Mariing pagpikit at mahabang paghinga ang ginawa ko. Mag-isa ako sa garden habang pilit na tinatanggap ang mga sinabi ni Mama Betty.
Jia and I are twins. Kahit siguro hindi kami magpakuha ng DNA test ay mapapatunayang kambal kami. Dahil hindi pa ako nakakakita ng dalawang taong magkamukhang-magkamukha pero hindi magkamag-anak. Ibig sabihin rin ng mga nalaman namin ay hindi kapatid ni Jino si Jia.
"Sabi ng Mommy noon, kulang daw ako ng dalawang buwan noong ipinanganak ako. Noong una walang kaso sa akin iyon dahil may ilang tao na ganoon rin noong ipinanganak." Napalingon ako nang may biglang magsalita sa aking likuran. "Pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Ate Betty, parang may kung anong nag-uudyok sa aking paniwalaan iyon."
"Gusto mong maging magkapatid tayo?" napapangiti kong tanong bago umisod para makaupo si Jia sa tabi ko.
"Ayaw mo ba noon? Sa buong buhay ko, lagi kong pinagdarasal na sana may Ate ako. Kahit naman kasi laging nariyan si Kuya Jino, parang kulang pa rin. Iba yung may taong may napagsasabihan ako ng personal kong problema." Sagot sa akin ni Jianna. Wala sa sariling hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Gusto mo bang kausapin natin si Tita Theresa?"
"Nakausap na siya ni Kuya sa telepono. Nagpaliwanag na si Mommy pero hindi niya na muna raw ako mahaharap dahil magpapaliwanag rin daw siya kay Daddy." Bigla kong nayakap si Jianna. Ibig sabihin ay totoo ngang kambal kami.
Kung nandito lang sana si Nanay mas mapapatunayang kambal nga kami ni Jianna.
"Sa tingin mo Quia, ano kayang hitsura ng mga totoo nating magulang?" Napansin ko ang lungkot sa boses ni Jianna.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Ibinaling ko ang pansin sa langit na napapalamutian ng makikinang na bituin. "Siguro kamukha natin ang Mama natin o di kaya ay ang Papa natin. Hindi ko masa—." natigil ako sa pagsasalita nang biglang tinakpan ni Jianna ang bibig ko.
Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kaniya. "Huwag kang maingay, may narinig akong kaluskos sa banda roon." Mahinang sabi ni Jia habang nakaturo sa pinakadulo ng garden.
Marahan kong nilingon ang tinuro niya. Pero wala naman akong narinig pa liban sa panggabing kulisap. Maingat akong tumayo at naglakad ng walang tunog palapit.
"Sandali, Quia, hindi ka ba natatakot? Paano kung isa yan sa mga gustong gumawa ng masama sa iyo? Baka malagot ko nito kay Yvo!" sabi ni Jia habang pinanlalakihan ako ng mga mata.
"Maraming CCTV sa compound, Jia. Kung may mangyari mang masama sa atin, malalaman kaagad nila."
Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Jianna. Pinigil ko na lang ang matawa dahil baka mainis siya sa akin.
Ilang sandali lamang ay narating namin ang dulong bahagi ng garden. Salubong ang kilay na pinakatitigan kong mabuti ang parte ng mga halamang nahawi. Totoong may tao nga rito. Baka umalis na nang mapansin ang paglapit namin.
Akma akong tatalikod nang biglang suminghap si Jianna. "Jia anong—."
"Sino ka?!" Malakas na tanong ni Jia sa bulto ng lalaking nakatalikod. Tila natigil ito sa akmang pag-alis nang biglang magsalita si Jia. "May gagawin ka bang masama kaya ka nandito?!"
"Jia, calm down, baka marinig ka sa loob." Mariin kong bulong. "Pareho tayong malilintikan kay Yvo."
"Tauhan ka ba ni Ocampo?" Muling pagtanong ni Jia. Biglang napakunot ang noo ko nang marinig ang mahinang pagtawa ng lalaki. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na abutin ang sanga ng punong nasa gilid. Mahigpit ko iyong hinawakan habang papalapit kami ni Jia sa lalaki.
"Quia, mauna ka, ikaw may hawak ng panghampas." Napapangiwing tiningnan ko si Jianna na nagtago sa likuran ko.
"Ang tapang-tapang mo kanina, tapos magtatago ka lang sa likod ko?" Sabi kong pinalalakihan siya ng masama.
"Quia? Ibig sabihin si Jia ang babaeng nasa likuran mo?" Bigla akong napalunok nang marinig ang kalamigan sa boses ng lalaki. Kahit yata si Jianna ay natakot dahil biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko.
"Ako nga! Anong kailangan mo?!"
"Ladies, I'm not here to hurt you. Gusto ko lang masigurong ligtas kayo." Sabi ng lalaking ikinamaang ko.
Bigla akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Sino namang tao ang gagawa ng ganito sa amin? Baka pinaglololoko niya lang kami! But then, I remember Lemuel at ang ilang beses nitong pagsabi sa akin na may taong laging tumatawag para kumustahin ako.
"Ikaw ba si Damon? D-Damon Anderson?" Tanong ni Jia na lalo kong ikinatahimik.
God! Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?
"How did you know my name?"
"Hindi na mahalaga iyon! Bakit mo pinatay si Ocampo?" Ako naman ang nagtanong habang marahang ibinababa ang hawak na sanga ng puno.
Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang mga bagang. Sa liwanag ng buwan at malamlam na ilaw sa garden ay nakita ko ang kaniyang mukha. Salubong ang kilay at parang may apoy sa mga mata. Parang bigla itong nagalit sa tanong kong iyon.
