Sa isang seafood reastaurant ako dinala ni Yvo. Hindi ito ang unang beses na makapasok ako sa ganitong lugar, pero ganoon pa man, hindi pa rin maalis sa akin ang pagkailang, kaba at takot.
Napapakagat sa labing naupo ako sa upuang hinila ni Yvo para sa akin. Nasa pinakasulok kami ng restaurant. Iyon bang kahit igala mo ang tingin ay hindi mo kami makikita. Ewan ko ba kay Yvo, pero mabuti na iyon. Iwas sa mga mata ng ilang mga taong narito.
Hindi naman ako ignorante sa ganitong lugar. Alam kong ito ang ilan sa mga pinupuntahan ng mga mayayamang negosyante o mga artista. Alam ko ring mahal sa ganitong restaurant.
"Anong gusto mong kainin." tanong ni Yvo na ikinatanga ko. Isa pa ito sa problema ko. I have allergies, partikular na sa sugpo. Pero, siguro naman pwede akong um-order ng isda diba?
"Ito na lang." sabi ko sabay turo sa picture ng garlic battered salmon.
"Salmon?" kunot ang noong tanong ni Yvo. May mali ba? "You like the battered prawns the most." Sabi niyang may kalakip na sarkasmo.
"Ha?" tanong kong nabigla. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. "Well, I don't remember anything about—,"
"I understand." agap ni Yvo bago lumingon sa waiter. "One garlic battered salmon, and garlic battered prawns," Sabi ni Yvo at saglit na huminto bago tumitig sa akin. "Do you want some lobsters?"
Nanlalaki ang matang napatitig ako sa kaniya. "Ha? No, it's fine. I mean, baka hindi natin maubos, tama na iyong—."
"Okay." Sagot na lamang ni Yvo bago tumango sa waiter. "Just add some seafood paella."
Fuck!
Hindi na ako nakapagreklamo nang tuluyan nang umalis ang waiter. "CR lang ako." Sabi ko bago nagmamadaling umalis kahit na hindi pa man nakakasagot si Yvo.
Nang makapasok sa isang cubicle ay kaagad kong nilabas ang cellphone. Nagmamadaling tinawagan ko si Jino.
"Seafood restaurant?" tanong niya.
"Yes! Mahilig ba sa sugpo si Jia? O kaya sa lobster? Sa hipon?" nag-aalalang tanong ko.
"Oo, paborito niya iyon." kaswal na sagot ni Jino.
"Oh fuck! I'm doomed." mariin kong sabi.
"Don't tell me allergic ka sa hipon?" Mukhang nakuha na ni Jino ang ibig kong sabihin. Malamang sa mga oras na ito ay nag-aalala na rin siya. Mabubuko kami nang wala sa oras. And the worse thing is, si Yvo ang mauunang makaalam. Na siyang hindi dapat mangyari!
"Jia, matagal ka pa ba? Nasa table na ang mga pagkain." Nanlaki ang mga mata ko nang may kumatok sa pinto ng banyong pinasukan ko. "Are you okay?"
"Yeah! Just give me a minute." mabilis kong sagot bago bumulong kay Jino. "I need your help, right now!"
"Geez, I'm having a meeting. Mas mabuting iwasan mo na lang muna ang kumain ng hipon ngayon. I know you can do it." sabi ni Jino bago siya nawala sa kabilang linya.
Labag man sa loob kong lumabas ay wala na akong nagawa. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Yvo na nakatayo sa pinto ng banyo.
"Banyo ito ng babae, baka may makakita sayo." sabi ko nang magtama ang paningin namin.
"Wala namang pumapasok, isa pa, kakarating ko lang naman." sagot niya sa akin bago lumabas. Bagsak ang balikat na sumunod ako.
Nang makarating sa table namin ay sunod-sunod ang ginawa kong paglunok. This is bad, really bad. Kailangan ko na nga yata sigurong maghanda. Mukhang talagang malalasap ko na ang galit ni Yvo.
"Let's eat." pagyaya ni Yvo na tinanguhan ko na lang. Pinilit kong huwag ipahalata na nanginginig ang mga kamay ko. Marahan kong dinampot ang tinidor at kutsilyo. Ginawa kong kaswal ang pagkain upang hindi makahalata si Yvo.
Pero bawat subo ko'y parang bumabara sa lalamunan. Dahil sa titig ni Yvo na akala mo'y nababasa niya ang buo kong pagkatao. "Why?" tanong ko.
"Nothing." mabilis niyang sagot bago muling itinuon ang pansin sa kinakain. "Don't you like the paella? Hindi mo ginagalaw." tanong ni Yvo na ikinahinto ko.
"Ah, I...mas gusto ko itong salmon." sagot kong pilit na ngumiti bago muling yumuko.
"Really? Do you like another pla—." Mabilis kong tinusok ng tinidor ang hipon na nasa plato niya pagkatapos ay kaagad na iniumang sa kaniyang bibig. "Oh?"
"Masyado kang madaldal." pagdadahilan ko habang nakaangat pa rin ang kamay.
Saglit siyang tumitig sa akin bago ngumisi. "I guess you really don't remember that you liked paella. I understand." Sabi niya bago sinubo ang pagkain sa tinidor ko.
