CHAPTER 31

Naghahanda si Celestine para pumasok sa kanyang eskwela, hindi siya pumayag na mag-home schooling dahil kasama naman daw niya si Kian na laging handa umalalay sa kan’ya tatapusin lang daw niya ang semestre bago siya huminto, tulad ng sabi ng mga kuya niya dahil nag-aalala sila para sa kalagayan ni Celestine at anytime ay mawawala ang kaniyang ala-ala.

Sabi ng doctor na tumingin kay Celestine ay may mga oras daw na wala siyang maalala at babalik sa normal, pero palala raw ng palala habang tumatagal ito. Severe na ito dahil matagal na pala ang sakit niya na hindi niya nalalaman. Naisipan naman ni Celestine na tawagan si Wallace dahil nangako itong susunduin siya. Nakakailang ring na pero hindi pa nito sinasagot ang tawag niya, ibababa na sana niya ng bigla na nito sagutin ngunit babae ang sumagot nagtaka naman siya kung sino ito.

"H-hello si Doctor Wallace po?”

"Ah nasa shower lang siya, masyado rin kasi siya napagod kagabi kaya ngayon lang siya___” hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng babaeng kausap ni Celestine. Pakiramdam ni Celestine ay unti-unting naninikip ang kaniyang dibdib dahil feeling niya niloloko na siya ni Doctor Wallace.

Nakaupo siya sa gilid ng kaniyang kama at tahimik na humihikbi. Maya-maya ay nagpasya na siyang lumabas ng kaniyang kuwarto at mag-isa na lang papasok sa eskwela.

"Ma alis na po ako," paalam niya sa kaniyang ina na nagliligpit sa kusina.

"Sandali lang anak hindi ba't susunduin ka ni Wallace? At saka maaga pa naman”

"T-tumawag po siya ma hindi niya raw ako masusundo dahil may naghihintay daw na pasyente emergency daw," pagsisinungaling niya.

"Ah gano'n ba anak? Kaya mo ba anak?” May himig ng pag-aalala ng kaniyang ina.

"Ma kaya ko naman po, saka kung sakali mang sumumpong ang sakit ko makikita naman nila ang pangalan at address ko.

"Ihatid na lang kaya kita? O kaya tawagan mo si Kian?”

"Ma! Hindi na ko bata!” Sigaw ni Celestine na ikinagulat ng kaniyang ina.

"Sorry ma," tumalikod na si Celestine at nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay.

Wala siya sa kaniyang sarili na naglalakad sa gilid ng kalsada. Wala siyang balak pumasok dahil naiisip niya ang babaeng sumagot ng telepono ni Wallace. Sino kaya yon? Iyon ba ‘yong ex niya? Nagkabalikan na ba sila? Ayaw na ba niya sa'kin? Hindi na ba niya ako mahal? Mga tanong na pumapasok sa isipan ni Celestine.

Namalayan na lang niya na nasa lumang simbahan na pala siya kung saan napadpad siya noong panahong wala siyang maalala. Umupo naman siya sa upuang bakal at pinagmasdan ang mga batang masayang naglalaro sa kaniyang harapan.

Napapangiti siya sa tuwing makikita niya ang mga ngiti ng mga bata kahit simpleng bata lang sila ay masaya na sila, at walang iniisip na problema samantalang siya ay hindi alam kung kailan tuluyang mawawala ang kaniyang ala-ala. Kung sana napagtanto niya na ganito na pala ang sakit niya e ‘di sana mas lalo niya pa pinagtuunan ng pansin ang kaniyang pamilya. Wala na huli na ang lahat lalo na sa kanila ni Doctor Wallace.

WALLACE POV

Lumabas ako ng banyo na si Arianne ang nabungaran ko at nakaupo sa gilid ng aking kama. Nilagpasan ko naman ito at pumunta sa aking closet para magpalit ng damit, alam ko na sinundan niya ako dahil sa tunog ng kaniyang takong. Hinarap ko naman siya at kita ko ang abot tainga niyang ngiti.

"Ano bang problema mo ha Arianne? Bakit mo ba ginagawa sa'kin ito?”

