Chapter Kabanata 15

MULA sa pagkakasubsob sa laptop ay kaagad na umangat ang tingin ko sa nakatayong si Quia. She's looking at me na para bang gusto niya akong kausapin. Nasa labas siya ng library at tanging ulo lamang ang nakasingaw sa pinto.

Kaagad kong ipinilig ang ulo bago ngumiti nang marahan. "Come here." malumanay kong sabi. Bakas ang pag-aalangan sa mukha ni Quia. Para bang sinisipat muna ang pagkatao ko bago pumasok.

"Pwede bang dito muna ako? Natatakot ako sa kuwarto." naiiyak na sabi sa akin ni Quia. Mabilis akong lumapit sa kaniya bago ko siya inalalayang makaupo sa couch. "'Di ba sabi ko 'wag mo akong iiwan! Ayaw kong mag-isa, baka balikan niya ako. Baka may gawin na naman—,"

Kaagad kong sinapo ang mga pisngi ni Quia. Mataman ko siyang tinitigan sa mga mata na ikinatahimik niya. "Calm down, baby. You'll be fine, hindi na makakalapit sayo si Ocampo." Sabi kong pilit na nilalabanan ang paggaralgal ng boses.

Nasasaktan ako sa nakikitang takot sa mukha ni Quia. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mangyari ang kademonyohan ni Ocampo. Pinatingnan ko na si Quia sa mga kaibigan kong Doctor. Maayos naman ang lagay niya, iyon nga lang hindi pa rin maalis ang takot na nararamdaman niya. Na-trauma si Quia sa nangyari. Pero ginagawa ko naman ang lahat para mawala iyon.

Alam na rin ni Jino ang nangyari kaya ito na ang kumikilos para mahanap ang matandang iyon. Inilihim na lang muna namin kay Tatay Tope ang nangyari kay Quia. Baka hindi nito makayanan ang lahat.

"Pero iniwan mo pa rin ako sa kuwarto."

"I'm sorry, hindi ko na uulitin." Nakangiti kong sabi bago ko siya niyakap nang mahigpit.

Isang hingang malalim ang ginawa ko bago ko siya hinalikan sa noo. Gagawin ko ang lahat para maalis ang takot niya sa puso. Hindi ko hahayaang habang buhay niyang dalhin ang takot dahil sa nangyari.

Ramdam ko ang pagganti ni Quia ng yakap. Para bang ayaw nitong kumawala sa mga bisig ko.

Sa nakalipas na mga araw ay hindi ko hinahayaang mapag-isa si Quia. Liban nga lang ngayong araw, may kinailangan kasi akong asikasuhin.

May ilang beses na ipinaramdam sa akin ni Jino na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon kay Quia. May parte na tinatanggap kong ako nga ang may kasalanan. Pero hindi naman tamang ako ang sisihin sa lahat. Kailangang magbayad ni Ocampo.

"So, when will you going to tell Tita Therese about her?" Tanong sa akin ni Louise nang minsang bumisita siya sa bahay.

"I'm sorry, I didn't mean to lie. Kung may iba pa namang paraan hindi ito ang susuungin ko eh." Mahinang sabi ni Quia na nasa tabi ko. "Gusto ko lang talagang makalayo't makaiwas kay Ocampo. Pero hindi rin—,"

"Quia, calm down, babe." mahina kong sabi nang mag-umpisa na naman siyang manginig.

"Kuya, can we talk?" seryosong sabi sa akin ni Louise.

Marahan akong tumango bago inihatid si Quia sa kuwarto ko. Mas komportable raw siya roon. Natatakot raw siya kapag nasa kaniyang kuwarto siya.

"Alam ko kung anong pag-uusapan ninyo ni Louise." Sabi ni Quia nang nasa kuwarto na kami. "Alam kong mali ang ginawa ko sa iyo Yvo. Malaking kasalanan iyon, pero kung galit si Louise at papalayasin niya ako'y pwede bang bigyan mo muna ako ng kahit isang linggo."

"What are you talking about? Hindi siya galit sayo at kung papalayasin ka man niya'y hindi ako papayag. I will never let you leave me again. Hindi na kahit kailan." Sabi kong ikinatulo ng kaniyang mga luha. Kaagad ko iyong pinahid bago ko siya hinalikan sa noo.

"Thank you."

Nang masigurong maayos na ang lagay ni Quia ay kaagad ko nang binalikan si Louise na nasa sala. She's staring at me like I'm a different person. Seriousness in her face while biting the inside of her cheeks.

"Mahal mo siya?" tanong ni Louise na ikinahinto ko sa akmang pag-upo.

Dagli akong napabuga ng hangin bago itinuloy ang balak. I crossed my legs and arms. "You already know the answer." sagot kong ikinaikot ng kaniyang mga mata.

"Kuya, gusto ko lang ipaalala sa iyong hindi siya si Jianna! Yes, magkamukha sila pero pareho nating alam na hindi sila iisa!" Kunot ang noong sabi sa akin ni Louise. "I won't let you love her just because she resembles Jia!"

"Sinong nagsabi sa iyong ganoon ang nararamdaman ko?" Seryoso kong tanong na lalong ikinasalubong ng kaniyang mga kilay.

"Bakit, hindi ba?" taas ang kilay na sabi ni Louise. "Kung nasaktan ka ni Jianna, huwag mo namang ibunton iyon sa iba. Tama si Jino, kailangang ilayo sa iyo si Quia."

