TITIG na titig si Raiven sa mukha ng natutulog na si Lauradia. Ngayong tulog na ang babae ay mas naging maamo ang mukha nito. Napakunot-noo siya nang makita ang bahagyang pamamasa ng gilid ng mga mata nito. Tila may sumuntok sa sikmura niya. Marahan niyang hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niya. Nasaktan ba nang husto ang babae kaya ito naluha ng ganoon?
Napatiim-bagang na naman siya nang maalala iyon. She was a virgin for God’s sake. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala. He had been seduced by her ever since the first time he saw her. Ang bawat kilos at salita ni Lauradia ay nagpapakita kung gaano ito ka-confident sa sensuwalidad nito na hindi niya naisip na wala pa itong karanasan sa lalaki. Namamanghang tinitigan niya ang babae. Just who the hell are you, Lauradia?
Mahina itong umungol at kumilos na tila ba narinig nito ang tanong niyang iyon. Dahan-dahang dumilat ang dalaga. Nang mapatingin ito kay Raiven ay may kuntentong ngiting sumilay sa mga labi nito. It struck him straight to the chest. Bahagyang nag-inat si Lauradia at isiniksik ang katawan sa tagiliran niya. Awtomatikong nabuhay ang katawan niya sa simpleng pagdantay ng balat nito sa kanya. Huminga siya nang malalim. Maybe, once wasn’t enough to make what he felt for her disappear.
“Iniisip mo na hindi sapat sa `yo ang isang beses lang,” nanunudyong sabi ni Lauradia.
Kumurap si Raiven. “How did you know?” tanong niya rito. Hinaplos niya ang pisngi ng babae at saka bahagyang dinaganan si Lauradia.
Ngumiti ito. “I’m starting to get what you are thinking by just staring at your face.”
Tinitigan niya ang mukha nito. “Akala ko kaya ko na ring gawin `yon sa `yo. Pero ngayon hindi na ako sigurado. Why didn’t you tell me you were a—”
“Raiven,” pigil sa kanya ni Lauradia. Ikinulong nito sa dalawang kamay ang mukha niya at hinalikan siya sa mga labi. “Huwag na nating pag-usapan `yan, okay?”
Hindi pa rin siya mapanatag sa pag-iwas ng dalaga na pag-usapan iyon. “I thought you are used to this.”
“I’m used to this,” giit nito.
Kumunot ang noo ni Raiven sa katigasan ng babae. “I was your first man, Lauradia.”
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Yes. But that doesn’t mean I’m not used to this. Hindi ko lang pinaabot sa naabot natin.” And she had the nerve to wink seductively.
Nawala ang inis niya at natawa. “Then why did you choose to do it with me?”
Natigilan si Lauradia bago sumagot. “Because I want to.”
Nawala ang ngiti ni Raiven. “Wala ka talagang balak magsabi sa akin ng tungkol sa `yo, `di ba?”
Nagkibit-balikat ang babae. “Does it matter? Ang mahalaga naman ay pareho nating gusto ito. Unless you… Don’t tell me you fell in love with me? Iiwan mo na ba ang fiancée mo para sa akin?” nanunudyong tanong ni Lauradia.
Ikinabigla niya ang tila suntok sa dibdib na tanong nito. Pakiramdam ni Raiven ay bigla siya nitong ibinagsak sa lupa nang ipaalala ng babae ang tungkol doon. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi iyon dala ng guilt. It was a strange emotion he didn’t know what to call. “Akala ko ba ang sabi mo na kakalimutan muna natin ang realidad?” tanong niya rito.
“Oo nga pala,” bale-walang sagot ni Lauradia. Mukhang hindi nito napansin ang naging epekto sa kanya ng sinabi nito. Ngumiti pa ang babae at bigla na lang siyang itinulak pahiga. Bago pa makahuma si Raiven ay kinubabawan na siya nito. Her smile became seductive and her hands began to wander. Nahigit niya ang kanyang hininga.
“Lauradia!”
Yumuko ito at hinalikan siya sa mga labi. Pagkatapos ay inilapit ng babae ang bibig sa tainga niya. “Round two.” He groaned. She really knew how to make him weak.
