PANSIN ko ang pagkalito sa mukha ni Tita Theresa. Pero kaagad rin naman iyong nawala't napalitan ng isang ngiti. Matamis na ngiti na minsan ko na ring natanggap sa kaniya.
Nakakakonsensiya. Para bang gusto ko na lang sabihin sa kaniya ang lahat. Ang katotohanang hindi ako si Jia.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bakit hindi mo man lang kami binisita kahit isang beses lang?" May hinanakit sa boses na sabi sa akin ni Tita. Napansin ko sa kaniyang likuran si Tito Ramil. Maging ito ay tila may hinampo sa hindi ko pagbisita sa kanila sa loob ng apat na taon.
"Mom, I think Jia—,"
"Jino, anak, sa tingin mo ba muli mo kaming maiisahan ng Daddy mo?" Seryosong sabi ni Tita Theresa bago niya kinuha sa akin si Hugo.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Nanlalamig ang mga kamay ko't parang nakababad sa yelo ang buong katawan.
"Mom,.."
"Alam namin ng Mommy mo, umpisa pa lang." sagot naman ni Tito Ramil habang nilalaro ang mumunting kamay ni Hugo.
"Sandali po, ibig ninyo—,"
Sabay na napatingin sa akin ang mag-asawa. "Maupo ka muna hija."
"Pero—,"
"Nauto ka na naman ng anak ko. Pero sa pagkakataong ito'y si Jia naman ang pinagbigyan mo." makahulugang sabi ni Tita Theresa.
"Alam ninyo..." mahina kong sabi bago tuluyang napaupo sa malambot na sofa.
"Ina ako, Quia. Ramdam ko kung may nag-iba sa anak ko." makahulugang sabi ni Tita Theresa.
Well, I expected that she'll slap me, hurt me, o kahit ano pang bagay dala ng galit niya. Pero iba ang ipinapakita niya sa amin ni Jino. Matamis pa rin ang kaniyang mga ngiti. Bakas ang pang-unawa sa kaniyang mga matang nakatitig sa akin.
I thought I'm going to need Jino's help. Hindi na pala dahil mukhang naiintindihan ni Tita Theresa ang nangyayari.
"How did you know?" Basag ni Jino sa katahimikang namayani. Kunot ang noong muli akong tumingin sa mag-asawang nasa harap ko.
Isang kumpiyansang ngiti ang pinakawalan ni Tita Theresa bago siya sumandal sa kinauupuan. "Let's just say na hindi ako katulad ng iniisip mo Jino. Even now that I'm old, I still know a lot of people." sagot niya bago muling tumitig sa akin.
Saglit na lumipat ang tingin ko kay Jino na tila may malaking question mark sa ulo.
Maya-maya'y narinig namin ang mahinang pag-ungol ni Tita Theresa. "Connections mga anak, connections."
"So what are you trying to say is that, you knew that Jia was in Japan? Pero bakit umarte kang walang alam?" Ilang beses akong napalunok. Mukha pala akong tanga sa kakaarte noon.
"It's because, I want to know kung hanggang saan ang kaya ninyo. Well I underestimated your capabilities. Akala ko'y malalaman kaagad nila, especially Yvo, since siya ang pinakamalapit kay Jia. But I was wro—,"
"He knew." agap ko sa sasabihin ni Tita. "Umpisa pa lang alam niya nang hindi ako si Jia. Hindi niya lang masabi sa akin noon dahil gaya ng sa inyo'y gusto niya ring sukatin kung hanggang saan ang kaya ko. He even punished me." sabi kong napapaiwas ng tingin nang masabi ang huling pangungusap.
Parang isang pelikulang bumalandra sa isipan ko ang pangyayaring iyon. Ang dahilan kung bakit nariyan si Hugo. Pero gaya ng mga sinabi ko noon. Wala akong pinagsisihan. Ang tanging hinanakit ko lang ay iniwan ko si Yvo kaya nangyari sa akin ang kahayupang ginawa ni Ocampo.
"Oh, hindi ko alam na ganoon ang nangyari." napapahawak sa dibdib na sabi ni Tita Theresa.
Kaagad na napabaling ang mga mata namin nang biglang tumawa nang malakas si Hugo. Nasa kandungan na ito ni Tito Ramil habang kalaro si Zarha. "Bakit kayo pumayag na pakasalan ako ni Yvo?" seryoso kong tanong.
Lahat ay natahimik. Lahat ng tingin ay nasa dalawang batang naglalaro. "Kung alam ninyong hindi ako si Jia. Bakit kayo pumayag?" Muli kong pagtatanong nang wala ni isa sa kanila ang sumagot.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Tita Theresa. Nalipat ang tingin ko sa kaniya nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay. "Dahil alam ko at ramdam kong hindi naman talaga si Jia ang para sa kaniya. Akala ko kapag nagsama kayo, maaaring mabuo ang isang emosiyon sa pagitan ninyo. Sa ganoong paraa'y makakalimutan ni Yvo ang ginawa ni Jia. Pero parang mali na naman ako. Iniwan mo si Yvo pagkatapos nang nangyari sa iyo. And I'm sorry kung hindi ako nakatulong noong mga panahong iyon."
