sa aking paningin.
The structure of his jaw was defined once he clenched it. Agad naman akong napalunok nang umangat ang paningin ko sa labi niyang nagdikit dahil sa pagkairita niya.
I groaned inwardly. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin! Why the heck am I acting as if I was a bitch in heat? What the hell?!
"You are restricted from my office from now on." His voice boomed inside the office. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa tono ng boses niya.
"At saan na lang ako pwede kung ganoon? Bawal ako sa ganito, sa ganyan. Bawal akong lumabas dito sa headquarters pero bawal ako dito sa office? Anong katangahan ba ang pumasok diyan sa utak mo?" I mockingly said, imitating his own tone habang kinakausap niya ang lalaki kanina.
Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi siya sumagot, instead, he looked at the direction of Mattias, only to find him still standing on his own position kung saan niya iniwan ang lalaki.
"Ano pang hinihintay mo? Get out!" Agad namang tumalima si Mattias at mabilis na umalis pagkatapos niyang mag-bow kay Damon. Nang magsara na ang pintuan ay lumingon siyang muli sa direksiyon kung nasaan ako.
I am still standing, leaning at his table, not minding his intimidating presence, unfazed by his show of dominance. But in the inside, I am fidgeting while his stare lingers at my face.
Ilan pang minuto ang lumipas at nananatili pa rin siyang tahimik habang nakatitig sa aking mukha. His muscle shirt almost hugged his chest and his abdominal muscles. And that alone made me distracted.
And so as much as possible, I tried to avoid his lower parts or else I'll found myself blushing like a virgin. Not that I'm not a virgin, though.
"Let me be a part of your offense team," walang kurap kong sabi habang nakatitig pa rin sa kanyang mukha. Ngunit maling desisyon yata na titigan ko ang mukha niya, dahil hindi ko alam kung nanadya ba siya o ano.
Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi pagkatapos ay kinagat iyon. Sinundan iyon ng tingin ng aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang nangapos ang aking hininga habang nakatitig doon.
"Done checking me out?" He smirked habang nakatingin siya sa akin. Agad namang namula ang magkabilang pisngi ko habang nakatingin sa kanya.
Maya-maya pa'y lumapit siya sa akin. Standing in front of me, he made me look like a little dwarf or something. Umabot lamang ako hanggang sa balikat niya dahil sa tangkad na taglay niya.
Napaatras ako dahil sa maliit na distansyang mayroon sa pagitan naming dalawa. I, then, found myself having nowhere to go, trapped between his arms on both my sides and a table leaned against my back. Palapit siya ng palapit sa akin.
Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatingin sa panga niyang nakaigting at sa mariin niyang titig.
He lowered his head. I can't take my sight off his Adam’s apple. I can feel his breath at my earlobe, making me shiver in pleasure and anticipation. Mainit ang kanyang hininga habang patuloy iyong tumatama sa akin.
"And to answer your request, it's a no. You are too weak for my liking. You won't stand a chance against my enemies," rinig ko ang pagngisi niya sa pagitan ng aking tainga. Hindi mapigilang kumuyom ng kamao ko habang patuloy na dumadagundong ang mga salita niya sa akin.
And then he went off from me, letting me catch a glimpse of his smirk and mischievous glare. Nang tumalikod na siya ay hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita.
"Hindi ba’t papabor iyon sayo? Ang maging mahina ako at hayaan ang mga kalaban mo na patayin ako? Let me join your team. Malay mo doon na ako mamatay. And when that time comes, wala ka ng poproblemahin pa. Finally, your wife's killer will be dead. A sweet revenge, isn't it?" nakangisi kong sabi habang nakatitig sa kanyang likod. But the bitterness started seeping inside my system as soon as I finished those words.
He moved his head sideways, not acknowledging my request. Instead, he shrugged and started to walk. Pero bago siya makaalis sa sarili niyang opisina ay huminto siya at nagsalita, enough for me to hear it loud and clear.
"I'd rather kill you with my bare hands, just like how you killed Erin," matigas niyang pahayag. Nagtagis ang aking mga bagang habang sinasabi niya iyon.
"Bantayan mo ang likod mo baka bigla kang tuklawin ng minamaliit mo. Sasali ako sa offense team, sa ayaw at sa gusto mo. Gunggong! Hindi mo sana maabot ang likod mo kapag naghilod ka! Argh!" Hinablot ko ang telepono sa lamesa at hinagis iyon papunta sa direksiyon niya. Tumama ang telepono sa nakasarang pintuan. Napapadyak na lamang ako sa sobrang inis.
Sana kumapal ang libag mo sa likod, Damonyo!