"Bakit hindi?" malamig niyang sabi bago tumalikod. "Pinagsamantalahan ka niya, kaya bilang nakatatandang kapatid ninyo, kailangan ko siyang pagbayarin!"
Sabay kaming napasinghap ni Jianna dahil sa narinig. Mabilis kong dinaluhan si Jia nang bigla itong mapaupo.
"K-Kapatid ka namin?"
"Saka na ako magpapaliwanag. Ang mahalaga ay maayos na kayong dalawa." Sabi nito bago muling lumingon sa amin ni Jia. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtalim ng titig niya kay Jianna. "And you, ayaw kong habulin mo ulit ang lalaking iyon. Ilang beses ka na niyang sinaktan at kapag naulit iyon, hindi ko maipapangakong magiging maayos ang buhay niya."
Napapangangang napatitig na lang ako kay Damon. Marahan itong lumapit sa amin ni Jia. Pareho niya kaming pinasadahan ng tingin bago bumuntong-hininga. "Hindi ko maipapangakong makakasama niyo akong palagi. Pero kapag oras na may mangyari ulit na masama sa inyo, sisiguraduhin kong magbabayad sila."
"K-Kuya..." mahinang sabi ni Jia bago yumakap kay Damon.
Nakatulala lang akong nakamasid sa kanilang dalawa. Gustuhin ko mang makiyakap ay hindi ko magawa. Natatakot ako, maawtoridad ang presensiya niya. Parang pinanghihinaan ako ng tuhod.
"Quia, come here..." Pagyaya niya sa akin. Noon tumulo ang luha ko. Parang sasabog ang puso at utak ko sa lahat ng nangyayari. Hindi ako makapaniwalang may isang tao pa palang gagawin ang lahat para sa kaligtasan namin.
"I'm s-scared..." mahina kong sabi.
"Dahil ba sa may pinatay akong tao?" Salubong ang kilay na tanong ni Damon. Marahan akong tumango bilang sagot. Pero imbes na pagaanin niya ang loob ko mas lalo akong natakot sa sunod niyang sinabi. "I killed thousands of people, dahil iyon sa trabaho ko. But please don't be scared, ginagawa ko lang iyon sa mga taong katulad ni Ocampo."
"B-But..."
"Hey Black! Ang tagal mo, tumawag si Keith! Kapag iyon inabot ng topak patay tayong tatlo!" Mariing sabi ng lalaking bagong dating. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan. Maayos naman, pero biglang sumama ang pakiramdam ko nang makita ang bahid ng lipstick sa kaniyang baba.
Tsk, playboy.
"Quia, Jia, kailangan ko nang umalis. Marami pa akong aasikasuhin. Huwag na ninyong alalahanin ang taong gumawa ng masama kay Hugo. Ako nang bahala roon. Tatawagan ko na lang kayo kapag nahuli na ang anak ni Ocampo."
"Anak ni Ocampo?" mahinang tanong ko sa sarili. Kaagad na napaangat ang tingin ko nang maramdaman ang paghalik ni Damon sa aking pisngi. "Wait, paano mo kaming tatawagan? Sandali ibibigay—."
"I already have Yvo's number." May ngising sabi ni Damon bago umalis. Wala kaming nagawa ni Jianna kundi ang tanawin ang papalayo niyang bulto.
Ilang sandali lang ay biglang kumunot ang noo ko. Pagkatapos ay may pagmamadaling naglakad papasok sa loob. Bwisit na Yvo iyon! Ibig sabihin kilala niya si Damon?!
Malakas kong binuksan ang pinto. Nakuha niyon ang pansin ng mga taong nakaupo sa sala. Tinaasan ko lang sila ng kilay bago muling naglakad paakyat sa hagdan.
"Jia, what's happening?" Narinig kong tanong ni Jino.
"I think she's going to kill Yvo?" patanong na sagot ni Jia.
Hindi ko na narinig ang ilan nilang pag-uusap kaagad kong binuksan ang pinto ng kuwarto namin ni Yvo. Natagpuan ko siyang nakaharap sa computer. Nakita kong ang papalayong si Damon ang pinapanood niya.
"Yvo..." taas ang kilay na tawag ko sa pansin ni Yvo.
Marahan siyang humarap sa akin. "Quia, babe." napapangiwing tawag niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata na ikinakamot naman niya sa kaniyang batok. "I'm sorry, I was about to tell you that I know him. Naunahan lang ako ni Betty. And it's true na dapat ngang hanapin natin ang Kuya mo. Pero di ko naman alam na magpapakita siya ngayon. That guy always watching you from a distance. Ngayon ko lang siya nakitang lumapit sa inyo."
"Kilala mo nga siya?"
"Yeah, two years ago, noong umalis ka. Pinuntahan niya ako rito. Akala ko katapusan ko na dahil tinutukan niya ako ng baril. But damn! He asked me to marry you, if not, papatayin niya raw ako."
"Oh really?" taas ang kilay na sabi ko.
"C'mon babe, hindi mo ba ako pinaniniwalaan?" sabi niyang pilit ang ngiti.
Bigla akong napabunghalit ng tawa. Marahan akong lumapit kay Yvo at kaagad siyang binatukan. "Natatakot ka ba kay Damon?"
"Of course! Sinong hindi, eh hired killer yung kapatid mo! Na kahit yata saan ako magtago matatagpuan niya ako. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok niyang pakasalan kita. Kahit na—oww." Kaagad na nasapo ni Yvo ang tiyan ng sikmuraan ko siya.
"Ibig sabihin pakakasalan mo lang ako dahil utos iyon ng magaling kong kapatid?"
"Of course not, baby. Pakakasalan kita dahil mahal kita. Kahit ilang Damon pa ang tumutok ng baril sa akin. Pakakasalan pa rin kita." sabi ni Yvo na ikinahagikhik ko.