Chapter Kabanata 27

Habang nasa biyahe ay hindi mapalagay ang loob ko. I am still nervous.

Hugo's sleeping in the backseat. Mabuti na lang at natigil na siya sa pag-iyak. Dahil parang pati ako'y nasasaktan sa nangyari sa anak ko. Though I know how does it feel, iba pa rin ang nararamdaman ni Hugo dahil isa lang siyang bata.

"Hey, babe, relax, Hugo's fine now. Huwag ka nang mag-aalala." Pagpapakalma sa akin ni Yvo. He took my hand and held it for a minute.

"I know, natatakot lang ako. Si Ocampo, alam nating pareho kung gaano kaitim ang kaniyang pagkatao. Bakit kailangan niya pang ulitin sa anak ko ang ginawa niya sa akin?" Muli'y hindi ko napigilan ang mapaiyak.

"Babe, I promise, pagbabayarin natin siya." Malamig na sabi ni Yvo bago muling itinuon ang pansin sa harap.

Naging maayos ang biyahe namin pauwi sa bahay ni Yvo. Everything's went well hanggang sa makarating kami sa kaniyang bahay.

His Mom and Dad were waiting in the living room. Kaya nang makita nila kami'y nagmamadali nila akong niyakap pagkatapos ay kinuha si Hugo sa akin.

"Oh thank God, walang malalang nangyari sa inyo." sabi ni Tita Rowena habang hinahaplos ang aking pisngi.

"We're fine, Tita. Medyo natakot lang kami para kay Hugo."

"Don't worry hija, we're already tracking Ocampo. At kapag nakita na siya'y pagbabayaran niya ang ginawa niya sa apo ko." Pagpapakalma sa akin ni Tito Yvez. 

Tanging pagngiti na lang ang naisagot ko bago humawak sa braso ni Yvo.

Ilang sandali lang ay nagpasya ang mga magulang ni Yvo na dalhin si Hugo sa sarili nitong kuwarto. Babantayan raw muna nila saglit ang apo bago umuwi.

"See, gagawin namin ang lahat para makita si Ocampo. Hindi papayag ang Daddy na may mangyari ulit sa pamilya ko." Sa sinabing iyon ni Yvo ay nakaramdam ako ng pagluwag ng dibdib.

"Thank you..." sabi kong pinipigilan ang muling mapaiyak.

Isang mahigpit na yakap ang iginanti sa akin ni Yvo. Yakap na talagang nagparamdam sa akin ng kasiguruhan at kapanatagan.

Kinabukasan ay naging bisita namin si Jino. Nagkaroon ng kaunting pangamba ang dibdib ko nang makita ang pagsusukatan nila ng tingin ni Yvo.

"Jino..."

Lumipat sa akin ang tingin ni Jino. Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan nito bago ako nilapitan at niyakap nang mahigpit. "Damn it, Quia! I was  worried to death when Lemuel told me about what happened! Bakit ba napakamalapit mo sa panganib?!" Mariing sabi ni Jino habang nakakulong pa rin ako sa kaniyang mga bisig.

Malakas na tikhim ang pinakawalan ni Yvo na siyang dahilan ng pagkalas ni Jino sa yakap. "You're too close, Mr. Montecarlo." Walang ekspresiyong sabi ni Yvo.

"Hindi mo ako masisisi kung yakapin ko man si Quia, Yvo. Sobra akong nag-alala para sa kaniya at kay Hugo." pagpapaliwanag ni Jino bago bumalik sa sofa. "Kung naroon sana ako'y hindi—."

"Are you blaming me for what happened, Jino?" Mababala ang boses na tanong ni Yvo.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at mahigpit na hinawakan ang kaniyang braso. "Hey, babe, look at me." Mahina kong sabi na pilit tinugon ni Yvo.

Ang kaninang galit sa kaniyang mga mata'y nawala. Masuyo niya akong tiningnan bago hinawakan ang aking kamay. "Hindi mo kailangang magalit, Yvo. Hindi natin maiaalis ang pag-aalala ni Jino dahil malaki ang naging parte niya sa buhay namin ni Hugo. He was the one who helped me noong mga panahong pakiramdam ko'y iniwan ako ng lahat."

"I understand, I'm sorry." hinging paumanhin ni Yvo bago ako iginiya paupo sa katapat na upuan ni Jino.

Saglit na katahimikan ang namayani. I awkwardly cleared my throat. Pagkatapos ay tumingin kay Jino. "May gusto ka pa bang sabihin?"

Mabilis na tinapunan ng tingin ni Jino si Yvo bago bumuntong-hininga. "I already know where the monster's hiding."

Akma akong magsasalita nang maramdaman ko ang pagtayo ni Yvo mula sa pagkakaupo sa aking tabi. Sinundan ko ng tingin ang ginawa niyang paglakad papanhik sa kuwarto at pagpanaog pabalik sa amin ni Jino.

"What did—."

"Tell me where." Bigla akong napalunok nang marinig ang kalamigan sa boses ni Yvo.

"Yvo, hindi madali ang iniisip mo. Kung sasabihin ko sa iyo kung nasaan si Ocampo'y alam kong pupuntahan mo siya kaagad. Mapanganib, baka ikapahamak mo lang ang gagawin mo." pagtutol ni Jino sa gusto ni Yvo.

