Estella's POV
Napapaisip parin ako sa nangyari kagabi.
Nakita ko si Xatana na natutulog sa balikat ng amo niya. Yung Mr. CEO na tinatawag niya. Paano nandoon silang dalawa? Tinawagan ba ni Xatana yung Granger na yon?
Naaalala ko pa sinabi nung Granger na 'yon sa akin.
"If you need help, especially Xatana, you can tell me."
Malinaw na malinaw, walang halong salita, wala akong binawas o sobrang narinig basta yan.
Anong meaning ng especially niya? Si Xatana talaga? Chief Secretary niya lang 'yon pero parang VIP si Xatana doon sa kumpaniya na 'yon. Baka naman may secret relationship silang dalawa?!
"Hoy Estella!"
"Ay secret! I-ikaw pala yan Xatana, kanina ka pa gising?"
"Hmmm, ano yang secret na sinasabi mo? Paki explain nga."
"Ah, kasi, uhm.." Dederetsohin ko na ba siya? "May secret relationship ba kayo ng Granger Hunt na 'yon?!"
Bakas sa mukha nito ang pagkagulat, so totoo nga?!
"Teka, teka, anong sinasabi mong secret relationship? May fiance na nga yung tao, modelo din sa kumpaniya namin."
Ehhh? Bakit ganon? Parang mas mahalaga pa si Xatana sa lalaking yon kesa sa fiance niya? Hindi kaya two timer ang lalaking 'yon?!
"Kung ano man yang iniisip mo tigilan mo na yan, bakit ba kasi ganiyan tanong mo?"
Sasabihin ko ba sa kaniya yung sinabi ng Boss niya o hindi?
"Kasi..." Hayst, bakit hindi ko masabi?!
"Haynako, kung ako sayo tigilan mo na yang iniisip mo. Workmates lang kami ni Mr. CEO. Sige na at aalis na ako, ngayon ang mahalagang araw ng kumpaniya kaya dapat nandoon na ako agad."
Oh, kaya pala gising na siya agad. Kung sabagay, pagkatingin ko sa kaniya ayos na agad siya.
"Sige, sige, mag-iingat ka sa paglalakad at ang aga mong umalis ngayon." Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako.
"Nako ok lang ako, sige na bye!" Pagpapaalam nito at umalis na siya dala-dala mga gamit niya.
Hayst, iniisip ko pa kung paano ko makakausap yung tatlong lalaki na kasama nila Aestheria.
Bumaba na ako galing sa kuwarto ko at pumunta sa kusina para sana maghanda na ng kakainin pero biglang may tumawag sa telepono namin kaya pinuntahan ko muna.
Ang aga-aga naman may tawag agad sa bahay.
"Hello, good morning, sino sila?"
[Estella, is that you?]
"Teka, Zamora? Zamora ang name mo d'ba?"
[Yes, ako nga at kasama ko silang dalawa ngayon.]
Ang tinutukoy niya kaya yung dalawang kaibigan niya na kasama nila noon?
"Ang aga mong tumawag, may kailangan ba kayo?"
[May tanong lang kami tungkol sa mga kaibigan mo.]
Saktong sakto, pwede ko silang tanungin kaso ako lang mag-isa? Mukha naman kasing madaming itatanong si Xatana sa kanilang tatlo.
"Ngayong araw ba? Busy kasi si Xatana, kakapasok niya pa lang sa trabaho niya."
[Anong oras kayo pwede?]
Hmm, hindi ko alam kung anong oras pwede si Xatana.
"Tatanungin ko muna siya, hindi ko kasi alam kung anong oras uwi niya."
[Sige, tawag ka na lang. Ibibigay ko number ni Marquis para sa kaniya mo sabihin ang oras.]
Nakakapagtaka, bakit naman yung isa bakit hindi na lang sa kaniya tutal siya naman kausap ko ngayon?
"May gagawin din ba kayo?"
[Sadly yes, may show kasi na gaganapin sa kumpaniya ni Granger. Kilala mo ba ang DeskSign company? Alam ko doon nagtra-trabaho si Xatana, right? Siya ata ang model nila ngayon dahil wala yung mismong model nila.]
