“NASAAN na ang mga kapatid mo?” hindi nakatiis na tanong ni Lauradia kay Raiven nang mapansin niyang hindi na niya nakita sina Riki at Choi. Kumain lang sila sandali ni Raiven at nang magbalik sila sa beach ay wala na ang dalawa.
“They left,” maikling sagot ni Raiven.
Tiningnan niya ang binata. “Bakit?”
Tiningnan din siya nito at ilang segundong tinitigan lang siya. Kanina pa niya napapansin na madalas siyang titigan ni Raiven. Halos hindi ito nakakain kanina dahil ang buong atensiyon nito ay nasa kanya. She knew it wasn’t a stare of a man full of desire. Sa halip, ang paraan ng pagtitig ng binata ay tila ba pilit siya nitong binabasa na halos magpailang na sa kanya.
Pero sa halip na sawayin si Raiven ay gumanti ng titig si Lauradia. Isa pa, nais din niyang kabisahin ang mukha nito para kahit matapos na ang bakasyong iyon ay hindi niya malilimutan na minsan sa buhay niya ay nakasama niya si Raiven Montemayor. “They said they don’t want to bother us,” sagot ng binata.
Ikinagulat niya iyon. Sa totoo lang ay hindi siya makapaniwalang maganda ang pakitungo ng mga kapatid nito sa kanya kanina. Alam naman niya na alam ng mga itong ikakasal na si Raiven. Pero walang nakita si Lauradia kahit katiting na negatibong emosyon sa mga mata nina Riki at Choi kanina. In fact, they looked happy for Raiven. Hindi ba gusto ng dalawa si Julia para kay Raiven o sadyang kunsintidor lang ang mga ito? Pero wala naman siyang nakitang malisya sa ngiti at tingin ng mga kapatid ni Raiven kanina.
“Pero hindi ba bakasyon ninyong tatlo ito? Hindi naman nila kailangang umalis,” ani Lauradia.
“Actually, ang sabi nila, para sa `kin talaga ang bakasyong ito dahil masyado na raw akong subsob sa trabaho.”
Tinitigan niya ang binata. Sa tingin niya, tama ang mga kapatid ni Raiven. Twenty-three pa lang ito pero nakikita na niya ang pagod sa mga mata nito na dala ng palaging pagpupuyat at pagtatrabaho. Inangat ni Lauradia ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ng lalaki. Bahagya itong napaigtad at napatitig sa kanya. “Kailangan mo nga ng pahinga,” puna niya, sabay haplos sa bandang ilalim ng mga mata nito.
“You’re different,” sabi ni Raiven.
Tumaas ang isang kilay niya. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“You’re less aggressive now,” komento nito.
“Ah, so you want me when I’m aggressive? Do you want us to go to your room now and do it?” panunudyo ni Lauradia.
Kumunot ang noo ni Raiven at hinawakan ang kamay niyang nasa mukha nito. “I didn’t say that.”
Napangiti si Lauradia at inilapit ang katawan niya sa katawan ni Raiven. Napaigtad ito. Lalong lumuwang ang ngiti niya nang magtama ang mga mata nila. She felt powerful. “You are so good at seduction despite your age,” sabi ng binata. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila sa isa’t isa ay naramdaman niya ang init ng hininga nito sa mukha niya.
“Seduction is merely encouraging a man to do something he already wants to do. Kaya madali lang talaga iyon. Do you want to try it now?” bulong ni Lauradia.
Nakita niya kung paano nagpapalit-palit ang mga emosyon sa mukha ni Raiven. Sa huli ay hinawakan siya nito sa balikat at marahang inilayo sa katawan nito. “No. Not yet. Ang sabi mo gusto mong mag-island-hopping, hindi ba? Shall we go and do that instead?” alok ng binata.
Napakurap siya, lalo na nang alisin ni Raiven ang kamay niya sa pisngi nito at hawakan iyon. Sumilay ang munting ngiti sa mga labi ng lalaki at tiningnan siya na tila ba hinihintay nito ang sagot niya. Nginitian din niya ito at saka tumango. “That’s a splendid idea.”
HINDI makakalimutan ni Lauradia kahit tumanda na siya ang mga sumunod na oras na magkasama sila ni Raiven. Mula nang sumakay sila sa speedboat kasama ang ilan pang mga bisita ng resort hanggang sa pumunta sila sa iba’t ibang maliliit na isla sa paligid ng island resort, pakiramdam niya ay matagal na nilang ginagawa iyon nang magkasama. Masaya siya na relax na relax ito habang nakikipag-usap sa kanya. Siya man ay hindi makapaniwala kung gaano siya kakomportable kay Raiven. Tila natural na natural lang din sa binata tuwing hinahawakan nito ang kamay niya at tuwing aalalayan siya nitong bumaba ng speedboat.
