Special Chapter #2
“I’m setting Dr. Martin up on a blind date,” Ella casually told me as she devours the watermelon. Basta-basta na lang niyang dinudura ang buto nito na para bang walang tao sa paligid niya. Napangiwi pa ako nang mapunta sa pisngi ko ang isa.
“Ella ang kadugyutan ha! Ilugar ‘yan. Gets ko namang excited ka na nauto mo si Dr. Martin sa blind d--- wait, ano?!” Halos mahagis ko na ang French fries na hawak ko kung hindi ko lang naalala na cheese flavor iyon at bagong luto pa. Napalunok ako habang nakatitig sa kaibigan ko. Ang gaga ay patuloy lang na kumakain na para bang wala siyang binagsak na bomba.
“Hoy, buntis! Totoo? May blind date si Doc?” Parang gusto kong manabunot bigla ng buntis na kaibigan. Ang ganda pa talaga ng upo niya, akala mo nasa beach habang kumakain ng pakwan. Kaibigan ko ba talaga ‘to?
Nakakunot ang noo ni Ella habang nakatingin sa akin. “Oo. Mukha ba akong nagjojoke?”
Sana nga joke na lang. Mukhang mauudlot ang love life ko ng bongga.
“W-Wait,” nauutal kong sabi. “Paano ‘yon? Baka may operation pa ‘yon na nakaschedule mamaya o kaya baka ayaw ng girlfriend… o kaya naman baka busy!” natataranta kong usal.
This can’t be. Baka may makauna pa sa doctor ko!
“Well,” she trailed as if she was remembering something. “Sabi ni Doc, free siya mamaya… wala siyang girlfriend at no scheduled operations. At isa pa, pumayag siya na i-set up ko siya sa blind date dahil hindi raw siya makatanggi sa buntis. Well, what can I say?” Ella shrugged and smirked as if she’s proud of what she did. “Wala talagang makakatanggi sa beauty ng friend mo, e.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Kung pwede lang talagang mambatok ng preggy friend, ako na siguro ang gumawa at baka dinamba ko pa.
“Ilusyunadang ‘to.” Inirapan ko si Ella. “Wala man lang bang sinabi si Doc like baka may magalit ganon? Balita ko may ka-MU na raw ‘yon e.” Kunwari ko pang tiningnan ang kuko ko kahit kakagupit ko lang naman niyon kanina.
Ella hummed. Inayos niya ang upo niya at saka biglang napangiwi. “Friend, sumasakit na likod ko. Exit muna ang napakaganda mong kaibigan. Ciao!” Mabilis na tumayo sa Ella at dumura pa muli bago naglakad na parang penguin. Tsaka ko lang napansin na papalapit na rin pala si Damon sa kanya kaya tumayo ang gaga.
Nagyakapan pa sila, parehas na nakangiti pagkatapos ay umalis na sa cafeteria.
Parang nagusot ang mukha ko sa nakita. “Sana all na lang,” nakanguso kong sabi.
Nang maalala ko ang sinabi ni Ella kanina ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nagtext sa numero niya.
Me:
Hoy, malandi. Anong blind date? Nasaan ang loyalty kuno mo?
Kinagat ko ang aking labi habang naghihintay ng sagot niya. Ilang minuto pa’y tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon nang makita ko ang pangalan niya.
“Hello,” his voice was smooth, and it was as if he’s whispering right into my ear. Para bang kasama ko lang siya at nakadantay lamang ang bibig niya sa aking tainga. “Aren’t you scheduled for a duty today?” I can almost imagine him smirking while saying that.
“Huwag mong baguhin ang usapan, baka bigla na lang may lumipad na injection sa mukha mo,” banta ko, pero imbis na matakot ay tinawanan niya lang iyon.
“I’m not, just saying. Baka lang kasi makalimutan mo dahil masyado kang natutuwa kakakain sa cafeteria. Ikaw na ata ang umuubos ng pagkain diyan, e,” pang-aasar niya.
“Aba’t---” I yelled. “Bawal magsalita ang mga malalandi! Che!”
Napahalakhak siya sa kabilang linya. Rinig ko ang boses niya na tila ba humahalina sa aking tainga. “I’m not. I’m taking my chances, Em. I’ve been waiting for so long. Since Ella’s now settled with her husband, I figured I should settle with someone too. Pwede ka namang mag-volunteer kung gusto mo. Ikaw lang naman, e…” pang-aasar ng gago.
