CHAPTER 17

XATANA'S POV

"Hayst, ang sakit ng katawan ko ngayon ah." pag-inda ko sa nararamdaman ko.

[Lady Lockwood, ok lang po ba kayo? Kailangan niyo ng pahinga.]

Kausap ko ngayon si Clark, assistant ko siya or secretary kung tawagin. Yeah, lalaki siya at ok lang sa akin. Mapagkakatiwalaan ko naman siya dahil noong mga bata pa lang kami kasama ko na siya.

Actually anak siya ng maid namin, sinabi ko na kasama ko siyang mag-aral sa school namin. Syempre tumangi naman sila Mom and Dad pero dahil sa mahal ako ng Lolo ko ay pumayag siya na kasama ko si Clark mag-aral.

Mga panahon na buhay pa si Lolo nakukuha ko gusto ko pero sa mga ibang bagay na hindi na sakop ni Lolo syempre hindi na siya sumisingit pa.

"Ok lang ako Clark, nga pala, salamat sa pag connect sa akin sa kumpaniya. Tsk, nakausap ko na si Xenish."

[Pero Lady Lockwood, anong plano niyo? Bakit parang ok sa inyo na si Ma'am Xenish ang maging presidente ng kumpaniya niyo?]

Oo nga pala, ito na ang simula ng laro namin. Nag deklara na ako at ngayon maaaring nagkakagulo na sila lalo na ang mga shareholders sa sinabi ko.

Kung gano'n may impak pa rin ako sa kanila. Kung threatened sila sa sinabi ko hindi ko kailangang mag-alala.

"Clark, huwag mong iwawala ang tingin mo kay Xenish at kay Mom."

[Yes Lady Lockwood, pero bakit naman po?]

"Iba ang kutob ko, may kasabwat pa sila."

Kung tama ako, isa sa mga kaibigan ko ang kasama nila sa plano nila.

Hindi maglalakas ng loob sila Mom at Xenish na angkinin ang kumpaniya ko kung alam nila na nasa malapit lang ako. Hindi nila makukumbinsi ang mga shareholders na itakda si Xenish bilang presidente kung alam nilang malapit lang ako.

Alam nila na nasa malayo ako, alam nila na lumayas ako, alam nila kung na saan ako.

Kung alam nila, kailangan kong mag off limits, dahil kailangan kong mag-ingat sa larong ito. Pili lang ang kailangan kong pagkatiwalaan.

"Huwag mong hahayaan na mahuli ka nilang dalawa. Kailangan kong malaman kung anong binabalak nilang dalawa."

[Lady Lockwood, ano namang mapapala nila kung sila ang hahawak sa kumpaniya niyo?]

"Clark, wala ka pang alam sa mga ganitong bagay. Basta ang masasabi ko lang sayo, basta pera, lahat kayang gawin ng isang tao."

[Magiging ganun rin ba ako?]

Ngumiti ako ng matabis at napaisip.

"Clark, huwag. Hindi maganda na maging katulad nila. Isa pa, isipin mo si Manang. Hindi ka magiging katulad nila kung kuntento ka sa kung anong meron ka."

[Tama Lady Lockwood, kuntento na ako kay Nanay at nalaman ko na ok kayo. Masaya ako at nakakausap kita.]

"Pero secret lang natin ito, sabi ko sayo kailangan walang makaalam nito."

[Masusunod Lady Lockwood.]

"Good, sige na at bumalik ka na sa trabaho mo. Baka magduda sila na wala ka pa."

[Masusunod Lady Lockwood, bye!]

At pinatay na niya ang call, hayst. Sakit talaga ng katawan ko, ano na kayang nangyare sa tatlo? Gising na kaya si Vanessa?

*Mr. CEO's calling*

Oh, na pa tawag ata si Mr. CEO, bakit kaya?

"Hello Mr. CEO."

[Ms. Lockwood, tatakasan mo ba trabaho mo ngayon?]

