Chapter RIKI AND THE BODYGUARD: Chapter 11

NASAAN na ba ang babaeng `yon? Kanina pa sumasakit ang leeg ni Riki sa kahahanap kay Ailyn. Kanina ay inaasahan niyang susunod sa kanya ang babae kahit pa sinenyasan niya itong huwag siyang susundan. He just had a wonderful idea to irritate her a little. Subalit nang lumingon si Riki matapos ang matagal na pakikipag-usap sa mga babaeng sa totoo lang ay kanina pa niya gustong iwan ay hindi na niya nakita si Ailyn. Hindi alam ni Riki kung masyado lang bang maraming tao sa lugar na iyon kaya hindi niya makita ang bodyguard niya o bigla na lang talagang nawala na parang bula ang dalaga.

Sa halip ang natanaw ni Riki sa di-kalayuan ay si Jeremy at ang mga kapatid niyang sina Raiven at Choi na tila may kung anong pinag-uusapan. Kumuha muna siya ng kopitang may lamang wine sa dumaang waiter bago mabilis na lumapit sa tatlong lalaki. Nang makuha ni Riki ang atensiyon ng tatlo ay saglit silang nagbatian bago siya tumingin kay Jeremy. “Have you seen Ailyn?”

Tila naman noon lang napansin ni Jeremy na hindi niya kasama si Ailyn kaya luminga-linga ang kaibigan niya. “Ang alam ko, dapat kasama mo siya. Ang sabi niya ay sisiguruhin niya na nasa malapit mo siya.”

“Well, I don’t see her anywhere,” naiinis na sabi ni Riki. Napansin ng mga kapatid niya ang kanyang pagkainis kaya tinitigan siya nina Choi at Raiven na tila may kakaiba sa kanya. “What?” defensive na tanong ni Riki.

“Well, as far as I can remember the last time I saw you, you were only too eager to get rid of her. Ngayon naiinis ka dahil hindi mo siya makita?” tanong ni Choi. Hindi nakaligtas sa kanya ang panunudyo sa tinig ng bunsong kapatid.

“It’s because she is supposed to do her job,” inis na sagot ni Riki. Iyon din kasi ang pilit niyang dinadahilan sa sarili.

“As if you can’t protect yourself. We all know she is just your bodyguard to take attention away from that video incident. Hindi na nga iyon pinag-uusapan ngayon,” giit pa rin ni Choi.

Hindi nakapagsalita si Riki dahil noon lang niya naalala na iyon nga pala ang dahilan kung bakit nagtatrabaho sa kanya si Ailyn. It was just a countermeasure for a scandal that she caused him. Pero dahil seryosong ginagawa ng dalaga ang trabaho nito at aminado si Riki na tinulungan na siya ni Ailyn nang ilang beses ay nawala sa isip niya iyon. He had to admit that she was truly capable of being a protector.

“Well, isn’t she that woman with our mother and Lorie?” sabi ni Raiven na nakatingin sa kung saan. Sinundan nina Choi at Jeremy ang tinitingnan ni Raiven, at nakita ni Riki kung paano umawang ang mga labi ng dalawang lalaki.

“Woah!” usal ni Choi na napasipol pa. Pagkatapos ay tumingin sa kanya ang kapatid niya at ngumiti nang makahulugan. “Why don’t you look at her, Riki?”

Sa sinabi ni Choi ay mabilis siyang lumingon. Muntik nang mabitawan ni Riki ang kopitang hawak niya nang makita ang tinitingnan ng mga ito. Si Ailyn nga ang kasama ng mama at hipag niya. Ngunit napakalaking kaibahan ng hitsura ngayon ng dalaga kaysa sa ayos nito kanina. Nakasuot na si Ailyn ng tube dress na hanggang tuhod lang ang haba. It showed off her long shapely legs.

