Chapter 28

"Kaya ba pinagdisketahan mo siya noon?" tanong ni Alferes.

Mas lalong nagusot ang mukha ko sa narinig. Lumabas ako ng kotse at mabils na tinungo ang babaeng walang kamalay-malay sa papalapit na delubyo.

Inabot ko ang mahaba niyang buhok saka siya sinabunutan.

"Aray!" sigaw niya. Nabitawan niya ang pandilig at pilig akong sinisipa palayo.

Napangisi ako. Kung gaano kalakas ang sipa niya ay ganon din kalakas ang sabunot ko sa kaniya. Naramdaman ko nalang ang pag-awat ng dalawang lalaki sa akin.

Puno ng sampal ang mukha ni Katerina at naging pugad ng langgam ang kanina'y maayos niyang buhok.

Hawak-hawak ni Jaxx ang dalawa kong braso habang nakahawak kay Katerina si Alferes. Hindi rin maipinta ang mukha nito. "Pwede namang idaan ito sa mabuting usapan," sabi ni Alferes.

"Mabuting usapan?" Ngumiti ako at tumitig nang husto kay Katerina na naluluha habang masama ang tingin sa akin. "Matapos niyang lasunin lahat ng alaga ko sa LLP? Anong magagawa ng mabuting usapan sa ilang linggo kong pagod para lang maitaguyod ang lupain ko, ha?!" galit kong sigaw.

Alam kong pinaliligiran na kami ng mga kapitbahay ni Katerina pero wala akong pakialam. Ang ayoko sa lahat ay mauwi sa wala lahat ng pinaghirapan ko at aksayahin ang oras ko.

"So alam mo na pala?" biglang sambit ni Katerina. Tumawa siya at dahan-dahang hinawi ang nagulo at nakatabing na buhok sa mukha niya. Bumungad sa akin ang nakalolokong ngiti niya na nagpataas ng dugo ko. May gana pa siyang asarin ako sa ngiti niya?!

"Maghintay ka lang! Ipapatawag kita sa baranggay!" sigaw ko.

Bigla siyang natawa. "Sige! Para malaman ng lahat na mamatay-tao ka! Pinatay mo ang lola ko!"

Natahimik ang nakikiusisang mga tsismosa at ngangang napatingin sa akin. Hindi ko lugar 'to kaya hindi ako kilala ng mga tao rito. Malamang ay naniwala agad ang mga walang hiya sa pinagsasabi ni Katerina. Kumuyom ang kamao ko.

"Mag-ingat ka sa sinasabi mo! Wala akong pinatay! Ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa! Pumasok ka sa LLP nang walang paalam at nilason mo pa ang mga alaga ko!"

Umugong ang bulongan sa paligid. Kumuyom ang kamao ni Katerina at kung nakakamatay ang titig ay tiyak na kanina pa ako nakabulagta sa lupa.

Pero totoo naman. Sa aming dalawa, siya ang may pananagutan sa batas.

Bigla siyang tumawa. "Sige! Tingnan natin kung may ebidensya ka at kung may maniniwala sa yo!" hamon ni Katerina.

Inalis ko ang mga kamay ni Jaxx na nakahawak sa braso ko at inayos ang nagulong buhok. Tumawa ako nang malakas at ngumiti nang malapad kay Katerina. Mukha naman siyang natakot sa ginawa ko.

"Sinong may sabing ako ang magdi-demanda sa yo?" tanong ko sabay tingin kay Jaxx.

Napatingin naman siya sa akin at napataas ang kilay. Sinamaan ko siya ng tingin kaya umikhim siya at tumingin kay Katerina.

"I might be the one suing you."

Nang makita ni Katerina ang mukha ni Jaxx ay namutla ito. Sa unang tingin kasi ay halatang yayamanin ang lalaking nakatayo sa gilid ko. Siyempre, sa maliit na sitio namin, kung sino ang kayang magsunog ng pera para sa demanda ay siyang mananalo sa korte.

"Sir, si Jemima ang may-ari ng LLP," sabi ni Katerina. "Bakit ka makikialam?"

