Chapter Kabanata 32

"Ma'am, Quia's here." Baritonong boses ang nagpagising sa akin. Masakit pa rin ang tiyan ko dahil sa pagkakasuntok sa akin roon.

Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Isang lumang kuwarto ang kinaroroonan ko. Naaamoy ko sa buong paligid ang kalawang ng mga bakal na nasa loob ng kuwarto.

Nasaan ako?

"Ohh, you're awake." nakangising sabi ng isang babae.

"Sino ka? Anong ginawa ninyo sa akin?!" Malakas kong sigaw. Bigla akong nagtaka nang hindi nakatali ang mga kamay at paa ko. Kaya kunot ang noong tinitigan ko ang babaeng kaharap.

Matamis itong ngumiti sa akin bago ako nilapitan. "I'm Samantha, Yvo's secretary." pakilala nito bago inilahad ang kamay.

Biglang tumalim ang tingin ko. "Secretary ka ni Yvo? Anong ginawa mo sa akin? Bakit mo ako pinadukot?!"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang biglang tumawa ang babaeng kaharap. Hindi ako naniniwalang secretary siya ni Yvo! Paanong nagawa ito sa akin ni Yvo?

Hindi! Hindi ako dapat mag-isip ng masama!  Kailangan kong magtiwala sa nararamdaman ko. Kailangan kong magtiwala sa pagmamahal ni Yvo.

"Miss Quia Rivera, hindi kita pinadukot." nakangiting sabi sa akin ni Samantha. "Ang totoo'y ligtas ka na."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sabihin na lang nating, maayos na ang lahat. At kaya ka narito ay para gampanan ang tungkulin mo sa aking boss." Muling ngumiti si Samantha bago lumabas.

Hindi ko alam kung anong iisipin. Gulong-gulo ang utak ko. Para akong nanood ng isang pelikulang pirated at kulang-kulang sa eksena. Parang ang daming kulang sa nangyayari ngayon!

Isang bintana ang nakita ko sa gilid. Mabilis akong tumayo at sumilip roon. Kaagad na kumunot ang noo ko nang makita ang malawak na dagat. Akmang ililipat ko ang tingin nang may humablot sa aking braso. Isang lalaking matangkad na blanko ang ekspresiyon. Siya siguro ang lalaking nagsalita kanina.

Wala akong magawa kundi ang magpatianod. Dahil kung lalaban ako'y 'di malabong masikmuraan na naman ako.

Isang kulay itim na sasakyan ang bumungad sa akin. Wala akong imik sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa isang resort. Kinakabahan ako pero hindi na katulad nang kanina. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Sylvia, pakisamahan si Quia sa kuwarto ni Sir." Malamig na utos ng lalaki sa babaeng sumalubong sa amin. Napapalunok na sumunod ako sa babaeng may pangalang Sylvia.

"Excuse me, ano bang kailangan niyo sa akin?" inis kong tanong.

Gusto ko nang umuwi dahil baka nag-aalala na sa akin ang mga kasama ko sa bahay. Isa pa'y gusto ko nang makita si Hugo!

"Pasok," malamig na turan sa akin ni Sylvia. Akmang tatarayan ko siya nang itulak niya ako papasok sa loob.

Marahas akong napahinga bago inilibot ang tingin. Kulay puti ang pintura ng kuwarto. Kakaunti lang ang display pero bumagay naman iyon sa kasimplehan ng kuwartong kinaroroonan ko. Malinis at masarap sa mata.

"You're here..." anang boses mula sa pintong nakabukas sa gilid. "...you must be tired." malamig na dugtong ni Yvo.

Salubong ang kilay na tiningnan ko siya nang maglakad lang siya sa harap ko. Parang ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. "Anong nangyayari?"

Tumaas ang kilay ni Yvo bago tumigil sa akin harapan. "You'll know later..." seryoso niyang sabi bago lumabas.

Napamaang na lang ako. Anong nangyayari?! Bakit pakiramdam ko may mga bagay na hindi ko alam?!

Napapaiyak na naupo ako sa kama. Kilala ko na ba talaga si Yvo?

Mabilis kong pinahid ang luhang kumawala sa mga mata ko nang pumasok ang tatlong babae. May dalang kahon ang isa sa kanila. Ang isa nama'y may dalang malaking maleta at ang isa'y nakangiting lumapit sa akin.

"Sino kayo?" tanong ko bago suminghot.

"Don't worry Miss Quia. Kaming bahala sa beauty mo." Parang kinikilig na sabi ng babaeng lumapit sa akin. "Maligo na po kayo."

