Chapter Kabanata 14

"IDIOT! You can't even find Quia and now you're telling me that someone kidnapped—."

Naputol ang sinasabi ni Jino nang marahas akong pumasok sa condo unit na tinitirhan ng pamilya ni Quia. Matalim na tingin ang isinalubong niya sa akin. Mula sa kinatatayua'y inilang hakbang niya ang distansiya naming dalawa. Malakas na suntok na sinadya kong hindi iwasan, ang dumapo sa aking pisngi.

"You asshole! Kasalanan mo kung bakit nawawala si Quia!" Sigaw niya sa akin bago ako muling sinuntok.

"Jino, hijo, tumigil nga kayo't hindi iyan makakatulong sa paghahanap sa anak ko!" Malakas na sabi ni Tatay Tope.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt nang mapansin ang nag-aalala nilang mukha.

"I'm sorry for what I did. But I'm here to help!"

"Tulong? Yvo, anong magagawa mong tulong?! Ginawa ko ang lahat para mailayo si Quia sa matandang iyon! Pero ikaw, anong ginawa mo?! You did the same thing to her! You took advantage of everything."

"Wala kang alam sa sinasabi mo Jino! I did my investigations pero hindi ko plano ang saktan si Quia. You know me, Jino."

"Hindi ba kayo titigil?!" sigaw ni Tatay Tope. Wala na akong nagawa kundi ang tahimik na maupo sa sopang naroon. Maging si Jino ay natahimik na lang rin.

Sapo ko ang pisngi at bagang na nakatitig kay Jino. Alam kong nag-aalala siya kay Quia, pero mas nag-aalala ako! Damn that woman! Umalis siyang dala ang puso't isip ko.

Halos ilang araw na akong walang tulog. Dahil iyon sa si Quia ang umuukopa sa buong isipan ko. I promised to myself not to love again, after what Jia did to me. Pero mukhang nabali iyon nang makilala ko si Quia. She's different. Iyon kaagad ang napansin ko nang makita ko siya sa kusina ng bahay nila Jino.

Totoo ang sinabi niya. Umpisa pa lang alam ko nang iba siya. Ramdam ko nang hindi siya si Jianna. Pero pinaniwala ko ang sariling totoong may amnesia siya. Hanggang sa sumunod na araw ay nalaman ko na kung nasaan si Jianna. Wala akong pinagsabihan sa kaalamang iyon. I monitored her activities. Kahit na alam kong pinagmumukha ko nang tanga si Quia.

I was angry at first, pero paunti-unti'y humuhupa iyon. Kasalanan ko rin ang nangyari kaya may karapatan na magalit sa akin si Quia. But I will never give up. Hindi ako titigil hangga't hindi nasasagot ang damdaming pinukaw ni Quia sa pagkatao ko.

Hindi ko sinadya ang dalhin siya sa seafood restaurant na iyon. Hindi ko alam ang tungkol sa allergies niya. May parte pa rin kasi sa akin na baka talagang si Jianna siya, na baka set up lang ang tungkol kay Tatay Tope at Lemuel. Na baka kunwaring nasa Japan siya. Pero nang makita ko ang buong katawan niya'y doon ko nabuo ang lahat. Wala ang tatto niya sa tagiliran. Tattoo na ipinilit na ipagawa ni Jianna sa kabila nang mahigpit kong pagtutol.

Hindi ko gustong puwersahin si Quia. Hindi ko gustong itaboy siya. Nabigla ako, nawala sa sarili sa kaalamang pareho kaming nagmukhang tanga. Pareho kaming biktima ng isang Jianna Montecarlo.

Kaya pinasya kong hanapin siya. Pero tawag ni Lemuel ang dumating sa akin. Tawag na ikinakaba ko nang husto. Nawawala si Quia, simula pa kaninang umaga.

"Baka naman umalis lang at gustong mapag-isa." Makahulugang sabi ni Lemuel. Kaagad ko siyang nilingon na may pagtatanong sa mga mata. "Mahirap ang sitwasyon niya ngayon kaya baka pinili niyang umalis muna saglit."

"Pero, Sir Lemuel, pumunta kami sa hospital. Kung talagang gusto niyang mapag-isa hindi kami roon pupunta. Isa pa'y bakit kailangan kaming patulugin? Para saan iyon?" Sagot ng isa sa dalawang lalaking sinisigawan ni Jino kanina.

"Anong ginawa ninyo sa hospital?" Kunot ang noong tanong ni Jino sa dalawa. Maging ako'y naghihintay sa kung anong isasagot nang dalawa.

"Buntis ang anak ko. Kinailangan—." Hindi ko na pinatapos si Tatay Tope sa kaniyang sinasabi. Walang lingon-likod akong umalis. May pagmamadaling tinungo ko ang pinakamalapit na hospital.

Mula sa parking lot ay inilibot ko ang paningin. May tatlong CCTV cameras na nakatutok sa parking area. Nasa tago ang poste ng dalawang security guard kaya kung may mangyari man ay hindi mapapansin ng mga ito.

Mabilis akong pumasok at kaagad na tinanong ang nurse na nasa table nito. "Quia Rivera, Sir?" Kunot ang noong tanong ng babaeng pinagtanungan ko. Ilang minuto nitong sinuyod ng tingin ang kung ano sa monitor bago ako muling hinarap. "Yes Sir, 8:43 po siyang nagpacheck up kay Doktora."