"Wala po kayong dapat ihingi ng sorry. Desisyon ko po ang iwan si Yvo. At ang demoniyong Ocampo na iyon ang siyang may kasalanan kung bakit kinailangan kong muling iwan si Yvo." sabi kong may maliit na ngiti.
Muli'y natahimik ang lahat.
"So...ano pang gagawin ko dito?"
Saglit akong napatingin kay Jino. Napapakamot ito sa batok na tila hindi na rin alam kung anong dapat gawin.
"Alam ko kung anong nangyayari hija. Huwag ka nang mag-alala, ako na ang bahala sa anak ko." sabi ni Tita Theresa bago niya ako muling hinawakan sa kamay. "Pero bago kayo umalis, sumabay na muna kayo sa amin na kumain."
Wala na kaming nagawa ni Jino kundi ang paunlakan ang imbitasyon ng Mommy niya. Sabay-sabay kaming kumain at pagkatapos ay saglit na nagkuwentuhan sa may veranda. Kasama pa rin namin ang dalawang batang tila walang alam sa paligid. Abala ang mga ito sa paglalaro kasama ang Lolo ng mga ito.
"Kamukhang-kamukha ni Yvo." komento ni Tita Theresa habang nakatitig kay Hugo. "Does he knows about him?"
"Yes, Tita." may maliit na ngiting sagot ko.
"Kumusta?" tanong niya ulit. Hindi ko alam kung para saan ang tanong na iyon. Kung para ba kay Hugo o para sa akin. Pero sinunod ko na lang ang sa tingin ko'y dapat isagot.
"Ayos naman po. Tanggap niya si Hugo. Tanggap niya rin ang responsibilidad niya." Mahina kong sagot. Narinig ko ang mahinang pagtikhim ni Jino kaya saglit akong napatingin sa kaniya.
Mahina at pagak na tawa ang pinakawalan ni Tita Theresa. "Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin."
Pinakiramdaman ko ang sarili. Parang lahat yata ng taong malapit sa akin ay iyon ang gustong itanong. "Maayos naman po kami."
"How about the wedding?" muling tanong ni Tita.
Sa tanong niyang iyon ako natigilan. May kasalan pa nga bang magaganap? Itutuloy pa ba iyon ni Yvo?
Mahal ko pa rin naman siya. Ganoon rin naman siya sa akin. Pero ang patungkol sa usaping iyon ay hindi pa namin nabibigyang pansin.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon, Tita."
"I see."
-
"Thanks." mahina kong sabi nang makarating kami sa bahay. Nagpasya kasi si Jino na ihatid na rin kami pauwi tutal siya naman raw ang nagdala sa amin sa bahay ng mga magulang niya.
Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa akin. "You're always welcome." sabi niya bago ako hinalikan sa sentido. Ilang segundo iyong tumagal na ikinapagtaka ko. Nang tingnan ko siya sa mga mata'y mabilis siyang umiwas ng tingin. Ilang sandali lamang ay kaagad na rin siyang nagpaalam dahil may ilan pa raw siyang aasikasuhin sa opisina.
Nang makapasok sa bahay ay kaagad na kumunot ang noo ko nang makita kung sinong nakaupo sa sofa. Mabilis kong tiningnan ang relong pambisig. Halos mag-aalas otso na ng gabi. Tulog na rin si Hugo sa mga bisig ko.
"Saan kayo galing?" tanong niyang may malamig na ekspresiyon sa mukha.
Isang hingang malalim ang ginawa ko bago inilapag si Hugo sa malambot na sofa. Pagkatapos niyo'y agad kong tiningnan si Yvo na nakaupo sa tabi ni Hugo.
"Saan kayo nanggaling?" ulit niya sa tanong.
"Kay Tita Theresa."
"Ginawa mo na naman ulit?" salubong ang kilay na tanong ni Yvo. "Quia, papahirapan—."
"Alam na nila." putol ko sa pagsasalita ni Yvo.
Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang hitsura niya. Nakapusod ang mahaba niyang buhok. Tanging white long sleeves na bukas ang dalawang butones at itim na slacks ang kaniyang suot. Nasa gilid naman niya ang itim rin na coat at necktie. Mukhang dumiretso kaagad siya rito sa bahay mula sa opisina.
Narinig ko ang bahagyang pagtikhim ni Yvo. "Mabuti kung ganoon."
Napataas ang kilang ko. "Bakit ka pala nandito? Kumain ka na ba?" tanong ko habang nauupo sa katapat na upuan ni Yvo.
"Kanina pa akong narito. Balak ko sanang ipasyal kayo ng anak natin. Pero sabi ni tatay umalis raw kayo kasama si Jino." Nahimigan ko ang pagkainis sa kaniyang boses kaya hindi ko napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti.
"So kumain ka na nga?" Natatawa kong tanong na sinamaan lang ng tingin ni Yvo.
"Hindi pa, gusto ko kasing sabay tayo. Pero mukhang nakapagdinner ka na kasama si Jino." Madilim ang mukhang sagot niya.
Bigla akong napatayo nang umalis si Yvo sa kaniyang kinauupuan. Pagkatapos ay kaagad na kinuha ang kaniyang mga gamit. "Saan ka pupunta?"
"Aalis na, sa bahay na lang ako kakain." Sagot ni Yvo. "Nandidilim ang paningin ko, lalo pa't hinalikan ka ng Jino na iyon." Halos\ walang boses na dugtong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.