Tahimik na naligo nga ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo basta nang lumabas ako'y puro nakangiting mukha ang sumalubong sa akin.

Salubong ang kilay na tiningnan ko lang sila. Hindi na ako nakaangal nang hilahin nila ako papunta sa malaking salamin. Marahan akong naupo sa upuang naroon. "Ano bang nangyayari?!" sabi ko bago muling umiyak. Parang ang bobo-bobo ko dahil wala man lang akong alam.

Kita ko sa salamin ang pagtitinginan ng tatlo. Pagkatapos ay marahang hinagod ng isa sa kanila ang likod ko ang isa nama'y inabutan ako ng tissue.

"Ang alam po namin kasal ngayon ni Mr. Ramirez. Kami ang naatasang mag-ayos sa inyo dahil obvious naman pong invited kayo sa kasal. Bakit po ba kayo umiiyak? May nararamdaman po ba kayo kay Sir Pogi? Hindi ba kayo payag na maikasal siya sa iba?"

Para akong nabato sa kinauupuan ko. Kasal ngayon ni Yvo?! Damn!

Bigla akong napangisi. "Kilala niyo ba ang bride?" tanong kong nakapikit dahil inumpisahan na nilang ayusan ang mukha ko.

Wala na akong narinig mula sa tatlong babae. Mukhang binayaran ni Yvo ang mga ito para hindi magsalita. Madaldal lang talaga ang isa sa kanila kaya hindi naiwasang magkwento.

Parang ang sarap tuloy sumigaw sa harap ni Yvo. Sisiguraduhin kong tatawa ako ng pagkalakas-lakas para asarin siyang bigo siya sa pagpaprank sa akin!

Pero ganoon pa man, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Samantha kanina. Kung ligtas na nga ako ngayon, ibig sabihi'y totoong may nagtangkang dumukot sa akin.

Si Yvo ba ang nagligtas sa akin? Si Kuya ba? Isa ba sa mga tauhan nila? Gusto kong malaman kung anong nangyari habang wala akong malay.

"Ayan, ang ganda." malaki ang ngiting sabi ng babae nang matapos sila sa pag-aayos sa akin.

Napapairap na tinungo ko ang kama kung saan naroon ang kahon na malamang ay siyang pinaglalagyan ng susuotin ko.

"Pwede bang iwan niyo muna ako? Kaya kong magbihis mag-isa." seryosong sabi ko sa tatlo. Kaagad naman nilang sinunod ang sinabi ko. Kaya napapangiting binuksan ko ang kahon.

Isang kulay puting wedding gown ang naroon. Marahan kong isinuot ang gown. Hindi maitago ng kakapiranggot na tela ang aking cleavage. Pero wala akong pakialam. Lalo na ang bandang likod na bukas na bukas.

Pinilit kong huwag maiyak habang nakatingin sa malaking salamin. Ilang beses akong lumunok bago lumabas ng aking kuwarto. Hindi na ako nagtaka nang makita ko sa labas ang tatlong nag-ayos sa akin. Tulong-tulong nilang binuhat ang laylayan ng aking suot. Muli akong napangiti, bagay na bagay ang suot ko sa dagat na nasa harap lang ng villa na kinaroroonan ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Basta ang saya-saya ko. Parang punong-puno ng pagmamahal ang aking puso.

"Ma'am..." tawag sa akin ng lalaking naghatid sa akin kanina dito. Nakangiting iniumang niya sa akin ang kaniyang braso.

Inalalayan nila akong makalakad sa mabuhangin na daan. Pinili kong huwag na lang isuot ang malasalamin kong sapatos. Mas gusto kong magpaa.

Nabalik ang atensiyon ko nang may lumapit sa aming lalaki. Inangat ko ang aking mukha at hindi ko napigilan ang mapangiti. Nasa harap ko si Damon. "Kuya..." naiiyak kong sabi.

"Hi Quia!" masayang bati sa akin ni Jared. "Huwag kang mag-alala, nabura na sa mundong ito yung taong dumuko—." Natigil si Jared sa pagsasalita nang batukan ito ni Damon.

"Si Yvo na ang bahalang magpaliwanag sa iyo. I've already done my part." Nakangiting sabi sa akin ni Damon bago ako hinalikan sa noo. "Shall we?" sabi pa niya bago kinuha ang kamay ko para ipulupot sa kaniyang braso.

