Chapter 20

Chapter 20

Black

"O, isa pa." Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Em habang iniuumang niya sa bibig ko ang kutsara na may lamang lugaw. Niluto niya pa iyon dahil wala sa menu ng cafeteria ang kahit anong pagkain na may sabaw.

"Bakit naman parang napilitan ka atang magpakain sa akin diyan?" nakanguso kong tanong sa kanya.

The beeping sounds of the machine can be heard inside the room. Nasa clinic kami ngayon. Nandito na ako magmula pa noong gabi. Wala ako sa ordinaryong clinic ni Em. Kagabi ay ibinukod niya ako sa isang mas magandang kwarto para mas matututukan ako ng mabuti. Hindi naman pwedeng dalhin ako sa ospital dahil baka tanungin ako ng kung anu-ano doon. Ayaw ko namang mapahamak ang kahit sino sa mafia dahil parte na rin sila ng buhay ko.

Originally ay clinic lang ang madalas gamitin dahil puro gasgas lang naman kadalasan ang nakukuha ng mga tauhan. But since nagbida-bida ako at nabaril ay doon ako sa ER dinala pagkatapos ay inilipat ako sa ICU at binigyan ng mas malaking kwarto para mas matutukan ako ng maayos.

"Talaga! Talagang napipilitan ako! Paano ba naman 'tong sinusubuan ko, ang tigas tigas ng ulo!" Naniningkit na ang mata ni Em habang nakatitig sa akin. She looked both like a tigress and a cat while glaring at me. Napangiwi ako.

"Sinong matigas ang ulo? Ako? Hala. Ang bait ko kaya," painosente kong sabi. Sumandal ako sa kama na hinihigaan ako, feeling the softness of the bed that I am currently in. Kanina ay in-adjust ito ni Em para makakakain ako ng maayos.

"Hay naku, Ella! Pakiramdam ko tatanda ako ng maaga habang kasama ka. Siraulo kang babae ka. Ano ba kasing natripan mo at nakipaglaro ka na naman kay Damon kagabi?" Em looked so frustrated. Parang gusto niya na nga akong hampasin ng mangkok kung wala lang akong sugat, e.

Last night was probably one of the most adventurous and dangerous acts that I have ever done. Hindi ko nga rin alam kung bakit imbis na ibigay ko na lang ng diretso kay Damon ang piyesa ay mas pinili ko pang asarin siya at pikunin. Ayan tuloy at nagkainjury pa ako.

Napahagikhik ako, ngunit maya-maya ay bigla rin akong napangiwi. The wound at my chest still stings. Kunsabagay kasi ay isang araw pa lang naman ang nakalipas magmula ng nasugatan ako.

"Na-boringan kasi ako. Kaya yun. Tsaka, look! Buhay pa naman ako, e. Chill ka lang, Em." Kumindat pa ako kay Em. She glared at me in return. Maya-maya pa ay napabuntonghininga na lang siya.

Nilagay niya ang lugaw sa bedside table pagkatapos ay napasabunot siya sa kanyang sarili. Napapangiti na lamang ako nang parang walang lakas siyang napaubob sa tabi ko.

"Chill-chill ka diyan. Siraulo ka. Akala ko mamamatay ka ng hayop ka." Napaawang ang aking labi nang mag-taas baba ang balikat niya.

"Em! Huy! Umiiyak ka ba?" Niyugyog ko ang balikat niyang nakadantay malapit sa kanang kamay ko.

Bahagya akong napangiwi sa gulat habang hinahawakan ang sugat sa aking dibdib nang tumunghay siya at tumitig sa akin. Kalat ang luha sa kanyang mukha at namumula ang kanyang mga mata.

"Oo! Gaga ka kasi! Bakit mo pa kasi niligtas yung siraulong 'yon! Hindi ka niya deserve. Dapat siya na lang yung nandito, e! Or better yet dapat namatay na lang 'yong demonyong 'yon e." Napalabi pa siya pagkatapos. Pilit akong ngumiti.

Kumunot ang noo ko pagkatapos. "Okay na nga, Em. Okay na ko. Yun naman ang mahalaga, 'di ba?" I smiled. "Ay, siya nga pala. Dumalaw na ba si Damon dito?" Parang balewalang sabi ko habang pinaglalaruan ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Pero sa katunayan, hindi maawat ang paghampas ng puso ko mula sa aking dibdib sa isipang iyon.

