Crimercia's POV
Papunta ako ngayon sa pinakamamahal kong Granger. Sana lang wala doon ang babaeng 'yon kundi makakatikim na siya sa akin!
"Hello po, uhm wala po si Mr. CEO ngayon. Kakauwi niya lang po." agad na sabi nitong secretary niya na si Drixie.
"Sige, pupunta na lang ako doon."
At agad akong umalis, si Granger lang naman pinunta ko doon wala ng iba pa.
*unregistered number is calling*
Unregistered number? Who?
Sinagot ko na agad kung sino ang tumawag at agad itong nagsalita.
[Ako ito si Trin, wala ka bang ibang gagawin para matulungan mo sila Dad and Mom?!]
Tsk, ang walang hiya ko pa lang kapatid ang tumawag sa akin.
"At para saan pa? Itinakwil na nila ako!"
Stepsister ako ni Trin, siya ang anak ng Lee Family at gusto nila na siya ang mag-mana ng business nila pero ang sabi ni Trin ayaw niya.
[Itinakwil man o hindi, anak ka pa rin ni Dad! Nasa dugo mo ang Lee Family! Huwag mong kalimutan na sa ating dalawa ikaw lang naman ang gustong magpatakbo ng kumpaniya!]
Anong gusto niya ipamukha sa akin? Na ako itong nagpipilit sa pamilya niya na mag-mana ng kumpaniya nila?!
"Talaga bang idadawit mo pa yan dito?! Kung gusto mo silang tulungan, ikaw ang gumawa! Wala akong alam diyan! Wala na akong balita sa kanila!"
Narinig ko na bigla itong nagtapon ng gamit. Ikinagulat ko iyon, kilala ko si Trin. Iba ang ugali niya kumpara sa akin.
[Ang kumpaniya nila ngayon, naghihirap! Kung hindi mo alam 'yon puwes ngayon alam mo na! Ito na ang pagkakataon na ipakita kay Dad na ikaw ang dapat mag-mana ng kumpaniya at hindi ako! Gusto mo bang mapunta sa akin ang kumpaniya?! Wala kang gagawin?!]
Anong sinasabi nito sa'kin? Hindi ba dapat masaya siya dahil sa kaniya gustong ipa-mana ni Dad ang kumpaniya?
"Anong kapalit ang gusto mo o bakit mo sinasabi sa akin ito Trin? Hindi ikaw 'yan!"
[Ikaw ng bahala sa kumpaniya, ikaw ng bahala kay Mom and Dad. May tiwala ako sayo.]
*tot*
*tot*
*tot*
Anong ibig niyang sabihin do'n?
Anong binabalak mo Ametrine?
Xatana's POV
Nasa labas ako ngayon, sa labas ng bahay ni Mr. CEO, diba nag walk out ako? Nakalimutan ko na hindi ko nga pala alam yung lugar dito. Jusko naman Xatana gamitin mo din utak mo 'wag kang padalos-dalos.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" May nadinig akong boses ng lalaki, parang nabosesan ko na siya noon.
"Xatana?"
"Morpheus?!"
Napapadalas pagkikita namin ng mokong na'to ah.
"Wow, bakit nandito ka?" Manghang tanong ko dito. Kasi naman gabi na dito sa labas tapos sa iisang lugar lang nagkita kami ulit?
"Malapit lang diyan bahay ko, ikaw?"
Uhm, anong sasabihin ko? Na nilayasan ko si Mr. CEO at hindi ko alam kung anong lugar ito kaya ngayon naghahanap ako ng aswang dito para ilipad pauwi?
Magsasalita na sana ako pero may biglang tumawag sa akin.
"Xatana..." Si-si Mr. CEO?!
"Kaibigan mo Xatana?" Tanong ni Morpheus.
"Uhm..." - Me
"Go inside." Utos ni Mr. CEO habang nakaturo sa pintuan ng bahay niya.
"Uhm, Granger pauwi na kasi ako." - Me
"Ngayon ka pa lang uuwi? Ihatid na kita." - Morpheus
"Who are you then?" - Mr. CEO
"Morpheus nga pala Dude, friend ni Xatana." - Morpheus
"Huh? Teka, kasi ex-boyfriend ko siya and then friends na kami ngayon." - Me
Matapos ng sinabi ko napansin ko na biglang nagalit si Mr. CEO at ngayon ang sama na ng tingin niya kay Morpheus.
"I'm her husband, I'll take care of her, leave now." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the?! Anong nangyayare?!
"Oh, sige Xatana mauuna na ako." At umalis na nga ito.
Hinarap ko naman si Mr. CEO na ngayon ang sama ng tingin sa'kin. "Granger, ano naman yun? Hindi porke boss kita kung anu-ano na sasabihin mo! Hindi nga kita asawa jusko tapos pinaalis mo pa!" Sigaw ko dito pero walang tinag sa kaniya lahat ng sinabi ko.
"Ako na hahatid sayo." Biglang sabi nito na ikinagulat ko, seryoso?
"Kaya ko sarili ko, pwede naman ako gumamit ng internet."
"Kumain ka na muna...no buts."
Binuksan nito ang pintuan at pinapasok ako, nang sapilitan!"
