Chapter RAIVEN AND THE TEMPTRESS: Chapter 12

LUMIPAS ang isang buwan na hindi natagpuan ni Raiven si Lauradia. Hindi pa man din tuluyang nawawala ang eskandalo ng pag-atras niya sa kasal ay nagkaroon na naman ng bagong dahilan ang mga reporter para guluhin siya nang bigla na lang i-announce ni Julia Lagdameo ang pagpapakasal nito sa isang lalaking nagngangalang JM Aurellio. Ayon sa mga balita ay kasintahan daw ng babae si JM bago siya. Nagkaroon ng napakaraming espekulasyon tungkol sa drama ng relasyon nilang tatlo at lumabas na siya pa ang kontrabida sa pag-iibigan diumano ng dalawa.

Dahil doon ay kinulit na naman siya ng mga reporter para hingin ang panig niya. Pero wala siyang balak na ipagtanggol ang sarili. Bahala ang kampo ni Julia na gawin ang gustong gawin ng mga ito kahit pa lumabas na masama siya sa mga mata ng ibang tao. After all, that was the least he could do for Julia. Hindi rin apektado si Raiven kahit na nagpakasal ang babae sa ibang lalaki. Until he noticed how her new husband looked like.

Naglalakad silang magkakapatid sa lobby ng televison network na under ng Montemayor Communications nang mapatingin siya sa malaking screen kung saan ipinapalabas ang special report tungkol sa kasal ni Julia. Napahinto si Raiven sa paglalakad at napakunot-noo nang makita ang kuha ng isang camera sa magkapareha. Tinitigan niya ang lalaking napangasawa ni Julia.

“Raiven, lalo kang matsitsismis kung tititigan mo ang special report ng kasal ng ex-fiancée mo,” bulong sa kanya ni Choi. Alam niya na nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid pero wala siyang pakialam.

“I think I’ve seen that man once,” ani Raiven.

“Where?” tanong ni Riki.

Inalis niya ang tingin sa screen at bumaling sa mga kapatid niya. “Hindi ako puwedeng magkamali. Nakita ko ang lalaking iyon na kasama ni Lauradia sa party kung saan ko siya unang nakita. Sandali ko lang silang nakitang magkasama at nakatalikod pa siya pero sigurado akong siya iyon.”

Nagkatinginan sina Riki at Choi, bago tumingin uli sa kanya. “Baka may alam siya kung saan natin makikita si Lauradia,” ani Riki.

“Exactly,” sagot niya. Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa ng kanyang pantalon at tinawagan ang private investigator na kinontak niya para hanapin si Lauradia. Nang sagutin ng imbestigador ang tawag niya ay nagpatuloy na sa paglalakad si Raiven. “Gusto kong malaman kung saan ko maaaring makita si JM Aurellio sa lalong madaling panahon.”

“People will think that you want to see him because of Julia, you know. Lalo kang guguluhin ng mga reporter,” puna ni Choi.

Huminga siya nang malalim at isinuksok uli ang cell phone sa bulsa niya. “Right now, I don’t give a damn.”

HUMIGPIT ang pagkakahawak ni Raiven sa manibela ng kotse niya nang lumabas ang sasakyan ni JM Aurellio sa parking lot ng hotel kung saan naka-check in ang lalaki kasama si Julia. Mabilis na binuhay niya ang makina at sinundan ang kotse nito. Ayon sa report ng investigator niya ay nakatakdang lumipad sina JM at Julia patungo sa Amerika mamayang gabi para sa honeymoon ng mag-asawa. Ang balak ni Raiven ay puntahan ang lalaki sa hotel suite nito pero bago pa man siya makababa ng kotse niya ay nakita na niya itong nagtungo sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung bakit umalis si JM, pero may kutob siya na kung saan man pupunta ang lalaki ay makakatulong iyon sa paghahanap niya kay Lauradia. Kaya nagdesisyon siyang sundan ito.

Labinlimang minuto lang ay nakita na ni Raiven na huminto si JM sa gilid ng isang may kalakihang gusali. He parked his car on the opposite side of the street. Nakakunot-noong tiningnan niya ang gusali. Walang nakalagay na signage kung ano iyon maliban sa isang malaking billboard ng paruparong tila may bitbit na manipis na espada. Pula at itim lang ang kulay niyon.