Agad namang namula ang mukha ko. Martin and I were ex-lovers. He was my ex during college days. I personally think Ella doesn’t remember it anymore since I’m not the type to kiss and tell. Si Ella lang naman ang ganoon dahil sobrang expressive niyang tao. Mas gusto ko kasing sarilinin na lang lahat kaysa sabihin sa iba, not that I don’t trust Ella or anything.
We broke up right after Ella was caught in the strife between Damon and her. That was the time when Erin died. I figured I’d have to leave everything behind and go with my best friend or else, she’ll truly lose her mind. Naisip ko kasi na mas magandang may karamay siya para hindi niya maramdaman na mag-isa siya, kahit na ba talikuran ko ang lahat. For me, it will always be Ella over everything.
That’s why I broke up with Martin. But unexpectedly, he also insisted on following me! Ella didn’t know about him because I only told her that I had a relationship with someone named “M.” Sa sobrang slow ng babaeng iyon, malabong magets niya ang sinabi ko unless sabihin ko mismo na si Martin iyon.
Still, I chose to ignore him. I told him bluntly that I don’t plan to continue our relationship not until my friend is happy. He knew she was my family because I always talk about her to him. Sinabihan ko siya na kapag sinundan niya ako, magpapanggap lang ako na hindi ko siya kilala kahit anong gawin niya. It was selfish, I know. But I don’t want to drown in happiness while my friend is dying in pain. I’d rather just be with her in her dark times rather than leave her suffering alone.
I was certain he’d turn his back on me and walk another road, but he did something unexpected. He told me he’d agree but in one condition.
I’ll marry him right after Ella’s settled in.
I refused. I told him it’s not appropriate because we won’t be talking during that time and marrying right after that will only guarantee as failure. I thought he’d back down right after that, but then he included another condition.
“If we still both love each other during that time at kapag ikaw mismo ang nagsabi na gusto mo pa ring magkaroon ng tayo, then there’s no turning back. You’ll bear my name, sweetie.”
I was naïve and so I agreed. I thought he won’t be able to last any longer in the mafia business anyway. Hindi ko siya pinapansin at ganoon din siya. Madalas lang kaming mag-usap tungkol sa medisina at kahit noong na-coma si Ella ay puro trabaho lang kami.
I thought my feelings would be gone by the time that Ella’s settled in. Akala ko noon ay mabilis din iyong mawawala dahil mabilis ko rin namang naisipang tapusin ang relasyon namin the moment na nangyari ang kay Ate Erin.
But boy, I was wrong.
I still remember that time when we managed to keep Ella alive. My face was full of tears, and I even hid at the backdoor of the clinic just so I won’t let anyone know that I’m also suffering. But he managed to find me.
He comforted me and told me, “Sorry for breaking our promise. I figured you’d be sad seeing Ella like that. No one’s here. You can cry in my arms.”
I broke down that time. He enveloped me in a warm embrace and reassured me that everything’s gonna be alright… that this is just the beginning of the road towards my soul sister’s happiness.
I realized during that time… that even though he and I didn’t talk that much during that year, he still knows me the best next to Ella. Kahit na hindi kami nagsasabihan ng sikreto ay alam niya pa rin iyon.
I love him, I still do.
But I don’t like to tie him down with my selfish requests anymore. Pakiramdam ko ay masyado akong madamot para kunin pa siya ngayon. Naghintay siya sa akin pero ang dami ko pa ring pagdududa.
What if he only liked the chase? What if he gets disappointed once we get back together? Paano kung maisip niyang “Eto lang pala ang hinintay ko?” once na magkabalikan kami?
Alam kong sinabihan ko si Ella na harapin lahat ng takot niya pero kapag pala nasa ganitong sitwasyon ka na ay hindi mo na rin maiiwasan pang bahagan ng buntot.
“Alam mo ikaw, anong sabi mo last year? Maghihintay? Pwe!” Bumubuka-buka pa ang bibig ko pero tila ba nagtatago ang mga salitang gusto kong sabihin. “Argh!” I groaned in frustration. “Whatever. Pumunta ka sa blind date kung gusto mo. Ganyan naman kayong mga lalaki!” Bago pa siya magsalita ay pinatay ko na ang tawag.
Magkasalubong ang kilay ko habang naglalakad papunta sa clinic. Mabilis ang mga hakbang ko. Tuloy-tuloy ang lakad ko ngunit bigla rin akong natigil nang makita ko si Martin na may kausap na babae. Napakunot ang noo ko nang makitang tila ba nasisiyahan pa ang bruho habang kausap ito. At ang gaga, lumapit pa at tila may binulong sa kanya na siya namang tinawanan ng huli.
