Xatana's POV
Nag-aayos kami ngayon ng mga kurtina dito at yung iba naman mga lamesa ang inaayos. Hindi pa nag bibigay ng araw si Mr. CEO kung kailan gaganapin ang show basta sa ngayon inaayos na namin ang lugar. Dito lang naman sa building namin kaya ok lang.
Sa ngayon wala si Crimercia dito, hindi pa nila sinasabi dahil syempre ayaw nilang may umaaligid na babaeng mangkukulam dito at ayoko ding sabihin dahil ayokong masira ang mood ko.
Habang nag-aayos sila ng mga gamit kagaya ng kurtina, lamesa, upuan at sa stage binibigyan ko naman ng update si Mr. CEO, tumatawag kasi siya paminsan minsan. Meron daw na pupunta dito kapag sinabi na daw niya yung oras at kung kailan.
Iniisip ko mga bigatin kinusap niya para sa event na 'to. Kaso, baka mamaya lumabas din si Mom and yung pinsan kong feelingera tapos magpakilala na sila yung kausap ni Mr. CEO. Kailangan kong magtago kung gano'n kaso trabaho ko ito bilang chief secretary ng kumpaniya.
"Xatana!"
Lumingon ako nang tawagin ako ni Drixie na ngayon at tumatakbo papunta sa akin.
"Magdahan dahan ka kaya sa pagtakbo mo. Baka mamaya madulas ka gugulo pa dito."
"Ay wow, hindi mo iisipin kalagayan ko kung gano'n? Anyway, sabi ng iba dito na tatawagin daw ba si alam mo na."
"Ikaw, sa palagay mo tatawagin mo ba siya?"
"Hindi naman kasi pwede na yung model walang alam sa event natin. Syempre kakausapin pa siya about sa fashion show natin kung paano gagawin niya at magsusuot pa siya."
Hayst, oo nga naman, ramdam ko nga yung ganiyan noon na ako ang model ng kumpanya ko. Well, face of the company naman ako at gusto ko ako ang mag model ng gawa ko kahit isa lang.
"Hoy, nakikinig ka ba?!"
"Kumalma ka nga! Ano bang sabi ni Mr. CEO sayo?"
"Edi ipaalam daw kay Crimercia yung sa event."
"Hayst, mukhang gagawin natin 'yon. Siya ang boss natin at mukha namang sa kaniya lalapit yung bruha na 'yon kapag nandito siya."
Napatango naman si Drixie sa sinabi ko, agree siya sa sinabi ko.
Kasi mukha naman ang focus ni Crimercia ay si Mr. CEO, lagi niyang hinahanap si Mr. CEO, laging pinupuntahan si Mr. CEO, at laging bukang bibig si Mr. CEO. Oh, d'ba walang duda?
"Sige na, sabihin mo na sa kanila na tawagin nila yung bruha este—"
"Pft, ok lang parang tayong dalawa lang naman nag-uusap at bagay naman sa kaniya 'yon. Sige, bye na!"
At tumakbo na naman ito paalis. Pupuntahan ko muna yung mga design na ginagawa nila, para sure na walang problema. Gano'n kasi ginagawa ko sa kumpaniya ko, ayoko na palaging may problema sa mga design lalo na kapag gagawin na talaga siya into dress, or what.
Pagkapunta ko sa kanila nakikita ko inaayos naman nila yung dress. Tinatahi at gaya naman sa mga design na pinakita namin.
"Ms. Xatana, may problema kasi." Wika nito pagkalapit sa akin.
"Anong problema?" Ayan ang ayoko kapag malapit na ang event tiyaka magkaka-problema.
"Wala kasi yung gagawa ng design para sa susuotin ni Ma'am Crimercia."
"Ano naman yung susuotin niya? Ako ng bahala doon tutal madami naman nang nag-aayos para sa stage."
