Xatana's POV
Kanina pa akonag-iintay dito sa loob ng office ni Mr. CEO, kasi ba naman. Pagkatapos niya akong hilain, pumasok kami sa office niya tapos iniwan niya ako dito ng nag-iisa. Wala naman siyang sinabi kung anong gagawin ko sa loob.
"Wear this." Napansin ko na lang na may ibinigay ito sa akin na veil, ito yung isinusuot ng ikakasal na babae para doon sa buhok na nakaipit.
"Ngayon Mr. CEO?" Masama naman itong tumingin sa akin. "Hehe sabi ko nga isusuot ko na." Dahil sa reaksyon ni Mr. CEO na kulang na lang siya na mag-ipit no'n sa buhok ko syempre ako na gumawa.
Pagka-ipit ko dito agad na seryosong tinitigan ako ni Mr. CEO, nagulat na lang ako na bigla itong umiling at itinuro nito ang veil sa ulo ko sabay hand gestures ng alisin daw sa ulo ko. Tatanggalin ko na sana pero may nauna na sa akin.
"Ako na Ms. Lockwood, stay still ka lang diyan." Nabigla ako ng magsalita ito mula sa likod ko. Ito yung bakla na hairdresser ko kanina. Pagkatanggal no'n agad na pinalitan nila ito ng iba pang veil.
Habang sila busy sa pagtanggal at pag-ipit ng veil sa buhok ko, ako naman walang magawa.
"Hindi pa ba kayo tapos diyan?" Buryong tanong ko.
"Ms. Lockwood, hindi pa kami tapos kaya wag kang malikot diyan at baka magulo ang buhok mo." Iritableng sagot naman nito.
Hayst, "Bakit kasi ang dami niyong nilalagay sa buhok ko, psh." Syempre bulong ko lang yan.
"May sinasabi ka?" Narinig ni bakla?!
"Hehehe, sabi ko kasi ang dami niyo ng sinusubukan sa buhok ko, masakit sa anit."
"Mag reklamo ka kay Mr. CEO wag sakin."
Aba't?! Bakit parang kanina lang ang bait nila sakin?! Hindi na VIP pakikitungo nila sakin. Wait, ok lang naman at least hindi na mag-iisip yung iba.
After ng ilang pag-try nila sa buhok ko natapos na din sila, siguro kalahating oras, kalahating oras na ding masakit anit ko at nanginginig na mga tuhod ko.
Umalis na yung hairdresser kaya naman nagtanong ako kay Mr. CEO.
"Ang daming sinubukan sa akin Mr. CEO, may problema ba?" Baka mamaya hindi bagay sa buhok ko lalo na may pagkamasikip yung pagkakatali sa buhok ko or hindi nila alam kung paano iiipit sa buhok ko. Iba kasi pagkakatali sa buhok ko, nakapabilog siya.
"Or baka naman—"
"There's no problem...Kahit anong isuot mo bagay sayo, tsk!...Umuwi ka na."
Ang narinig ko lang ay ok naman daw, wala namang problema tapos sabay pauwi sa akin? Weird...
"Sige Mr. CEO mauuna na ako, mag-aayos lang muna ako." Pagpapaalam ko, kasi kailangan ko pang magbihis at magtanggal ng makeup sa mukha ko.
Pagkaalis ko pumunta agad ako ng washroom. Naghilamos ako at inayos ang mukha ko. Syempre nagpalit na din ako ng suot ko, matapos ng mga ginawa ko ay lumabas na ako ng washroom at lumabas na ng kumpaniya.
Nakita ko si Mr. CEO na nag-aabang, iniitay ata si Drixie, magkapatid nga naman, sana ako rin. Hinayaan ko na si Mr. CEO doon at dinaanan ko lang siya, bakit ba, tapos naman na trabaho ko haha.
"Ms. Lockwood..." Tawag nito sakin.
"Yes Mr. CEO?"
"Sumama ka na, ihahatid na kita sa inyo."
Wait, tama ba pagkakadinig ko? Ihahatid ako ni Mr. CEO?!