I know that he is probably mad at me but umaasa pa rin ako. Kahit na alam kong malabo. Kahit na alam kong imposible. Umaasa pa rin ako na may pakialam siya sa akin. Siguro ganoon talaga ang tao. Kahit alam nilang malayong mangyari ang gusto nila, hindi pa rin nila maiwasang umasa. Because it's in human's nature to expect something even though it is far from reality.

Em sighed. Hindi siya nagsalita. And I know that it's probably a nonverbal answer for my question. Ayaw na siguro pang dagdagan ni Em ng asin ang nakabuka kong sugat. Pilit na lamang akong ngumiti habang tahimik na binabaybay ng tingin ang tanawin sa labas mula sa bintana ng clinic kung nasaan ako.

"Sabagay. Sino ba naman ako para dalawin ni Damon? E ang laki nga ng atraso ko sa kanya, e. Ano pa bang aasahin ko?" Acid was dripping with my voice as I speak. Masakit pala talaga kapag hindi nami-meet ang expectations mo.

"Anong drama 'yan?" I frozed. Agad akong napalingon mula sa pagkakatingin ko sa bintana. Una kong tinitigan si Em na hindi rin makapaniwala. Pagkatapos ay siya naman ang tinitigan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang kabuuan niya. Bahagyang napaawang ang aking bibig habang nakatitig sa kanya.

He was standing so magnificently God-looking at the doorway. With his mysterious and smoldering grey eyes, his arrogant nose and attractive lips, he is truly considered as an epitome of a perfect human being.

Hayop na 'yan. Kailan ba 'to papangit?

"Em, let me. Asikasuhin mo na muna ang iba pang pasyente," saad niya na para bang normal na bagay lamang iyon. Nakanganga pa rin ako habang nakatitig sa kanya. He started to walk towards me, and as he does so, the loud beating of my heart started to increase. Si Em ay bahagyang napalunok bago nagsalita.

"S-Sige..." Dahan-dahang umalis si Em mula sa pagkakaupo niya. Nakanganga rin siya habang naglalakad ng paatras patungo sa labas ng kwarto.

Sinitsitan ko si Em at tiningnan sa mata habang sinusubukang iparating sa kanya ang gusto kong sabihin. Hoy! Huwag mo kong iwan! Baka bugahan ako nito ng apoy!

Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Em pero nginitian niya ako, halatang peke iyon at tila ba nagsasabing “Bahala ka na diyan, malaki ka na.”

Walangya.

Napabalik ang tingin ko kay Damon pero hindi ko kinaya ang mga titig niya kung kaya naman ay iniwas ko ang aking tingin. I avoided looking at Damon's eyes at any cost. "What are you doing here?" I asked him, looking anywhere but his eyes. Para bang kalmado lang ang pagkakasabi ko, pero sa totoo lang ay hindi na maawat ang malakas na paghampas ng puso ko.

Kung sakit lang ang mabilis na pagtibok ng puso, malamang double dead na ako.

Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay iniumang niya ang kutsarang may laman ng lugaw sa aking bibig. Hindi ko binuka ang bibig ko. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, hinahanap ang kahit anong bagay na makapagsasabi sa akin kung anong nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"If you're doing this because someone forced you to do so, please leave..." mariin kong sabi. Ang traydor kong puso ay pinapagalitan ako dahil sa pagpapa-alis ko sa kanya. But my rational part was agreeing with me. Mabuti na lang dahil baka naging reyna na ko ng karupukan. Ang gulo ko rin talaga. Kanina ay hinahanap ko siya, pero ngayong nandito na siya ay pinagtatabuyan ko naman.

Tinitigan ako ni Damon. Ang mga malalalim at misteryoso niyang mata ay nananatili ang titig sa akin. It was as if staring at me was his usual thing, not knowing that he's messing up with my senses whenever he does that thing.

"Why did you leave the headquarters yesterday?" He glared at me. Binaba niya ang kutsarang may laman ng lugaw. Napaiwas ako kaagad ng tingin.

Paktay, eto na nga. It’s ihawan time.

"I'm not your pet, Damon."

