Chapter 19
Ligtas
"Did you check her room?"
Bago kami umalis ng kampo ay tinanong ko si Leon at pinakiusapang tingnan ang kwarto ni Ella. Mas mabuti ng maging sigurado bago kami umalis. Sa dami ng mga pakulo na kayang gawin ni Ella, kailangan kong i-double check lahat. Ewan ko kung anong meron siya at kaya niyang sirain ang mga plano ko nang ganoon lamang kadali.
"Positive, Sir. Nandoon po siya sa loob at natutulog." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Parang bigla akong nabingi dahil doon.
"Sinilip mo? Did you do anything more than that?"matigas kong tanong.
"S-Sir? S-Sabi niyo po i-check ko kaya tiningnan ko p-po sa loob..." nauutal na sambit ni Leon sa akin.
Napangiwi ako at kinamot ang kilay ko. Tama nga naman siya. Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa frustration na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis akong isipin na may ibang lalaking makakakita sa kanya sa ganoong kalagayan gayong ako naman itong nag-utos sa tauhan ko na tingnan siya sa loob ng kwarto niya.
"Alright. Go to your team. Aalis na tayo." Tumango siya pagkatapos ay tumalima sa aking inutos. Tumakbo na siya patungo sa sasakyang nakalaan para sa kanilang grupo. Nauna na itong umalis. Sinadya kong magpahuli kasama ang iba ko pang tauhan na naka-assign sa mismong field para masigurado kong magiging maayos ang planong ginawa ko ngayong gabi.
Tonight is probably one of the biggest fight and mission that my mafia has to encounter. We are set to attend an auction wherein one of the most valuable pieces is currently held for bidding inside that place. At nasisigurado kong hindi na naman matutuloy ang auction sa kadahalinang madaming gahaman na negosyante at maging mga mafia na katulad ng sa amin ang pupunta doon at nanaising angkinin ang pirasong iyon ng libre at walang kahirap-hirap. At naisip kong unahan ang mga gahamang iyon bago nila kuhanin ang mahalagang piraso na kailangan ko para mapatibay ang mafia.
The Mermaid’s Curse is probably one of the most expensive items that is set to be bid tonight. It’s a necklace with Swarovski jewels around it. But the thing is, we’re not after that. We’re after the memory card that was hidden in one of its jewels. It contains the files that shows the corrupt politicians inside the country. We want to blackmail them to grow the family. After all, being a mafia is all about doing things that are beyond evil.
That is one of the main reasons as to why I divided the organization into different groups para mas matutukan ang pagkuha sa pirasong iyon at maging sa pakikipaglaban sa iba pang tao na magtatakang kuhanin iyon.
Ang magaganap mamaya ay isa rin sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama sa Ella sa mismong event. Baka naisin niya pang sirain ang plano at ang execution nito.
O baka nag-aalala ka na masaktan siya? tudyo ng kabilang bahagi ng aking utak. Agad namang kumunot ang aking noo habang iniisip iyon.
Hindi. Hindi maaari. Malabong mangyari na mag-alala ako sa kaaway at nag-iisang dahilan kung bakit ako malungkot at kung bakit ako nag-iisa… ang tanging dahilan kung bakit hindi ko na kapiling si Erin.
Iiling-iling na lamang ako. Tumunghay akong muli sa lagusan ng malaking gusali kung saan nakalagak ang headquarters ng mafia. Sa gitna ng maberde, malawak at tahimik na kagubatan ay nakalagak ang gusaling iyon kung saan hindi ito madaling makita ng karamihan.
Sinuyod ko ang kabuuan nito pagkatapos ay tumalikod na ako patungo sa aking sasakyan para umalis at magpunta na sa aking patutunguhan.
---
The blinding lights that illuminated all throughout the room will never go unnoticed in one's eye. Hindi rin nakalampas sa aking paningin ang mga elegante at naggagandahang gown ng mga dumalo at maging ang chandelier sa itaas na bahagi nito.
As the minutes passed by, I encountered different person with different personalities. Ni hindi ko na nga makilala ang iba kahit na panay ang ngiti nila sa akin. Ang iba ay tinatanguan ko kapag naaalala ko ang mukha at pangalan.
I started removing my mask when I got tired of all the greetings. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong magpakilala na kaagad sa kalaban, but still pinagpatuloy kong tanggalin ang aking maskara. I'm confident that everything will go according to my plan...even if I let myself be seen in front of my enemies.