Pft, may pagkamadaldal din pala ang lalaking 'to. Pero tama ba pagkakadinig ko? Si Xatana ang modelo? Kaya pala ang aga niyang pumasok sa kanila.
[Madaming media din ang pupunta doon para sa show, malamang mapapagod kaibigan mo kaya hindi na ako magtataka kung—]
"What?!"
Napasigaw ako sa sinabi nito, media?! Jusko, malalaman nila kung sino siya! Kung sabagay, alam naman na siguro nila Tita kung na saan kami pero, buong mundo malalaman kung na saan kami at kapag nangyari 'yon.
Ahhhh, malalagay sa alanganin si Xatana!
[Why, may problema ba? Why did you shout?]
"Ahh, ka-kasi, wala naman nagulat lang ako magiging modelo si Xatana, hehehe salamat sa info."
[You didn't know? Ok bye, aalis na kami.] Nagpaalam na ako sa kaniya at pinatay na niya ang tawag.
Xatana, alam mo ba ginagawa mo?!
Xatana's POV
"Ano ng balita, Drixie? Ok naman ang lahat?" Tanong ko kay Drixie dahil baka mamaya may magkaproblema tapos hindi kami handa.
"Ok naman lahat Xatana, nga pala. Nakita mo ba si Kuya? Kasi alam ko papunta na siya dito."
Speaking of Mr. CEO, hindi ko din siya nakikita kahit saan dito.
"Baka nasa office na niya at naghahanda?" Yun lang naman naisip ko, baka mamaya guato niya lang din tignan kung ok ang lahat, bilang CEO mahirap na magkaaberya 'no.
"Wala siya sa office niya, kanina tinignan ko office niya noong nag check ako, kaya nga tinanong kita."
"Nako, may inaasikaso lang 'yon. Sige na at maghahanda pa kami para sa show."
Tumango naman ito at ako naman nagtungo na sa back stage para maghanda. Hindi ko na inisip si Mr. CEO, baka mamaya may sarili siyang ginagawa para sa show. May tiwala naman ako sa kaniya.
"Ok, natatandaan niyo pa ba mga gagawin niyo? Kumain na ba kayong lahat? Need niyo magkaroon ng energy habang may oras pa. Kung may gagawin kayo gawin niyo na bago tayo magsimula."
Dinig na dinig ko boses nung bakla, yung host ata 'yon or what. Hindi ko naman kasi alam kung sinu-sino mga tao dito, hayst.
"Xatana! Sabi nga pala ni Mr. CEO, pumunta ka na sa room mo, aayusan ka na daw."
Oh nandiyan na pala si Mr. CEO, sige makapunta na nga, ayoko din ng nale-late.
Granger's POV
Hinahanap ko ang makulit kong kapatid, si Drixie. I don't know, I don't have a good feeling right now, maybe something bad happened to Drixie.
"Hayst, nandito ka lang pala Kuya, kanina pa ako nag-aalala sayo! Alam mo ba ang tagal mo! Kanina pa kami sayo nag-iintay!"
"Who?"
"Tsk, sino pa ba edi kami ni Xatana! Pumunta pa ako sa office mo para tignan ulit kung nandoon ka!"
"Psh, calm yourself. Nandito na'ko so stop shouting."
"Hmp!"
Kahit kailan talaga, "Where is—" Magtatanong pa lang ako may sagot na siya agad.
"Nandoon na sa back stage, naghahanda."
Tinignan ko siya ulit, I didn't see anything wrong so I let her go and went straight to the back stage.
"Mr. CEO, " agad may lumapit sa akin kaya tumigil ako. "May problema po tayo, hindi pa dumarating si Ms. Lockwood."
"What the?!" Tumingin silang lahat sa akin dahil sa pagsigaw ko.
"Kanina ko pa siya hinahanap pero wala, nagtanong na din ako sa kanila pero wala silang nakita."
No, that's impossible, because of what everyone has heard, I hear a lot of rumors about Xatana.