At iyon na nga, para akong kinurot ni Mr. CEO ng sabihin niya 'yon.

Nako po, tumagal ata ako. Tsk, nakalimutan kong may trabaho pala ako.

"Pasensiya po, may emergency kasi na nangyari. Babalik na ako diyan Mr. CEO."

[Bilisan mo!] At pinatay na n'ya yung tawag.

I'm dead, tsk, pahamak ka Xenish!

ESTELLA'S POV

"Paano natin mahahanap 'yon, ang laki kaya ng city!"

Tama si Aestheria, mahirap mahanap si Vanessa.

"Kung tawagin natin siya?" Suggestion naman ni Ametrine.

"Umuwi muna tayo, doon siya unang pupunta kung uuwi siya hindi ba?"

Pumayag naman silang dalawa kaya nagpatuloy na kami sa paghahanap kay Vanessa.

Iniwan ko naman ng message si Xatana.

To: 09*********

"Xat, gising na si Vanessa. Nalaman ko na kung bakit naaksidente silang tatlo pero hindi ako naniniwala sa dahilan nila. Hinahanap namin ngayon si Vanessa."

Matapos kong iwan ng mensahe si Xat ay nakita ko sila Morpheus at Zamora.

Tumigil muna ako sa pagmamaneho at kinausap ko silang dalawa.

"Nakita niyo ba si Vanessa? Hinahanap kasi namin siya. Wala siya sa hospital at hindi pa namin siya nakikita hanggang ngayon."

"Wala naman kaming nakita, hindi namin siya napansin."

"Ah, sige salamat.."

"Gusto mo hanapin namin siya?"

"Ah, huwag na. Nakakahiya, naabala pa namin kayo. Sige bye, hanapin lang namin siya. Kapag na laman mo kung na saan siya, paki tawagan ako ah?"

"Sure—aray!"

"May masakit ba sayo?"

"Ah-ah wala hehe, ito kasing si Kuya Morpheus nagmamadali hehe sige alis na rin kami."

Ang weird naman ni Zamora. Hmm, bakit nagmamadali silang umalis?

Nagmaneho na lang ulit ako at dumeretyo na kami sa bahay namin.

Pagkarating namin ay wala naman si Vanessa. Psh, saan naman kaya nagpunta 'yon.

Hindi ko alam kung makakatulong na ang pulis sa paghahanap. Kailangan kasi 24 hours ang nakalipas bago nila hanapin.

"Magpatulong na tayo sa mga lalaki, wala tayong magagawa kung tayo lang. Busy pa si Xatana ngayon. Kailangan madami ang maghanap sa kaniya."

Hayst, tama si Aestheria, bahala na nga.

"Sige, kung alam niyo mga number nila. Tawagan niyo at sabihin niyo na tulungan tayo sa paghahanap sa kaniya."

Agad naman silang kumuha ng cellphone at nakipag-usap sa mga lalaki.

Nakatingin lang ako sa side mirror ng kotse ng may nakita akong kakaiba.

Sinong kausap niya?

"Estella balik na tayo sa hospital, try natin kung bumalik siya doon."

"Ah-ah sige..."

Hindi ako nagkakamali, ibang tao kausap niya. Ibang pangalan ang nakita ko. Guni-guni ko lang ba iyon?

XATANA'S POV

"Nawawala si Vanessa?!" sigaw ko dito sa opisina ni Mr. CEO.

"So, you didn't know?"

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ang message ni Estella.

"Ngayon ko lang nakita message niya."

"Tutulong ka ba sa paghahanap sa kaniya?"

"Hi-hindi, ayokong maiwan trabaho ko dito. Hinahanap naman nila si Vanessa at alam naman na ng boys. Siguro pagkatapos ko na lang tiyaka ako tutulong."

"Sigurado ka?"

"Yes Mr. CEO."

"Alright, ok ka lang ba? You look pale."