She was showing off too much skin that Riki was consumed by awe and irritation because he knew he wasn’t the only one staring at her. Na-emphasize sa suot nitong dress ang kurba ng katawan ni Ailyn. Bumagay rin sa dalaga ang pagkakaayos ng buhok at makeup nito. Manipis lang ang makeup ni Ailyn pero sapat na iyon para ma-enhance ang natural na hitsura ng babae. Pakiramdam ni Riki ay may sumuntok sa sikmura niya habang nakatitig dito. Tama ang kanyang ina. She—

“She’s beautiful,” puri ni Choi na pumutol sa sasabihin sana ng isip ni Riki. Nilingon niya ang bunsong kapatid. Pero huli na nang mapagtanto niyang napasama ang tingin niya rito dahil ngumisi si Choi. “But I still prefer my wife,” sabi pa ng kapatid ni Riki.

“Aba, magkakasama pala kayo diyan. Look at Ailyn, isn’t she lovely?” narinig niyang sabi ng mama niya.

Pasimpleng huminga nang malalim si Riki bago tumingin sa mga babae na nakalapit na sa kanila. May proud na ngiti sa mukha ng kanyang ina at ni Lorie habang si Ailyn naman ay noon lamang niya napansing nakangiwi pala.

“At least, now it will not be awkward if she were to accompany Riki the whole night so she could guard him,” sabi pa ng ina nina Riki.

“At mukha itong disguise. Para kung sakaling may magtangka sa buhay ni Riki hindi niya aakalain na bodyguard ang ganito kagandang babae,” nakangising sabi ni Lorie na halatang nagbibiro lang.

“I think that suits you more, Ailyn,” ani Jeremy habang si Riki ay mukha pa ring timang na nakatitig lang sa dalaga.

Ngumiwi si Ailyn. “Hindi ako sigurado diyan. Pakiramdam ko nakahubad ako sa damit na ito. At nahihirapan akong kumilos dahil hindi rin ako sanay sa sapatos na ito,” reklamo ng dalaga.

“Oh, nonsense. Ang mabuti pa ay i-enjoy mo na lang ang party na ito at kumain ka habang binabantayan mo ang anak ko. Riki, samahan mo si Ailyn sa buffet table,” utos ng kanyang ina.

Napatingin ang lahat kay Riki. Tumikhim siya. “Fine.” Bumaling siya kay Ailyn na titig na titig sa kanya na para bang noon lang siya nakita ng dalaga. Nilapitan ni Riki si Ailyn. “Let’s go,” aniya rito. Bago pa maisip ni Riki ang dapat niyang gawin ay hinawakan na niya ang siko ni Ailyn at inakay ang dalaga sa direksiyon ng buffet table. Binale-wala ni Riki ang makahulugang tingin na ibinigay sa kanila ng kanilang mga kasama at ng mga bisita niyang nakikiusyoso. He didn’t know why, but the moment he touched Ailyn, he stopped caring about them.

HINDI mapakali si Ailyn. Hindi lang dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ay nagsuot siya ng bestida na halos makita na ang dibdib niya sa baba ng tabas ng neckline, o dahil pakiramdam niya ay matatapilok siya sa suot niyang high heels, o sa pakiramdam na ang kapal ng mukha niya dahil sa makeup. Hindi mapakali si Ailyn dahil mula pa kanina nang mapagsolo silang dalawa ni Riki ay hindi na lumayo sa kanya ang binata nang lampas isang pulgada.

Hindi nagsasalita si Riki kaya naramdaman ni Ailyn may kakaiba sa pananhimik nito. Bukod doon ay may kung ano sa tindig ni Riki na tila ba ang binata ang nagbabantay kay Ailyn at hindi siya ang nagbabantay rito.

“How did you end up wearing that?” tanong ni Riki sa kanya. Napatingala si Ailyn rito. Iyon ang unang pangungusap na nanulas sa mga labi ni Riki mula nang lumayo sila sa grupo ng pamilya nito. Nang hindi agad sumagot si Ailyn ay niyuko siya ng binata na nakaangat ang isang kilay.

Napalunok si Ailyn bago nagsalita. “Natapunan ako ng mga inuming dala ng waiter. Nabasa ang damit ko at nagkataong nakita ako ng mama mo. Dinala niya ako sa isa sa mga silid sa itaas kung saan naroon si Lorie. Ang plano ko ay humiram lang ng pang-itaas pero pinilit nila akong isuot ang dress na ito na kabibili lang daw ni Lorie pero hindi raw bagay sa kanya kaya ako na lang daw ang magsuot. Ang sabi ko nga lalong hindi ito bagay sa akin kasi—”

“No, it looks good on you actually,” putol ni Riki sa sinasabi niya.