"Wait, may nagawa ba akong mali?!" Tarantang tanong ko. Imposible na mag-aya siya ng kagaya nito!
"Nope, just say yes before I change my mind." Ay may paganon? Well, malapit lang naman bahay namin so bakit—oh, problema pa nga pala si Vannesa, hayst.
"Malapit lang naman bahay namin Mr. CEO, pero pwedeng lumibot muna tayo? Baka sakaling makita ko si Vannesa sa ganitong oras. Malapit na din namang gumabi, nag-aalala na din ako sa kaniya."
"Sure," Simple at tipid na sagot nito. Oh dba, minsan ang tipid magsalita ng isang 'to.
Dahil pumayag naman siya kaya sumakay na ako sa kotse niya at kagaya ng sinabi ko nag-ikot kami dito sa city hanggang sa abutan kami ng dilim. Wala naman akong nakitang Vannesa kaya naman nagpunta kami ng hospital kung saan sila ginamot.
"Nurse, may nakita ba kayong babae? Baka kilala niyo, Vannesa yung pangalan, nandito siya nakaraan lang." Pagkasabi ko no'n sa nurse, tinignan niya ako at kasama si Mr. CEO matapos no'n nagsalita na siya.
"Uhm, wa-wala po akong alam na ganong pangalan dito. Baka wala po ako no'n nang ginamot sila dito."
Huh? "O-ok, sige maraming salamat na lang."
Nakakapagtaka naman sinabi nung nurse. Baka wala siya dito no'n pero namumukhaan ko pa siya. At may isa pa akong napansin...
"May iba ka pa bang pupuntahan?" Napalingon ako kay Mr. CEO dahil sa tanong nito. Ops, muntik ko nang makalimutan may kasama pala ako.
"Wala naman na, sige na uuwi na ako." Nagpumilit naman siya na ihatid na daw ako. Malayo na daw kasi dito yung building ng kumpaniya at madilim na, delikado daw. Pumayag na lang din ako, basta ang dami kong iniisip.
Nagtungo na kami pauwi sa bahay ko. Pagkahinto ni Mr. CEO agad namang sumugod yung mga kaibigan ko. Syempre sina Estella, Aestheria, at Ametrine 'yon.
"Xatana! Kanina ka pa namin iniintay!" - Estella
"Oo nga! Ang laking problema natin ngayon!" - Aestheria
"Xatana, may dala ka bang foods diyan? I'm hungry na kasi." - Ametrine
"Ametrine!" - Estella & Aestheria
"Ehem! May kasama ako, kumalma namam kayo pwede ba?!" Dahil sa kaingayan nila nahiya ako kay Mr. CEO. "Pagpasensiyahan niyo na Mr. CEO, ganiyan talaga sila hehehe."
"No problem, kilala ko na dalawa sa kanila." Oh, tinutukoy niya ba si Estella at Ametrine? Oh my! Noong nalasing ako sa kasal nila Drixie!
"He-hello Mr. CEO, hehehe nandiyan ka pala." - Estella
"Wahhh, si pogi nandito!" - Ametrine
"Shhhh, Ametrine naman! Hello, anong pangalan mo?" - Aestheria
"Granger Hunt," sagot naman ni Mr. CEO.
"Ay, hindi kita kilala kaya lumayas ka na dito." - Aestheria
"Seriously, Aestheria?!" - Estella
"Why? I'm just kidding! Duh!" - Aestheria
Hinayaan ko na 'yong dalawa at kinausap si Mr. CEO.
"Anong oras na Mr. CEO, maraming salamat sa tulong." Gusto ko na din paalisin si Mr. CEO kasi sobrang kahihiyan na ibinigay ng dalawang KAIBIGAN ko sakin, jusko kaibigan ko ba talaga sila?! Sa harap pa ng boss ko!
"No problem," Tinulak ko siya hanggang sa makaupo siya sa upuan ng kotse niya at pinalayas ko naman yung tatlo dito sa labas hanggang sa makapasok sila sa loob at pagkabalik ko sa labas wala na si Mr. CEO, the heck!