“Ang sarap sigurong tumira sa isang isla na gaya nito. Iyong walang tao at kayo lang ang nakatira,” ani Lauradia, habang naglalakad sila sa munting gubat na bahagi ng isang maliit na isla. Iyon na ang huling islang pupuntahan nila. Papalubog na kasi ang araw kaya kailangan na nilang bumalik sa resort pagkatapos nilang mamasyal doon ayon sa kanilang tour guide. Nagtungo sa kabilang bahagi ang mga kasama nila kaya hinatak niya si Raiven sa parteng iyon. Nais niyang masolo naman ang binata kahit ilang sandali lang.
“Mas gusto mo ba ng ganoon? Usually, women nowadays prefer to live in the city. Shopping and the likes, you know,” may pagtatakang sabi ni Raiven.
Sinalubong niya ang nang-aarok na tingin nito at ngumiti. “Sa totoo lang, oo. Mas gusto ko ng tahimik na buhay. Iyong hindi mo kailangang magkunwari o makisama sa mga tao para lang makapag-survive ka. Iyong hindi ka magugutom at hindi mamomroblema. Iyong ang kasama mo lang ay ang taong gusto mo talagang makasama. Walang pretentions, walang utang-na-loob, walang gulo—”
Napahinto si Lauradia nang mapagtanto niyang halos nasabi na niya kay Raiven ang pinakatatago niya sa kanyang isip. Kumabog ang dibdib niya nang makitang nag-iba ang paraan ng pagtitig sa kanya ng binata. Na tila ba may natuklasan ito tungkol sa kanya na ayaw niyang malaman nito. Nginitian niya ito nang matamis. “I’m talking in general. Besides, I can’t afford an island,” pabirong sabi niya.
Bago pa makasagot si Raiven ay nagpatiuna na siyang naglakad papasok pa sa munting gubat na iyon. Napasinghap siya nang sa pagliko niya ay may makita siyang maliit na falls. Sa ibaba niyon ay kumikislap sa linaw ang tubig na tila kay sarap languyan. Alam niya na malalim iyon dahil hindi niya nakikita ang ilalim. “Wow, Raiven, look at this!” hindi niya napigilang tumili. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng tubig at inilublob ang isang paa roon.
“Be careful,” sabi ni Raiven na nagpalingon sa kanya rito. May bakas ng pag-aalala sa mukha ng binata habang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya. May kumislap na ideya sa isip ni Lauradia. Tuluyan siyang humarap dito pero hindi lumayo sa gilid ng tubig. Nang ilang pulgada na lang ang layo sa kanya ng lalaki ay sinalubong niya ang tingin nito.
“Do you know, Raiven…”
“What?”
Ilang segundo siyang nakipagtitigan dito bago sumagot. “I don’t know how to swim.” Pagkasabi niyon ay hinayaan niyang matumba ang sarili patungo sa tubig.
NANLAMIG ang buong katawan ni Raiven at halos tumalon sa lalamunan niya ang kanyang puso nang mapagtanto niya ang sinabi ni Lauradia. Bago pa siya maka-recover ay nakita niyang kumilos ang katawan ng babae patungo sa tubig hanggang sa mahulog ito roon.
“Lauradia!” sigaw niya bago walang pagdadalawang-isip na tumalon sa tubig.
Dobleng effort ang kinailangan niya para tumagal sa ilalim ng tubig dahil lalo siyang kinakapos ng hininga sa bilis ng tibok ng puso niya. He never knew he could feel that intense fear before. But now, he felt like he was going crazy with worry. Bahagya siyang kumalma nang mahawakan niya ang braso ni Lauradia. Mabuti na lang at malinaw ang tubig kaya agad niyang nakita ang babae. He wrapped an arm around her waist and swam up. Nang nasa ibabaw na ng tubig ang ulo ni Raiven ay saglit siyang huminga nang malalim bago mabilis na lumangoy at umahon kasama si Lauradia na yakap pa rin niya.
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang may malay ang babae at bahagya lang inubo. “Are you okay?” natatarantang tanong niya. Hinawakan niya ang isang bahagi ng mukha ni Lauradia habang marahang hinawi ang buhok nitong tumabing sa mga mata nito. Pagkatapos ay ikinulong ni Raiven ng dalawang kamay ang mukha nito. “Lauradia,” garalgal na tawag niya rito.
Dumilat ito. Nang magtama ang mga mata nila ay hinigit niya ang babae at niyakap nang mahigpit. “God dammit! I thought you were going to die,” nag-aalalang sabi niya. Nanginginig pa rin siya sa takot. Ni hindi siya makapaniwalang makakaramdam siya ng ganoong klaseng takot sa buong buhay niya.