"Snipers, find your spots..." I muttered. I can hear a slight feedback on my earpiece. Hindi ko mapigilang mapangiwi pagkatapos kong marinig iyon.
"Roger, sir." I can hear Leon's voice on the line. I nodded absentmindedly. Patuloy kong kinamusta ang lahat ng team at pinahanap sa kanila ang kanya-kanya nilang pwesto. I asked them to check the possible routes for exit and entrance. Mas maganda na ang sigurado sa lahat ng mga galaw kaysa mag-alinlangan sa mismong operasyon.
Sumandal ako sa upuan habang binabaybay ang kabuuan ng lugar. Kumunot ang aking noo nang manatili ang mga mata ko sa babaeng nasa itaas, sa may bahagi ng teresa. I don't know why but I was suddenly caught with her own beauty.
Long jet-brown hair with mermaid curls on the end, plump lips, high cheekbones... that is all it takes to know that behind that mask, lies a renowned goddess.
Naningkit ang aking mga mata nang sumulpot sa utak ko ang maamong mukha ni Ella. Soulful eyes, cute and pointed nose, rosy cheeks. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay sumusulpot siya sa utak ko.
Ipinilig ko ang utak ko. Imposible. Imposibleng magpunta siya dito dahil nandoon lang naman siya sa kwarto niya. I rolled my tongue on my lips as I observed her whole being. Despite having the mask, masasabi kong sopistikada ang babaeng nasa teresa.
Lumipat ang paningin ko sa unahan nang may magsalita doon. Finally! It's been almost thirty minutes bago mag-umpisa ang mismong event. Napailing na lamang ako. Filipino time, it is, indeed.
"Hello everyone, I am Lucresia De Salvo. I am the ambassador of this movement. I would like to extend my deepest and warmest greetings to all of you. I can't explain how happy and honored I am to have you here as my guests. Although, I know that some of you only came for drinks and the auction..." Natawa ang babae. "I still would like to send to all of you my appreciation for lending your time in this event. To formally start the charity ball, I would like to call on Ms. Bea Angeles to discuss what our movement is all about. Thank you everyone." Masigabong palakpakan ang sumalubong sa babaeng kanina ay nasa podium nang bumaba ito mula doon.
Sumandal ako sa aking upuan at pumikit. I never really liked attending such formal events. Madami rin kasing satsat at kung anu-ano pang pagpapalabok. I massaged my forehead as my head started to ache.
"Hindi naman siguro ako boring magsalita para ma-stress ka diyan, hindi ba?" Kumunot ang aking noo pagkatapos ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. I chuckled as I see the woman's raised eyebrow. Wala na ang maskarang kanina'y nakasuot sa maganda niyang mukha.
Lucresia De Salvo is one of my college friends. Kasa-kasama ko siya pati na ang asawa niya noong naga-aral pa lamang ako. Hindi lamang halata pero may dalawa na siyang anak. Kilala niya rin si Erin. Nandoon din siya noong ipinalibing ko ang yumao kong asawa. Isa pa ay kaibigan din siya ni Erin noon dahil naipakilala ko ang yumao kong asawa sa mga kaibigan ko bago kami tuluyang ikasal.
"Hindi naman. Alam mo naman that formal events are not my cup of tea," I spoke. Kinuha ko ang wine glass na inabot ng waiter kanina. Inamoy ko muna iyon para makasiguradong walang kahit anong naihalo doon. I sipped the wine from my cup and then I put it back on my table.
Nakangiting umiling ang babae. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Killjoy ka pa rin."
I shrugged, not minding what Lucresia has said. Sanay na akong kinakantiyawan ako ng ganyan kahit noong nag-aaral pa lamang ako. Wala rin ako masiyadong pinagkakaabalahang gawin maliban sa mafia at sa trabaho ko noon.
Nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin ni Lucresia. Sa klase kasi ng ugali ni Lucresia, hindi mo rin maiiwasan na kausapin at makakwentuhan mo siya.
Hindi ko namalayan ang oras. Ganoon na pala iyon kabilis na lumipas. Noon ko lamang napagtanto na matagal na pala kaming nagu-usap nang magsalita ang babae sa harapan.
"Alam kong iilan sa inyo ay dumating lang dito para makasayaw ng mga magaganda at nagga-gwawapuhang lalaki." The spokesperson chuckled at her own joke na sinabayan din ng karamihan. "The dance floor is now open for some groove and rhythm. Maestro, music!"