Napamaang si Ailyn sa binata. Nang magtama ang mga mata nila ay nakita niya ang sinseridad sa mga mata ni Riki. Nag-init ang mga pisngi niya. “Salamat,” mahinang sabi ni Ailyn.

May kumislap na kung ano sa mga mata ni Riki bago ito nag-iwas ng tingin at tumikhim. Tiyempo namang may dumaang waiter at kumuha ang binata roon ng dalawang kopita. Ibinigay ni Riki kay Ailyn ang isa na tinanggap naman niya. Walang salitang ininom ng binata ang laman ng kopitang hawak nito kaya ginaya na lang din niya ito. Walang nagsalita sa kanila habang nakamasid sa mga taong nagkakasiyahan doon. Mayamaya pa ay pumailanlang ang malamyos na musika. Unti-unting nagkaroon ng mga magkapareha sa gitna ng bulwagan at nagsimulang sumayaw sa saliw ng musika.

“Excuse me.” Napaigtad si Ailyn at napalingon sa isang lalaking hindi niya napansing nakalapit na sa kanila. Ngumiti ang lalaki nang magtama ang mga mata nila. “Would you like to dance with me, Miss?” alok nito.

Natigilan si Ailyn. Hindi sumagi sa isip niya na may mag-aalok sa kanyang sumayaw. Naramdaman niya ang pagka-tense ni Riki sa tabi niya. Nilingon ni Ailyn ang binata para magpaalam sana rito ngunit hindi niya naisatinig ang nais niyang sabihin nang bigla na lang lumingkis ang isang braso ni Riki sa baywang niya at deretsong tumingin sa lalaki. “She’s with me and she will only dance with me.”

Nanlaki ang mga mata ni Ailyn at tumingin sa lalaki na halatang nagulat. Mabilis siyang ngumiti rito. “Pasensiya ka na, ha? Iba na lang ang yayain mo.”

Bumakas man ang disappointment sa mukha ng lalaki ay ngumiti naman nang tumingin sa kanya bago tumalikod. Nang makalayo na ang lalaki ay matalim niyang tiningnan si Riki. “Hindi maganda ang ginawa mo. Para mo na siyang binastos sa ginawa mo. Kung ayaw mo akong payagan sana sinabi mo nang maayos hindi iyong nagsisinungaling ka pa nang ganoon,” asik ni Ailyn sa binata.

Tumiim ang mga bagang ni Riki. Humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya na halos mapasandig na siya sa katawan nito. “Who told you I was lying? You will only dance with me.”

Nalito si Ailyn. “Ano?”

Huminga nang malalim si Riki at tumitig sa mga mata niya. “Look, why don’t we have a truce? Tutal hindi naman na siguro magtatagal ang trabaho mo sa akin. Mukha namang nakalimutan na ng mga tao ang tungkol sa video na siyang naging dahilan kung bakit kita naging bodyguard. So why don’t we enjoy each other’s company even for just a night?” ani Riki.

Ilang segundong napatitig lang si Ailyn kay Riki. Tama ang binata. Hindi na nga pinag-uusapan ang tungkol sa video na iyon kaya posibleng hindi na rin siya kailanganin nito. Kapag nangyari iyon ay babalik na sa normal ang buhay niya at hindi na niya makikita si Riki. Parang may dumagang mabigat na bagay sa dibdib ni Ailyn. Hindi niya alam kung bakit niya naramdaman iyon samantalang dapat nga siyang makahinga nang maluwag dahil hindi magtatagal ay maaalis na ang isang malaking tinik sa lalamunan niya—si Riki.

“Can’t we, Ailyn?” untag uli ni Riki sa kanya.

Bumuntong-hininga si Ailyn. “Sige na nga,” sa wakas ay sagot niya. Tumalon ang puso ni Ailyn nang biglang ngumiti si Riki. Inilapag ng binata sa malapit na mesa ang kopitang hawak nito pagkatapos ay kinuha rin ang hawak niya at inilapag katabi ng kopita nito.

