Chapter 26 Final Chapter

“Kumalma ka!” mahina pero madiin na sabi ni Brandon sa anak.

Hinagis ni Brad ang isang upuan sa dingding sabay nagmura ito. Hinawakan ni Brandon ang isang braso ng bunsong anak pero sa galit nito, mukhang hindi uubra kung ito lang ang aawat kaya tumango ito kina Mercado at Leviste, ang dalawang bagong bodyguard ng pamilya Lopez. Mabilis na lumapit naman ang mga ito.

“Don’t even think about it kung ayaw niyong masaktan.” Banta ni Brad.

Napatigil sa paglalakad ang dalawa at alanganing tumingin kay Brandon.

“Pero kung gusto niyong sa inyo ko ibuhos ang putanginang galit ko di sige! Bilisan niyo! Lapit!” gigil na sabi nito at akmang susugurin ang dalawa.

“Tumigil ka!” saway ni Brandon bago iharang ang katawan.

“Sige na lumabas na muna kayo! Ako ng bahala dito!” utos nito sa dalawang maskulado ding bodyguards.

Kilala nito ang anak. Wala itong inuurungan at kahit malalaki din ang kaha nila Mercado at Leviste, duda ito na makakaya ng mga ito si Brad sa ganitong estado nito ngayon.

Sapilitan nitong hinila ang anak sa kabilang dulo ng silid kung saan nagbihis ang mga groomsmen kabilang si Cooper at kuya ni Brad na ngayon naghihintay na sa loob ng simbahan.

“Sabi nang kalma lang eh! Nasisiraan ka na ba talaga? Pati mga bodyguards papatulan mo!”

“Kalma, Pa? Paano ako kakalma ha? Sige nga sabihin mo! Shit! Wala pa si Amara! Tangina! Talagang magkakagulo kapag hindi siya sumipot! “ galit na isinuklay nito ang kamay sa buhok bago paulit-ulit na nagmura.

Kinuha na naman nito ang cellphone at nag-dial.

“Anak ng tupa naman! May tatlong minuto pa naman bago ang kasal! Masyado ka na namang napa-praning!”

(Brad)

Nagmura na naman siya nang nakakailang ring na ang cellphone ni Amara pero hindi pa din ito sumasagot. Parang lalabas sa dibdib niya ang puso sa bilis at lakas ng tibok nito. Galit at pag-aalala ang nararamdaman niya. Dalawang linggo na ang nakakaraan nang nag-usap sila ng ama ng nobya sa study room nito. Sinakop siya ng takot nang biglang pumasok sa isip niya na hindi pa din talaga sang-ayon ang ama nito na makasal sila.

“Kupal!”

Naniningkit ang mga mata na tumingin siya kay Cooper na humahangos. Kasunod nito ang kuya Nathan niya.

“What is it?” tanong ng papa niya bago sinalubong ang dalawa.

“T-Tito..a-ano..may problema..” His friend began to say and he felt heat came up his face.

Napamura siya ng malakas and like a wild man, he bolted for the open door. Nagka-gulo ang mga lalake pero tuloy-tuloy siya sa paglabas. Nakakuyom ang mga palad niya at mababaw ang paghinga niya. He is gritting his teeth.

“PIGILAN NIYO!” sigaw ng papa niya at sabay na humarang sa dadaanan niya ang mga bodyguards.

“FUCK!” he cursed angrily and pushed one of them.

Ang isa naman humawak sa braso niya para pigilan siya.

Hindi na niya alam kung sino ang nauna sa ama , kuya niya at Cooper ang sumunod na humawak sa mga braso . Ang huling eksena, they got him pinned against the wall. Like a furious beast he kept on cursing and yelling at them. He is at his angriest but it’s one against five. Nagmumura din si Copper at ang papa niya as they all try to still him. Hirap din ang mga ito galit na galit talaga siya.

“CALM DOWN !” bulyaw ng papa niya.

“NOO! AMARAAA!!” sigaw naman niya habang ang kaliwang pisngi niya nakadikit sa dingding.

Hindi niya alam kung kaninong siko at braso ang nasa likod ng ulo niya . May pumipigil din sa magkabilang braso niya. Ang nasa kaliwa ay ang papa niya. May nakadagan na dalawa sa likod niya at may mga tuhod na pumipigil din sa paggalaw ng likod ng mga hita at binti niya.