"Dahil mahal kita Wallace"

"Well, I don’t love you anymore!” Tinalikuran ko na siya at mabilis akong niyakap nito mula sa aking likuran kaya napapikit na lang ako ng mariin.

"Iwan mo na siya please, at magsimula tayong muli. Tayo ng anak natin. Hindi mo naman siya makakasama habang buhay hindi ba?” Nagulantang ako sa kaniyang huling sinabi kaya napaharap ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat at mariing isinandal sa pader. Galit ko siyang tinitigan pero siya nakangisi sa'kin na para bang may alam ito kay Celestine.

"Anong sinabi mo?”

"Alam kong may sakit siya dahil narinig ko kayong nag-uusap nila tita Shayne, mamamatay na rin naman pala siya bakit hindi mo pa iwan?!” Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kaniyang braso at mariing idinikit sa pader na siyang ikinangiwi niya.

"Damn you Arianne! Wala kang karapatang sabihin yan! Dahil kahit ano pang sabihin mo tungkol sa kan’ya, hinding-hindi ko pa rin siya iiwan!”

"Talaga ba Wallace? What if malaman niya na alam mo na ang sakit niya at sabihin kong naaawa ka lang sa kan’ya kaya mo siya pinagtyatyagaan?” mas lalo akong nagalit dahil sa kaniyang sinabi. Baliw na talaga itong babaeng ito, lahat gagawin niya makuha lang ang gusto. Hindi ganitong Arianne ang nakilala ko noon.

"Subukan mo lang Arianne dahil oras na sabihin mo ‘yan kay Celestine hinding- hindi ka na makakatuntong dito sa pamamahay na ito at sapilitan kong kukunin si Lance sa’yo, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin Arianne!” Matapos kong sabihin iyon ay pabalagbag ko siyang binitawan at kinuha ko ang aking mga damit na isusuot at iniwan na siya sa loob ng aking kuwarto. Inihatid ko muna si Arianne at Lance sa kanilang bahay bago ko sunduin si Celestine sa kanila.

"Sige po daddy salamat po sa paghatid,” wika sa'kin ni Lance, samantalang si Arianne ay nauna nang bumaba ng sasakyan kaya naiwan naman kami ni Lance sa loob.

"D-daddy m-may gusto po sana akong s-sabihin sa inyo," napatingin naman ako sa may likuran kung saan siya nakaupo.

"What is it Lance?” Napansin ko ang pagdadalawang isip niya kung sasabihin ba niya o hindi.

"Ang totoo po kasi niyan, h-hindi k-kita__”

"Lance! Halika na pumasok ka na sa loob!” Tawag ni Arianne na nasa may pintuan ng kanilang gate kaya naputol ang anumang sasabihin ni Lance. Mabilis naman itong bumaba at kumaway pa sa'kin bago pumasok sa loob ng kanilang bahay. Habang nagdi-drive papunta kina Celestine ay tinatawagan ko naman ito gamit ang aking headset para makapagmaneho ako ng maayos. Ilang beses ko ng di-nial ang kaniyang numero pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Kaya nagmadali akong nagmaneho papunta sa kanila.

"Hi mama Celicia, si Celestine po?” Bati ko nang makapasok na ako sa kanilang bahay. Naabutan ko naman si tita Celicia na nagkakape sa salas at parang malalim ang iniisip.

"Ikaw pala Wallace, wala na si Celestine rito kanina pa umalis akala ko ba hindi mo siya masusundo kasi may biglang emergency ka raw sa ospital?” Takang tinitigan ko naman ai tita Celicia.

"Po? Wala po, usapan namin na lagi ko siyang ihahatid sa school wala naman po akong sinasabi sa kaniyang gano’n.

"Pero kasi ayon ang sinabi niya, saka nagtataka ako sa kaniya hijo, ni minsan hindi niya ako pinagtaasan ng boses kanina lang noong nagpumilit akong ihatid siya dahil nag-aalala ko sa kan’ya baka biglang mawalan na lang siya ng ala-ala," kinakabahang turan ni tita.