SIGURADO si Lauradia na ang mga sumunod na araw ang naging pinakamasayang mga araw sa buhay niya. Sa araw ay naglilibot sila ni Raiven sa resort at naglulunoy sa dagat. At night, they would make love as if it was always the last time. Iyon lang, habang lumilipas ang mga araw ay nakakaramdam siya ng urgency at alam niyang maging ang lalaki ay ganoon din. Kahit hindi nila pinag-uusapan ay pareho nilang alam na malapit na silang maghiwalay.
Sa huling araw na magsasama sila ay nagising sila na magkayakap. Walang gustong bumangon sa kanila. Kaya nagdesisyon silang manatili na lang sa loob ng silid ni Raiven. Ilang oras na wala lang silang ginawa kundi ang mahiga roon nang magkayakap at mag-usap ng tungkol sa mga walang katuturang bagay. Hindi na siya pinilit pa ng binata na magkuwento tungkol sa personal niyang buhay at ganoon din ang ginawa niya rito.
Pagdating ng tanghali ay um-order lang sila ng makakain. Hinihintay nila iyon nang may isang staff ang kumatok sa pinto ng suite ni Raiven at sinabing may naghihintay raw na tawag dito sa reception area. Parehong nakapatay ang mga cell phone nila kaya maaaring hindi nakontak ng tumatawag dito ang binata. Pagkalabas ni Raiven sa kuwarto nito ay agad ding binuksan ni Lauradia ang cell phone niya.
Napangiwi siya nang sunod-sunod na dumating ang mga text message ni Czarina, itinatanong nito kung ano na ang nangyayari sa kanya. Parang lobong pumutok sa kanyang harap ang tunay na dahilan kung bakit kasama niya si Raiven. Na misyon lang iyon na kahit alam niyang bawal ay sineryoso niya. Kapag nalaman ng mga kasamahan niya at ni Miss Red Butterfly ang pinaggagagawa niya roon ay malamang na maparusahan siya. Napakarami na niyang nilalabag na rules ng grupo nila.
Napaigtad siya nang biglang tumunog ang cell phone niya. Kumabog ang dibdib ni Lauradia at kabadong napatingin sa nakapinid na pinto ng silid ni Raiven bago siya huminga nang malalim at sinagot ang tawag.
“Diyos ko, Lauradia! Ano ang nangyari sa `yo at hindi kita makontak, ha?” tanong agad ni Czarina.
Nakagat niya ang ibabang labi. “I’m sorry. Namatay ang cell phone ko hindi ko napansin,” pagsisinungaling niya.
“We are so worried about you. Naisip namin na baka nalaman na niya kung ano talaga ang tunay na balak mo sa kanya at ginawan ka na niya ng masama sa sobrang galit niya. Ano ba’ng nangyayari sa `yo, Lau? You don’t seem yourself. Hindi ikaw ang tipong hindi ako kokontakin ng ganito katagal habang nasa trabaho tayo. Muntik nang magpapunta ng agent si Miss Red Butterfly diyan sa islang `yan para siguruhing ligtas ka.”
“I’m sorry,” tanging nasabi na lang ni Lauradia dahil pabigat nang pabigat ang pakiramdam niya. Reality began to dawn on her again. Tama si Czarina, kapag nalaman ni Raiven na niloloko lang niya ito ay magagalit nang husto sa kanya ang binata.
Ilang segudo ang lumipas bago nagsalita si Czarina. “Is everything okay there? O kailangan mo ng tulong? Hindi pa rin ba niya iiwan ang girlfriend niya? Araw-araw akong kinukulit ni JM tungkol diyan.”
Napabuga siya ng hangin at napahawak sa setindo niya dahil biglang sumakit ang ulo niya. Hindi puwedeng sabihin ni Lauradia kung ano ang tunay na nangyayari sa pagitan nila ni Raiven. Sa kanilang lahat, siya ang tumatayong lider. Ano na lang ang iisipin ng mga kasamahan niya kapag nalaman ng mga itong nagpadala siya sa damdamin niya para sa target niya? “I’m still working on it,” sagot niya.
Narinig niyang bumuntong-hininga si Czarina sa kabilang linya. “He’s a very difficult target, huh?”