Natigilan siya nang umalog ang mga balikat ni Lauradia. Umiiyak ba ito? Pero nang bahagya niyang ilayo sa kanya ang babae ay namangha siya nang makitang tumatawa ito. Naghi-hysteria pa yata ito. “Lauradia?” nag-aalalang tawag niya rito.
“Raiven, I was just joking. Marunong akong lumangoy,” tumatawang sabi nito.
Napaawang ang mga labi niya habang nakatingin dito. “What?”
Pinigilan nito ang pagtawa at tumingin sa kanya. Sumasayaw sa pagkaaliw ang kislap ng mga mata ni Lauradia. “I was just teasing you. You look so funny.”
Naging malinaw sa kanya ang nangyari. Ang takot at pag-aalala ay napalitan ng labis na pagkainis. Tumiim ang mga bagang ni Raiven at marahas na hinawakan ang babae sa mga balikat nito. Marahas siyang tumayo kasama nito. Nawala ang tuwa sa mga mata nito nang mapatitig sa kanya. “Don’t ever do that again,” gigil na sabi niya.
“Raiven?” nagtatakang tanong ni Lauradia.
Inalog niya ang babae. “If that’s your idea of fun, it’s not funny at all. You scared the hell out of me!” sigaw niya.
Kumurap ito. Sumungaw ang pagsisisi sa mukha nito. Kumibot-kibot ang mga labi nito na tila batang nahuling gumagawa ng kalokohan. “I’m sorry,” mahinang sabi ng babae.
Huminga nang malalim si Raiven para pakalmahin ang sarili at hindi nakatiis na tinawid ang pagitan ng mga labi nila. He kissed her hard, punishing her for making him feel so weak. Pero nang umawang ang mga labi ni Lauradia at sumandig sa katawan niya ay nakalimutan niya ang dahilan ng paghalik dito. Bumaba ang mga braso niya sa baywang nito at lalo pang hinigit palapit sa katawan niya ang babae. He felt like they were skin to skin through their wet clothes. It made his body hot and he kissed her deeper.
“Attention to all the guests. We request everyone to go back to the boat at once,” malakas na anunsiyo ng kanilang tour guide.
Pinakawalan niya ang mga labi ni Lauradia. Kapwa sila hinihingal habang nakatitig sa isa’t isa. Matagal bago ito nagsalita. “W-we have to go back.”
“Yes,” sagot ni Raiven. Labis na kontrol ang kinailangan niya para magawa niyang lumayo rito. Tahimik na naglakad sila pabalik sa speedboat. His body still tense with arousal. God, he wanted her. And he will have her, tonight.
PABALIK pa lang sila sa resort ay alam na ni Lauradia kung saan sila hahantong ni Raiven. Mula pa nang hinalikan siya ng binata pagkatapos nitong magalit sa kalokohang ginawa niya—na labis niyang pinagsisihan nang makita niya kung gaano ito natakot at nagalit—hanggang sa makasakay sila sa speedboat ay damang-dama niya ang matinding tensiyon sa pagitan nilang dalawa.
Nang makarating sila sa resort ay nagmamadali silang bumaba ng speedboat. Walang salitang hinawakan ni Raiven ang kamay niya at hinila siya sa kung saan. She could feel his urgency, the heat emanating from his body and the tension. Ganoon din ang nararamdaman niya na lalong tumindi nang huminto ang lalaki sa isang pinto sa VIP area ng resort.
Pagkabukas pa lang nito niyon ay parang may magneto sa pagitan nila na sabay pa nilang tinawid ang distansiya sa pagitan ng isa’t isa. Pagkasarang-pagkasara ni Raiven ng pinto ay naging abala na rin ang mga labi nila sa paghalik sa isa’t isa. Pareho silang tila nagmamadali, tila may hinahabol na hindi nila mawari. Pero wala iyong kaso kay Lauradia. They kissed and explored each other’s mouths. Para silang mga uhaw na uhaw. Ang mga kamay nila ay abala sa pagtanggal sa mga damit ng isa’t isa, sa paghaplos at pagdama sa isa’t isa na para bang hinahabol sila ng oras. She knew it really was the case. Knowing that their time together was very limited only made her desire for him stronger. At alam niyang ganoon din si Raiven.
Hindi iyon kasama sa plano niya. Sa ilang beses na nang-akit si Lauradia para sa trabaho ay hindi iyon umabot doon. Bago makuha ng mga lalaking biktima niya ang nais ng mga ito sa kanya ay natatapos na niya ang misyon at mawawala na siya na parang bula. Pero wala siyang balak na takasan si Raiven. At least not now. She wanted him as badly as he wanted her.