Sang-ayun ako sa sinabi ni Jino. Talagang mapanganib kung pupuntahan niya si Ocampo nang wala man lang solidong plano. Hindi ko na alam ang gagawin kung pati si Yvo ay gagawan ng masama ng hayop na si Ocampo.

"We're talking about my family here, Jino. Karapatan kong gawin ang nararapat para sa kanila."

"At ang pagsuong sa panganib ang sa tingin mo'y nararapat?!" Mataas ang boses na pagbabara ni Jino sa sinabi ni Yvo.

Hindi ko alam ang sasabihin. Ni hindi ako makasingit sa kanilang dalawa. Naiintindihan kong nag-aalala sila para sa amin ni Hugo. Pero ang planong iyon ni Yvo ay hindi pabor sa akin.

"Ano bang pakialam mo kung gawin ko ang sa tingin ko'y nararapat? Anak at asawa ko ang ginawan niya ng masama. Kahit sinong ama gugustuhing mabigyan ng hustisya ang mga iyon!" Galit na sabi ni Yvo bago nagpalakad-lakad sa harap ko.

"Damn it! Hindi mo ba naiintindihan? Yvo, I'm your best friend, nag-aalala rin ako para sa iyo!"

"Will you both shut up?! Kanina pa akong nabibingi sa pagpapataasan ninyo ng boses!" Sabi kong matalim na nakatingin sa dalawa.

"Qui—."

Mabilis kong binatukan ang dalawa na ngayon ay nakayuko. "Hindi masusulusyunan ng pag-aaway ninyo ang problemang ito!"

"Then, what do you want us to do?" Tanong ni Yvo sa mahinahong boses.

Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ko bago muling naupo. "First, we need to find Jia."

"Bakit nasali si Jianna dito?" Salubong ang kilay na tanong ni Jino.

"We have the same face. Kung nasa malayo siya'y baka mapagkamalan siya ni Ocampo. Gusto kong nasa ligtas ang lahat. Ayaw kong may madamay."

"Pero wala si Jianna sa bansa. Kung nag-aalala ka'y tatawagan ko siya't pababalikin dito ora mismo."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Jino. Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin kay Yvo. "Kailangan nating magplano bago pumunta sa impyerno, Yvo. Ayaw kong mauwi sa wala ang pangangahas nating mahuli si Ocampo. Kailangan rin nating ipaalam sa mga kinauukulan ang nang—."

"Woah, wait! Ibig mong sabihin maglalahad ka ng statements about what happened 2 years ago?" Pagputol ni Yvo sa pagsasalita ko.

Marahan akong tumango na ikinapikit nang mariin ni Yvo. "Kung maaaring may makuha tayong ebidensiya'y mas mabuti."

"No!" Malakas na sabi ni Yvo. "Damn, Quia! Isipin ko pa lang na kung sakaling may video nga't napanood ng ibang tao'y mababaliw ako!  Hindi ko gusto ang pinupunto ng sinasabi mo Quia."

Alam ko ang ibig sabihin ni Yvo. Kahit naman ako'y nag-aalangan din. Pero iyon ang tingin kong paraan para madiin si Ocampo. Siguro nama'y may CCTV sa hotel na pinangyarihan. Kaya dapat na makuha ko iyon.

"Yvo, gusto ko nang matapos ang bangungot na iyon. And that is the only way para mapatunayang may sala si Ocampo."

Ilang beses na napabuntong-hininga si Yvo bago ako nilapitan at niyakap. "We will get the CCTV footage kahit na anong mangyari. Pero hindi ko masisigurong sasang-ayun ako sa gusto mo."

Matipid akong ngumiti. Gumanti ako ng yakap. Mula sa pagkakayakap ko kay Yvo ay nalipat ang tingin ko kay Jino na nakatitig sa aming dalawa. Maya-maya ay salubong ang kilay na umiwas ito ng tingin.

"Will you stop hugging each other? Nandito pa ako." Hindi ko napigilan ang mapatawa nang mahimigan ang pagkainis sa boses ni Jino.

"Let me hug you then." Narinig kong sabi ni Yvo na mas lalong ikinasama ng mukha ni Jino.

"Are you gay? Nakakadiri ka." Sagot ni Jino bago ipinagkrus ang mga braso. "Dadalhin ko rito si Zarha. Pagkatapos ay tatawagan ko si Jia..."

"...and Louise." pagdugtong ko sa saglit na pagtigil ni Jino.

Isang tikhim ang ginawa nito bago tumayo. "I will..." Mahinang sabi nito saka nagpaalam.

Naiwan kami ni Yvo na tahimik.

"Nakakadiri?" kunot ang noong tanong ni Yvo.

Salubong ang kilay na tiningnan ko siya. "Anong pinagsasasabi mo riyan?"

"Siya pa nga ang yumakap sa akin noong una siyang binasted ni Louise. Paiyak-iyak pa siya tapos sasabihin niyang nakakadiri?!" 'Di makapaniwalang sinundan ko ng tingin ang pagpanhik ni Yvo sa hagdan.

Napangiti ako ng tipid. At least kahit papaano nagiging maayos ulit ang pagkakaibigan nilang dalawa.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.