Nandilim ang mukha ni Jaxx. "I bought the LLP from her."

"Kailan?"

"Just this morning."

Biglang tumawa nang malakas si Katerina at tumingin sa akin. "Nag-iisip ka pa ba? Nangyari 'yon nang ikaw pa ang nagmamay-ari ng LLP. You're such a loser," sabi nito sa akin.

Huminga ako nang malalim at humakbang pabalik ng kotse. Tapos ko nang ibunton ang galit ko sa babaeng 'yon at wala na akong gana makipagbardagulan pa sa kaniya. Basta si Jaxx ang gagawin kong magsasampa ng kaso.

"That girl has a point," biglang sabi ni Jaxx habang binabaybay ng kotse ang daan pabalik sa Sitio namin.

Umirap ako at tumingin sa rearview mirror. Nakita ko roon ang kanina pa tahimik na si Alferes. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Huwag mong sabihing naniniwala ka ngayon kay Katerina? Sino ang may kasalanan sa aming dalawa ha?"

Bumuntong-hinga si Alferes. "Hindi sa gano'n, Jem. Pero kagagawan mo kaya namatay ang lola niya ---"

"Dahan-dahan ka sa pagbintang diyan, Alferes," babala ko at pinaningkitan siya ng mga mata. "Hindi ko kasalanang namatay ang lola niya. Kung sana hindi siya naglakad at sumakay nalang ng tricycle? Kung sana binayaran niya ang hospital bill nang maaga-aga? Kung sana ibang ruta ang binaybay niya sa panahon na iyon para mabilis siyang makarating sa hospital dahil may shortcut naman papunta doon?" Nag-igting ang bagang ko. "Hindi ko kasalanang masyado siyang bob* para ibintang sa akin ang mga maling desisyon niya sa buhay!" singhal ko.

Natahimik si Alferes. Maging si Jaxx ay walang sinabi at tahimik lang na nag-drive.

Hindi nagtagal ay narating namin ang sitio. Kapwa kami binaba ni Jaxx sa eskina papunta sa Apartment House. "You sure you don't want to have dinner at my house?" tanong nito.

"Nakakahiya naman sa asawa mo no? Wag na. Nakuha mo na ang gusto mo sa kin diba? Ano pa bang gusto mong makuha liban sa LLP? Sabihin mo na sa akin nang magkaalaman na," inis kong sambit. Kanina pa ako nakukulitan sa isang 'to.

Nagkibit-balikat siya at nagpaaalam. Tinaas niya ulit ang glass window ng passenger door saka pinaharurot ang sasakyan tungo sa bahay na tinitirhan nila dito sa Sitio. Naiwan kami ni Alferes dito sa gilid ng kalsada.

Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin kaya tinaas ko ang kilay. "May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Sorry kanina," sabi niya saka nag-iwas ng tingin. Nagkamot pa siya ng batok. "Hindi ko alam kung anong nangyari at agad kong pinanigan si Katerina."

Humalukipkip ako at ngumisi sa kaniya. "Hindi ko naman ini-expect na papanig ka agad sa babaeng 'yon. Pero wag kang mag-alala dahil alam ko namang crush mo ang babaeng 'yon."

"Jemima?" takang tanong niya. "Wala naman akong sinabing ganiyan."

"Halata naman," sabi ko saka humakbang palampas sa kaniya. "Hindi mo kailangan mag-expain. Pero sa susunod, doon ka na sumama sa bruha na 'yon."

Nag-jog siya sa tabi ko. "Hindi ko crush si Katerina. Sinabi ko na noon diba? Ikaw ang gusto ko pero ayaw mo namang maniwala."

"Well, di katiwa-tiwala pagmumukha mo, Alferes."

"Aray. Sakit mo namang magsalita," kunot-noong sabi niya sa akin. "Manhid ka lang talaga."

"Alam mo naman pala eh."

Natahimik kami pagkatapos non hanggang maabot namin ang Apartment House. Nandoon na ang iba at kami lang hinihintay para maghapunan. Kaya sabay kaming kumain lahat.