Dahil wala naman na akong magagawa hinayaan ko na lang at umupo sa hapagkainan. Siya naman kumuha ng mga kakainin gusto ko nga sana tumulong kaso ayaw niya.
Dalawa lang kami dito, mukha tuloy kaming mag-asawa talaga-.-
Matapos ang lahat ng mga dinala niyang pagkain ay kumain na kaming dalawa. Napapansin ko na tumitingin ito sa akin tapos aalisin tingin niya kapag nahuhuli ko siya. Anong trip ng isang 'to?
"Kung may sasabihin ka sabihin mo—"
"Matagal na kayong wala?"
Is he referring to him?
"Siya palagi mong bukang bibig?"
"Oh, si Morpheus, yeah. Ex-boyfriend ko siya after ng college namin naghiwalay kami. Curious ka sa kaniya? Bet mo?"
"What the hell are you talking about?!" Pft, bakla ba si Mr. CEO? Oh my! "Hindi ko gusto yang tingin mo."
"Why? Dahil bakla ka? Pft, don't tell me lalaki ang bet mo?"
"Are you f*cking serious?!"
"Hahaha kalma ka lang Granger—"
"Sanay ka na sa pangalan ko, I see. Just don't slip or you'll say I'm your husband."
"Huwow! Iba ka rin 'no? Akala ko hindi mahangin ang isang Granger Hunt!"
"Pft, mahangin? Mali ata sinasabi mo, I'm just telling the truth."
"Tsk, ikaw nga nagsabi na asawa kita!"
"Ayaw mo ba?"
"Ayoko! Never! Hindi mangyayari yan kahit kailan! Promise!"
"You don't like me?"
"Tsk, ikaw magiging like ko? Nagbibiruan lang naman tayo dba?"
"Yeah..."
"Sige na, kumain na tayo!"
—Fastforward—
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at hulaan niyo? Dahil sa gabi na ngayon, matutulog na sana ako pero naalala ko na dahil sa lintek na gawa ko noon sa SweetArt Company hindi ko maisip kung paano ko sasabihin na ninakaw ang gawa na 'yon mula sa akin?
Hindi ko naman pwede sabihin na ako ang may-ari ng SweetArt Company dahil una, iniisip niya na may CEO na doon, pangalawa naman chief secretary lang ako so paano ako magkakaroon ng kumpaniya. At pangatlo, malalaman nila Mom kung na saan ako! Wait, alam naman na nila, psh.
"Argghhh!"
Sa sobrang inis ko nagsimula na naman akong sumigaw kaya naman nagising ko sila Estella.
Pero kumalma na muna ako at pinigilan na hindi sumigaw.
"Ano na namang sigaw 'yan Xatana? Anong oras na, matulog ka na."
Si Estella na nga ang kumausap sa akin. Nako naman Xatana, sa ganitong oras talaga? *sigh*
"Pasensiya na, sige na matulog ka na ulit."
"Ok ka lang ba? Napapadalas na yang pagsigaw mo. Pwedeng pumasok?"
"Sige, pumasok ka lang. Nakabukas pa yang pintuan."
At pumasok na nga si Estella at tinignan ako ng seryoso.
"Sobrang hirap ba talaga na madaming problema? Kumpaniya pa lang kasi naging problema ko."
Oo nga naman, sa kumpaniya lang kasi umiikot ang mundo niya simula ng matapos kami ng college.
Hayst, sana maging bata na lang ulit ako para ang problema mo na lang, paano ka makakalabas ng hindi alam ng magulang mo o iba pa, hayst.
"Xatana?"
Hinarap ko naman si Estella at sinagot ang tanong nito.
"Sa totoo lang, sobrang hirap. Akala ko kaya ko na ako lang mag-isa. Dahil kontrolado mo lahat ng gagawin mo. Lahat ng nasa plano na gusto mo ay magagawa mo pero hindi rin pala."
Dahil para sa akin, kapag ikaw mag-isa ang kumikilos wala kang iisiping problema dahil maiiwasan mo na yung magkamali sa ibang tao.
"Kahit kaya mong lagpasan ang isang problema. Nariyan ang iba pang problema na susubok sa'yo at yun ang hindi ko kaya. Lalo na ngayon na physically at mentally ang problema ko, paano kapag emotional na rin?"
Biglang yumuko si Estella at nagsimula siyang magsalita.
"Nalaman ko lang kanina na pumunta ng hospital si Vannesa at may pinuntahang pasyente. Ang pangalan ay Castro Mondrago, may kilala ka bang gano'n?"
Mondrago family, parang narinig ko na 'yon noon, Castro?
"Hindi ko alam eh, pero narinig ko na yan noon. Hindi ko lang alam kung saan?"
"Kung narinig mo na sila noon, maaaring kilala ang pamilya nila?"
"Maaari nga pero bakit naman pupuntahan ni Van yung Castro na' yon?"
"Baka siya yung sinabi mong nakita niya kaya siya nagpreno."
"Malay mo naman may ibang dahilan pa? Hindi pa nga tayo sure."
"Kung sa bagay, musta naman ang araw mo?"