“TANGNA KUPAL WAG KA NANG PASAWAY!” hiyaw naman ni Cooper na mukhang nasa likod niya.

Gigil na gigil na pinilit niyang makawala kaya lalong nagalit ang papa niya.

Tumigil siya sa panlalaban ng ilang segundo para sabihin sa bibig na halos hindi bumubuka, “I won’t let this happen! Amara will get married to me kahit ayaw pa ng papa niya!”

“Is that so?!” dinig nilang tanong ng boses ng lalake.

Medyo gumaan ang pagkakadagan sa kanya ng lima dahil na din siguro sa gulat ng mga ito dahilan para maiangat niya ang katawan pero mabilis na kumilos ulit ang mga ito so he’s back in his position against the wall.

“Ngayon lang ako makikiusap sayo Nick! Ituloy natin ang kasal!” sabi ng papa niya.

“Kung hindi matuloy? What will happen? ” tanong nito which made him cursed angrily but quietly.

“SHH!” saway ng papa niya sa kanya at mas lalo nitong diniinan ang paghawak sa braso niya.

“Magwawala lalo yang anak mo gaya ng ginagawa niya? I challenge you to let him go. Let us talk!!” sabi pa ng ama ni Amara.

“Namputsa tito papakawalan ba natin?” dinig niyang tanong ni Cooper sa papa niya.

His father’s face came into view. Singkit na singkit ang mga mata nito.

“Umayos ka! Kapag pinatulan mo siya talagang katapusan mo na kay Amara!” bulong nito pero may diin.

“Hindi ba kaya Brandon?” Nick Alcantara asked again.

“Let.Go.” madiing sabi niya sa ama.

Ilang segundo silang nagtitigan bago tumango sa kanya ito.

“Don’t do or say anything stupid!” sabi nito na alam niya siya lang at si Cooper ang nakarinig.

“Hayaan na natin siya!” utos ng papa niya at sumunod naman ang mga ito.

They finally released him. Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakapwesto niya sa dingding para humarap sa daddy ni Amara. Pormal na pormal ang mukha nito gaya ng nasa tabi at likod nito. Nasa magkabilang side nito ang papa ni Heather, si Kurt at si Elliot. May tatlong lalake din na mukhang mga bodyguards ang nasa likod ng mga ito.

“Magpapakasal sa akin ang anak niyo ngayon sir.” Sabi niya sa malamig na boses.

“Is this how you really behave? It’s so barbaric.” Komento nito.

“Nick…” dinig niyang tawag ng papa niya but he interrupted.

“Yes sir. Mahal na mahal ko ang anak niyo at mas masahol pa dito ang pwede kong gawin kapag may pumigil ng kasal namin.”

“Kung ako lang ang masusunod hindi ako..”

“HONEY!”

Napatingin silang lahat sa mga bagong dating. Ang mommy ni Amara at ang mama niya. Sa kanya naman dumiretso ang mga mata ni Mrs. Alcantara.

“Brad..sorry..”

(Amara)

“Kaya ko. I will be fine. “ pangatlong beses na sabi niya kay Hope at tita Heather niya.

“Baka mahilo ka na naman. Maybe we can postpone the wedding.” Sabi ng kapatid ng mommy niya.

Nasa bridal car ang mga ito kasama siya. Pagkagising pa lang niya kaninang umaga, masamang-masama na ang pakiramdam niya. Their wedding is 11 AM kaya nag-alala siya na hindi siya makakarating. Pinatawag ng daddy niya ang family doctor nila at nakumpirma nga na buntis siya. Pinakain siya ng crackers at pinainom ng herbal tea for her morning sickness. Nakagaan naman sa pakiramdam niya ang mga ito. Hindi maaring hindi siya sumipot sa kasal. Kilala niya ang IBBF niya. Hindi ito papayag na hindi matuloy ang kasal nila.Dun naman biglang may kumatok sa bintana. Hope pushed the power button.

“You better get off now cousin. Kanina pa nagwawala ang praning na mapapangasawa mo.” Elliot said in a dry voice.