"Hindi kaya ayaw niyang maging model?"
"Paano na yan! Ngayon pa naman ang araw ng show!"
"Baka naman ang excuse niya sa atin, na late siya ng gising! Tsk, feeling VIP talaga ang babaeng 'yon!"
Hindi ko na kinaya kaya sumigaw na ako.
"Fuck! If you're not done talking, just get out of my sight!"
Umalis ako doon, nakita ko si Drixie na nag-aalala sa'kin.
"Bakit? Anong nangyare? May problema ba? Hayst, kaya naman pala aligaga si Xatana kanina para tignan kung ok lahat—" Pinatigil ko siya sa sinasabi niya.
"What did you just say?" Nagtaka siya sa tanong ko pero sinagot parin niya.
"Uhm, na may problema?"
"No, yung kasunod nang sinabi mo." Nag-isip pa siya kung anong sinabi niya pagkatapos no'n.
"Na aligaga si Xatana kanina?"
"Yes, nakausap mo siya?"
Natawa ito sa tanong ko kaya naman nagtaka ako.
"Kanina pa! Sabi niya nga kanina baka may inaasikaso ka lang kaya hindi ka pa dumarating kanina."
If she's been here before, why haven't they noticed that Xatana is already here?
"They said Xatana hasn't come to the back stage yet." I said habang tumitingin sa paligid.
"Huh? Kanina pa siya pumunta ng back stage! Nako, hindi kaya may nangyareng masama kay Xatana?! Kuya, hanapin natin siya!"
"Shhh, lower you voice Drixie. Sige hahanapin natin siya." At kapag nalaman ko kung anong totoong nangyare, malalagot ang gumawa nito.
"Dude! Oh, nandito ka lang pala. Teka hindi ka pa ba mag-aayos?"
Tinignan ko kung kanino ang pesteng boses na 'yon.
"Zam! Kilala niyo si Xatana hindi ba? Nakita niyo na siya sa office noon, please tulungan niyo kami!"
Dahil sa pagtataka nila ay sumagot na ako.
"Hindi pa dumarating si Xatana, sabi ni Drixie nandito na siya kanina pa." Pagpapaliwanag ko.
"Hindi magagawa ni Xatana ang hindi sumulpot lalo na kung importante."
Nag-init ang dugo ko nang marinig ko ang boses ng hinayupak na lalaking 'to.
"At sino ka naman?" Takang tanong ng kapatid ko.
"Si Kuya Morpheus, kapatid ko nga pala siya Drixie, at siya yung ex-boyfriend ni Xatana, hindi mo ba alam?"
Lumingon si Drixie sa akin at tumingin ng masama, tsk. Hindi naman ako natatakot.
"Ah eh, hindi ko alam 'yon. Maiba tayo, hanapin natin si Xatana, kanina ko pa siya hindi nakikita no'ng pumunta siya ng back stage."
Tsk, I thought Drixie was in danger, but it was Xatana, but why am I worried?
"Kuya! Ano ba, huy! Kanina pa wala yung ex-boyfriend ni Xatana, hindi mo ba siya hahanapin? Baka maunahan ka niya!"
Psh, ano naman kung maunahan ako.
"I still have a lot to do, it's up to you to find Xatana. There is security here."
"Argh! Bahala ka nga diyan! Kapag huli na ang lahat, huwag kang lalapit sa'kin!"
Tsk, hindi naman mangyayari 'yan.
Xatana's POV
Argh! Ang sakit ng ulo ko.
Anong nnagyari sa'kin? Ang naaalala ko lang kasi, nasa back stage ako tapos sabi no'ng babae pumunta na daw ako sa kuwarto kung saan ako mag-aayos.
Pero saang lugar naman 'to?
"Nagising din ang bruha."
Hindi ko alam kung sino ang babaeng nagsalita no'n pero noong nakita ko ang mukha niya doon ako nagtaka.
"Ikaw 'yong isa sa mga model ng DeskSign hindi ba?"
Lumapit ito sa akin at ngumiti.