Para akong nabunutan ng tinik nang hindi na ako pinilit ni Yvo na kainin ang ilan sa mga in-order niya. Pinagdiskitahan ko na lamang ang mashed potatoes na nasa harap ko. Maging ang red wine ay inubos ko na rin. Pero hindi pa rin sapat para malunasan ang gutom ko.
Ang mahal-mahal ng pagkain sa restaurant na ito pero kakarampot lang naman ang makakain ko?! Naiinis na bulong ng aking isipan.
Alas-otso na ng gabi at pauwi na kami ni Yvo. Gusto ko sanang matuwa nang marinig sa kaniya na uuwi na kami, pero ang siste, pinatake-out ang ilang pagkaing hindi namin nagalaw. Baka raw maisipan kong kumain mamaya. Wala naman akong maisip na idahilan para huwag na naming bitbitin iyon, kaya pumayag na lang rin ako. Isa pa, sayang rin ang ibinayad niya. Mapupunta lang rin naman sa basurahan ang mga pagkaing iyon kung iiwan namin.
Pero ang problema ko'y paano ko iyon makakain?! Hindi nga ako pwede sa hipon! Nakakaasar naman eh!
Dala ang mga paperbags na naglakad ako papasok sa bahay ni Yvo. Maging ang paperbag ng pagkain ay bitbit ko rin.
Kanino ko naman ibibigay ang pagkaing iyon? Hindi naman kami magkabati ng mga katulong sa bahay ni Yvo!
"Mauuna na ako sa kuwarto, Yvo." paalam ko sa kaniya nang nasa hagdan na kami.
"Okay, goodnight." sagot niyang tinanguhan ko bago tuluyang umakyat.
Nang makapasok ay kaagad akong naghubad ng damit. Pakiramdam ko kasi'y may kumakagat sa buo kong katawan.
Nanlalaki ang matang napatitig ako sa aking braso. May maliliit doong pantal. Mapupula at nag-uumpisa nang kumati.
"Oh shit!" mariin kong sabi nang maalala ang ginawa kong pagtusok sa hipong nasa plato ni Yvo. "Ang laki mong tanga Quia!" naiinis ko pang sabi bago dumiretso sa banyo.
Pinuno ko ng maligamgam na tubig ang bathtub. Mabilis kong tinanggal ang natitira kong mga saplot bago lumusong sa tubig.
Ganito lagi ang ginagawa ko kapag aksidenteng nakakakain ako ng hipon o 'di kaya'y kahit masayaran lang ng hipon ang bibig ko. Magbababad ako ng ilang oras sa maligamgam na tubig pagkatapos ay maglalagay ng lotion.
Madali lang naman bago tuluyang mawala ang mga pantal. Pero ang inaalala ko'y hindi ko naisarado ang pinto ng kuwarto ko! Paano kung pumasok si Yvo?!
"Nakakaasar talaga!" inis kong sabi bago pumikit nang mariin. Pero baka hindi rin naman siya pumasok rito. Nag-goodnight na nga siya 'di ba?
Tama, kaya bakit ko pa ba pinoproblema iyon? Isa pa, hindi rin naman niya malalaman ang totoong dahilan kung bakit nakababad ako. Kung pumasok man siya rito't magtanong, eh di sasabihin kong maalinsangan kaya gusto kong magbabad.
Napapangiting napapalakpak ako bago muling pumikit. Ilang oras pa naman bago tuluyang mawala ang kati.
-
Sinag ng araw mula sa bintana ang nagpagising sa akin. Lulugo-lugong bumangon ako't dumiretso sa banyo. Akma ko nang dadamputin ang toothbrush nang mapansin ang bathtub sa gilid.
"Ah..." mahina kong sabi sabay tingin sa salamin. Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sarili. "No! What happened? Bakit wala akong maalala?!"
Natatarantang bumalik ako sa kama. Kusang bumukas ang bibig ko nang makita ang natutulog na si Yvo.
"What the fuck?" mahina kong sabi. Parang tinatambol ng malakas ang dibdib ko. Bakit nasa kuwarto ko siya? Bakit nasa kama ako? Bakit umaga na?!
Para akong maiiyak na ewan! Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko.
"Ayos ka lang?" Natigil ako sa pagsabunot sa sarili nang marinig ang boses ni Yvo. Tulalang nakatingin lang ako sa kaniya. Bawat galaw niya'y sinusundan ng mata ko. "Babe, ayos ka lang ba?"
Isang sinok ang lumabas sa bibig ko nang makalapit siya sa akin. Gusto kong iiwas ang tingin pero hindi ko magawa. Tila hinihila ng nakalantad na dibdib ni Yvo ang mga mata ko.
"Anong nangyari?" mahina kong tanong sa kaniya.
"Wala naman." sagot kaagad ni Yvo. "Nakita kong bukas ang kuwarto mo. Akala ko gising ka pa kaya pumasok ako para yayain kang magkape. Pero wala ka sa kama. Kinatok kita sa banyo pero hindi ka sumasagot kaya pinuwersa kong buksan."
"You mean..."
"Yeah, I thought something bad happened to you. Nakatulog ka lang pala habang nasa bathtub." dugtong ni Yvo.
Ilang beses akong napalunok. Ibig sabihin nakita niya ang katawan ko?! Nakita niya akong nakahubad?!