I sighed. Sumandal akong muli sa upuan at pinakiramdaman ang lambot ng inuupuan ko. I can't wait to go home and finish this mission right away. Para akong mahihilo sa tugtugan dito, e.
"Boss, hindi mo ba isasayaw si Ma'am Lucresia? Pwedeng ako na lang ang makipagsayaw?" malokong tanong ni Jasper, isa sa mga tauhan ko na inassign ko sa grupo na kasama ako.
"Oo nga boss! O kaya ako na lang sasayaw sa kanya. Magaling kaya ako sumayaw dati," pagmamayabang naman ni Boston sa akin.
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Boston. Kahit ako ay hindi mapigilang mapatawa dahil sa sinabi niya. Ni hindi ko nga maimagine na sa laki ng katawan niya ay marunong siyang sumayaw. Brusko kasi si Boston kung kaya halos lahat sa grupo ko ay nai-intimidate sa kanya.
"Tumigil na nga kayo. May asawa na 'yan. Ako na lang ang sasayaw para hindi na kayo magloko pa," saway ko sa kanila.
Sabay-sabay naman silang naghiyawan. Ang iba ay tinukso pa ako. Napailing na lamang ako at inaya si Lucresia bago pa sila magkagulo.
"Parang kailan lang magkasingtangkad pa tayo, ngayon, hanggang balikat mo na lang ako," nakalabing saad ni Lucresia. I smirked. Pinatong niya ang baba niya sa aking balikat habang patuloy ko pa rin siyang isinasayaw.
Hindi ako nagsalita. Simula pa noon ay hindi naman ako mahilig magsalita. Ewan ko. Madalas ay nakikinig lamang ako sa mga hinaing ng mga kaibigan ko. I'm more of a listener than a speaker.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang babae sa taas. Naglalakad siya patungo kay Ashton, isa sa mga tauhan ko sa mafia. Naningkit ang aking mga mata nang makita kong kinausap ng babaeng iyon ang lalaki. Maya-maya pa ay nakita ko na silang dalawa sa dancefloor. Hindi ko mapigilan ang inis na nagsisimulang lumukob sa aking sistema.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita habang nakikita silang dalawa na nag-uusap at nagbubulungan habang nasa loob sila ng dancefloor.
"Sinong tinitingnan mo? Patingin din ako!" Boses ni Lucresia ang gumambala sa pagtitig ko sa kanilang dalawa. Mabilis ang kilos ko at hinapit ko siya papalapit sa akin para hindi niya makita ang tinitingnan ko.
"Hoy, 'wag masiyadong malapit. Baka mamaya ma-issue tayo. Magselos pa ang hubby ko." Napangiwi ako nang marinig ko ang bahagyang paglambing ng boses ni Lucresia nang sabihin niya ang salitang "hubby." Too much sugar, tsk.
"Sir, may problema po tayo. Pumunta po kayo dito..." Agad na naagaw ng pansin ko ang boses na nagmumula sa earpiece na kasalukuyang nasa tainga ko.
"Go back to the table. I will accompany you," matigas kong pahayag kay Lucresia. Nag-aalala siyang tumingin sa akin. Nang marinig niya ang seryosong tono ng boses ko ay hindi na siya nag-atubili pa. Tumalima na kaagad siya sa aking utos.
Hinatid ko si Lucresia pabalik sa mesa namin. "Diyan ka lang at 'wag kang aalis." Mahigpit kong bilin sa kanya. Tumango ang huli. Mabilis akong umalis paalis sa lamesa at nagtungo sa lugar na sinabi sa akin ng aking tauhan.
"Paanong wala?! Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na hanapin niyo na kaagad?" mariin kong saad. Nagtitimpi lamang ako habang nakatayo ako sa harapan nila. Hindi sapat ang salita para mailarawan ang galit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.
Ilang linggo, araw at buwan ang iginugol namin para lamang pag-aralang ang blueprint ng hotel. Pero sa isang saglit ay bigla na lamang nawala ang lahat ng plano dahil hindi man lang namin malaman kung saan itinatago ang Mermaid’s Curse na isasama sa auction ngayong gabi.
"E... S-Sir...hinanap na po namin sa lahat ng possible places na sinabi niyo, p-pero wala pa rin po e..." na sabi ni Landon. Dapat lang talaga siyang matakot dahil alam niya up to what extent my anger can go up to.