Hindi pa siya tapos pag-aralan ang larawan nang mapansin ni Raiven na bumaba ng kotse nito si JM. Pero sa halip na pumasok sa entrada ng gusali ang lalaki ay lumiko ito sa gilid niyon at pumasok sa isang makitid na daan. Mabilis na lumabas din siya ng kotse niya at tumawid. Nagpalinga-linga si Raiven at nang walang mapansing tao ay pumasok din siya sa makitid na daang pinasukan ni JM. Sa dulo niyon ay may nakapinid na pinto.

Huminga muna siya nang malalim at tinitigan iyon. Bago pa man niya hawakan ang seradura ay bumukas na ang pinto. Isang babaeng malaki ang katawan ang bumungad sa kanya. “Ano ang kailangan mo?” malamig na tanong ng babae.

“Kasama ako ng lalaking kakapasok lang dito,” sagot ni Raiven sa maawtoridad na tinig kahit na nalilito siya sa mga nangyayari.

Tinaasan siya ng isang kilay ng bouncer. “Sinong lalaki?”

Napatiim-bagang siya. “Do I have to tell you his name?” balik-tanong ni Raiven.

Ilang sandaling tinitigan lang siya nito. “Bagong kliyente ka ba?” Tumango na lang siya. Pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa ng bouncer bago marahang tumango at pinapasok siya. “Pumasok ka na lang sa silid na iyon. Nandoon ang kasama mo at kasalukuyang kinakausap si Temptress. Bilisan mo na kung kasama ka nila sa meeting,” utos nito.

Kumabog ang dibdib ni Raiven sa sinabi ng lady bouncer. Temptress. Bago pa magduda ang babae sa kanya ay lumapit na siya sa pinto na hindi masyadong nakapinid. Bubuksan na sana niya iyon nang mapahinto siya dahil narinig niya ang pamilyar na tinig ng isang babae. Tila may biglang sumuntok sa sikmura ni Raiven.

“You don’t have to come here to report about your wedding, JM. Napanood ko naman sa TV,” narinig niyang sabi ni Lauradia.

“Alam ko pero ito na ang huling beses na magkikita tayo. Kahit na ginawa mo lang naman ang trabaho mo, gusto ko pa ring magpasalamat sa `yo. Dahil sa `yo kaya nabawi ko si Julia sa lalaking iyon. I know if it’s not for your efforts to seduce him, he will not break off their engagement. Hindi sana kami magkakabalikan ni Julia. With that, thank you, Temptress.”

Raiven felt his whole body tense. Gusto niyang isipin na nagkamali siya ng dinig. Pero kahit na mahina lamang ang mga tinig ng dalawa ay hindi niya maipagkakamali ang mga narinig niya. Sa katunayan ay tila nagpaulit-ulit pa iyon sa kanyang isip. Dread started to creep through his chest, making a hole of emptiness and hatred. God, no. Don’t let this be real, desperadong hiling niya sa kanyang isip. But then he heard Lauradia’s voice again.

“Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Hindi ba sinabi ko na sa `yo na magaling kami? You asked us to separate them so I did.”

Tila iyon malamig na tubig na biglang ibinuhos sa katawan niya. No, worst than that. It was like a bomb that she suddenly threw in front of him. Napatiim-bagang si Raiven at nang magawa na niyang kumilos ay mabilis niyang itinulak pabukas ang pinto. Napaigtad ang dalawang taong naroon at sabay na lumingon sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang naging reaksiyon ni JM dahil ang buong atensiyon niya ay nakatutok lang sa mukha ni Lauradia na isang buwan na niyang hinahanap. Nabigla ang dalaga pero agad din iyong napalitan ng takot. Namutla si Lauradia na para bang nakakita ito ng multo. Her reaction only made his hatred worse.

“What’s the meaning of this?” mahina pero mariing tanong ni Raiven kay Lauradia. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa labis na pagpipigil ng emosyon. He willed himself to make his expression passive. Pero nang hindi sumagot ang babae at tumitig lang sa kanya ay tuluyan nang nawala ang kontrol niya. “Tell me, damn you!” sigaw niya rito.

Napaigtad ito pero hindi pa rin nagsalita. Gigil na gigil na siya at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang yugyugin ang mga balikat ni Lauradia. Pero pinilit niyang manatili sa kinatatayuan. “Ano’ng ibig niyang sabihin, Lauradia? Magsalita ka!” He spat her name as if it was poison. Hindi niya mapigilang magduda kung iyon ba talaga ang pangalan nito. Hindi magtataka si Raiven kung peke rin iyon.

Humugot nang hininga ang babae. “He… he hired me to seduce you. Para hiwalayan mo si Julia,” mahinang sabi ni Lauradia.