"I already told you to stay here, didn't I? But what did you do? You went to the ball and messed up with the whole plan! You messed my own whole plan! Damn it!" frustrated niyang sigaw. Malakas ang boses niya. Ipupusta ko ang lahat, marahil ay rinig na ang boses niya sa kabuuan ng kwarto. Pati siguro sa clinic na kalapit lang nito ay rinig din marahil iyon. Good thing, I was isolated from all patients. Em specifically placed me far from all the mafia's members.

"So?" Nakataas ang kilay ko habang sinasabi iyon. "Buti nga hindi ikaw ang nandito sa pwesto ko, e. You got scammed, Damon. The blueprint that you’ve acquired is not reliable. Those places that you have marked as potential places for the item is not really the places that you’ve been eyeing for. Kung hindi pa ako pumunta, hindi mo pa mahahanap ang hinahanap mo. Mafia boss ka ba talaga?" bulyaw ko sa kanya. Napangiwi ako nang gumuhit ang sakit sa aking dibdib. Damn it. I hate gunshot wounds to the hell and the back.

Kumunot ang noo niya. Tinitigan niya ako nang makita niya ang aking pagngiwi. It was as if he wanted to say something to me but he's holding it back. "In the first place, kung hindi ka naman talaga pumunta doon ay makukuha na namin iyon. At kung una pa lang, hindi ka na nagpasaway, malamang wala ka na diyan!" he answered me with the same ferocity.

Napalunok ako. Ano pa bang aasahan ko? Si Damon yung tipo ng tao na tinulungan mo na, pero mas gugustuhin niya pang punain yung kamalian mo kaysa sa mabuting bagay na ginawa mo. And when he is firm with his own opinion, he will never back down. In short, sarado na ang isip niya kahit alam niyang mali naman siya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis kong binaba ang kama ko sa orihinal nitong pagkakaayos. Nagtalukbong ako ng kumot at tumagilid para hindi niya makita ang luhang nagbabadya ng tumulo sa mga mata ko.

Ang sakit ng puso ko. Hindi ko na alam kung paano ko mapapaamo si Damon sa nangyari kahapon. Alam ko namang hindi lang kahapon ang issue niya. It's more than that. Hindi ko na alam kung paano siya magiging masayang muli at kung paano mawawala ang galit sa puso niya. Mas gugustuhin niya bang mawala na lang ako? Mas magiging masaya ba siya kung ganoon ang mangyari?

"Kung nandito ka lang para sermunan ako, please huwag na lang muna ngayon. Masakit pa ang sugat ko. I don't think I can handle the stress more than I've handled for the whole year that I've been with you..." Nagpapasalamat ako sa lahat ng santo na hindi ako nautal at hindi nagputol-putol ang boses ko.

All the time that I've been with Damon, I've always willed myself to be brave and strong whatever happens. Sa nakalipas na isang taon, hinayaan ko ang sarili kong magpanggap na matapang dahil kailangan kong gawin iyon.

But I just can't... sa ganitong pagkakataon, hindi ko kayang magpanggap. I've thrown myself at the bullet for him to be saved but what do I get in return? In exchange of all my sacrifices just so he could be alive, ganito lang ang makukuha ko?

Mapait akong napangiti. Sabagay, what more do I expect from someone who hates me to the bones? Love? Ha. Baka magkajowa na si Em at galit-galitan pa rin iyang si Damon, panigurado.

"How dare you say that? Para bang ikaw ang nakakaawa habang kasama kita ng isang taon. In the first place, kung hindi mo naman pinatay si Erin, hindi ka naman magsa-suffer ng ganito! Kung hindi mo siya pinatay, magkasama pa rin sana kami!" Kumulo ang dugo ko. Sa isang tulak ay naipataas ko ang aking kama at pinanlinsikan ko siya ng tingin.

"Oo, tangina! Tangina, oo pinatay ko si Erin! But must you make me suffer up to this extent? For God's sake, Damon! I threw myself completely to a bullet for you! Para mabuhay ka! Kasi tangina mahal kita! Kasi tangina gusto ko pang mabuhay ka! Pero parang kasalanan ko na naman na niligtas kita! Imbis na simpleng thank you na lang sana ang sinabi mo, ang dami mo pang sinabi! May kasalanan ako, oo! Pinatay ko si Erin, oo! But I have my reasons. Mga dahilan na ayaw mong pakinggan dahil sarado 'yang utak mo." Humahagulhol kong sabi.