Kung tama ang hinala ko'y patay na ngayon ang taong dumukot sa akin. Sa hitsura pa lang ni Damon at sa sinabi ni Jared malamang na grabeng hirap ang dinanas ng taong iyon.

"Si Hugo?" tanong ko nang nasa tapat na kami ni Tatay. Mabilis kong niyakap si Tatay bago hinalikan sa pisngi.

"Kasama si Jino, nasa harap naghihintay rin." Bulong sa akin ni Damon bago nagmano kay Tatay. Ngayon dalawa na silang kasama ko sa paglalakad.

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak nang pumailanlang ang isang kanta.

Everything by Brian McKnight.

Oh God, I'm going to cry! What a beautiful song!

"It's his favorite, he said that while where planning this whole thing." Bulong ulit sa akin ni Damon na ikinangiti ko.

Hindi na naalis ang tingin ko kay Yvo na nasa unahan. Ganoon rin siya sa akin. Hindi ko na naman tuloy napigilan ang mapaluha. Mabuti na lang at waterproof ang makeup ko.

Nang makarating sa pwesto nila'y mabilis kong niyakap si Hugo. "Hey baby, kasabwat ka rin ni Daddy ano?" Pagkausap ko kay Hugo na yumakap lang sa akin.

"Yvo, hijo..." naiiyak na sabi ni Tatay bago niyakap si Yvo. "...ingatan mo ang anak ko."

"Ako ang makakaharap mo kapag sinaktan mo ang kapatid ko." Nakangising banta naman ni Damon bago nakipagkamay kay Yvo.

Muli akong niyakap ni Tatay at ni Damon. Pagkatapos ay muli akong nakipagtitigan kay Yvo. Bigla pa akong nagulat nang mabilis niya akong nakawan ng halik sa mga labi.

"Dude, hindi pa kayo kasal!" Narinig kong sigaw ni Jared mula sa grupo ng mga taong bisita sa kasal namin ni Yvo.

"Jared shut up! Pupuluputin ko iyang leeg mo!" Sabi naman ng isang babaeng nasa kabilang side.

"Hoy Yvo, nakaw ka pa! Babatukan kita riyan!" sigaw naman ni Jia.

"These guys..." sabi ni Yvo bago pumikit nang mariin.

Napapahagikhik na kinurot ko sa tagiliran si Yvo. "Failed ang prank mo Mr. Ramirez. Madaldal iyong kinuha mong makeup artist."

"She told you? Dang! Hindi yata umubra ang kagwapuhan ko." Sabi ni Yvo bago ako inakay paharap sa huwes na nasa harap.

"By the way, may ipapaliwanag ka pa sa akin."

"Alam ko, magpapaliwanag ako after ng honeymoon." Napapakamot sa noong sabi sa akin ni Yvo bago pinisil ang pisngi ko.

"Sir, pwede ikasal mo na ang dalawang iyan. Naghaharutan pa, sayang ang oras, may lakad pa ako!" Malakas na namang sigaw ni Jared na ikinatawa ng mga bisita.

"Kung hindi lang ako takot na mamatay baka binatukan ko na ang lalaking iyon." sabi ni Yvo bago ngumisi.

Natawa na lang ako saka nagseryoso. Dapat nga sigurong umpisahan na ang kasal. Baka mamaya hindi na si Jared ang sumigaw. Nakakatakot pa naman kung may bigla na namang sumigaw. Tapos sasabihin ang ''itigil ang kasal''.

Pagpisil sa ilong ang nagpabalik ng atensiyon ko sa harap. Halos wala na akong naintindihan sa sinasabi ng huwes dahil sa galak na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin kay Yvo na ngayo'y unti-unti nang lumalapit ang mukha sa akin. Tapos na palang maianunsiyong ganap na kaming mag-asawa.

Isang mapusok at malalim na halik ang iginawad sa akin ni Yvo. Kasabay niyo'y muling tumugtog ang kantang paborito raw niya.

"I love you, Quia. I thank God and of course Jino..."

"Why?" malaki ang ngiting tanong ko.

"Dahil pinilit ka niyang punan ang pwesto ni Jia. Kung hindi niya iyon ginawa, hindi kita makikilala. Kung hindi ka niya dinala sa bahay nila, hindi kita makikita, hindi kita mamahalin." Sabi ni Yvo bago ako muling hinalikan.

"I love you too, Yvo." sabi kong muling napaiyak.

Hindi ko man alam kung ano talagang nangyari sa taong dumukot sa akin; tila nawalan na ako ng pakialam. Basta masaya ako ngayon dahil nabuo na ang pamilyang pangarap ko.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.