"What did you say?!" malakas na tanong ko bago tumayo. Nakuha ko tuloy ang atensiyon ng mga kausap ko tungkol sa kasal namin ni Quia. Huling meeting na ito dahil bukas na ang kasal. Kasal na plinano kong mabuti dahil gusto kong masurpresa si Quia. Kinausap ko lang ngayon ang mga taong inupahan ko para masigurong handa na ang lahat. Pero mukhang magkakaaberya pa yata.
"Damn it!" malakas kong sigaw bago lumabas ng aking opisina.
"Sir, is there something wrong? May mali ba sa preparation?" tanong sa akin ni Samantha.
"Call Damon for me. Pakisabing nasa panganib ang buhay ni Quia!" Mariin kong sabi bago patakbong sumakay sa elevator.
Hindi ko inaasahan ang ibabalita sa akin ng isa sa mga tauhang pinasunod ko kay Quia. Punong-puno ng galit ang puso ko ngayon.
Nang makarating sa parking lot ay mabilis akong sumakay sa kotse ko. Kaagad ko iyong pinaharurot. Inilabas ko rin ang aking cellphone at tinawagan si Jino.
"Ayos lang ba kayo riyan? Si Hugo?" Natataranta kong tanong. Gustuhin ko mang kumalma ay hindi ko magawa. Nasa panganib si Quia!
"Ayos naman kami. Naglalaro ngayon si Hugo at Zarha. May problema ba?" balik tanong sa akin ni Jino.
"Huwag muna kayong lalabas ng bahay."
"Why."
"I don't have time to explain right now. Basta sundin niyo na lang ang utos ko." Mariin kong sabi bago pinutol ang tawag.
Nang makarating sa tapat ng building na pag-aari ni Damon ay kaagad akong bumaba ng sasakyan ko. Hindi na ako nakapasok sa loob dahil nagmamadali ang mga lakad na lumabas si Damon kasunod ang dalawa niyang kaibigan.
"Kami na'ng bahala, Yvo." sabi sa akin ni Damon.
"Gusto kong sumama. Buhay ni Quia ang nanganganib, ayaw kong maghintay na lang. Gusto kong tumulong!" Mariin kong sabi habang nakikipagsukatan ng tingin kay Damon.
"Do you know how to use this?" Tanong sa akin ni Damon habang nakaturo sa baril na nasa loob ng suit na suot niya.
"Of course."
"Kaya mo bang pumatay?" tanong naman ni Grey.
"For the woman I love, I will." sagot ko ulit.
Sabay-sabay na napabuntong-hininga ang mga kaharap ko bago ako niyayang sumakay sa van na malimit nilang gamitin. Pagpasok ko pa lang ay ilang monitors ang sumalubong sa akin.
"Jared, ikaw ang magmaneho, I'll track their location." utos ni Damon na kaagad sinunod ni Jared.
Naging abala na si Damon sa pagharap sa monitor. Sa buong durasyon ng biyahe'y nakakunot lang ang noo ko. Wala akong maintindihan. Basta napansin ko lang ang pagpakawala ng malalim na panghinga ni Damon nang may lumitaw na kulay pula sa monitor.
"Malapit sila sa dagat. Is it just...coincidence or what?"
"Dagat? What do you mean?" tanong kong nakatitig kay Damon.
"Malapit sa resort na inupahan mo para sa kasal ninyo ni Quia. Hindi ko alam kung nagkataon lang o baka sinadya." Pagsagot sa akin ni Damon bago kinuha ang cellphone saka tinawagan ang numerong nakarehistro.
"Malamang ay may alam ang taong iyon sa plano mo, Yvo. Baka balak niyang gawan ng masama si Quia para hindi matuloy ang kasal." sabi naman ni Grey.
Napakuyom na lang ang kamao ko. Siguro nga'y yun ang plano ng taong dumukot kay Quia. Hindi ko siya mapapatawad kapag may mangyaring masama kay Quia!
"Hey guys, may tao na akong pinasunod sa kinaroroonan ni Quia. Don't worry Yvo, matutuloy ang kasal bukas." Nakangising sabi ni Damon bago kinuha ang baril sa hinubad na suit. Tahimik na inilagay niya iyon sa kaniyang tagiliran. "Red, pakibilisan, baka mauna pang makasapak ang mga tauhan ko kaysa sa akin."
"I should be the first one to punch that man's face." Malamig kong sabi na ikinangisi ni Damon.
"Alright...pero ako ang tatapos."
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa isang lumang bahay. Madilim na kaya halos wala na kaming makita sa daan. Hindi na namin kinailangang mag-ingat dahil marami na ang mga tauhan ni Damon ang nakakalat sa paligid.
"Black, nasa loob ang kapatid mo, walang malay. Si David Ocampo nama'y nasa dalampasigan, uumpisahan nang pahirapan ng mga kasamahan ko." Pagbibigay-alam sa amin ng isang lalaking lumapit.
"Samahan mo si Yvo roon. Pupuntahan ko muna si Quia."