Nanginginig na ako sa sobrang kakaiyak. Ayaw ko siyang tingnan sa mga mata. Ayaw ko. I'm afraid that if I do so, I might find myself breaking down because of too much pain. Para bang nanunuot sa aking kalamnan ang sakit habang tinitingnan ang lalaking matagal ko ng mahal pero puro galit lang naman ang nadarama sa akin.

Here in front of me is the only man that I've truly loved with all my heart... in my whole life. I've dedicated and offered myself to him. All my life, inisip ko na habang buhay ko siyang mamahalin kahit na hindi niya ako mahalin. Pero masakit din pala... na hindi mo makamit yung nag-iisang bagay na ginusto mo... na malapit sayo ang bagay na pinakahahangad mo... Malapit. Itinadhanang makita mo pero hindi itinadhanang maging sayo.

Inihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Kinalma ko ang aking sarili bago ako muling nagsalita. Desperada na akong maliwanagan siya. "Please let Ate Erin stay in peace. May mga bagay na mas gugustuhin din ni Ate Erin na kalimutan mo na lang. Let’s just leave this inside the vault. Kalimutan mo na si Ate Erin. Patay na siya, Damon. Buksan mo ang puso mo sa ibang tao---"

Halos hindi ako makahinga nang sampalin ako ni Damon. Lumipad ang kabilang pisngi ko sa kabilang bahagi kung saan ako nakaharap. Malakas ang pagkabog ng aking puso. Ang mga luha sa aking mga mata ay patuloy na tumutulo. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Nakanganga lang ako, tila ba hindi makapaniwala sa ginawa ng kaisa-isang lalaking pinag-alayan ko ng buong pagkatao.

"Sa tingin mo ba, ganoon kadali lang makalimot? Oo, patay na si Erin. But you know what? Kahit na magmakaawa ka pa diyang kalimutan ko siya… Kahit magmakaawa ka pa diyang mahalin kita... hindi iyon mangyayari. Alam mo kung bakit?" He leaned in towards me. "Dahil mamamatay-tao ka," he angrily whispered.

Napaawang ang bibig ko. Halos manginig ang aking mga labi dahil sa patuloy na pagtulo ng mga luha ko. Poot at galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Sumasakit ang ulo ko sa kirot at hapdi na nararamdaman ko sa mga oras na 'yon.

"I only did that to save you... I killed her to save you..." naiiyak kong sabi. Halos hindi na ako makahinga kakaiyak. I struggled to keep my breath steady. Kumikirot ang aking dibdib habang tinitingnan siya.

Kumunot ang noo ni Damon. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at hinarap ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin? What did you mean by that, Ella? I swear, if this is one of your crazy schemes, I will definitely strangle you to death!" Asik niya.

"I-I..." nauutal kong sabi. Halos manlaki ang aking mga mata nang humapdi ang sugat ko. Ibinaba ko ang aking tingin sa hospital gown na suot ko. Nanginginig ako habang nakikita ko ang pagsakop ng dugo sa aking damit. Kasabay niyon ay ang mabilis na tunog ng makinang nakakabit sa aking kamay. Hinawakan ko ang aking damit. Nang matitigan ko ang aking kamay ay ganoon na lamang ang pamumutla ko nang mapuno iyon ng dugo.

Sa kabila ng panghihina ay nagawa ko pang lingunin at kausapin si Damon. "Are you happy that I'm in pain now? Because I hope that you are... sana... sana sapat na 'tong kabayaran para sa lahat ng kasalanan ko," I weakly said with a bitter smile.

Nakaawang ang mga labi ni Damon habang nakatitig sa akin. Halos pukpukin ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit. Hindi ko na rin halos kaya pa ang huminga ng maayos dahil sa sakit ng aking sugat at panghihina. Ramdam ko ang lamig ng kapaligiran. Kahit na pilitin kong ibalik ang kamalayan ko ay tila ba traydor ang aking katawan.

The last thing that I've heard are footsteps rushing back and forth, shouting voices...

And a flatline.

And then everything went black.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.