"Bakit ba nakikinig ka kay Jino?! I know what I'm doing! Hindi ko ito ginagawa dahil sa gusto kong ilabas ang galit ko sa iba! I'm doing this because I love her! Magkakaanak kami, at mamahalin ko sila. Wala akong pakialam sa kung anong iisipin ninyo!"

"Kuya—,"

"Kung sa tingin ninyo'y masama akong tao dahil sa pagkakamaling ginawa ko, I don't care and I don't give a damn! Kung kinakailangang ilayo ko si Quia sa mga taong gustong maghiwalay sa amin, gagawin ko! Ngayon niya ako kailangan, Louise. Hindi ako papayag na ilayo sa akin ni Jino ang mag-ina ko." Mahaba kong sabi bago walang paalam na umalis.

To hell with Jino. Ano bang pakialam niya?! Hindi niya kapatid si Quia, kaya wala siyang magagawa kung hindi ako papayag na kunin niya sa akin si Quia. Ayaw kong maulit ang nangyari kaya kung maaari'y poprotektahan ko ang mag-ina ko. Kahit na ba sa maling paraan.

Saglit akong tumungo sa kusina. Kaagad kong binuksan ang nakuhang lata ng beer. Inilang lagok ko lamang iyon bago padabog na inilagay sa basurahan.

Naiinis ako! Nagagalit! Bakit ba hindi nila maintindihan ang ginagawa ko? Kapakanan lang naman ni Quia at ng anak namin ang inaalala ko.

"Yvo hijo."

Matalim ang tinging ipinukol ko kay Manang Salve. "Kung papangaralan ninyo ako, huwag na lang. Hindi ako makikinig." malamig kong sabi.

"Kuya Yvo, totoo naman kasi ang sinabi ni Ate Louise. Isa pa, hindi ba't niloko ka ng babaeng iyon? Baka katulad rin siya ni Jianna." singit ni Mara na nasa likod ng ina niya.

Kaagad akong napapikit. "Why do you care? As far as I know katulong lang kayo sa pamamahay ko. Huwag ninyong pagsasalitaan ng masama si Quia sa harap ko mismo."

"Hijo..."

"Will you shut up? O baka gusto ninyong ako mismo ang gumanti sa ginawa ninyo kay Quia?" Sabi kong malamig na nakatitig kay Mara. Hindi lingid sa akin ang ginawa niyang pagsampal kay Quia noon. Hindi na lang ako nanghimasok dahil hindi naman nagpakita si Quia na apektado siya sa nangyari. Pero kung papangunahan ko lang siya'y baka matagal nang wala si Manang Salve at Mara sa pamamahay ko. Isinasaalang-alang ko rin kasi ang magiging saloobin ni Mommy. Matagal na kasi naming katulong si Manang Salve.

"Nasa pamamahay ko kayo, ako ang amo. Kung ano ang akin, 'wag ninyong pakikialaman! Importante sa akin si Quia kaya kapag naulit pa ang ginawa ninyo'y pasensiyahan na lang. Hindi ko na ho kayo matatanggap kahit na magmakaawa ang sino man."

Iniwan ko silang hindi makaimik. Dapat lang na malaman nilang hindi ako sang-ayon sa ginawa nila kay Quia. Kung ginawa man nila iyon dahil sa pag-aakalang si Jianna ito'y mali pa rin. May rason si Quia kung bakit niya iyon ginawa, isa pa, matagal ko na ngang alam na hindi siya si Jianna kaya dapat lang na hindi na iyon maulit.

"Tama na ang pag-arte. I know what you're doing Jia." Parang ringtone na bigla na lang tumunog sa utak ko ang mga salitang binitiwan ko noon kay Quia. Iyon 'yung panahon na una ko siyang dinala rito sa bahay. Totoong alam kong umaarte lang siya. Kaya lang ay hindi ko masabi ang kaniyang pangalan. Dahil sa siguro'y naging interesado ako sa ginagawa ni Quia. O baka nga noon pa man ay may kaabnormalan nang nangyayari sa loob ko; sa puso ko.

Isang hingang malalim bago ako pumasok sa kuwarto. Mula sa pinto ay sumalubong sa akin ang nakabukas na salaming bintana. Nakatayo roon si Quia na hinahangin ang mahabang buhok pati na rin ang suot na bestida.

"Siguro may malaki akong kasalanang ginawa noon kaya nangyari ang lahat ng iyon sa akin." Mahina niyang sabi nang tahimik akong tumabi sa kaniya.

"Quia..."

"Masama siguro akong tao. O baka kabayaran sa ginawa kong maruming trabaho. Karma kumbaga."

"Quia, hindi ka masamang tao." Malumanay kong sabi bago ko siya iniharap sa akin. Hawak sa magkabilang balikat na tinitigan ko ang kaniyang mga mata. "Wala kang ginawang masama. Gusto mo lang protektahan ang pamilya mo kaya mo ako nagawang lokohin."

"Dapat magalit ka sa akin." sabi niyang ikinakunot ng noo ko. "Dapat kamuhian mo ako dahil sinungaling ako."

"Quia, hindi mo ba ako narinig? Ginawa mo lahat ng 'yun dahil kina Tatay Tope. Oo nagalit ako, pero wala na iyon. Bakit ko papahabain eh umpisa pa lang may kasalanan rin ako."

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.