Imbis na magtuloy-tuloy sa paglalakad ay tumalikod ako. Parang gusto kong magalit pero alam kong wala naman akong karapatan. He told me he’d wait but there’s no guarantee na mananatili siyang may gusto sa akin. I can’t just point fingers at him since I was the one who broke off our relationship anyway.
I just wish for his own happiness even if it’s not me anymore.
---
Doc Pokpok:
Are you sure you won’t regret not coming to my blind date? Sige ka, ikaw rin. Baka agawin ako ng iba sayo.
I know I said I want his happiness but I’m a sore loser. I gritted my teeth as I read his message. Halos ibato ko na ang phone ko sa dingding kung di ko lang naalalang mamahalin pala ito. Ilang buwang sweldo rin ito ‘no!
Me:
For your information, marami pa kong lalaki diyan at hindi ka nag-iisa. Don’t worry, just focus on your date. Kapag naging girlfriend mo na yang kadate mo, ako pa mismo ang maga-aya sa iyong makipagdouble date kasama ang jowa ko! Ha!
I sent him that and turned my phone off. Nanggagalaiti ako. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang oras na pala ng blind date ng mokong. Siguro’y masarap ang kain n’on doon habang nakikipaglandian sa babaeng kadate niya. Isipin ko pa lang iyon ay halos kumulo na ang dugo ko.
Mabilis akong dumiretso sa backdoor ng clinic para sana magdissect ng mga palaka na siyang ginagawa ko tuwing badtrip ako. Sinubukan kong pihitin ang doorknob niyon pero napakunot ang noo ko nang mapansing nakakandado iyon. Pati ba naman ang kaisa-isang kasiyahan ko?!
Marahil ay sinaraduhan iyon ni Marga o kaya ng kontrabidang si Doc Pokpok. Nagdadabog akong umalis sa clinic at dumiretso sa pangalawang paborito kong lugar sa loob ng mafia: ang cafeteria.
Halos magsalubong ang kilay ko nang makitang parang ang dilim ng lugar. “Puta, hindi ba nagbabayad ng kuryente si Damon? Gipit ba ang mafia?” I mumbled as I made my way inside. Halos kapain ko na ang paligid para lang makita ang dinadaanan ko. Para bang mas lalong nagusot ang mukha ko nang makitang may lamesa sa gitna ng cafeteria at may mga kandila pa sa ibabaw.
Huwag mo sabihing dito magba-blind date si Martin? Yawa.
Akmang aalis na sana ako nang mapansin kong may papel sa lamesa. Nilapitan ko iyon at napansing pangalan ko pala ang nakalagay. Binuksan ko iyon at binasa.
To Em,
I’m writing this right after we broke up. I hope that by the time that you’re reading this, you’re still in love with me or else I’ll surely be suffering from this heartbreak all my life (no kidding). The moment that you said that you’re breaking up with me was probably scarier than looking for my name on the results for the licensure exam.
You were my haven, and I was hurt as it seems so easy for you to let me go. Pero alam mo kung anong nagtulak sa akin para samahan ka sa daang pinili mo? It was when you told me that you’re breaking it off while you’re ugly crying. I knew right then and there that I’d do anything to make you happy no matter what it takes. I risked everything I had because I know I’ll win. I never bet on anything na hindi ako siguradong mananalo ako.
So, by that time that you’re reading this, I hope it’s still me. I love you, Em. I still do. So, will you…
Mabilis ang tibok ng puso ko habang binabasa ang sulat. Nang makaabot ako sa dulo ay mas lalo ata akong kinabahan dahil sa pamilyar na mga salitang naiwan doon. Sinubukan ko pang hanapin ang kasunod niyon sa likod at harap ng sulat pero wala akong mahanap.
Then just in time, the lights on the floor lit up. Doon ko lamang napansin na nasa red carpet pala ako habang ang lamesa’y nasa gilid nito. Sunod-sunod nagsiilawan ang mga iyon habang naglalakad ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero pinagpatuloy ko lamang ang aking paglalakad.
Hanggang sa makita ko siya sa dulo. He was wearing a white tuxedo suit. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Nang magkaharap kami’y hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Em. Mahal pa rin kita.” His eyes were sparkling. Para bang mga bituin iyon sa langit na hindi nakakasawang titigan.
“It’s been a year since we made that promise and yet, I’m still here. Hinihintay ka pa rin. Pero this time, I won’t hold back.”