Hindi ako nakapag sorry sa kaniya!
"Hoy babaita, anong ibigsabihin no'n?! Bakit mo kami tinutulak aber?!" - Aestheria
"Ako naman nagtatanong sa inyo! Anong pinagsasasabi niyo kanina?! Naintindihan ko pa si Ame dahil may pagkasayad sa utak yang isang yan pero ikaw Aestheria? Jusko!"
"What? Big deal ba 'yon? Nagbibiro lang naman ako." - Aestheria
"Hayst, hindi mo kasi kilala 'yon! Ang sungit kaya no'n."
"Sus, mukhang mabait nga kanina." - Estella
"Mabait? Seryoso ka diyan Estella? Halos kanina nga pahirapan..."
"Anong ginawa sayo ng lalaking yon! Binastos ka ba?!" - Aestheria
"Tigilan mo na nga yan Ria! Para kang si Ame, tsk! Anong problema na naman ba ang meron tayo?" Jusko, bukod sa problema ko sa kumpaniya kapag inilabas ako sa magazine, argh pagnaiisip ko yun parang sasabog utak ko! Hindi pa nila alam 'yon! Tapos may dadagdag na naman? Ang dami namang problema!
"Yung kumpaniya mo..." Panimula ni Estella.
"Balita namin malapit nang mag bankrupt ang kumpaniya mo." Pagpapatuloy ni Aestheria.
"What?!" Gulat na tanong ko.
"Hindi namin alam kung papaano na bankrupt ang company mo, paano na yan?" - Aestheria
"Ako ng bahala don, kumusta naman paghahanap kay Vannesa?" Nagsitinginan naman silang tatlo at nag-uusap mga mata nila na para bang nagsasalitan kung sino magsasabi sa akin. "Huy ano?" Pangungulit ko.
"Ka-kasi...yung...uhm..." - Ametrine
Bakit ba hindi nila masabi sakin?
"Hmm, sasabihin niyo o parehas ko kayong palalayasin dito sa bahay?!" Aba 'wag nila sagarin pasensiya ko at ang dami kong gagawin, pesteng problema hindi naman kasi ako makakatakas kung tatakbuhan ko lang mga problema na 'to!
"Kasi...na-nakita daw siya..." - Aestheria
"Wa-wala na siya Xa..tana." Mahinang sabi ni Estella at yumuko ito nang matapos ang sasabihin niya.
Doon ako natulala, hindi ako makakilos sa narinig ko.
"Ma-mali ata yung nadinig ko girls. Ba-baka naman natutulog na siya sa kuwarto niya? Hi-hindi ba?Kumain na ba...siya?" Hindi ko maintindihan, nanginginig ako, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod kanina.
"Xatana, wa-wala na talaga siya. Madaming nagsabi na wala na siyang buhay, nalunod daw siya." Pagpapaliwanag ni Estella sa akin.
"Pero nakita niyo siya?! Nakita niyo kung siya ba talaga 'yon?!" Tanong ko sa kanila. Kasi imposible, bakit naman mamamatay ang babaeng 'yon! Wala siya, ni isa man na nakaaway sa loob man o labas ng bahay nila maging sa school noon!
"Hindi namin nakita, ibinigay namin sa kanila yung pictures ni Vannesa, nakatanggap na lang kami na patay na daw ito." - Aestheria
"Pero kailangan nating makita kung siya nga ba 'yon! Baka mamaya na mali lang sila ng kita!" Hindi ako papayag, bakit biglang ganito!
"Ginawa na namin yan pero...hindi namin alam. Hindi naman pwedeng makita si Vannesa at private daw yung information about her." - Ametrine
Private? What the heck! Kaibigan kami! Kami ang kasama ni Vannesa simula ng magkakilala kami, noong mga bata pa lang kaming dalawa!