"I don't care kung wala sa lugar na sinabi ko ang puntahan niyo, basta kailangan niyong hanapin 'yon before the auction. Kailangan mapasaatin 'yon before anyone got the chance to lay their hands to that thing first," pagbibigay-diin ko.
"Ito ba ang hinahanap niyo?" Mabilis akong tumingin sa pinanggalingan ng boses. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang babaeng kanina'y tinititigan ko habang nagsasayaw kami ni Lucresia. Medyo pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko mapangalanan kung saan ko iyon narinig dahil nage-echo ang boses niya sa kabuuan ng bodega.
"Ibigay mo 'yan sa amin," maawtoridad kong utos. The woman smirked. Hindi ko man makita ang kabuuan ng mukha niya ay nakita ko naman ang ngisi na naguumpisang umusbong sa labi niya.
"At bakit ko naman gagawin iyon?" I can see her raised eyebrows beneath her mask.
"You won't like what I will do to you," banta ko.
Hindi siya sumagot. Instead, she licked her lips and smirked. Hindi ko alam kung anong tunatakbo sa utak niya ngayong hawak niya ang alas na hinahanap ng grupo namin.
"Dapa!" malakas kong sigaw nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbuga ng bala mula sa baril. Hindi ko alam kung nasaan ang bumabaril sapagkat patay ang ilaw sa loob at and mumunting ilaw sa hallway lamang ang naging daan para makita ko ang loob ng bodega.
"Group A, B, C, D, gather around the location. Open your tracking device and locate me. Kill the intruders."
"Roger, sir," sabay-sabay nilang tugon. Hinintay ko lamang ang mga back-up na dumating sa loob. Mabilis akong lumapit sa babae at hinapit siya papalapit sa akin. Natunugan niya naman iyon kaya mabilis niya akong tinadyakan sa aking tiyan. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang lakas na nagmumula sa kanyang binti.
I tried to throw punches towards her pero mabilis niya iyong naiiwasan kung kaya nama'y ako lamang ang napapagod sa aking ginagawa.
"Ano, pagod ka na ba?" I can hear her taunting voice. Siguro ay narinig niya ang mabibigat kong paghinga sa loob ng lugar. Agad na naningkit ang aking mga mata. Mabilis kong hinapit ang baywang niya papalapit sa akin at ipinagbuklod ang kanan at kaliwa niyang kamay pagkatapos ay inilagay ko iyon sa likod niya para di siya magpumiglas.
Nang maramdaman ko ang tuhod niya papalapit sa akin ay mabilis kong tinulak pahiga ang babae para hindi siya makawala sa aking pagkakahawak.
Ngumisi ako at inilapit ang aking bibig sa tainga niya. "You will never win against me, Ms. whoever-you-are."
"Oh, believe me, I can." Napangiwi ako nang maramdaman ko ang mabilis na pag-atake ng tuhod niya sa akin. Agaran akong lumayo. I nursed my manhood as the pain started to strike within my system.
"Goddammit, woman!" asik ko. Hindi ko man siya makita ay sapat na ang tanglaw mula sa labas upang masilayan ko ang bawat galaw niya.
"Tingin mo pa rin ba, hindi kita matatalo? You know nothing," mapangutyang tugon ng babae.
Sasagot na sana ako kung hindi lamang bumukas ang ilaw sa buong lugar. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang may lalaking nakamaskara sa hamba ng pintuan.
Hindi mapigilang manlaki ng aking mga mata nang bigla akong itulak ng babae sa harapan ko. Hinarang niya ang kanyang sarili. Sa halip na ako ang matamaan ng bala ay ipinangsangga niya ang kanyang katawan upang hindi ako ang mabaril. Pinaputukan niya rin ang lalaking bumaril sa kanya.
Napaawang ang aking labi nang biglang bumagsak ang babae. Kita ko ang pagngiwi niya habang iniinda ang sugat niya sa kanyang dibdib. Kumalat ang dugo mula sa kanyang sugat at halos sakupin na noon ang kanyang pang-itaas na damit.
Hindi iyon halata sa unang tingin sapagkat pula rin iyon, pero patuloy na dumaloy ang dugo hanggang sa makita ko iyon sa kanang butas ng suot niyang dress. Tinamaan siya sa dibdib at sobrang dami na ng dugong lumalabas mula roon. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagkalas ng kanyang maskara.
Nanginginig ang aking mga labi at hindi matigil ang malakas na paghampas ng puso ko sa aking dibdib nang masilayan ko ang mukha ng babaeng nagligtas sa akin.
"Ella..."