"Hayst, ang daming nangyare ngayong araw."
"Pft, sila Ametrine at Aestheria tulog na. Hindi ko alam kung ok na ba kumpaniya nila Ria."
Napaisip din ako sa pamilya Lee. Anong nangyari bakit pati kay Ria nagkaroon ng problema?
Natural lang ba na problema ito ng kumpaniya o may ibang dahilan pa?
"Sige na Xatana, matulog ka na. Kailangan mo nagpahinga, may pasok ka pa bukas at panibagong araw na naman yun."
Hayst, oo nga. Nakakapagod na araw na naman siguro para bukas.
"Sige, good night Estella."
"Good night Xatana!"
Isinara na nito ang pintuan kaya naman humiga na ako at pumikit.
Ang sarap talagang humiga sa kama lalo na't pagod.
—Kinabukasan—
"Xatana! Ok ka na ba? Kaya mo na ba? Sabi ko kasi sayo humingi ka ng leave para makapag pahinga ka!"
Ang aga-aga sermon agad ni Drixie bumungad sakin.
"Drixie, ok na ako. Hindi mo naman kailangang maging paranoid diyan ah?"
"Ang para sa akin lang, huwag kang magpapagod ng sobra. Ikaw din ang mahihirapan atsaka, alalang-alala sayo si Kuya. Halos ayaw kang iwan sa bahay niya."
"Ang dami ng sinabi mo Drixie, ok naman na ako. Kumalma ka lang nga."
"Pumunta din dito yung babaeng Crimercia." Oh, yung fiance ni Mr. CEO?
"Bakit daw?"
"Nako, pumunta lang dito para kay Kuya. Hinahanap niya si Kuya."
Pft, magagalit na naman sakin yun kapag nalaman niyang sinabi ni Mr. CEO na husband ko siya hahaha. Bakit parang ang saya ko pa na nagpakilala siya na husband ko siya?
"Musta nga pala kayo ni Kuya sa bahay niya ha? Uyyy, share ka naman diyan oh!"
"Anong share-share ka diyan, wala akong ishe-share sayo. Hindi naman ako nagtagal doon."
"Ayyy ano ba naman yan, ang boring."
Psh, ano naman kayang iniisip ng isang 'to?
"Maiba nga tayo, na saan na si Mr. CEO?" Bigla naman akong siniko ng babaeng 'to.
"Uyyy, hinahanap si Mr. CEO." Anong nakain ng babaeng 'to?
"Ang daldal mo ngayon, baka ikaw ang ok or hindi? Parang hindi ka kasi si Drixie." Sumama naman ang tingin nito sa akin atsaka umalis.
Tignan mo, ang moody din niya.
"Ms. Lockwood? In my office." Hindi ko napansin nandito na pala si Mr. CEO.
Naglakad na ito patungo sa office nito at ako naman sumunod lang sa kaniya.
"About the design, ipinakita na namin sa iba at nagustuhan nila. Ok na ang lahat, approval na lang natin ang iniintay. May sasabihin ka ba tungkol sa kanila? May nalaman ka ba?"
Hmm, hahayaan ko na lang sa kumpaniya yung design ko. Hindi ko na sasabihin sa kaniya na ninakaw nila iyon tutal ako naman ang may-ari ng kumpaniya at para din naman sa SweetArt 'yon.
Ito na ang huling tulong na gagawin ko para sa kumpaniya ko, the rest doon na magsisimula ang laban.
"Wala naman po Mr. CEO, ok naman ang kumpaniya nila, walang problema."
"Hmm, good. Ibibigay ko na sa kanila ang sagot natin." Tama naman siguro ang ginawa ko. Ayokong masira ang SweetArt sa ngayon pero kung kinakailangan handa na ako. "
"You take care of the event, help them with the design. Ako ng bahala sa audience."
Ohh, magsisimula na ba ang fashion show para sa mga design?
"Saan po gaganapin ang event?"
"Dito lang sa building natin. Aalis muna ako."
So fashion show na nga ang sunod, hmmm...
"Hoy Xatana! Anong tinutunganga mo dito? Na saan si Mr. CEO?"
Tinignan ko sa tabi ko si Mr. CEO pero wala ito sa tabi ko.
"Ah, umalis siya, hindi ko alam kung saan. Sabi nga pala ni Mr. CEO ayusin na natin yung event." Nanlaki naman ang mga mata nitong tumingin sa akin.
"Wait, approved na ba ang project?"
"Yes, ibibigay na daw ni Mr. CEO ang sagot ng company natin sa kabila."
"Kung ganon magiging busy pala tayo, hayst."
"Bakit naman ganiyan, hindi ka ba masaya?"
"Tsk, masaya? Malamang aligaga na naman yung babaeng Crimercia na yun dito."
"Oh, anong kinalaman niya sa event natin?"
"Duh! Siya kaya ang bahala sa event! At isa siya sa model ng company natin! Grrr!"
"What?!"
"Yeah girl, busy na nga tayo tapos maiinis ka pa, jusko!"
At nilayasan niya ako dito habang gulat sa sinabi niya.
Yung babaeng yun ang model nila? My god! Ang laki ng pagkakamali nila-.-