Nanlaki ang mga mata niya. Tila may biglang bumara sa lalamunan niya nang kumpirmahin ng babae ang narinig niya. Napatiim-bagang si Raiven. Now it all made sense. Ang akala niyang coincidence lang na pagkikita nila ay sinadya lang pala. Alam na niyang planado ang lahat. Kaya pala tanging pangalan at edad lang ang sinabi sa kanya ni Lauradia—na maaaring hindi rin totoo, at ang pagtanggi nito kapag tinatangka silang kuhanan ng larawan ng mga staff sa island resort.

“So, dahil nagawa mo na ang trabaho mo kaya bigla ka na lang nawala, ganoon ba?” Bumakas ang guilt sa mukha ng babae at nagbaba ito ng tingin. Bigla siyang kinapos ng hininga at kahit anong hinga ni Raiven nang malalim ay hindi pa rin iyon naging sapat. His lungs were hurting. His hands were itching to hurt her just as she was hurting him. He wanted to crush her the way she effortlessly crushed his heart.

“You were lying to me the whole time. Lahat ng pagkikita natin hindi coincidence. You were seducing me because it’s your job. Umaarte ka lang, ganoon ba?” gigil na sumbat niya kay Lauradia. Nang hindi pa rin ito tumingin sa kanya ay naningkit ang mga mata niya sa labis na galit. He wanted to punish her. God, he really wanted to. “Don’t tell me even your orgasms were fake?” sarkastikong tanong ni Raiven.

Namula ang mukha ng babae at tumingin sa kanya. Lumampas ang tingin nito sa kanya at tumutok iyon sa may pinto. Lalong namutla si Lauradia. Bumakas ang kahihiyan sa mukha nito. Naramdaman niyang may mga tao na sa likuran niya pero hindi siya lumingon.

“What? Don’t tell me nahihiya ka sa kanila? Iyon naman talaga ang trabaho mo, hindi ba? To open your legs to me until I go crazy with lust and leave my fiancée. Congratulations for making me into a fool!”

“Stop it!” sigaw rin ni Lauradia sa kanya. Nagbabaga ang mga mata nito sa galit. Tinitigan niya ang babae para sabihing wala itong karapatang magalit sa kanya. Siya lang ang dapat magalit sa ginawa nito. Ngunit hindi nagbaba ng tingin ang babae. “So what if I lied to you? Hindi ko kasalanan na nahulog ka sa pag-arte ko. You were a fool to fall in love with me.”

“I thought you felt the same,” sagot ni Raiven. Napamura siya. Yes, he was a fool.

“I never said I love you,” malamig na sabi ni Lauradia. Nanginig ang buong katawan ni Raiven sa sakit na dumaloy sa puso niya sa sinabi nito. Napagtanto niyang tama ang babae. Even in the heat of their lovemaking, he never heard her say those words. It was the worst evidence of her betrayal. Bago pa niya napigilan ang sarili ay natawid na niya ang pagitan nilang dalawa.

Napasinghap si Lauradia nang mariin niyang hawakan ang magkabilang balikat nito. Mabilis ding lumapit ang mga kasama nila para pigilan si Raiven sa kung ano man ang balak niyang gawin dito. Pero mas mabilis siya dahil bago pa makalapit ang mga ito sa kanila ay mariin na niyang siniil ng halik ang mga labi ni Lauradia. He kissed her hard. Wala siyang pakialam kahit masaktan ang babae. He was so angry he wanted to inflict pain onto her. And that was the only way he knew how to punish her without killing her.

Mahigpit niyang hinawakan sa mga braso ang babae. Alam niyang magpapasa iyon sa oras na bitiwan niya ito. Hindi nagprotesta si Lauradia sa halip ay tinugon pa nito ang halik niya. His anger for her suddenly turned to self-hatred when he tasted blood from her lips. Marahas na inilayo ni Raiven sa sarili ang dalaga. Umatras siya at puno ng galit na sinalubong niya ang mga mata nito. “You scheming bitch.”

“I know,” garalgal ang tinig na sagot ni Lauradia.

Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Pero sa halip ay buong lakas na sinuntok na lang ni Raiven ang center table na malapit sa kanya sa labis na galit. Nabasag ang salamin niyon. He saw blood on his hand but he didn’t care. He didn’t even feel any pain. Nagmura siya nang malakas at saka tinalikuran ang babae. Umatras ang mga babaeng nasa likuran niya para bigyan siya ng daan. Lumabas siya ng silid at pabagsak na isinara ang pinto.

