Ihahatid na siya ni Brad. Kahit hinang-hina, kailangan pa din niyang ipilit ang gusto niya. Hindi nito pwedeng sugurin ang kuya Kurt niya. Dapat niyang pigilan ito.
“Babe, nakikiusap ako na hayaan mo na si kuya Kurt.”
Nagmura ito at tinapunan siya ng galit na tingin bago ibalik ulit ang mga mata sa kalsada.
“Kuya Kurt?! You call that asshole kuya? Tangina! Handa ka ngang ipakasal ng daddy mo sa ulol na yun! Sinong gagong kuya ang turing mo pero handang pakasalan ka?! Tarantado siya! Hindi niya makakalimutan ang gagawin ko sa kanya!” galit na sabi nito.
“Nagbago naman ang isip ng daddy ko babe. Yun lang ang naisip niyang gawin para hindi kami malubog sa kahihiyan kung sakaling buntis ako…babe!” angal niya ng biglang iniliko nito ang kotse sa kanan.
He pulled off. He angrily turned to her.
“Paano kayo malulubog sa kahihiyan? Hindi ba hiningi ko ang kamay mo? I was more than ready to marry you for fuck’s sake! Ikaw itong ayaw! TANGINA!”
He thumped the steering wheel angrily. Napaiyak na siya.
“Can you blame me? After all that you did to me how could you ever think that I will say yes to you? You kept on threatening me! You used force to me! “ sumbat niya in between sobs.
Nagmura na naman ito ng malutong bago hilamusin ang mukha ng kamay.
“Fuck babe! Inaamin ko naman ang mali ko! Pero hindi ba bumawi naman ako sayo? Lahat ba nang nangyari ramdam mo na napilitan ka lang?! Ni minsan wala ni isa na ginusto mo?! Handang-handa naman ako na panagutan ka! Tinanggap ko lahat ng suntok at mura ng daddy mo dahil alam ko may mali ako! Mali nga siguro na masyado akong nabaliw sayo pero ganun ang nararamdaman ko! Hindi tama ang paraan ng pagkuha ko sayo pero yun lang ang alam kong gawin! Ilang beses kong sinabi sa daddy mo na papakasalan kita! Don’t you realize how intense I feel for you?!” gigil na gigil na tanong nito.
Nakagat niya ang ibabang labi. Yumuko siya at pinigilang humikbi. Tagos sa puso ang mga binitawang salita nito.
“Babe..sorry na. Magulo lang naman ang isip ko nun. Tapos na yun. Hindi naman matutuloy..” napapikit siya when he swore.
“Talagang hindi anak ng ..! Akin ka lang! Sa akin ka lang magpapa-kasal! Kahit ano pang sabihin mo ipaparamdam ko sa Kurt na yun ang galit ko! I will show that fucking bastard who I really am!” he said while gnashing his teeth.
Hindi na niya mapigilang hindi umiyak ulit. She is so tired and sore and now this. Hindi nagbibiro si Brad,. Kahit hindi naman niya gustong isiwalat ang totoo, wala na siyang ibang maisip. Napaka-unfair sa anak-anakan ng tito Blake niya.
“Babe.. hindi naman totoo na ipapakasal kami…my dad was just bluffing..” natakip niya ang bibig ng kamay nang hampasin nito ang manibela kasabay ng mura.
“Kailangan pala na ang daddy mo ang kausapin ko.” Tiim bagang na sabi nito.
Parang gusto niyang bawiin ang sinabi pero huli na. Her father can handle her IBBF.
(Brad)
Galit na galit pa din siya kahit ngayong alam na niya ang totoo. It took all the control he has to not show Amara’s father his rage. He just has to remember that he has the upper hand. Mas umaayon sa kanya ang mga pangyayari. Magagamit niya ang ginawa nito para makuha naman niya ang inaasam.
“If you were in my shoes how would you react sir?” malamig na tanong niya sa daddy ni Amara.
Nasa loob silang tatlo ng study nito . Pinili nilang hindi na umupo. Nakatingin ng deretso sa kanya si Nicholas Alcantara habang nakababa naman ang ulo ni Amara. He wanted to tap himself on the back when the older man seems to be at a loss for words. Nakakunot ang noo nito pero nakikipag-labanan ng tingin ito sa kanya.
“Sorry daddy. I didn’t intend to tell him but..” mahinang sabi ni Amara kaya nalipat ang tingin niya dito.
Ang ama naman nito sa kanya pa din nakatingin. Sumulyap sa kanya ang nobya at kung hindi siya galit at kung wala ang ama nito, yayakapin niya ito at aaluin. She looks distressed.
“Don’t say sorry. I understand. I would have done the same. Mas importante sa akin ang kapakanan ng kuya Kurt mo. Salamat at sinabi mo. It shows that you also care for him.”
Nag-init ang mukha niya sa huling sinabi nito. Ibinalik niya ang mga mata dito. His woman’s father is exactly like him. Hindi magpapatalo kahit sa anong sitwasyon. He wanted to get back at him. He will hit him where it hurts most.
“Do you really have to say that sir?” tanong niya na nagtatagis ang bagang.
Naramdaman niya ang paglapit ni Amara sa kanya pero hindi siya tumingin dito. Alam sigurado nito na nagpipigil siyang ilabas ang galit.
“Brad…” tawag nito sa kanya dahilan para ilipat niya dito ang mga mata na naniningkit.
She called him Brad, not babe. Lalong nag-init ang ulo niya. He was about to say something when she touched his arm and went nearer to him.