"Yes Mr. CEO, ok lang ako. Balik na ako sa office ko Mr. CEO, salamat sa pagsabi sa akin, bye."

Kumaripas na ako ng takbo at agad kong kinausap si Estella.

Tinawagan ko siya at agad naman itong sumagot.

"Estella, ano ng balita? Nakita niyo na ba si Vanessa?"

[Hindi pa rin, kinausap na namin yung mga lalaki. Tutulong naman sila na mahanap si Vanessa.]

"Mabuti naman, hindi ako makakatulong sa ngayon. Marami kaming gagawin, actually ok naman kay Mr. CEO na tumulong ako sa inyo kaso tambak kasi gawain ko ngayon."

[Ok lang, update kita kapag nahanap na namin si Vanessa]

"Sige, sige, nga pala. Pakihanap nga sakin ito. Ise-send ko sayo mamaya yung picture."

[Tungkol naman para saan yan?]

"Para sa kumpaniya, nakita niyo na siguro."

[Sige, mag-usap tayo mamaya. Madaming nangyare ngayon. Sana maging maayos na yang sa kumpanya mo.]

"Huwag kang mag-alala, kilala niyo naman ako, akong bahala doon."

[Sige na, bye.]

Pagkababa ni Estella, biglang sulpot naman ni Drixie.

"So, anong balita ngayon?"

"Psh, bigla kang sumusulpot kung saan."

"Parang ngayon lang naman Xat."

"Pft, may kailangan ka ba?"

"Hmm, wala naman, teka mukhang may iniisip si Kuya."

"Teka, bakit Kuya tawag mo sa kaniya ngayon hindi Mr. CEO?"

"Ok lang, tayo lang naman nandito. Hindi malalaman ng iba."

"Anong meron kay CEO?"

"Pansin mo ba na ang lalim ng iniisip ni Kuya ngayon?"

"Malalim? Ok naman siya nung nag-usap kami kanina."

"Hmm, ganun ba...teka bili lang muna ako makakain ni Kuya. Hindi pa kasi siya kumain kanina eh, hinahanap ka kasi."

"Ako? Bakit naman niya ako hahanapin?"

"Aba malay ko, baka kasi tinakasan mo na yung kumpaniya. O 'di kaya kinuha ka na ng alien.

Pft, nagulat ako sa sinabi nito at biglang natawa.

"At ano namang nakakatawa? Hindi ka naniniwala sa alien? Parehas kayo ni Kuya, hmp! Bahala ka nga diyan."

"Drixie naman!"

At 'yon na nga, umalis na siya. Haynako, may period ba siya ngayon? Para siyang ako, pa-iba-iba ang mood.

Makapag simula na nga.

Ang daming nakatambak dito sa lamesa ko ah, ano ba mga nandito?

Hmm, tinignan ko mga papel na nandito sa lamesa ko. Puro mga proposal ang nandito ah. Teka ipakita ko kay Mr. CEO ito, hindi naman siya magagalit hindi ba?

Iniisip ko kasi yung sinabi ni Drixie.

Hindi naman siguro siya galit, ipapakita ko naman sa kaniya ito.

Tumayo na ako at kinuha ang mga papel sa lamesa ko.

Bakit ba kasi ganito ka tambak ang nasa lamesa ko? Matagal ba akong wala sa office? Wala naman akong pasok nakaraan, yun lang.

Pagkarating ko ay agad akong kumatok.

"Sino yan?"

"Ms. Lockwood po Mr. CEO."

"Pasok..."

Binuksan ko na ang pintuan, pagkapasok ko agad na bumungad sa akin si Mr. CEO na busy sa mga papel.

"Pasensiya kung nakaistorbo ako, mga proposal po ito. Ilalagay ko na lang dito."

Binaba ko na mga papeles sa lamesa nito at aalis na sana ng magtanong si Mr. CEO.