Hindi niya alam kung paano siya nakabalik sa loob ng kotse niya na hindi siya naaksidente. Mariin siyang pumikit dahil sa labis na pananakit ng mga mata niya. Nang haplusin ni Raiven ang kanyang mukha ay naramdaman niya ang pamamasa ng mga pisngi niya. “Dammit!” mura niya sa kabila ng matinding pagbabara ng lalamunan niya. He felt something inside him dying. And he knew he would never be the same. He would never let anyone hurt him like this, again.

NAPASALAMPAK sa sahig si Lauradia pagkasarang-pagkasara ng pinto ng opisina nila. Pakiramdam niya lahat ng lakas sa katawan niya ay biglang hinigop ng kung ano. Nag-init ang mga mata niya at bago pa may makapagsalita sa mga taong naroon ay napahikbi na siya at humagulhol nang malakas.

Halos himatayin siya nang makita niyang pumasok si Raiven sa opisina nila. She missed him so bad she thought she was hallucinating.

Pero ang pagkagulat niya ay napalitan ng labis na pighati nang mapagtanto niyang narinig ng binata ang pinag-uusapan nila ni JM. It was then that she was sure that everything was over. Nakita niya ang labis na sakit at galit sa mukha ni Raiven. Nakita ni Lauradia kung paano lumabas ang mga ugat sa leeg nito, kung paano mamuti ang mga kamao ng binata sa labis na pagkakakuyom. Nakita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito. It was then that she realized that the little hope she had that they would be together in the future totally faded away. Hinding-hindi siya mapapatawad ni Raiven sa panlolokong ginawa niya rito.

Naalala niya ang sitwasyon niyang kadidiskubre lang niya kahapon kaya lalo siyang napaiyak. “Lauradia,” ani Czarina na nakalapit na pala sa kanya. “Alam niya ang tunay mong pangalan?”

Umiiyak na tumango siya. Hindi nagsalita ang mga kasamahan niya dahil alam niya, alam ng mga ito ang ibig sabihin ng ginawa niyang pagbigay ng tunay niyang pangalan kay Raiven.

Nang tumingala siya ay napansin niyang wala na si JM doon. Nakita niyang nasa pintuan si Miss Red Butterfly, na nakatingin sa kanya. Hindi mabasa ni Lauradia ang ekspresyon sa mukha ng babae. Sa kabila ng panghihina ay tumayo siya at lumapit dito. Pagkatapos ay lumuhod uli siya at yumuko sa harap nito. “I can’t do this anymore. Please I don’t want this anymore. I want to…” Napahagulhol siya sa sakit na nararamdaman ng puso niya kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya.

“Gusto mong umalis sa grupo,” pagtapos ni Miss Red Butterfly sa sasabihin niya. Nagprotesta ang mga kasamahan niya pero kagat-labing tumango si Lauradia. “Alam mo ba kung ano ang hinihiling mo, Radia? Are you going to break the loyalty you vowed to me?”

Tumango uli siya. “I’m sorry.”

“Hindi kayo magkakatuluyan kahit na umalis ka. He loaths you,” deretsang sabi ni Miss Red Butterfly.

Tila patalim na itinarak iyon sa puso niya. “Alam ko po,” sagot ni Lauradia.

“Kapag umalis ka, hindi ka na puwedeng magpakita pa sa Club Notteria. Hindi mo rin puwedeng kontakin ang mga kasama mo rito. Mawawalan ka ng tirahan, ng mapagkakakitaan, ng mga kaibigan, at ng pamilya. Are you willing to throw away everything just because you fell in love?”

Nakagat niya ang ibabang labi niya at tiningala si Miss Red Butterfly. Sinalubong niya ang mga mata nito, ang mga mata ng taong nagbigay sa kanya ng pangalawang buhay at kumupkop sa kanya. “Yes.”

Matagal siyang tinitigan ng babae bago marahang tumango. “Mula sa oras na ito, hindi ka na miyembro ng Club Notteria. I want you to leave the vicinity this instant and never to show your face again.” Iyon lang at lumabas na ito ng silid. Yumuko uli siya at pinunasan ang mga luha.

Alam niya na dismayado si Miss Red Butterfly sa kanya kahit hindi sinabi ng babae. She didn’t want to betray her. Pero kailangan niyang gawin iyon. Alam ni Lauradia na hindi magiging madali sa kanya ang lahat. Pero kailangan niyang kayanin. She had to go away. Hindi na lang iyon para sa kanya kundi maging para sa batang nasa sinapupunan niya.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.