"Maraming salamat Ms. Xatana, ang bait niyo talaga. Kung ganiyan lang din sana si Mr. CEO—"
"May ginagawa si Mr. CEO, kinakausap niya ang mga audience na pupunta para sa fashion show natin at alam ko na mga bigatin din 'yon. Intayin na lang natin dahil dahil maganda rin sa ratings 'yon kapag nakilala ang kumpaniya ng mga sikat." Mahabang paliwanag ko at saka umalis na doon.
Tinuro nito kung na saan yung design na aayusin para doon sa bruhang babae. Pagkakita ko doon sa design, nagulat ako.
De-design ko ito ah? Ito ang ipapasuot nila sa bruhang 'yon?!
Maganda kayang tignan kapag sinuot na ni Crimercia ang design na gawa ko? No, no, no! Pero hindi pwede na pumili ng model dahil siya sa pang last na model nila. Nako naman, nasa maling tao pa magsusuot ng gawa ko.
Design ko na nga, tapos tahi ko pa, haynako.
No choice ako kaya ginawa ko na yung susuotin niya. Tahimik lang naman ako kapag gumagawa at seryoso, gusto ko tahimik ang lugar para hindi ako ma-distract pero ang mga tao dito na katabi ko ang ingay kumilos.
"Na saan ang chief secretary niyo?" Tinignan ko kung sino ang naghahanap sa akin, si Mr. CEO lang pala.
"Mr. CEO, nandito po ako!" Agad naman itong tumingin sa gawi ko.
"Why you're doing this?" Curious na tanong ni Mr. CEO.
"Wala daw kasi yung gagawa para dito kaya ako na gumawa."
"Hayaan mo na sila d'yan, may gagawin ka pa."
Huh? Ano naman ang gagawin ko ngayon? Inaayos na yung stage at yung mga design, ano pa ang gagawin?
Dahil sa paghila ni Mr. CEO sa akin ay wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. Ano naman kaya ang gagawin ko?
Tumigil kami dito sa tapat ng isang room.
"Anong gagawin ko Mr. CEO?" Takang tanong ko dito. Hindi naman siya umimik kaya ayun tumahimik na lang ako at nag-intay.
"You may go now." Wika nito.
"Dito sa loob?" Tanong ko ulit.
Bago pa ako sagutin ay binuksan na nito ang pintuan at tinulak ako papasok. "Kanina ka pa nila hinihintay."
"Sino—wait! Kuwarto ng mga modelo ito ah?!" Walang alinlangan kong sigaw at dahil doon na realized kong madaming tao dito sa loob at nakatingin sila sakin ngayon!
"Magsimula na kayo..." Natameme naman ako sa nakikita ko. Mag ma-manage ba ako ng mga models dito? "Nabingi ka ba chief secretary Xatana Lockwood?"
Agad akong lumapit sa mga mudelo at humarap sa kanila. Sabi ko nga kikilos na.
"Ms. Lockwood sa harap po kayo tumayo." Ani naman nung stylist na nasa tabi ko.
"Sa harap? Teka, teka, hindi ako yung mudelo alam ko tinawag na si Ms. Crimercia—" Habang nagsasalita ako sumingit naman itong si Mr. CEO at doon ako nagulat sa sinabi niya.
"Tsk, ikaw ang last model para sa show." Direktang sagot nito. "Wala si Crimercia, she's busy."
"What?!"
"May problema ka chief secretary Lockwood?"
"Teka, ang bilis naman at bakit ako Mr. CEO?"
"You are beautiful, matangkat and sexy."
Bakit ang direkta ng mga sagot niya?!
"Pero hindi naman ako na inform—"
"Now you know."
Argh! Bakit ba ganito siya? Ang tigas ng ulo parang hindi siya!
"Pero wala akong alam sa ganito!" Hayst, ok kasinungalingan ito, oo na.
"I know you can do this Ms. Lockwood." Himala na confident siya? Alam niya kaya?
"Yes Ms. Lockwood, tuturuan ka din naman namin." Singit nung hairdresser.
Hayst, mukhang wala na akong magagawa pa.