“Oo,” aniya. Kumirot ang puso ni Lauradia at kinagat ang ibabang labi.
“Lau, kung hindi mo matapos ang misyon mo diyan umuwi ka na lang dito at gagawa tayo ng bagong plano, okay? Kung hindi tayo magtatagumpay hindi naman siguro magagalit si Miss Red Butterfly. Ibabalik na lang natin ang perang ibinigay ni JM kung sakali. Don’t push yourself too hard dahil marami pa naman tayong darating na kliyente.”
Pabagsak siyang humiga sa kama. “Alam mong hindi puwedeng mangyari `yon. Pang-ilang kliyente pa lang natin si JM. Kung ngayon pa lang may hindi na tayo natapos na trabaho paano pa tayo makakakuha ng maraming kliyente. Tatapusin natin ang misyong ito at magtatagumpay tayo,” sagot ni Lauradia. Kahit magkadurog-durog ang puso niya, tatapusin niya ang misyong iyon.
“Sige na nga. Basta umuwi ka na.”
“Oo. Uuwi na ako bukas ng umaga.” Saglit pa ay tinapos na niya ang tawag. Pagkatapos ay tumitig siya sa kisame at paulit-ulit na huminga nang malalim para palisin ang pag-iinit ng mga mata niya. Hindi siya maaaring umiyak. Isa iyong simbolo ng kahinaan at ayaw na niyang maging mahina pa kahit kailan.
NAPASANDIG si Raiven sa reception area nang marinig niya ang masayang tinig ng kanyang mama habang sinasabi nito sa kanya ang dahilan kung bakit pilit siya nitong kinokontak nitong mga nakaraang araw na nakapatay ang cell phone niya.
“So, Raiven, this will be a surprise engagement party for Julia. Pauwi na siya mula sa Amerika sa isang araw at naiplano na namin ng mommy at daddy niya ang lahat para sa party. Naipadala na rin namin lahat ng invitations sa mga associate ng papa mo at ng daddy niya at pati na rin sa mga amiga namin ng mommy niya. Nag-invite na rin kami ng mga reporter na nangakong hindi ire-reveal ang plano namin hanggang sa araw ng party. Kayong dalawa na lang ni Julia ang kulang. This is to formally announce that you are getting married. Kaya umuwi ka na,” his mother happily chattered.
Mukhang masayang-masaya at excited sa pag-oorganisa ng party na iyon ang mama niya. He loved his mother so much that he couldn’t say no to anything she wanted. Alam ni Raiven na kapag nagsalita siya ay may maririnig na kakaiba sa tinig niya ang kaniyang ina at madidismaya ito. Hindi niya iyon kayang gawin dito. Ngayong naririnig niya ang boses ng mama niya at ang mga sinasabi nito, pakiramdam niya bigla siyang sinuntok ng realidad. Para bang sinasabi nitong tapos na ang pagtakas niya. He realized that no matter how happy he was there—and yes, he never thought it would happen but he was happy—he had to go back to where he truly belonged. Kailangan din niyang harapin ang tunay na buhay niya at panindigan ang desisyong ginawa niya.
“Raiven, nandiyan ka pa ba?” untag ng kaniyang ina.
Pasimple siyang huminga nang malalim at kahit hindi siya nakikita ng mama niya ay pilit siyang ngumiti. “Yes, `Ma. Don’t worry uuwi na ako bukas,” ani Raiven, bago mabilis na itinikom ang mga labi dahil biglang may bumara sa lalamunan niya.
Saglit na tumahimik ang kaniyang ina bago nagsalita. “Are you okay, hijo? You don’t sound like yourself.”
I don’t feel like myself either. Pilit siyang lumunok at huminga uli nang malalim. “I’m okay, `Ma. I’ll see you tomorrow.” Bago pa makapag-usisa ang mama niya ay tinapos na ni Raiven ang tawag. Ilang sandaling nanatili siya roon bago sumulyap sa direksiyon kung saan naroon ang silid na inookupa nila ni Lauradia. Gusto na naman niya itong makita. Gusto niyang maramdamang nasa tabi niya ang dalaga, ang mahawakan at mahalikan ito. He thought a few times would be enough to make what he felt for her disappear. Pero hanggang ngayong huling araw na nila roon ay hindi pa rin iyon nawawala. Sandali pa lang niyang iniwanan ang babae ay kating-kati na siyang bumalik sa tabi nito.
