XATANA'S POV
Sabihin na nating, gusto akong ipakasal sa isang lalaki. Alam ba niya na iiwan ko ang company? Hindi niya ba naisip na sobrang mahalaga sa akin ang company at hindi ko naman iiwan ng walang president doon.
Mukhang pinag-isipan talaga ito ni Mom. Tsk, paanong nakuha ni Mom ang loyalty ng lahat?
Anong alam niya hindi ba? May kasabwat ba siya?
"Xatana, bakit hindi ka pa kumakain, may problema ba?" Oo nga pala, nandito kami ni Drixie, kumakain kami dahil lunch break na.
"Wala, may iniisip lang ako. Kumusta naman meeting ni Mr. CEO?"
"Oh, tungkol diyan. Hinanap ka ni Mr. CEO kanina pagkatapos ng meeting niya. Hindi ko alam pero parang dahil sa meeting kaya ka niya hinahanap."
Ano naman kaya iyon?
Hindi na ako nagsalita pa kaya kumain na lang kami ulit.
Ang dami kong iniisip ngayon, hindi ko alam kung paano ko hahawakan isa-isa iyon.
Una, bakit same kami ng dugo ni Van? Pangalawa, bakit pinalipat sa akin ni Mr. CEO ang mga documents na 'yon? At pangatlo, paano nagawa nila Mom na maging president ng kumpaniya ko?!
"Argghhh!" sigaw ko at ginulo ang buhok ko.
"Xat, o-ok ka lang ba?"
Parang natatakot si Drixie sa akin noong sumigaw ako.
"Hayst, madami lang akong iniisip." saad ko at yumuko. Napakuyom ako ng kamay.
Mali bang umalis ako para lang takasan ang marriage na 'yon?
"Kagaya ng ano?" seryosong tanong ng isang lalaki mula sa likod ko.
Pagkatingin ko si Mr. CEO nga iyon, pwede ko kayang tanungin sa kaniya ang company?
Pero magmumukha akong curious sa pagitan ng company nila at ng sa amin.
"You're not answering Ms. Lockwood..."
Hayst, bakit ba naman kasi ganito set up ko.
"Iniisip ko yung isa kong kaibigan, hindi pa kasi siya nagigising. Tapos...yung ex-boyfriend ko pa, oo kasi nagparamdam ulit siya." Pagdadahilan ko, nakakahiya. Nagsinungaling ako, patawad kung dinamay pa kita dito Morpheus.
"Ex-boyfriend?!" nagulat ako sa pag sigaw ni Drixie.
Tumango naman ako at agad itong tumingin sa kuya nito ng masama. Mukha namang natakot si Mr. CEO sa titig ng kapatid nito.
"Bakit Drixie?" takang tanong ko.
"Ah, wala naman yung Xatana, tinapakan kasi ni Mr. CEO paa ko."
>_< - Drixie
-_- - Mr. CEO
Ano kayang tinatago nila? Hmm...
"Ahh, sige Xatana, tapos na akong kumain. Kayo na lang magsabay ni Mr. CEO kumain, bye!" At kumaripas na ito ng takbo.
"Anong nangyari doon?"
"Don't mind her, madami rin siyang gagawin. Did you transfer the documents?"
"Yes Mr. CEO, kung tama ako ng nailipat."
"Tignan ko mamaya, saan ka pumunta kanina?"
"May problema lang, family matters. May nag contact sa akin kanina so pumunta agad ako."
"I see, tapos ka na kumain?"
Tumango naman ako, puno pa kasi bibig ko sa pagkain.
"Let's go..."
Sinundan ko lang kung saan siya pupunta. Hanggang sa pumasok kami ng opisina niya. Titignan na niya siguro yung documents.
Agad niyang binuksan ang laptop niya at hinanap yung documents.
"Here, tama ang nakuha mo." Sabi nito at pinatay ang laptop. "Ibibigay ko ito sayo, alamin mo kung sa kanilang design ito at kung mapagkakatiwalaan sila."
Pinagdusudahan niya ang company ko? Pero bakit?
"May problema ba Mr. CEO?"
"Dalawang babae ang kumausap sa akin, isang matanda at isang babae."
I guess si Mom at si Xenish na yan.
"Anong meron sa kanila?"
"Hindi ko alam na dalawa ang CEO sa iisang kumpaniya."
"Dalawa?"
"Yes, halos pabago-bago sila ng desisyon. Hindi ko alam kung totoo ang company nila o pinaglalaruan lang kami."
Hindi ko naman siya masisi doon. Mukha naman talagang naglalaro lang ang dalawang iyon, pero ako ang taya.
"Walang makakaalam nito Ms. Lockwood."
"Masusunod Mr. CEO, alis na po ako."
Umalis na ako doon at tinignan ang USB na ibinigay nito sa akin. Kahit papaano ay hindi nauto ng dalawang iyon si Mr. CEO.
Well, kung ako naman sa kaniya simula pa lang nag-iinit na dugo ko kay Xenish. Lalo na ng sabihin nito noon na wala akong mararating, dahil nga sa hindi naman suportado si Mom sa akin sa lahat.