"Pero hindi ba kayo nag-isip na humanap ng mudelo?" Biglang tanong ko. Kasi may oras pa naman, hindi naman agad-agad yung event.
"Bukas na yung event Ms. Lockwood kaya kayo na din ang nirekumenda ni Mr. CEO." Napanganga ako sa sinabi nung makeup artist.
"Se-seryoso?!" Kung bukas ang event, hala! Kaya kaya 'yon, sa lahat ba naman ng dapat pang gawin. Lalo na yung mga tatahiin!
"Calm down, ako ng bawala sa iba pa, excuse me." At umalis lang basta si Mr. CEO. Paano niya kakayanin ang madaming trabaho ng ilang oras lang aber?!
"Let's start na po Ms. Lockwood."
Tinignan nila buong katawan ko para mag fit sa akin yung susuotin ko para bukas. Braso, bewang, dibdib at iba pa. Matapos nang pag-measure nila sa'kin limapit naman yung makeup artist at hairdresser ko tapos kung anu-ano na ginawa nila.
"Teka lang, gagawin niyo na agad yan? Wala pa naman yung event?" Tama naman yung tanong ko d'ba? Dapat sa mismong event na.
"Sabi po ni Mr. CEO, i-try daw namin lahat kung anong babagay sa inyo, kahit na mag makeup agad kami sa'yo." Seryoso sila doon?
Hindi na ako nagdaldal pa at mukha naman silang seryoso. Pagkatapos nila akong ayusan syempre nandito na 'yong magtuturo para tama yung pagrampa ko sa stage.
Masyado silang maalaga sa'kin, iniisip ko na VIP ako dahil sa pagtrato nila. Sabagay ikaw ba naman chief secretary tapos model pa?
Yung ibang model naman busy sa ginagawa nila. Tinuturo kung paano gagawin sa pagrampa, kung papaano pumasok at lumabas ng stage, kung papaano mag switch kada may batch na aakyat.
Haynako, tapos ako naman ito umiiwas sa pag mo-model bigla namang napili. Lord naman bakit ganito, imbis na makalayo sa pag model.
"Xatana?! Wahhhhh! Seryoso nga sila, model ka para sa company? Ahhhhh!"
"Nako Drixie ano namang masaya do'n?"
"Syempre makikita yung ganda mo sa magazines, televisions and news papers! Ahhhh!"
"What?!"
"Bakit, ayaw mo?" The hell! Hindi ko naisip 'yon! Ma e-expose ako at makikita nila ako, as in lahat sila! "Uhm Xatana? May problema ba?"
"Ah hehe wala naman."
"Ay! Naalala ko may isusuot ka pala para sa mukha mo. Yung parang net na suot ng babae kapag kinakasal."
"Pft anong net sinasabi mo? Wedding veil tawag do'n."
"Malay ko ba, kahit na kinasal na ako hindi ko alam tawag do'n." Natatawa ako sa sinabi niyang net hahaha. Mukha bang mangingisda kapag ikakasal? Hahaha!
Ok na din na may veil para hindi masyado halata yung mukha ko. Kaso manipis parin 'yon. Haynako, ano na namang problema 'to Xatana!
"Sige na at alam kong busy ka, pati si Mr. CEO busy din, actually lahat naman tayo busy. Bakit ba naman kasi bukas yung event, haynako."
Pft, pati siya gano'n din ang reaksyon. Totoo naman kasi na hindi pa nga nangangalahati yung ayos ng lugar para sa event tapos bukas na agad?
Ano naman kaya na kain ni Mr. CEO para isipin niya 'yon? Tapos bigla kong malalaman na model din ako? Oh my!
Pag na expose talaga ako matinding problema 'yon!
"Ms. Lockwood mag start na po tayo."
Nagsimula na kami sa kunwaring rampa ko para sa stage. Hindi niya alam na kaya ko naman gawin 'yon ng ako lang.
