Chapter Kabanata 29

Malalaki ang hakbang na tinungo namin ni Yvo ang reception area ng hotel na pinagdalhan sa akin ni Ocampo noon.

Pansin ko ang pagtiim ng mga bagang ni Yvo habang kinakausap niya ang isang babae. Marahil ay pinag-uusapan na nila ang tungkol sa CCTV footage.

"I'm really sorry Sir, matagal na po ang two years, baka nabura na po ang mga lumang kuha ng CCTV." Napapaiwas ang tinging sabi ng babae na ikinabuntong-hininga ni Yvo.

Marahan kong tinapik ang kaniyang balikat. "Let's go babe..." sabi kong hindi nilulubayan ng tingin ang babae.

Kita ko ang paglikot ng kaniyang mga mata. Paulit-ulit niya ring kinakagat ang kaniyang labi.

She's obviously nervous.

Saglit akong napabuntong-hininga bago lumingon kay Yvo na ngayon ay nakatiim pa rin ang mga bagang. Sinadya kong tumikhim nang malakas bago ngumiti nang matamis sa babaeng kausap ni Yvo kanina.

"Miss..." malamig kong sabi. Napansin ko ang bahagya niyang paglunok. "...this guy beside me, will do everything to get that footage. Tell Ocampo, na maghanda na siya. Dahil hindi ko maipapangakong mapipigilan ko ang halimaw kapag nagwala."

"Quia..." pag-awat sa akin ni Yvo sa sana'y paghapit ko sa kwelyo ng receptionist. "...that's enough."

"Oh honey, I'm just giving her a warning." Nakangiti kong sabi kay Yvo. Pagkatapos ay muli akong humarap sa babaeng tila tinakasan ng kulay sa mukha. "Pakisabi kay Ocampo na pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sa akin. With or without that fuckking CCTV footage, I'll make sure he'll gonna have a great bed six feet under the ground."

Bago ako naglakad palayo ay muli kong tiningnan nang matalim ang babaeng ngayo'y nanghihinang napahawak sa counter.

Malakas na isinarado ko ang pinto ng kotse nang makapasok ako sa loob. Napapailing na sumunod sa akin si Yvo.

"That was amazing. I wish Ocampo heard that." natatawang sabi ni Yvo bago sinapo ang aking pisngi.

Napabuga na lang ako nang hangin. Mukhang mahihirapan kaming makuha ang ebidensiya laban kay Ocampo. Oh God, please help me.

"But are you really sure it as Ocampo?" Tanong ni Yvo na nakatingin sa kawalan. Kumunot ang noo ko dahil a pagtataka. Sino pa bang tao ang gagawa niyon? Wala naman sigurong magkakainteres na kunin ang footage kung wala itong malalim na dahilan.

"Why?"

"Nothing..." sabi na lang ni Yvo bago umiwas ng tingin. Nagtataka man ay pinilit ko na lamang mag-isip ng ibang bagay.

Tahimik kami ni Yvo sa buong biyahe pauwi. Pero ganoon pa man, hindi ako napanatag. Magulong-magulo ang isip ko. Punong-puno ng galit ang puso ko para kay Ocampo. Gustong-gusto ko na siyang makita at pagbayarin sa lahat ng ginawa niya!

Kung nakakamatay lang ang pag-iisip ng masama sa matandang iyon, baka kanina pa ako bumulagta. Halos buong biyahe'y pinapatay ko siya sa isipan ko. Sa utak ko'y nanggigigil akong pinagsasampal siya. Kating-kati ang kamay kong sugatan rin ang kaniyang mukha. Gusto ko siyang magdusa!

Pagtapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan.

"Calm down, Quia, makukuha natin ang hustisya para sa inyo ni Hugo." Sabi sa akin ni Yvo habang nakangiti. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at pagmamahal.

Sana matapos na ito. Para makahinga na kami nang maluwag. Para tuluyan nang sumaya ang pamilya ko.

"Thank you, babe." mahina kong sabi bago niyakap si Yvo nang mahigpit.

Sunod-sunod na pagkatok ang nagpahiwalay sa amin ni Yvo. Nang lingunin ko ang kung sino mang nasa labas ay kaagad na kumunot ang noo ko.

"Mama Betty..." bulong ko. Mabilis akong lumabas ng kotse. Sinalubong naman ako ng mahigpit na yakap ni Mama Betty.

"Quia..." garalgal ang boses na sambit niya sa pangalan ko. "...mabuti at ligtas ka."

Salubong ang kilay na tiningnan ko si Mama Betty. "Bakit po?"

Saglit na lumunok si Mama Betty bago tumingin sa akin at kay Yvo. "Naaalala mo ba si Mr. Ocampo?"

Kaagad na naggitgitan ang mga ngipin ko. Mukhang may alam si Mama Betty sa mga nangyayari. "Opo..."

"Patay na si Mr. Ocampo."

Bigla akong natigilan. "Mama Betty, buhay pa po si Ocampo. Ginawan niya pa nga ng masama ang anak ko." Mariin kong sabi. Kaagad na lumapit sa akin si Yvo. Hinawakan niya ang balikat ko at ilang beses akong binulungan na kumalma.

Ilang beses na umiling si Mama Betty. "Patay na siya..." pag-uulit niya sa sinabi. "...dalawang taon na ang nakakalipas."

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o hindi. Bigla akong naguluhan. Kung patay na ang matandang iyon, sino ang walang pusong gumawa ng masama sa anak ko?

"Yvo..." halos walang boses na napahawak ako sa braso ni Yvo.

"Excuse me, but, can you please explain it clearly?" Tiim ang bagang na sabi ni Yvo.