****

She feels like a real princess. Her white gown looks magical and it compliments her beautifully made up natural features. Ang ganda-ganda din ng ayos ng simbahan. Silver at white ang motif nila. Ang lalakaran niya mga petals na kulay puti at light pink. Nakafocus ang mga mata niya sa lalaking nakasuot ng tux na bagay na bagay dito. Her man is very hot and he is looking at her with intensity. Bakas niya ang pag-aalala nito sa mga mata as she walks on the aisle. Bago pa sila makalapit dito, she stopped walking. Lumingon siya sa daddy niya. Tumingin din ito sa kanya. She felt teary-eyed when she noticed that he seems to be sad pero surprisingly after a second or two, he nodded at her. Nag-iba na ang expression ng mga mata nito. He mouthed I love you to her.

They heard Brad cleared his throat so she just smiled. Pinisil ng daddy niya ang kamay niya na hawak nito and they started to walk again. Napasinghap siya ng nasa harapan na niya si Brad. Napaka-guwapo nito. Parang sasabog ang dibdib niya sa saya. She loves this man so much.

“Remember, if you break her heart, I will break you to pieces.” Sabi ng daddy niya dito kaya nailing na lang siya ng may tipid na ngiti.

Tumango lang si Brad dito na may ngiti sa mga mata.

“That is the last thing I will do sir. Trust me sir, I will never break her heart. I will take good care of her and our baby ..” Sagot nito sa daddy niya.

***

After the picture taking, nag-alisan na ang mga bisita para pumunta na sa hotel kung saan ang reception.

Hindi na nakapagpigil si Brad kaya kahit sa harapan ng mga magulang nila at kaibigan, he kissed her. Nung una hinayaan lang sila pero nang mukhang wala pang balak ang asawa niya na tigilan siya, dun na may umapela to separate them.

“That can wait! We have to go to the reception. The guests are already hungry.” Sabat ni Hope.

“Oo nga naman.” Segunda ng pamilya nila.

Lahat nakangiti lalo na ang papa ni Brad. Ang daddy naman niya nakakunot ng bahagya ang noo.

“Your husband can’t seem to wait for your honeymoon.” Natatawang komento ng tita Heater niya.

Nailing na nakangiti ang mommy niya ganun din ang biyenan niyang babae.

Mas hinapit siya ng asawa sa tabi nito and he flashed them a grin.

“Ilang oras na lang naman pwedeng maghintay na yan?” biro ng ate ni Brad.

“I want to have a private moment with my wife first. Our trip to Amanpulo is in 4 hours and sorry if I can’t wait that long.” He said with a devilish grin while he squeezed her back.

Naikot niya ang mga mata at sinaway ito by calling his name. She is sure that her cheeks are pink from embarrassment.

“Putsa naman kupal! Coming soon na nga ang inaanak ko atat na atat ka pa din?! Pakainin niyo muna kami!” angal naman ni Cooper.

Natawa ang mga lalake pwera sa daddy niya na nailing lang.

“You all go ahead. Sandali lang kami.” Sabi ni Brad.

He gently pulled her to go out of the church. Dinig nila ang boses ng mga babae na tinatawag sila kaya binuhat siya ni Brad ng bridal style na ikinagulat niya pero sa huli natawa na lang siya.

“Hold on tight babe.” He said with his sexy grin.

“Be gentle Lopez! She is pregnant!” sigaw ni Hope na mas ikinatawa nila.

“I will! “ sagot nito habang karha-karga siya.

Iniyakap niya ng mahigpit ang mga braso sa batok nito at tumigil ito sa paglalakad ng makalayo na sila sa iba. Titig na titig sila sa isa’t-isa.

“I love you so damn much my Mrs. Lopez. I am the happiest man in the world. I can’t ask for more. I have the most gorgeous woman who will give birth to my baby soon.” He murmured.

“I am really happy too my Mr. Lopez. We will have our angel and we both love you very much.” She said huskily.

“I may not deserve you but you are forever mine. You and our little one…and I promise you that we will have more babies…”

She bit her bottom lip.

“How many more?” alanganing tanong niya.

Ito pa nga lang panganay nila, tila mahihirapan na siya sa pagbubuntis..

“Well my father wanted a basketball team before but as for me.. I want an Australian football team babe, eighteen in total..” he said huskily

Nanlaki ang mga mata niya.

“Hump!” protesta niya pero sinakop ng asawa ang mga labi niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.