Ginawa ko naman 'yung sinabi niya. Pinipilit ko na papangitan yung pag rampa ko pero hindi ko magawa! As in, automatic yung katawan ko na rarampa ng maayos hindi sumusunod yung katawan ko sa kung anong iniisip ko!
"Wow! Ang galing mo Ms. Lockwood, wala ka talagang alam sa pagmomodelo?" Mangha naman itong nagtuturo sakin at pumapalakpak pa.
Ngumiti lang ako at hindi nagsalita, wala akong maisip na isasagot ko. Lord, tulungan mo ako, please.
"Sige Ms. Lockwood, onting ikot mo pa at pose." Ginawa ko ulit yung sinabi niya tapos bumalik na ako sa kinatatayuan ko kanina. "Perfect! Ikaw ang tinuruan ko na ang smooth nang galaw at ang bilis matuto! Ms. Lockwood may future ka sa pag momodel!"
Ahhh! Hindi ko na kaya, ang hirap mag panggap na walang alam! Ramdam niyo 'yon?
"Bakit Sis?" - Makeup artist
"Magaling kasi si Ms. Lockwood sa pagrampa kanina. Nakita ko din kanina!" - Hairdresser
"Tapos ang ganda pa ni Ms. Lockwood! Tama si Mr. CEO noong kinausap niya tayo! Hindi talaga tayo magsisisi sa kaniya!" - Stylist
Ok? Ang daldal nila ha? Baka nakakalimutan nila na nandito sa tabi nila yung pinag-uusapan nila?
"May gagawin pa bang iba?" Agad silang tumingin sa akin pagkarinig nila sa tanong ko.
"Ay oo nga pala, doon na tayo sa iba pang mga mudelo para sabay-sabay na kayong lahat."
Oh, ito na yung kung papaano ang switching, kung papaano yung pagpasok at paglabas sa stage. Hoy, 'wag kayo mag-isip ng kung ano diyan ha?
Pumunta na kami sa mga babae na ngayon ay nag-practice din sa pagrampa.
"Tsk, ayan yung chief secretary d'ba?" - Girl 1
"Ah, oo siya yon." - Girl 2
"Tsk, maganda lang akala mo VIP na. Pansin ko ang ganda ng pagtrato sa kaniya, kesa sa atin na matagal ng modelo dito." - Girl 3
"Kaya nga, porke chief secretary pa VIP na. Kinausap niya siguro yung mga baklang 'yon na tratuhin siya bilang reyna." - Girl 1
"Hindi naman siguro gano'n mabait din naman si Ms. Lockwood." - Girl 2
"Aba't kumakampi ka pa sa babaeng 'yon?!" - Girl 3
Pasimple akong lumapit sa likod nila. Nakatalikod kasi sila habang pinag-chichismisan nila ako.
"Ehem, ganiyan pala kayong dalawa sa kapwa niyo modelo din 'no?" Saad ko sa kanila.
"Tsk, chief secretary ka lang ng kumpaniya! Hindi ibigsabihin no'n na mag-aasta kang reyna dito!" - Girl 1
"Pft, inggit ba kayo? Sino ba nagpumilit na maging modelo ako dito? Wala si Mr. Crimercial Lee dito kaya ako ang ipinalit. Narinig niyo naman sinabi ni Mr. CEO? Nakasali lang siguro kayo dahil sa sexy niyo, pero yang ugali niyo ang panget, kasing panget ng mukha n'yo!"
"Ang kapal ng mukha mo!" Nakita ko na sasampalin na niya ako sa mukha pero may pumigil doon. Nakita ko na lang na nasa tabi ko na si Mr. CEO at si Drixie na katabi niya. Kumindat pa yung babaeng 'yon sa akin.
"Tapos na kayo?" Hindi niya pinansin yung mga babae at basta na lang siyang tumingin doon sa apat na bakla na nag-asikaso sa'kin kanina.
"Yes Mr. CEO." At bigla niya ulit akong hinila.
Ano na naman ba itoooooo!