Kumilos si Raiven at mabilis na bumalik sa silid nila. Naabutan niya si Lauradia na nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Nang maramdaman ng babae ang pagdating niya ay lumingon ito sa kanya. Tila may kung anong sumuntok sa sikmura niya nang makita ang pagkislap ng kung anong emosyon sa mga mata ni Lauradia. It was as if like him, reality suddenly dawned on her, and she knew they would have to go back to their own worlds now. Sa mundong hindi sila maaaring magsama. Dahil naipangako na ni Raiven ang habang-buhay niya sa ibang babae. Sa isang babae na tanggap ng buong pamilya niya at ng lahat ng taong nakakakilala sa kanila.
He could never back out from his promise to marry Julia. Malaki ang mawawala sa kanya at sa pamilya niya kapag ginawa niya iyon. Magkakaroon ng eskandalong maaaring sumira sa malinis na pangalan nila na mahabang panahong inalagaan ng kanyang ama. Magiging rason din iyon para samantalahin ng mga taong walang tiwala na kaya niyang pamunuan ang kompanya para paalisin siya sa kanyang posisyon. As the heir and the eldest son, he had the responsibility to obey and do what people expected from him.
“Raiven,” tawag sa kanya ni Lauradia. Her soft voice only made his chest ache. Nagtama ang mga mata nila at bahagya itong ngumiti. “Stop thinking and come here,” utos ng babae.
Tumalima siya at humiga sa tabi nito paharap dito. Ilang segundong nagtitigan sila bago tila may sariling isip na pinaglapat nila ang mga labi nila. He kissed her slowly, lingerly, tasting her sweetness for a thousand times but he couldn’t get enough of her. His body reacted automatically with her nearness. May posibilidad bang mawala ang pakiramdam na iyon kapag hindi na niya ito nakita pa?
Nagsimulang humaplos ang mga kamay ni Lauradia sa katawan niya, sa dibdib niya, sa tiyan at pababa pa. He groaned as he throbbed in her hand. Mabilis na nawala ang lahat ng alinlangan at tanong sa isip ni Raiven. Ang babae na lang ang natira. Kinubabawan niya ito at pinalalim ang halik. He didn’t rush. He kissed her all over, lingering on every part of her body, memorizing every line, every corner, every feel, and every taste. Despite his mind being clouded by desire, he paid attention to every sound she made and every breath she took. He took her slowly while staring intently at her face, watching the pleasure there. Kahit na malapit na niyang marating ang rurok at kahit gusto niyang pumikit ay hindi ginawa ni Raiven. He watched her as she climaxed, imprinting it in his memory like a photograph. Hanggang ibagsak niya ang katawan kay Lauradia at isubsob ang mukha sa leeg nito.
Nang kapwa na nila mahabol ang hininga ay naramdaman niya ang paghaplos ng kamay ng dalaga sa buhok niya. May namuo na namang bara sa lalamunan ni Raiven. Hindi niya alam na darating ang araw na mag-iinit ang mga mata niya. Pero iyon mismo ang nararamdaman niya. Huminga siya nang malalim at niyakap ito nang mahigpit.
“I beg you, Lauradia. When we get back to reality, please don’t let me see you, again.” Alam niya na gumaralgal ang tinig niya pero wala na siyang pakialam.
“You’re still going to marry her,” mahinang sagot ni Lauradia pagkalipas ng ilang segundo.
Mariin siyang pumikit at lalo pang niyakap nang mahigpit ang babae. Kung nasasaktan man ito sa higpit ng yakap niya ay hindi ito nagreklamo. “I have to,” hirap na hirap na sabi niya.
Matagal bago uli sumagot si Lauradia. “Naiintindihan ko. You won’t see me again, Raiven.”
Alam niya na dapat nakahinga na siya nang maluwag sa sagot nito. Pero lalo lang sumama ang pakiramdam ni Raiven dahil doon. Yet he knew it was for the best. Kailangan na niyang tapusin ang kabaliwang iyon at harapin ang mga responsibilidad niya.