Kaagad namang sumang-ayon si Mama Betty. Pero nakiusap itong sa loob na lang ng bahay magpapaliwanag. Natatakot raw kasi itong baka may makakita rito. May tinatakasan raw ito at natatakot na mahuli. Baka hindi na raw ito makapagpaliwanag sa akin kung mangyayari iyon.

Tahimik na inilapag ni Jianna ang isang baso ng tubig para kay Mama Betty. Hindi nakaligtas sa akin ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita si Jia. Nakaawang pa ang mga labing nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Jia.

"May problema po ba Mama Betty?" tanong kong nakakunot ang noo.

"Dios ko po, kinakarma na yata ako." Napapaiyak niyang sabi habang nakatitig sa akin. "Paano kayong nagkakilala ni Jianna?"

"You know me?" taas ang kilay na tanong ni Jia.

Lahat ng mata ay nakatutok kay Mama Betty. Kahit ang nagbabangayang si Louise at Jino ay natigil nang marinig ang tanong ni Jia kay Mama Betty.

"Quia, pagkatapos kong sabihin ang lahat sana'y mapatawad mo ako pati na rin ang nanay mo." Sabi ni Mama Betty bago napapaluhod na humawak sa mga kamay ko.

Nagtatakang napatingin ako kay Jianna. Maging si Jia ay salubong ang kilay. Lahat kami'y hindi makaimik.

"Ano po ba iyon?"

Bago pa makapagsalita si Mama Betty ay nag-unahan na sa pag-agos ang kaniyang mga luha. "Kambal kayo ni Jianna..."

"What did you say?" Tiim ang bagang na tanong ni Jino. "Excuse me, pero walang kakambal ang kapatid ko."

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ni Mama Betty. "Iyon ang alam mo. Totoong kambal kayo Quia, Jia. Kahit pagbalik-baliktarin pa ang mundo, kambal kayo."

"Anong pruweba mo?"

"Nurse sa isang hospital si Marites noon." Pagbanggit ni Mama Betty sa pangalan ni nanay. "Kambal ang batang isinilang ng isang babaeng nagngangalang Sofia Anderson."

"At may nangyaring aksidente, kaya nagkahiwalay kami? Those stories were—."

"Namatay ang totoo ninyong mga magulang." Pagputol ni Mama Betty sa pagsasalita ni Jia. "Namatay sa aksidente, kailangang mailabas kayong dalawa dahil kung hindi'y kasama kayong mamamatay."

Ilang beses akong napalunok. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Yvo.

Muling nagpatuloy si Mama Betty sa pagkukuwento. "Noong araw rin na iyon, dumating sa ospital ang isang babaeng buntis. Pitong buwan pa lang ang dinadala niya. Nagkaroon siya ng problema sa pagbubuntis kaya nakunan siya. Natakot siyang humarap sa asawa niya at malaman nitong patay na ang anak nila. Kaya nagpresinta siyang ampunin ang isa sa inyo."

"At ako iyo." mababa ang boses na sabi ni Jia.

Napapatangong tumingin naman sa akin si Mama Betty. "Dahil walang kukuha sa iyo, nagpasya si Marites na ampunin ka. Bago magpakasal ang tatay at nanay mo'y ipinakilala ka na niyang anak kay Tope. Wala namang kaso iyon kay Tope kaya tinuring ka na niyang totoong anak."

Halos hindi ako makahinga sa mga sinabi ni Mama Betty. Gusto kong paniwalaan pero hindi yata kayang tanggapin ng utak ko ang lahat ng iyon.

"Sandali, paanong maaampon kami ng mga magulang namin ngayon eh kailangan ng mahabang proseso—."

"Itinakas kayo sa hospital, Quia. Dahil nang araw ding iyon may ilang lalaking dumating at hinahanap ang mag-asawang Anderson. Akala ng nanay mo'y kapamilya niyo iyon. Pero narinig niyang kailangan kayong patayin dahil isa kayong Anderson."

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Dahilan para kaagad akong yakapin ni Yvo.

"Lahat ng sinabi ko'y may kaugnayan sa nangyayari ngayon sa inyo." Sabi pa ni Mama Betty na ikinatingin ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Totoong patay na si Mr. Ocampo."

"Kung patay na siya, bakit nakakuha ako ng lead kung saan siya nagtatago?" Sarkastikong sabi ni Jino.

"Hindi ko alam." pagsagot ni Mama Betty. "Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo Quia. Labis akong nagalit dahil doon. Kaya kinompronta ko si Ocampo. Pero nang makarating ako sa bahay niya'y maraming pulis. Pinatay raw si Mr. Ocampo. Ayaw ko na sanang makialam dahil kahit papaano'y parang nakabayad na siya sa ginawa niya sayo. Pero narinig ko kung sino ang suspek nila."

Pigil ang hiningang nakatitig lang kaming lahat kay Mama Betty.

"Isang nagngangalang Damon Anderson. Kung hindi ako nagkakamali, baka isa siya sa mga kamag-anak ninyo."

Napaawang na lang ang bibig ko.

"Ibig sabihin isa sa pamilya ni Ocampo ang may gawa ng sugat sa mukha ni Hugo? Gusto niyang gumanti sa pagkamatay ng demonyong matandang iyon?" Malamig na sabi ni Yvo bago ako muling niyakap.

"Yvo..."

"Huwag kang mag-alala, hindi kami papayag na mangyari ang plano ng taong iyon. Hahanapin rin natin ang Damon Anderson na sinasabi ni Betty, para mas mapatunayang kambal nga kayo ni Jia." Mahabang sabi naman ni Jio na ikinatahimik naming lahat.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.