Kinabukasan ay naisipan kong mag-impake. Wala na sa akin ang LLP, wala rin namang maga-alala sa akin sa lugar na iyon. Isa pa, tanging kurso ko sa community college lang naman ang kailangan kong tapusin sa lugar na iyon. Kaya gusto kong makipagsapalaran sa lungsod.

"Jemima! Jemima!" bigla kong narinig ang malakas na boses ni Nicanor sa labas ng gate ng Apartment House. Nang dumungaw ako sa ibaba ng bintana ay nakita ko nga ang magaling kong ama na mukhang nagising sa maling parte ng kama. Nakapameywang siya at hindi matapos-tapos ang pagtwag niya sa pangalan ko.

Naging isang linya ang mga labi ko. Naisip ko nalang na lumabas ng kiwarto, bumaba, at magpakita kay Nicanor.

"Suwail na babae! Binenta mo ang LLP? Wala pang isang taon nang mamatay si Mama at hindi ka na makapaghintay? Binenta mo pa sa taga-lungsod!" sigaw ni Nicanor sa labas ng gate at dinuro-duro ako gamit ang nanginginig niyang hintuturo.

Dalawang metro ang layo ko mula sa gate at hindi ko sinubukang buksan ang gate dahil alam kong susugod si Nicanor sa akin. Humalukipkip ako. "Ano naman?" tanong ko. "Sa akin nakapangalan ang titulo. Ako ang may-ari. May magagawa ka ba kung gusto kong ibenta?"

"Lintek na bata ka! Sana hindi sa yo pinamana ni mama ang LLP!"

"Sabihin mo yan sa puntod ni Teresita!" sagot ko.

"Aba't!" Mabilis niyang tiningnan kung nasaan ang lock ng gate.

May balak yatang pumasok si Nicanor. Mabuti nalang at dumating is Alferes at sinuway ang magaling kong ama. "Tito, ipapa-baranggay kita pag umapak ka sa loob ng gate."

Mukhang natakot naman si Nicanor. Siyempre, bilang Campus direktor, kailangan niyang i-maintain ang reputasyon niya kung hindi magiging laman siya ng usap-usapan ng mga tao sa Sitio at mawawalan ng credibilidad mga salita niya.

"Ikaw na babae ka! Umuwi ka sa bahay!" sigaw ni Nicanor.

Tumaas ang kilay ko. "Papauwiin mo lang ako pag gusto mo akong parusahan? Not thank you."

"Aba't sumasagot-sagot ka pa---"

"Papa!" biglang sambit ng pamilyar na boses.

Pagtingin ko sa malayo ay nakita ko sina Darina kasama si Catliya na papalapit kay Nicanor. Nang makalapit si Catliya kay Nicanor ay bigla itong yumakap. "Papa, wag na kayong magalit kay ate Jemima."

Para akong masusuka habang pinagmamasdan ang 'masayang' pamilya sa labas ng gate. Akala ko ay magpapatuloy pa sila sa pagppaakitang-tao pero biglang bumaling sa akin si Darina. "Tingnan mo! Napakalandi ng batang yan! Sa bahay ng lalaki umuuwi! Hindi na nahiya sa kapitbahay. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao?"

"Hello, ayos lang ka lang? Kayo ang sumugod dito. Wala naman akong sinabing magpunta kayo rito ah?" tanong ko at umirap.

"Umuwi ka na!" sigaw ni Nicanor.

"Papa. Hindi uuwi si ate Jemima. Hayaan na natin siya. Wag kayong pa-stress kay ate Jemima," sabi ni Catliya.

Ngayon lang yata ako natuwa sa bruha. Dahil sa sulsol ng dalawang babae ay napilitang umuwi ni Nicanor. Lalo pa't medyo marami-rami na rin ang nakikinood sa drama sa labas ng gate.

Hanggang sa mawala sila sa paningin ko ay nanatili pa rin ako sa puwesto ko. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.

Minsan ko nang naisip kung... ama ko ba talaga si Nicanor?

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.