"Kung ikaw ang tatanungin, anong kasal ang gusto mo?"

Ok? Biglang tanong sa akin ito ah. Hindi ako prepared.

"Uhm, Mr. CEO nag-iwan na po ako ng suggestions ko para sa designs..."

"Hindi iyon, bilang babae. Anong gusto ng mga babae sa kasal?"

"Sorry po Mr. CEO, wala akong maisasagot diyan."

"Bakit?"

Ang weird niya ngayon. Ano kayang iniisip niya?

"Ayoko pang magpakasal, wala rin akong balak na magpakasal ngayon. Trabaho muna at kailangan kong ayusin ang personal kong problema, pasensiya po." Diretyo kong sagot dito.

"Anong gusto mo sa isang lalaki? Mali, anong gusto ng isang babae sa isang lalaki?"

"Teka Mr. CEO, may gusto ba kayong babae? Mukha kasing may nagugustuhan kayong babae eh."

Tumahimik itong bigla at hindi ako sinagot.

"No-no, gusto ko lang itanong ito para sa collection ito."

"Pero hindi naman related yung tanong niyo na anong gusto ng isang babae sa isang lalaki. Tama naman ako hindi ba Mr. CEO?"

Bigla akong ngumiti dahil sa reaksyon nito. Hindi kasi siya makatingin sa akin ng maayos.

"Pwede ka nang..."

Tumigil ito sa pagsasalita ng tumingin ito sa akin. Teka may dumi ba mukha ko?

"Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti..."

Nagulat ako sa sinabi ni Mr. CEO ng sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung anong iisipin ko, kung anong mararamdaman ko o kung anong sasabihin ko.

*tok*tok*tok*

"Mr. CEO, ito na po...yung pa...pel. Bakit nakatulala kayong dalawa diyan Xatana?"

Bigla akong nahiya at agad na nagsalita.

"Ah, sige Mr. CEO balik na ako sa office." Agad akong kumaripas ng takbo.

Umupo agad ako sa upuan ko at pinakalma ang sarili ko.

"Ta-tama ba yung narinig ko?"

Paulit-ulit lahat ng sinabi sa akin ni Mr. CEO.

'Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti...'

'Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti...'

'Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti...'

Bigla kong niyakap ng mahigpit yung papel na nahawakan ko.

"Anong nangyayare sa'kin? Bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko? Hindi normal ang nararamdaman ko pero parang ang saya ko."

Ano ba sinasabi ko?

"Inhale...exhale...inhale...exhale... Kumalma ka muna Xatana. Madami ka pang gagawin at aasikasuhin. Kailangan mong matapos itong lahat para makatulong sa kanila."

Wooohh, ok sinimulan ko ng ayusin lahat ng nasa lamesa ko.

Una ay yung mga documents na naririto. Para ito sa collaboration ng dalawang kumpaniya.

Yung design pala ng SweetArt, kailangan kong sabihin kay Mr. CEO, pero hindi pa sa ngayon.

Kailangan ko ring mag-isip ng sasabihin ko para doon. Hindi ko pwedeng sabihin na sa akin yung designs na ipinasa nila dahil malalaman nila pagkatao ko.

Hmm, kung iisipin ko, maaari kong gamitin ito laban sa kanila. Oo nga, ngayon ko lang naisip ito.

Sige, ako ng bahala dito, kailangan kong sabihin sa kanila na ako ang may ari ng design na ito. Paano ko naman gagawin iyon?

Kailangan may isang tao na magiging ako, pero sino naman iyon?

Mahirap naman ngayon, kailangan maingat ako sa pag-pili. Baka sa kasabwat nila Mom ko masabi ito.

Hindi pwede sa mga kaibigan ko, kailangan ko munang makasiguro sa kanila. Kung si Clark muna? Pero, wala pa siyang alam sa ganito. Paano siya magdadahilan kapag nag-usap sila?

Ahhhh! Ang hirap!

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.