Hindi ko mapigilang hampasin siya. “Pinagsasabi mo? Nasaan na yung kadate mo, ha?! Bakit ka nandito?” Halos bulyawan ko na siya. Pero kasabay non ay hindi maawat ang puso ko. Ayaw kong umasa dahil baka masaktan lang ako, pero hindi mapigilan ng puso kong magpakabaliw lalo na’t ganto siya kung umasta.
He chuckled. “Hay naku, Em. Of course, that’s just a joke. Ella already knew about us, so she insisted on giving you a push. Or else, we’ll both be single until we die.” Halos pagtawanan pa ako ng gago na ikinabusangot ko. Hindi naman ako makaalma dahil tama naman talaga siya. Masyado talaga akong nago-overthink kahit hindi masyadong halata.
“E yung babae sa clinic?! Bakit nakikipaglandian ka doon, ha?!” Hindi pa rin ako nagpaawat at nakakunot noo siyang tinanong.
“Well,” Napakamot siya sa kanyang ulo. “That’s Marga. But she’s harmless. I mean, every woman’s harmless you know.”
“What do you mean? Bakla ka?!” I yelled in horror.
Malakas siyang napatawa. “Putek na ‘yan. Utak mo talaga, babae! Hindi, ano ka ba. They know I was in love with you the whole time.”
Para bang tumigil ang mundo ko nang sabihin niya iyon.
Ginulo niya ang buhok niya. “And here I was planning to tell you sweet words… Ikaw talaga, panira ka ng diskarte,” natatawa niyang sabi. “Have you ever wondered why you didn’t see me with any woman all this time? It’s because I always said I’m taken by you,” he smirked.
“What?!” bulalas ko. “Kaya pala ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae palagi! Shuta ka talaga! Sabi ko magpapanggap na hindi kilala pero binakuran mo na pala akong hayop ka!” Sinabunutan ko ang gago na siya namang ikinatawa niya lang.
“Well, I have to do something or else you might really slip away.” He looked serious but his eyes were smiling. “I know you’re afraid right now. Believe me, takot din ako dati. Noong sinabi mo sa akin iyon, I was afraid that your feelings for me might change. I know you have priorities and I’m not really at the top of it back then,” he trailed. “…but I hope it’s the case now. Because I am still hopelessly and devotedly in love with you. No time can ever change that.”
I was ugly crying while he was telling me all his worries and pain. I know I hurt him. Hindi madaling maghintay. Pero heto siya’t sinasabi sa akin na mahal pa rin niya ako sa kabila ng matagal niyang paghihintay hanggang sa siya na ang unahin ko.
“So, I hope this time around…” I gasped when he kneeled and rummaged through his pocket. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Ni hindi ko na nga napansin na nasa gilid na pala ang mga miyembro ng mafia kung hindi ko lamang nakita si Ella sa gilid na umiiyak din habang kumakain ng burger.
“You and I can continue our story. Emerald, will you marry me?” I can see Martin’s eyes glistening with tears. Gusto ko sanang matawa kung hindi lang halos tumulo na ang sipon ko. Ni hindi na nga ako makapagsalita ng ayos. I nodded at him and smiled. “Yes, I will marry you!” Kung normal na araw lang ito ay baka nagtawanan na lang kami ni Ella dahil sa ngongo kong pagsagot pero masyado akong masaya para isipin iyon.
Martin stood up and hugged me. I hugged him back in return and savored his warmth. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang baba ko at hinalikan. It was sweet, the taste of nostalgia hits me. Agad kong hinawakan ang batok niya at hinapit siya papalapit not minding everyone’s cheers and giggles.
We pulled apart and stared right into each other’s eyes.
“Porn!” Rinig kong sigaw ni Ella habang tinatakpan ang mata ni Cassioepea habang si Damon naman ay mata ni Dean ang tinakpan.
“Mom, what’s porn?” Inosenteng tanong ni Cass.
“A-Ah,” nauutal na sabi ni Ella. “Damon, save me!” Halos pasigaw na sabi niya sa kanyang asawa.
Gusto ko sanang matawa kung hindi lang hinapit ni Martin ang baywang ko papalapit sa kanya.
“I want your eyes on me, Mrs. Beckett.”
Halos makiliti ang tainga ko nang ibulong niya iyon. He was staring at me intently as if he’s afraid that I’d escape. I smiled at him and dropped a kiss on his lips.
“You already have my heart and it’ll stay that way. I’m not going anywhere. I love you.” I can his eyes gleaming with pure glee. I hugged him and I knew right then and there that this is my home.
Everyone can wait, but not everyone can make it until the end. The road may be bumpy, but I know for sure it’s worth it. He’s worth it, and I’m more than glad that he thinks I’m worthy of his love.