“Good,” ani Riki. Inalis nito ang kamay sa baywang ni Ailyn at ginagap ang kamay niya. Pagkatapos ay marahan siyang iginaya ng binata patungo sa gitna ng dance floor.

TUMIKHIM si Ailyn at wala sa loob na inayos ang buhok niya kahit pa wala namang nakakakita sa kanya. Kararating lamang niya sa harap ng pinto ng pad ni Riki. Dati naman ay hindi siya natetensiyon tuwing pumupunta siya roon. Pero mula noong party kung saan binihisan si Ailyn ng mama at hipag ni Riki ay biglang hindi niya alam kung paano niya haharapin nang kaswal ang binata sa araw na iyon.

Tila may mahika ang nangyari nang gabing iyon. Halos hindi sila naghiwalay ni Riki at tinotoo ng binata na ito lang ang naging kapareha ni Ailyn sa mga sayaw. Kahit si Jeremy ay hindi pinayagan ni Riki na isayaw siya. Nahihiya siya dahil hindi nakaligtas sa pansin niya ang makahulugang ngiti ng mga magulang ng binata sa kanilang dalawa. Nawalan na lang si Ailyn ng pakialam nang malalim na ang gabi at medyo naparami na ang nainom niyang wine. Nagawa niyang i-enjoy nang husto ang presensiya ni Riki na alam niyang marami na ring nainom. Napagtanto ni Ailyn nang gabing iyon na masarap kasama at kausap ang binata kapag ganoong hindi sila nag-aaway.

Nang matapos ang pagtitipong iyon ay nagboluntaryo pa si Riki na ihatid siya pauwi. Dala marahil ng naimon ni Ailyn, o ng kasiyahang nadama niya sa buong gabi kaya nang halikan siya ni Riki sa mga labi sa tapat ng apartment niya ay hindi siya tumanggi. Malalim at mapusok ang ginawang paghalik ng binata kay Ailyn na muntik nang mauwi sa kung saan kung hindi pa sila tinawag ni Winnie. Hiyang-hiya siya sa kaibigan niya. Mabuti na lang at sa halip na mangulit si Winnie ay hinayaan na lang siya nitong magpahinga. Kanina nang magising si Ailyn ay hindi pa rin siya handang kausapin si Winnie kaya para siyang magnanakaw na tahimik na tumalilis paalis ng apartment.

Pero ngayong nagbalik na sa reyalidad ang isip ni Ailyn at wala na ang mahikang dala ng pagbabagong bihis niya at ng alak na nainom niya, kailangan na niyang bumalik sa trabaho bilang bodyguard ni Riki. Pero paano niya haharapin ang binata kung hanggang ngayon ay nakikita pa rin ni Ailyn sa isip ang mga nangyari sa pagitan nila nang gabing iyon? At ano ang magiging reaksiyon ni Riki sa kanya? Aakto ba ito na gaya ng dati? Magkukunwari ba si Riki na walang natatandaan sa mga nangyari sa kanila?

Nagpatong-patong ang mga tanong sa isip ni Ailyn kaya napaigtad siya sa biglang pagbubukas ng pinto. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita niya si Riki. Mukhang kagigising lang ng binata dahil magulo pa ang buhok nito at mamula-mula pa ang mga pisngi nito marahil sa pagkakahiga.

Ilang segundong nagtitigan lang sila bago nagsalita si Riki. “Kanina ka pa nakatayo diyan. Wala ka bang balak pumasok?”

Nanlaki ang mga mata ni Ailyn. “Paano mo nalaman?”

Napabuga ng hangin si Riki at nilakihan ang bukas ng pinto. Pagkatapos ay napaigtad si Ailyn nang hawakan ng binata ang kamay niya at hatakin siya papasok. “Nakita kita rito,” sabi ni Riki na nakaturo sa screen sa gilid ng pinto nito.

“Ah,” tanging nasabi ni Ailyn. Nawala sa isip niya na may ganoon nga palang aparato sa pad ni Riki. Bumilis ang tibok ng puso niya. Tiningala ni Ailyn ang binata. Ngunit lalo lang nagrigodon ang puso niya nang makitang titig na titig sa kanya si Riki. Pakiramdam ni Ailyn ay matutunaw siya sa titig nito.

Hala, ano’ng gagawin ko? Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.