“Babe, I don’t want to say this but my uncle Blake thought about the whole thing. He wanted to help my daddy. I told my dad that I didn’t want to marry you because as I’ve said to you , I was so confused. And for what’s it’s worth I want to say that it worked didn’t it?I will marry you soon. Yun nga lang nagalit ka nang malaman mo yung tungkol sa pinlano nila daddy. Pasensya ka na babe. Kaya pinipigilan kita na puntahan si kuya Kurt dahil kawawa naman siya. He didn’t even know about the whole thing.” Sabi ni Amara na hindi niya alam na kasinungalingan ang huling sinabi nito.
He released a sigh. Kahit papaano nakahinga siya ng maluwag. Mas mahirap para sa kanya na maalis ang galit sa ama nito kung nagkataon ito ang mastermind. Kailangan na lang niyang intindihin na yun lang ang pinaka-magandang naisip ng mga ito. Tama ang nobya niya, sa huli naman, maganda ang kinalabasan.
“So an apology from me is not needed. Ikaw pa nga ang may utang na loob sa akin.” Walang emosyon na sabing ama ni Amara.
Ibinalik niya ang tingin dito. Hindi siya nagkamali. Siya, ang papa niya at si Nick Alcantara ay parehong-pareho. They are all cunning but strangely, he admires this man. Having him as a father-in-law will be challenging and fun at the same time. He may be very very bad already in some aspects, but he can’t deny the fact that his woman’s father, just like his own father are seasoned bad boys. May matutunan pa din siya sa mga ito lalo na sa paghawak niya sa relasyon nila ni Amara.
“I acknowledge what you did sir. I will thank you for that. Pero ang huling sinabi mo about Amara caring about that man is unacceptable for me. Handa akong ipaglaban ng patayan ang anak niyo sir dahil akin lang siya. Alam kong naiintindihan niyo ako.”
Mas dumikit sa kanya si Amara at naramdaman niya na mas diniinan nito ang kamay sa braso niya. He feels that she finally accepted the fact that whether she likes it or not,this is how he feels and this is the real him.
“D-Daddy….” Tawag naman nito sa ama.
“Let’s leave it at that.” Sabi lang nito pero nabawasan na ang lamig sa boses nito.
That is more than enough for him. Tumango siya dito. His woman’s father may not like what he is about to do and say but he is so desperate. He turned to Amara and held her hand before looking at her father again.
Hawak ang kamay nito, he said, “ I am again asking your daughter’s hand in marriage sir. I hope this time you will say yes.”
(Amara)
Napaawang ang bibig niya. Naitakip niya ang isang kamay dito. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa daddy niya at sa IBBf niya. Biglang humarap sa kanya si Brad.
“I have this with me all the time. I am only waiting for the perfect time…” sabi nito bago may kinuha sa bulsa.
Dinig niyang napamura ang daddy niya at siya naman nanlaki ang mga mata. Brad has a beautiful diamond ring in his hand. He is looking at her with intensity.
“I want to spend my life with you. I give you my word that I will take care of you and our future babies. I love you very much babe. Will you marry me?” he asked in a husky voice before he raised her hand to put the ring around her finger.
Naramdaman na lang niya na tumango siya at sumagot ng mahinang yes.
“NO!” dumagundong na sabi ng daddy niya.
Sabay silang napatingin ni Brad dito. Humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
“It’s too soon! Wait a couple of months..”
Naputol ang sasabihin pa ng daddy niya nang si Brad naman ang nagsalita sa malamig na malamig na boses.
“I can’t wait any longer sir. Your daughter said yes already.” Sabi nito bago isuot sa kanya ang singsing and pulled her for a quick but a firm kiss on the lips.
“I am still the father and I have the last say!” galit na sabi ng daddy niya.
Napalingon ulit siya dito at bumitaw sandali kay Brad. Mabuti naman at hinayaan siya nito.
“Daddy…”
She and Brad were taken by surprise when her dad pulled her away from him. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi nagawang pigilan ito ni Brad.
Ipinwesto siya sa kaliwa nito. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya. Napalunok siya nang makita kung paano halos mag-baga ang mga mata ni Brad sa galit. Nakikipaglabanan ito ng tingin sa daddy niya. A pulse is beating in his left jaw. He is clenching and unclenching his fists on his sides.
“I am sure that I have impregnated her after what I did to her today..”
“DADDY!” sigaw niya ng malakas na sinuntok nito si Brad.
Pumaling sa kanan ang ulo ni Brad pero mabilis na tumingin ulit ito sa daddy niya.
“I am sure that your wife doesn’t know about your and your brother-in-law’s plan sir…”
“NOOOO!” hiyaw ulit niya nang suntukin na naman ng ama si Brad.
“Honey!” dinig nilang tawag ng mama niya na mabilis na tumakbo para awatin ang daddy niya.
Siya naman, lumapit kay Brad at humawak sa braso nito.
Putok ang isang gilid ng labi nito. She gently touched his face.
“Babe…” pabulong na tawag niya dito.
Tiim-bagang na nakatingin lang ito sa daddy niya.
“Bakit mo sinuntok si Brad?!” galit na tanong ng mommy niya sa ama na matalim din na nakatingin sa nobyo niya.
“Tita alam mo ba.…” Brad began to say but her father interrupted what he was about to say.
“Hiningi na naman niya ang kamay ni Amara! Sa ayaw at sa gusto ko kailangang ipakasal na natin sila bago lumobo ang tiyan ng anak mo!” malamig na sabi ng daddy niya.
She gaped in surprise but she felt relieved. At least pumayag na din ito na makasal sila. Napatingin siya sa mommy niya na nailing na lang pero hindi na nagsalita. Hindi niya nakita ang kislap sa mata ng IBBf niya na nakikipag-labanan ng tingin sa daddy niya.
“Fucking hell!” mura ng ama bago isinuklay ang kamay sa buhok as if in defeat.