"Can I check the CCTV footage?"

"Bakit po?"

"Miss please, nawawala ang mag-ina ko. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa parking area!" May pagsusumamong sabi ko.

"Pero Sir, hindi niyo po ba kaano-ano iyong nagtanong dito kanina? Tinanong niya rin po iyong tungkol sa footage. Mr. Damon Anderson po ang pangalan."

Umawang ang bibig ko. Damon Anderson? Sino ang taong iyon?

Tumango na lamang ako bilang sagot. Ilang beses ko pang pinilit ang babae para pagbigyan ako sa hiling. Ramdam ko ang paggigitgitan ng aking mga ngipin. Kinakabahan ako't hindi ko alam kung anong uunahing tingnan nang makaharap na ako sa tatlong monitor. Halos masira ko ang lamesa nang malakas ko iyong suntukin.

Ocampo!

Dama ko ang galit na tinungo ang kotse. Mabilis ko iyong pinasibad bago hinanap ang hotel kung saan malimit kong makita si Ocampo.

Halos sumabog ang ulo ko nang makita ang hinahanap na papalabas ng elevator. May malaking ngisi sa mga labi na akala mo'y may tagumpay na tinamasa.

"Oh, Mr. Ramirez! It's nice to—."

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko. Sapol si tanda sa nguso na ikinatumba nito. Dahil sa galit ay malakas kong hinatak ang kaniyang damit. I can smell his disgusting after sex sweat. Mas lalo akong nagpuyos sa galit.

"Where's Quia?!" Malakas kong sigaw. Tila nahintakutang nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Answer me now!" Galit ko pang sigaw. Kung hindi ako sisigaw ay baka tuluyang mandilim ang paningin ko.

Nanginginig ang kamay na inabot nito sa akin ang susi sa kuwartong ginamit nito. Nang makuha ang room number ay muli ko siyang sinapak bago tinakbo ang elevator. May ilang beses kong pinindot ang floor number. Ilang minuto'y tuluyan na iyong tumigil.

Pigil ang paghingang tumapat ako sa pintong nasa harap. Malakas ko iyong sinipa. Halos manlumo ako nang makita ang ilang tali sa kama. Ang patak ng dugo sa puting comforter. Pati na rin ang mga damit na alam kong damit ni Quia.

Kaagad akong napalingon sa pinto ng banyo mula sa kinatatayuan ko'y naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula roon. Marahan akong lumapit. Tila mabibigat ang mga paang pinilit kong ihakbang ang mga iyon. Pinalalakas ko rin ang dibdib sa kung anong tatambad sa akin.

Malakas na pag-iyak ang sumalubong sa akin. Iyak na parang pumupunit sa pagkatao ko. Ramdam ko ang sakit at galit mula roon. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ilang butil ng luha.

Mula sa maliit na espasyo. Nakita ko si Quia na nakaupo, yakap ang sarili, walang damit at tila hindi maawat ang pag-iyak. Napapikit ako nang mariin.

"Fuck." mahina kong sabi bago naupo sa kaniyang harapan. Hindi ko alam ang gagawin. Ni hindi ko siya magawang hawakan.

"Baby..." Mahina kong sabi bago ako tuluyang lumapit sa kaniya. Wala akong pakialam kung mabasa man ako ng tubig. Kaagad ko siyang kinanlong at mahigpit na niyakap, na mas lalong ikinalakas ng kaniyang pag-iyak.

"Bakit ngayon ka lang? Bakit 'di mo ako iniligtas?" May hinanakit na sumbat sa akin ni Quia. Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang buong katawan. "Binaboy niya ako Yvo. Pinagsamantalahan niya ako. Nagmamakaawa ako pero hindi niya ako pinakinggan!" Gusto kong magwala nang marinig ang mga sinabi ni Quia. Lalo na nang mas lumakas pa ang kaniyang pag-iyak.

Halos mandilim ulit ang paningin ko nang mapansin ang paso sa kaniyang dibdib lalo na ang hiwa sa pisngi.

Malakas kong sinuntok ang salaming pumapalibot sa kinaroroonan namin ni Quia. Sinisisi ko ang sarili ko sa mga nangyari. Kung sana'y hindi ko na lang siya pinaalis. Kung sana'y nagtapat ako nang maayos. Hindi sana mangyayari ito.

Muli ko siyang niyakap nang mahigpit habang nasa kandungan ko siya. "Tell me, baby, what do you want me to do?" Mahina kong sabi. Kung hihilingin ni Quia na ipapatay si Ocampo'y hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon. Kahit na nga yata hindi iyon ang hilingin niya'y gagawin ko pa rin.

"Gusto ko nang umuwi." halos pabulong na sabi niya sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay naramdaman ko na ang pagbigat ng kaniyang ulo sa aking balikat.

Muling tumulo ang mga luha ko. Hindi ako papayag sa nangyaring ito. Magbabayad si Ocampo sa ginawa niya! Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan!

Mabilis kong inilabas ang cellphone bago tinawagan si Louise. Binilinan ko siyang magdala ng damit ni Quia. At huwag na munang ipaalam sa kahit na kanino ang nangyari. Baka mapatay ako ni Jino kapag nalaman niya ang tungkol roon.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.