"Hindi ako papayag! Wala silang balak na ipakita sa atin kung si Vannesa 'yon?! Ni wala man lang dahilan?!" Maaaring mga magulang niya ang gumawa nito pero bakit ayaw nilang ipakita sa amin si Vannesa?
"Kumalma ka Xatana, baka utos ng pamilya Monterey 'yon."
Hindi pwede 'to! Hindi ako mananahimik at susunod sa gusto nila. Private pala ah, sige magkasubukan tayo.
Tita, Tito, alam ko may tinatago kayo samin. Baka hindi nga sa amin, baka may tinatago kayo sakin!
"Xatana, saan ka pupunta?!"
Hindi ko na pinansin si Aestheria at nagtungo agad ako sa labas ng bahay namin. Agad kong tinawagan si Ninang K. Pero...bakit walang sumasagot sa tawag ko, busy kaya si Ninang?
Sino makakausap ko tungkol sa mga magulang ko? Ayst, ang sakit na sa ulo! Ahhhh!
Gusto kong sabunutan yung buhok ko at iuntog sa pader para matapos na lahat 'to. Pero teka, hindi ka gano'n Xatana, tandaan mo hindi mo gawain 'yon!
Umupo na lang ako dito sa sahig katabi ng kalsada. Gusto kong huminahon pero hindi ko magawa. Ang dami kong gustong itanong pero ni isa wala akong makausap tungkol sa mga problema ko. Hayst, hindi rin naman masasagot ng ibang tao mga problema ko ngayon.
"Are you ok, Xatana?"
Bigla akong nakaramdam ng ginhawa no'ng narinig ko boses niya pero ba-bakit?
"Mr. CEO, ikaw pala yan—" Hindi ko alam nandito pala siya.
"It's Granger, sabi ko na noon pa."
Hayst, hindi naman kasi ako sanay magtawag ng pangalan na hindi ko ka-close.
"Uhm, bakit ka nandito sa labas?" Kasi kung tama ako, gabi na at wala naman siyang pupuntahan dito tapos gabi na, hindi ba?
"Napadaan lang." Simpleng sagot niya lang.
Pft, napadaan? Hindi ako maloloko sa ganiyan.
Tahimik lang kami ditong dalawa, sa ilalim ng bilog na buwan.
Hayst, bakit ba kasi ang lamig tuwing gabi. Bakit ko din naisipang lumabas? Hayst.
"Here, wear this." At inilagay nito sa katawan ko ang gamit niyang suit. So ang ibig sabihin nito, hindi pa siya umuuwi sa kanila?
"G-ranger, kanina ka pa dito?" Diretso kong tanong.
"Yeah, halata ba?" Bakit mukha siyang inosente ngayon?
"Hindi ka pa umuuwi? Kasi gabi na at malamig din dito, hindi naman ako nilalamig suotin mo na 'to." Ibabalik ko sana sa kaniya yung suit niya pero ayaw niya. Ipinasuot pa niya sa akin 'yon.
"I know you, nilalamig ka na." Bakit kaya ang bait ng isang 'to ngayon? Hindi ako sanay.
"Again, are you ok?" Pag-uulit na tanong nito sakin.
Yumuko lang ako, ayoko namang magsabi sa kaniya ng mga problema ko, baka malaman pa niya kung sino ako.
Nagulat ako ng hawakan nito ang ulo ko at pinahiga sa balikat niya. Hindi ko alam basta hindi ko siya pinigilan, ni hindi ko nga inalis ulo ko sa balikat niya.
Bakit gano'n? Ang ganda sa pakiramdam, parang ang dating sakin. "Ok lang ang lahat." o 'di kaya "Makakaya mo yan."
"If you need some help, nandito lang ako—kami."
Bigla akong inantok sa balikat niya. Hindi ko na namalayan na pumipikit na pala ako.
"I don't know..." Hindi ko alam kung anong meaning ng sinasabi niya. "I don't want you to be hurt because I''m hurting too."
Hindi ko na alam lahat ng kasunod na sinabi niya dahil hindi ko na maalala no'ng nakatulog ako.
"Goodnight, Xatana."