"Ako nga, pagkakataon nga naman. Ang dali mo pa lang mauto 'no? Hahaha!"
Psh, "Na saan ako ngayon! Anong balak mo sakin?!"
Lumayo ito sa akin at may nakita akong isang grupo ng mga babae na may hawak na kahoy.
"Wala naman akong gagawin sa'yo, pero sila meron. Hahaha!"
"Tsk, ano na naman bang kalokohan 'to?!" Nainis 'yong babae sa sinabi ko at agad akong sinabunutan at nilapit nito ang mukha niya sakin.
"Kalokohan ba? Hahaha! Oo, kalokohan nga ang lahat ng ito! Isipin mo, kinuha ka bilang modelo ng kumpaniya kahit na chief secretary kana? Ang laking kalokohan!"
Aba, sinasagad ng babaeng 'to pasensiya ko! Hindi ko na kinaya, dahil sa malapit naman ang mukha niya sa mukha ko. Malakas kong tinamaan noo niya gamit ang ulo ko.
"Ouch!" Ang expensive naman ng ouch niya.
"Ang lakas ng tama mo sa ulo! Hindi ka ba makaintindi? Kung may problema ka, kay Mr. CEO ka mag reklamo!"
Nakita ko na hinawakan ng mga babae yung kahoy.
"Aba ang tapang ng babaeng 'to ah!"
Itatama na niya sana sa akin 'yong kahoy pero pinigilan siya nung babae.
"Huwag, ang sabi ni Ma'am takutin lang daw natin siya pero hindi natin siya sasaktan." Ang shunga din, pabulong bulong pa naririnig ko naman.
"Pwe! Yang babae ba ang nag-utos sa inyo na gawin 'to? Tsk, isang headbutt lang tulog na agad."
Nagpipigil sila na hindi ako saktan dahil sa utos nung modelo na ngayon ay nasa sahig na at natutulog.
"Na saan ako ngayon?! Kapag hindi niyo sinagot, malilintikan kayo sakin!" Matapos ng mga sinabi ko, tumawa silang lahat.
"Ikaw? Laban sa limang babae? Seryoso ka ba diyan? Hahaha!" Aba, matapang din ah.
"Pft, kung hindi naman kayo takot bakit hindi niyo subukan?"
Lahat sila may hawak na kahoy at ihahampas na sana ng isa 'yong kahoy pero hinatang ko yung dalawang kamay ko na may tali sa pulsuhan ko, habang gulat pa 'yong babae kahit na masakit sa kamay ay pinapulupot ko yung tali sa kahoy at hinila ko iyon. Sakto naman na tumama ito sa bintana at nasira ito.
Siguro naman maririnig ako ng ibang tao dahil sa pagkasira ng bintana.
"Sinasagad mo talaga pasensiya ko!" Naalala ko na may apat pa palang babae.
Ang pagkakamali nila, hindi nila ako tinali sa upuan o kung saan. Tinali lang nila kamay ko, oh diba mga sunga rin ang mga 'to! Mananakot na lang palpak pa.
Nakita ko yung dalawang babae na handa na sanang ipalo sa akin yung kahoy pero napatigil sila. Hindi ko alam kung bakit, noong lumingon ako nakita ko si Morpheus at Granger na nasa likuran ko pala. Actually nasa pintuan sila, ang shunga ko rin malapit lang pala ako sa pintuan dapat doon ko na lang pinatama yung kahoy kanina, haynako Xatana.
Masaya na sana ako kaso yung dalawang natitira na babae, may hawak din silang kahoy at handa na nilang itama sa likod nung dalawa.
Agad akong tumayo at lumapit sa likod nila.
Yung isang kamay ng babae na may hawak ng kahoy, nasipa ko siya kaya hindi tumama kay Morpheus pero huli na ako ng tumama na din sa likod ko yung kahoy nung isang babae. Ramdam ko yung sakit kaya naman natumba na ako.
"Xatana!" Huling sigaw na lang nung dalawang lalaki ang narinig ko pagkatapos no'n wala na akong malay.