"Teka lang po tatawagan ko," kinuha ko kaagad ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon at tinawagan si Celestine ngunit hanggang nagyon ay hindi pa rin nito sinasagot.

"Ano na hijo? Hindi pa ba niya sinasagot?” Umiling lang ako.

'Naku Wallace baka kung ano na ang nangyari sa kan’ya," naalala ko naman na may inilagay pala ako sa cellphone niya na tracking device kung sakaling kailanganin. Nagtaka ako ng malaman kung nasan siya ngayon.

"Mama nakita ko na po siya"

"T-talaga nasan siya hijo? Sasama ako sayo.

"Huwag na po dumito na lang po kayo, ako na po ang bahala kay Celestine ‘wag na po kayong mag-alala.

"Sige hijo sana walang nangyaring masama sa kan’ya"

Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan at sinusulyapan ko ang aking telepono para masiguro na naroon pa rin siya sa lugar na iyon. Ipinarada ko kaagad ang aking sasakyan at nagmamadaling lumabas.

Nakita ko naman siya kaagad dahil nasa bungad lang siya nakaupo at parang malalim ang iniisip nito. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kan’ya at naupo sa kaniyang tabi. Napatingin naman siya sa'kin nang naramdaman niyang umupo ako sa kaniyang tabi. Gulat niya akong tinitigan.

"P-pano mo n-nalamang nandito ako?” Nauutal niyang saad habang nakatitig sa'kin.

"Tinuro ka ng puso ko," umiwas naman siya ng tingin pero ako sadyang nakatitig pa rin sa kan’ya. Akala ko hindi niya ako makikilala.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi mo ako hinintay? Saka nagsinungaling ka kay mama Celicia, bakit?” Hindi siya sumagot at nasa malayo ang tingin.

"Baby"

"Mahal mo pa ba ako?” Garalgal niyang boses. Nangunot naman ang noo ko sa kaniyang tanong. Alam na ba niya na alam ko na ang sakit niya? Napalunok naman akong bigla dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

"Baby mahal na mahal kita and you know that"

"And then why?!” Sigaw niya sa'kin na ikinagulat ko. May nagawa ba ako? Anong ibig niyang sabihin?

"Baby ano bang sinasabi mo?” Umiiyak naman siyang tinitigan ako. Shit! Ano bang nagawa ko? Bakit siya nagkakaganito?

"Akala ko ba hindi mo ako lolokohin? Akala ko ba mahal mo ‘ko? Pero bakit Doc Wallace?” Humihikbi siya habang nakayuko.

"Hindi kita niloloko Celestine, I swear! Simula nong nanligaw ako at naging girlfriend kita, ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang lokohin ka, dahil mahal na mahal kita"

"Pero bakit babae ang sumagot sa telepono mo?” Napaawang naman ako at tumaas ang isang kilay ko? Napayuko ako at naalala na nasa kuwarto ko nga pala si Arianne nang lumabas ako ng banyo at nagkataon na tumatawag si Celestine at si Arianne ang nakasagot.

"Its Arianne baby, hindi ko alam na nasa kuwarto ko siya ng lumabas ako ng banyo. But believe me hindi kita niloloko at wala akong balak na lokohin ka,” hinawakan ko ang kanang kamay niya at pinagsiklop ang aming mga kamay.

"H-hindi mo ko iiwan?”

"I won’t leave you Celestine, god knows how much I love you," niyakap naman niya ako ng mahigpit na parang ayaw na niya akong pakawalan.

"I believe you baby, and I love you too," napahagulgol naman siya at hinarap ko siya. Pinunasan ko ang kaniyang mga luha at hinalikan sa noo.

"I promise baby i'll stay by your side no matter what"

Kahit araw araw akong masaktan kakayanin ko makasama lang siya. Makasama ang babaeng mahal na mahal ko at sa huli ay iiwan rin ako.

NovelBrush

Discover and read light novels, web novels, Korean novels and Chinese novels online for free. Novelbrush offers hundreds of English translated titles across every genre — updated daily with new chapters. Start reading now, no signup required.

Genres

© 2026 Novelbrush. All rights reserved.