Nagtungo agad ako sa computer ko at inilagay ang USB at binuksan ito.
Hmm, gusto niya malaman kung sa kanila ang design na ito.
Noong una kong makita mga design, ok naman siya sa akin. Hindi ko naman napansin na... Teka, oo, may isang design na namu-mukha-an ko. Kaya pala parang nakita ko na yun noon, dahil sa akin yung design at binago lang nila.
I mean, yung design na iyon ay para sa akin. Dress iyon noong ginawa ko, pero hindi siya pang kasal kundi pang event. Ako ang nagsu-suggest ng mga design kapag ako ang gagamitin.
Syempre, model ako kaya kailangan ko mga design na unique pero naisip ko na kung ano ang design na gusto ko yun ang gagamitin ko.
So sila na nag-ayos para sa iba pang details.
"Tsk, kinuha nila design na naisip ko at binago nila?!"
Pinigilan kong hindi mag-wala sa loob ng opisina ko. As chief secretary kailangan kong sabihin na may ginaya ang company nila.
Ano nga bang plano niyo Mom?
Hindi pwede... Gusto ba nilang siraan ang company ko? No f*cking way!
Hindi ko alam na lahat gagawin niyo para lang sa sarili niyo Mom. Mukhang hindi mo na ako kinikilalang anak. Kung ganon, wala na akong magagawa kundi labanan kayo.
Gusto niyo ng laro? Puwes, maglalaro tayo.
ESTELLA'S POV
Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Vanessa. Ano na kayang nangyare sa kaniya? Pero ok naman daw siya sabi ng doctor.
"Iniisip mo pa rin si Van?"
"Ikaw pala Aestheria, hindi pa kasi siya nagigising eh."
"Ilang araw pa siguro, basta mag-intay lang tayo. Malay mo magising siya bukas o mamaya hindi ba?"
"Oo nga, sana..."
Napatingin kami sa pintuan ng biglang bumukas ito.
"Ria and Stel! Nakita niyo na ba ito?" hinihingal pumunta rito ai Ametrine. Parang nag-marathon ata ito.
Kinuha ni Ria ang cellphone at binasa ang nakasulat doon.
Breaking News
"The new president of SweetArt Company, Xenish Lockwood."
Agad kaming nagulat, pinsan ni Xatana? Anong nangyare?
"Ilang araw na ito, limang araw na itong balita." - Ametrine
"Alam na ba ito ni Xatana?" - Aestheria
"Hindi ko alam, sasabihin ba natin?" - Ametrine
"Syempre naman, siya ang nagpatayo ng company at nagpataas ng rating, dapat niyang malaman!" - Me
Pagkarating niya rito, sasabihin namin sa kaniya. Ang laki ng sinakripisyo niya para sa kumpaniya na iyon.
*ring*ring*ring*
Sinagot ko ang telephono at narinig ko ang boses ng isang babae.
[Ma'am, ang pasyente po ay wala rito. Pagkarating po namin sa kuwarto niya ay nawala po ito.]
"Ano?!"
Agad kong ibinaba ang telepono at nagbyahe agad sa hospital kung saan nagpapahinga dapat si Van.
Van, saan ka pumunta? Alam kong may tinatago ka sa akin, hindi... sa amin.
Pagkarating ko ng hospital wala nga ito, nakita ko din ang pag-sunod nila Ria at Ame rito.
"Ang bilis mo naman magmaneho! Buti hindi ka nasaktan!" sigaw ni Ria sa akin.
"Wala nga si Van dito... Where did see go kaya?"
"Don't tell me magsasalita ka na naman ng ka-conyo-han?" - Ria
"Wait, what?! No way, nag taglish lang naman ako and then conyo agad?" - Ame
"Stop it, hanapin natin si Van, asap!" - Me
"Well, hayaan niyo na yun. Of course gagala sa ibang lugar yun, ikaw ba naman matengga dito ng ilang araw?" - Ria
"Oo nga naman Stel, don't tell me you're paranoid na?" - Ame
"Hindi niyo naiintindihan, nalaman namin ni Xatana na magkatulad sila ng blood. Hindi ko alam kung yung pag-uusap niyo talaga ang dahilan bakit siya nag-preno bigla. Hi-hindi ako naniniwala." - Me
"Ikaw ba naman malaman crush mo ng dalawang kaibigan mo, hindi ka ba mahihiya?" - Ria
"Tsk, isipin niyo naman kasi. Kung crush niya ang isang tao dapat kinikilig na yun kapag nandiyan yung tao. Hindi naman hindi ba? Ni wala nga siyang sinasabi sa lalaking iyon." - Me
"Malay mo tinatago niya lang, that's the reason why dahil kapag nalaman natin na crush niya yun edi kukulitin natin siya, right? And besides, boss niya iyon. Hindi malabo na magkagusto sa lalaki na yun." - Ame
"Yeah, Ame has a point. You can hide your feelings kung gusto mong hindi malaman ng lahat." - Ria
"Bakit, na in love na ba kayo? Nagkaroon na ba kayo ng crush at tinago niyo iyon sa iba? Noong nag-usap kayo at nalaman ang crush mo Ria, maipre-preno mo ba ang pagmamaneho mo?" - Me
"Hi-hindi syempre, ang babaw lang no'n...teka." - Ria
"So ano? Ang sabi mo mababaw lang iyon? Mababang dahilan para mapunta sa aksidente ang lahat tama ba ako?" - Me
"Stel, parang hindi na ikaw yan. Paano ka naging ganiyan? Grabe ka mag-isip ngayon. May nalaman ka ba?" - Ria
"Wala, sana nga wala akong dapat malaman." - Me
"Eh bakit naman magpre-preno si Van kung hindi dahil do'n?" - Ame
"Hindi ko rin alam, pero ang aksidente niyo. Hindi lang basta-basta 'yon. Maaaring may tinatago si Van sa atin." - Me
"Yan ba yung magkatulad sila ng dugo ni Xat? Pero hindi naman niya kailangang maglihim kung ganon? Wala namang big deal. Mas cool pa nga na same sila ng blood." - Ame
"Hindi yun cool, mas lalo na..." - Me
"Kung magkapatid sila." - Ria
Nagulat ako sa sinabi ni Ria, maaari naman kasi. Maaaring coincidence or maaaring magkapatid talaga sila.