Gustuhin ko mang puntahan muna si Quia ay hindi ko na nagawa. Sobrang galit ang nararamdaman ko kaya nauna pa akong naglakad kaysa sa lalaki.
Naabutan kong nakaluhod ang anak ni Ocampo sa buhanginan. Hindi ko na naawat ang sarili ko. Malakas kong pinadapo ang kamao ko sa kaniyang mukha. Pagkatapos ay saka ko hinila ang kaniyang kwelyo. "Buhay ng ama mo ang bayad sa ginawa niya kay Quia, kaya anong karapatan mong gumanti?!" malamig kong sabi.
Isang ngisi ang pinakawalan ni David bago dumura ng dugo. "Pinatay niyo ang Daddy ko."
"Demonyo ang ama mo!" mariin kong sabi bago sinulyapan ang lalaking nasa gilid. Napansin ko ang pagngisi niya bago inabot sa akin ang isang patalim.
"Sinabi ni Black na kakailanganin mo nito."
Kaagad kong inabot ang patalim bago muling tinitigan si David. "Pasalamat ka ako ang unang pumunta sa iyo. Kaya rin kitang patayin pero hindi ako matutuwa na mamamatay kang hindi naghihirap." mariin kong sabi bago idiniin ang patalim sa kaniyang pisngi.
Pumailanlang ang malakas niyang sigaw dahil sa ginawa ko. Bayad iyon sa ginawa niya kay Hugo. Sinira niya ang mukha ng anak ko. Sisirain ko rin ang kaniya bago siya mawala sa mundong ito.
"Hayop ka! Ikaw at ang Damon na iyon ang mga demonyo!" sabi ni David habang hawak ang pisnging walang tigil sa pagdurugo.
Marahan akong lumayo bago inilabas ang baril. "Siguro nga demonyo rin ako. Kaya tumakbo ka na habang may natitira pang katinuan sa isip ko." Nakangisi kong sabi na kaagad namang sinunod ni David. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay kaagad kong binaril ang kaniyang binti. "Sorry, nakalabit ko ang gatilyo."
Muling tumakbo si David. Hindi ko na siya pinansin, tumalikod na ako at naglakad para puntahan si Quia.
—
"You shoot him?" Nanlalaki ang mga matang sabi ni Quia pagkatapos kong maikwento ang nangyari.
"Uh yes? Kasasabi ko lang diba?" Natatawa kong sagot bago niyakap si Quia. Nasa isang duyan kami habang nakaharap sa malawak na dagat.
"Pinatay mo siya?"
"Hindi nakakamatay ang tama ng baril sa binti." sagot ko.
Napapangangang tumingin sa akin si Quia. "Ibig sabihin buhay pa ang anak ni Ocampo?"
Mariin akong pumikit bago ngumiti. "Nakalimutan mo yatang kasama ko ang Kuya mo." Hindi ko napigilan ang mapangisi nang makita ang pagsalubong ng kilay ni Quia. Kaya mabilis kong ginawaran ng halik ang kaniyang ilong. "Pagkaalis ko para puntahan ka ay may narinig akong putok ng baril. Nakita ko si Grey at Jared na hawak sa magkabilang balikat si David habang nakatutok ang baril ni Damon sa ulo niya."
"Oh my..." sabi ni Quia bago yumakap sa akin.
"Wala nang manggugulo sa atin ngayon, babe. Wala nang gagawa ng masama sa pamilya natin." Nakangiti kong sabi bago ginawaran ng halik ang mga labi ni Quia.
Naramdaman ko ang pagtugon niya sa halik ko kaya mas pinalalim ko pa ang paghalik sa kaniya. Hindi ko napigilan ang mga kamay ko na haplusin ang bawat parte ng kaniyang katawan.
"Yvo, we're outside." Pagsaway sa akin ni Quia nang bumaba ang halik ko sa kaniyang leeg.
"Isn't it exciting? Why don't we try something—."
"Subukan mo lang ituloy iyang sasabihin mo't hindi kita tatabihan sa pagtulog." Nakasimangot na sabi ni Quia na ikinatawa ko lang.
"Yes Ma'am, sa kuwarto lang dapat iyon gawin."
Malakas na tawa ang pinakawalan ni Quia bago ako niyakap nang mahigpit.
I can say this is not the end. This the beginning of our new life as a family. Ipinapangako kong poprotektahan ko ang pamilyang ito hanggang sa huling sandali ng aking buhay.
"Quia..." pagtawag ko kay Quia. Nakayakap pa rin siya sa akin nang mahigpit. "...hindi ba talaga pwede rito?"
Malakas na hinampas ni Quia ang aking dibdib. "Gago!"
Malakas na halakhak ang pinakawalan ko. Akmang sasagot ako nang tumayo si Quia. Taas ang kilay na tiningnan ko siya.
"Tara sa kuwarto?" nakangiti niyang sabi.
Malaki ang ngising binuhat ko siya papasok sa loob. Baka biglang magbago ang isip, hindi pa ako makaiskor.
Wakas.