Kapwa pa sila napaungol nang sa wakas ay pareho na nilang mahubad ang lahat ng kasuotan nila. Ang mga labi ng binata ay kumalas sa mga labi niya at dumausdos sa pisngi niya pababa sa leeg niya. Walang kahirap-hirap na binuhat siya ni Raiven patungo sa kama. Huminga siya nang malalim nang lumapat ang likod niya sa kama at kinubabawan siya nito. She parted her legs wider to accommodate his body. Naglapat uli ang mga labi nila, sa pagkakataong iyon ay mas mabagal na. Umangat ang mga labi nito sa pisngi niya patungo sa tainga niya.
“I want you,” he wisphered in between nipping her ear.
Napasinghap si Lauradia at iniliyad ang katawan para lalo silang magkadikit. He groaned and his lips went down to her throat. Ang kamay nito ay lumapat sa dibdib niya at nilaro iyon bago bumaba at humaplos sa kurba ng baywang niya, sa tiyan, sa balakang, at pababa pa sa pagitan ng mga hita niya.
“Raiven…” sambit niya. Napahawak siya sa buhok ng binata sa kakaibang sensasyong dulot nito sa kanya, lalo na nang bumaba ang mga labi nito sa dibdib niya. He lingered there while his hands began to move, making her writhe with passion she never felt before. Dumilat siya at nanlaki ang mga mata nang bumaba pa ang mga labi ni Raiven patungo sa tiyan niya, huminto sa pusod niya, at pagkatapos ay bumaba pa. “Raiven!” napasigaw siya.
Natawa ito. Lalo pang tumindi ang sensasyong nararamdaman ni Lauradia nang umalog ang katawan ng binata dahil sa pagtawa. Saglit na umangat ang mukha nito at tiningnan siya. Nag-init ang mga pisngi niya nang makita ang hitsura ni Raiven sa pagitan ng mga hita niya habang nakangisi ito. He looked so much younger with that wicked glint in his eyes. “Pasalamat ka makapal ang pader dito, you can be as loud as you want, temptress.”
Saglit na natigilan siya sa pagtawag ni Raiven sa code name niya. Alam naman niya na hindi nito alam ang tungkol doon pero—
Muling lumabo ang isip ni Lauradia nang ipagpatuloy ng binata ang ginagawa nito. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat sa mga sensasyong idinudulot nito sa kanya. “Raiven, please,” aniya. Hindi niya alam kung ano ang pinapakiusap niya. Pero mukhang nahulaan na ng lalaki ang nais niyang mangyari. Muli itong tumaas hanggang sa magkapantay na ang mga mukha nila.
Wala na ang panunudyo sa mukha ni Raiven. Sa halip ay napuno na iyon ng intensidad habang inaayos ang puwesto sa ibabaw niya. “Please what, temptress?” nanunudyong tanong nito.
Humugot siya ng hangin at sa halip na sumagot ay hinalikan ang leeg ng binata. He groaned and entered her. Napaigik si Lauradia sa sakit na bigla niyang naramdaman sa biglang kilos nito. He stilled and stared at her with a shocked expression on his face. Nanlamig siya. Nawala sa isip niya ang tungkol doon. Paano kung tumigil ang binata ngayong nalaman na nito, na ito ang unang lalaking nakaangkin sa kanya? “You are—”
Kahit bahagya pa siyang nasasaktan ay iginalaw ni Lauradia ang kanyang balakang para salubungin ang katawan nito. Napapikit si Raiven at napasubsob sa leeg niya. “Kung sa tingin mo ay mapipigilan mo akong magtanong sa ginagawa mo…” Suminghap ang lalaki nang bilisan niya ang pagkilos. “Lauradia…” Hanggang sa tumigil ito sa pagsasalita at sinabayan ang paggalaw niya.
Niyakap niya nang maghigpit si Raiven nang maramdaman niyang nakalimutan na nito ang itatanong nito. Her mind stopped thinking about anything else but the pleasure she was feeling in his arms. At alam ni Lauradia na ganoon din ang binata. Until they reached oblivion at the same time. Bumagsak ito sa katawan niya. He was crushing her body but she didn’t mind.
Niyakap niya si Raiven at hinalikan ang balikat nito. Mariin siyang pumikit nang mag-init ang mga mata niya. May nag-uumapaw na emosyon sa puso niya na ilang beses na niyang muntik sabihin dito pero hindi niya puwedeng gawin dahil hindi naman niya iyon dapat nararamdaman at hindi maaaring malaman ng binata. It will just make their separation more painful.