Ano ba talagang nangyayare?
XENISH'S POV
"Ma'am Xenish, hindi pa rin siya ma-contact."
"Kung gano'n hanapin niyo kung na saan siya, kapag nahanap niyo kung na saan na siya kunin niyo at ibigay sa akin."
"Masusunod po Ma'am."
Tinataguan mo parin ba kami? Kahit anong gawin mo mahahanap pa rin kita. Sayang nga lang at hindi nila alam kung sino ka nga ba.
"Ma'am, may gustong kumausap sa inyo."
"Sino naman 'yan?"
"Si Ms. Xatana po, gusto niya kayong makausap sa telepono."
Hmm, alam mo na ang tungkol sa kumpaniya mo? Ay hindi, kumpaniya ko na pala 'yon at salamat sayo Xatana dahil iniwan mo ang lahat mo dito para lang sa isang bagay.
"Sige, akin na. Tawagin mo na rin si Mo-este Auntie."
"Masusunod po."
Ibinigay na sa akin ang telepono at hinintay ko munang pumasok si Auntie.
Ilang minuto ay naririto na siya kasama ang mga shareholders.
"Hello Xatana, napatawag ka ata." panimula ko.
[Ayaw mo bang marinig ang boses ko Xenish?]
"Alam mo namang hinahanap ka nila Auntie, naisipan mo na bang bumalik dito?"
Pinindot ko sa loudspeaker ang telepono at narinig ng lahat ang sinabi nito.
[Hindi ko naman kailangang bumalik pa diyan, hindi ba? Mukha namang naging ok ang kumpaniya ko sa pag-upo mo bilang presidente. Ok na ako dito walang gulo, walang problema, in short wala kayo dito.]
"Tsk, sinasabi mo ba na problema at gulo ang dala namin ni Auntie? Nasasabi mo yan sa kaniya?!"
[Oh, chill, na offend ka ba sa sinabi ko? Hindi ba dapat hindi? Kaano-ano ka ba niya para masaktan? Depende kung naging closed kayo sa isa't-isa kaso ilang linggo pa lang kayong magkakilala.]
"Hi-hindi ko alam na ganiyan ka sa Mom na nagpalaki sayo. Inalagaan at pinalaki ka niya Xatana."
[Oh, kailangan ko bang magpasalamat? Alam kong nandiyan si Mom. Kung naka-loudspeaker ito may sasabihin ako.]
Paano niya nalaman na nandito si Auntie?
[Hello Mom, long time no see. Nakikilala mo pa ba ang anak mo? Ang anak mo na hinayaan mong ibenta sa isang kumpaniya? Hahaha ganiyan ka pala magmahal.]
Nagtapos ito sa pagsasalita niya ngunit tinuloy din nito ilang minuto.
[Sa mga shareholders na iniwan akong mag-isa. Ang lakas ng loob niyong mag-taksil sa akin ng patalikod?! Oh, oo nga pala, kung na aalala niyo ang kontrata natin siguro ay hindi kayo magtataksil. Akala niyo sa tulong ni Mom at ni Xenish makakaalis kayo ng parang walang nangyare?!]
Anong sinasabi ni Xatana? Anong nangyayare?!
[Sige lang, gusto niyo maglarong lahat? Ako ba ang taya? Hahaba willing naman ako basta walang atrasan sa inyo. Salamat sa pag-asikaso ng kumpaniya ko Xenish. Nasusuka na rin naman ako sa inyong lahat. Buti at nagsama-sama kayo. Masayang laro ito. Hanggang sa muli, Xenish.] saad nito at biglang nawala ang tawag nito.
Nagsimula ng magkagulo ang lahat ng shareholders sa sinabi ni Xatana.
"Anong gagawin natin?"
"Wala tayong laban sa kaniya simula pa lang!"
"A-ano na lang ang gagawin niya sa atin?!"
Anong binabalak mo Xatana? Wala na bang halaga sayo ang SweetArt company at basta-basta mo na lang itong hahayaan sa akin?!